Chapter 21 . KIDNAP?

*Ryle POV*


"What?! No!" Napangiwi ako dahil sa sagot ni Luke.

"Grabe ka naman makasigaw"sabi ko sakanya. Huminga siya ng malalim at tumingin sakin.


"How in the world you have thought of that stupid kidnapping?" sabi niya pero sinamaan ko siya ng tingin.


"Kung hindi natin yun gagawin.. hindi na talaga mag kikita si Ailee at si Renzo. Lalo na at laging nakabantay yung nanay niyang hilaw." sabi ko kaya nanahimik siya.

I'm not doing this for them. I'm doing this for Ailee, gusto kong malinawan na siya sa feelings niya. They need to talk and sort things out.


"Fine.. but this is the last time that I will tolerate this kind of thinking" sabi niya kaya tumakbo ako at yinakap siya.


"Thank you!" sabi ko habang kayakap siya. Tumawa siya at yinakap din ako.

"I don't know why we're helping you.. its like betraying James" sabi niya sakin. Napaisip ako..


Hindi ko pwedeng sabihin ng deretso ang hinala ko na si James pa din ang mahal ni Ailee.

"Yup, I know.. I'm sorry but trust me. This will be worth it." sabi ko habang nakayakap parin sakanya.


Bumitaw ako sakanya at hinawakan niya ako sa mukha. Nakatitig lamang ako sakanya. Linapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan ako sa noo. Lalo akong napangiti dahil doon.

"Okay.. Go back there now." sabi niya at nag paalam na ako.



Dahil wala akong magawa at hindi pa ako inaantok ay pumunta muna ako sa labas at nag lakad lakad. Natigilan ako ng may maramdaman ako. Nanginig ang tuhod ko at mabilis akong naglakad pero narinig ko ang mabibilis na yapak sa likod ko. Shit.

Napahawak ako sa puso ko. I'm just being paranoid.


Kinakabahan na talaga ako.. ano ba to? Hindi ko na namalayan na may humila sakin at napatulog ako dahil sa amoy.



*Tin POV*

Magkakasama kaming lahat sa may living room. I was browsing my phone.


"Guys? Nasaan si ryle?" tanong ni sab. Napalibot yung mata ko.. wala nga si ryle.

"Ailee.. call her" sabi ko. Dali-dali naman kinuha ni ailee ang phone niya. Linoudspeaker niya to.


Aalis sana si Luke, maybe to find Ryle pero hinawakan siya sa kamay ni Nico at pinigilan 'to. Hindi naman dapat magpadalos-dalos.


"Hello Ailee"biglang may sumagot.. at kung hindi ako nag kakamali. 

Damn this! Napatayo ako dahil doon. Sinubukan kong kunin ang phone pero hinawakan ako sa kamay ni Sab. Umiling siya.


"Lance?" sagot ni ailee. Napatingin ako kay Luke. Magsasalita sana siya pero umiling ako. Baka mahalata ni Lance na magkakasama kami.


"Kumusta ka na?" tanong ni lance kay ailee.

Fuck! Ang sarap niyang i-tapon sa dagat!


"Lance ano ba? Nasaan si ryle?" tanong ni ailee. Napaupo ako muli at humawak ng mahigpit sa kamay ni Sab. This guy is crazy!

"Hindi ba pwedeng mag kumustahan muna tayo? Naging magkaibigan din naman tayo noon diba?" tanong ni lance na halatang nangiinis.

I-papamental ko 'to!


"Noon yon.. when we thought that you are a friend" sabi ni ailee. Tumawa naman si lance at halatang hindi rin niya nagustuhan ang sinabi ni Ailee.


"Well.. kung ganon. May ipaparinig ako sayo" sabi ni lance. Mas lalo akong kinabahan. Humigpit din ang hawak sa akin ni Sab.


"Let me go! I hate you!" narinig namin ang boses ni Ryle. Halatang nahihirapan na siya. Napatakip ako sa bibig ko to stop myself from speaking. Hindi na napigilan ni luke at kinuha niya yung phone.

Huminga siya ng malalim.


"Bullshit! Don't you dare touch her!" sigaw ni luke. Tumawa naman si lance.

"Well.. look who's here. I told you that I will stay away from her if you will also stay away from her but you broke your promise.. so deal with this Scott" sabi ni lance at binabaan kami ng phone.

Napasigaw muli si Luke at akmang aalis pero pinigilan siya ni Nico.

"We need to think Luke. Think." aniya kaya napaupo si Luke.


"Anong gagawin natin?!" sabi ko at lahat kami nagkatinginan. Napatakip nalang ng mukha si luke.


"I know na guys!"sabi ni sab at lahat kami tumingin sakanya.



*Ryle POV*


Ang sakit ng katawan ko. Hindi ako tumatanggap ng pagkain simula kahapon. Nakatakip pa yung mata ko. 

Narinig kong may pumasok.. kinabahan ako bigla. Kahit minsan ay hindi man lang nag normal ang tibok ng puso ko. I was so guarded. Inalis nung pumasok yung mga piring sa mata ko.. unti-unti nag adjust yung mata ko sa light.. pero hindi yun ang importante. Kaharap ko ngayon ang lalaking pinaka kinamumuhian ko.


"Hi Babe.." sabi niya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"I'm not a pig" sabi ko at nag roll eyes.

"Feisty.. hindi ka naman ganyan dati ah.. You are so sweet. Dinadalhan moko ng food sa klase. Sinasamahan moko sa mga basketball practice ko. You are my no.1 fan right?" sabi niya sakin. Napaluha ako noong sinabi niya yon. Noong mga panahon na yon.. sobrang saya namin.


Marahan akong napahalakhak sa sinabi niya. I don't know kung para saan ang mga luha ko.

"You're right.. pero sinira mo lahat yon" sabi ko sakanya. Nawala bigla yung ngisi niya.

"Don't act like that. Nagiinarte ka lang naman eh. Malapit na tayong ikasal noon and soon dadating din tayo sa point na yon so anong problema doon?" sabi niya sakin at umupo sa harapan ko.

Huminga ako ng malalim at sinamaan siya lalo ng tingin.


"The problem is.. it is against my will! Don't you get that?! And I hate you for that"Tumaas na ang boses ko. Ngumisi naman siya.

"Hate is a big word babe" Wika niya. Ngumisi din ako, I can't believe I loved this man years ago.


"First of all I told you that I'm not a pig. Second, I know that it's a big word but third I don't mind using that big word if it's about you." sabi ko sakanya. Bigla niya kong sinampal. Naiyukom ko ang mga palad ko.


"I'm sorry! I didn't mean to hurt you" sabi niya sakin. Tumingin ako sakanya. Tinignan ko siya ng puno ng pait at poot.


"You're crazy!" sigaw ko pero tinakpan nanaman niya yung mata ko.


Luke.. nasaan kana?


*Ailee POV*


"I'm going crazy!" daing ko.. kanina pa namin tinatrack yung phone ni ryle pero wala kaming makuha.

"Tin anong problema?" tanong ni Sab. Napatingin ako kay Tin. Lumuluha na pala siya.

"Naisip ko lang.. baka ano ng ginagawa ni Lance sakanya.. maybe.. maybe hindi na kayanin ni Ryle." sabi ni Tin at tuluyan ng umiyak.


"Don't cry.. hindi magugustuhan ni Ryle to. Let's be strong for her. Ang kailangan natin gawin ngayon ay hanapin siya" sabi ko pero napayuko din ako.. paano nga namin siya hahanapin?


"Ailee.. I'm glad you're back.. I'm mean the old Ailee is here. Yung pagiging most matured sa amin." sabi ni sab. Yinakap ko naman silang dalawa.

"We need to bring Ryle back" sabi ko at lahat kami nag katinginan.


Napaisip ako.. if I were Lance at may sapak ako sa ulo. Saan ko ba siya dadalhin? Saan ba nangyari ang insidente dati..


"The basketball court sa old school natin dati!"sigaw ko. Lahat kami kinuha ang phones namin at kinontact sila Luke. Damn!


*Ryle POV*


"PAKAWALAN NIYO KO DITO!" kanina pa ako sumisigaw pero parang walang makakarinig sakin.

"SHUT UP! No one will here you!" sabi ni Lance.. para na siyang baliw.

Para siyang drug addict.


"Alam mo ba.. hindi na ikaw yung lalaking minahal ko dati" sabi ko sakanya. Tinignan niya ako ng masama. Linapitan niya ako at mabilis na sinampal. That's the second! Ano bang akala niya sa akin?!

"HOW DARE YOU!" sigaw ko sakanya pero ngumisi lang siya.

"Minahal dati? Bakit nasaan ba yung minamahal mo ngayon? Tingin mo kaya ka niyang sagipin?" sabi niya sakin. Ngumisi din ako..

"Oo.. kasi siya, lahat gagawin niya para sakin.. para maging ligtas ako. Hindi tulad mo na walang ginawa kundi saktan ako." sabi ko sakanya habang nakangisi. Mukhang galit na siya..


"Fine.. let's see about that. Tignan natin kung gaano ka kamahal ng sinabi mong hindi ka sasaktan." sabi niya at lumabas na. Napahikbi nalang ako..


Luke, I'm scared

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top