Chapter 2 . Forgotten

"Some things can be only explained by the heart"


*Tin POV*


I was stuck. Hindi ko alam paano o anong gagawin ko. Lahat kami nag madali itakbo si ryle sa hospital. Kaagad naman siyang pinasok sa operating room. Puro dugo! Damn it! Napatakip ako nang mukha. Tinawagan na rin nila Ailee sila Luke.

"Where is she?!" dumating na si Luke kasama sila Charles. 

Napakagat ako sa labi ko. He look so frustrated. Kami nga ay halos hindi kayanin to, paano pa si Luke.

"Nasa operating room na siya" sabi ko at naiyak na. Nakakatakot.. alam ko ang pakiramdam niyan. Para kang mag-isa na lumalaban sa hindi mo alam ang patutunguhan. I've been there and it hurt so much.

"It's okay.. it will be okay" bigla akong yinakap ni charles. Napailing ako at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya.

"Let's just.. wait here first" sabi ni ailee. Umupo na muna kami sa mga upuan sa gilid doon.

Bawat minuto na dumadaan ay pakiramdam ko lalo akong kinakabahan. What is taking her so long Damn Ryle! Fight! 


"Where is my daughter?!" Napalingon ako sa mommy ni Ryle. Napatayo ako nang makita sila ni Tito.

"She is in the operating room tita" sabi ni sab. Humagulgol siya kaya mabilis namin siyang dinaluhan.

"Oh my.. my daughter. She is so fragile, I dont know what I will do if there is something that will happen to her." sabi ni tita. I nodded.. I just nodded with every word that she said.

Tinayo namin siya at pinaupo muna sa gilid. Si tito ay umalis at kakausapin ang mga kilalang doktor.


After 5hours...


"Family of Ryle Harris?" Napatayo ako sa pagtawag sa amin ng Doktor. I felt Sab's hand. Hinawakan niya ako na para bang natatakot din siya sa maririnig niya.

"Okay na siya.. naging successful ang operation." Para akong nabunutan ng tinik sa narinig ko. Napangiti ako at napayakap kay Sab.

"Thank God!" sabi ni tita. Lumingon ako kay Luke na napasandal sa pader.

"But.." 

"Siguradong.. may effect ito. Sa lakas ng pagkakatilapon niya at sa aksidenteng natamo niya.. masama ang madudulot nito sakanya. Let's just wait for her to wake up. Doon lang natin malalaman kung okay ba siya o hindi" sabi ng doktor. Tumango ako kaya nagpaalam na siya.

Napaupo ako at napahawak sa kamay ni Sab.

"Atleast she's okay.. yun lang naman ang importante" liningon ko si Luke. Alam kong may tiwala siya kay Ryle. Masyado siyang mahal ni Ryle at hindi siya iiwan nito.

Hiningi na namin yung room kung saan linipat si ryle. Lahat kami kinakabahan sa pagpasok.

"My daughter" Nagmadaling lumapit si tita at yinakap si ryle, sinundan naman siya ni tito. Napakaputla ni Ryle. It's as if she's there pero wala talaga.

Lahat kami .. naghihintay sa paggising niya. Si tita at tito umuwi na muna para makapag pahinga si tita. Kami nalang ang natira doon.

"Everything will be okay bro."sabi ni james kay luke. Napatingin ako kay luke pero hindi ko mabasa ang iniisip niya. 


Tumayo siya at lumapit kay Ryle. Umupo siya sa tabi nito at hinawakan ang kamay niya. He held her like his life depended on it.


*Ryle POV*


Ang sakit ng pakiramdam ko. No that is an understatament, sobrang sakit ng katawan ko. Unti unti minulat ko ang mga mata ko. Puti ang una kong nakita, ilang beses ko pinikit-bukas ang mata ko bago ko nakita ng malinaw ang paligid. Linibot ko ang tingin ko at nakita ang mga kaibigan ko sa gilid na may kasamang mga lalaki.

"Ryle!" sabay sabay silang lumapit sakin. Ngumiti ako ng marahan. 

Natigilan ako nang hawakan ako ng isang lalaki. I felt something tugged my heart. Sumikip ang dibdib ko at pinagmasdan ko siya. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Ano ba kayo? okay lang ako. Bakit ka nga ba ako nandito?" tanong ko sakanila. Hindi ko maalis ang tingin ko sa lalaking 'yon.

"Naaksidente ka" Nakuha ng isang lalaki ang atensyon ko. Nakahawak siya sa bewang ni Tin.


"Sino ka?"

Napasinghap silang lahat sa tanong ko. What?

"Bakit?" tanong ko ulit. Napahawak sa akin si Ailee. Humigpit naman ang hawak sa akin nang lalaki sa tabi ko kaya napatingin ako sa kamay niya.

"Hindi mo ba naalala si luke?" tanong sa akin ni sab. Napa-angat ako ng tingin sa lalaking 'yon. His eyes send shiver down my spine. Tinuro ko siya at tumango sila.

"I never met him before.." halos hindi ko masatinig 'yan. I was just looking at him.

"Pati sila James? Nico? Charles? Hindi mo maalala?" tanong nila sakin. Nagugulahan ako. Lahat sila ay napatingin kay Luke. Napalingon ako muli sa lalaking 'yon at napaawang ang labi ko.


He was crying! Why the heck he is crying?!

"Ano ba kayo? Hindi nga sabi" sabi ko sakanila. Lumapit ako sa lalaking 'yon at naglebel ng tingin sakanya. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko at pinunasan ang luha niya.

I don't know what came in to me.. I just felt the need to do that.

"Can't you remember me?" halos pabulong niyang sinabi. Napakagat ako sa labi ko.. I don't want to disappoint the guy in front of me pero hindi talaga.


Marahan akong umiling at napatingin kila Ailee na walang kibo.


"Hindi mo ba kami maalala ryle?" tanong nung isang lalaki sakin. Sab was leaning on his shoulders.

"No.. I never met you before" sabi ko. Biglang pumasok ang doctor kasama si mommy.

Ngumiti ako at kita ko rin ang saya sa mukha ni mommy.

"Ryle!" Biglang inalis ni Luke ang pagkakahawak niya sa akin. I felt different..


Mabilis na lumapit sa akin si mommy at yinakap ako.

"May mga napansin na ba kayo sakanya?" tanong nung doctor sakanila. Umupo sa tabi ko si mommy at hinawakan ako sa kamay.

Pero naguguluhan ako.. mom and I were not okay. Bakit siya nandito ngayon? Maybe because she's worried?

"Hindi niya po matandaan sila james" sabi ni sab. Walang nagbago sa ekspresyon nang doktor. Tumango lang ito at tinignan ang papel na hawak niya.

"Ito na ang sinasabi ko..  she had a selective amnesia. Particular person, events may be forgotten." Ako? Amnesia? Ano bang nangyari sa akin?

"Sige lalabas na muna ako. Ill check on her later." sabi nung doctor at lumabas na.

"Ryle.. ako? Do you remember me anak?" tanong ni mommy. Natawa naman ako at tumango. Some parts are blurry but I remember her talking to me on my bed. She's asking for forgiveness but some parts, I can't really remember.

"Of course ma" sabi ko at yinakap siya.

"Kung hindi mo kami makilala. Mag papakilala nalang kami" napatingin ako dun sa mga lalaki. Napataas ang isang kilay ko.


"I'm Charles Stanly.. boyfriend ni Tin." napaawang ang labi ko. Boyfriend ni Tin? Kailan pa nagka boyfriend si Tin?

Pumikit ako para subukang alalahanin. Damn. Some parts.. are really blurry. Napadilat ako ng mata at huminga ng malalim.

"I'm James White. Kaibigan nila Charles.. at kaibigan mo rin." What? 

"I'm Nico landford, may ari ng hopital na 'to at fiance ni Sab." Okay this is too much! Fiance?! May fiance ang kaibigan ko?


Napalingon ako sa lalaking tinatawag nilang Luke. He was just seating at the corner while intently looking at me. 

"Who is he?" tanong ko at kita ko ang pagigting ng panga niya.


"Luke Scott. Your fiance." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top