Chapter 13 . Can I have this dance
*Ryle POV*
Napadaing ako. Kanina ko pa sinusubukan matulog pero hindi ako makatulog! Nakakainis! kakasabi ko lang kanina na kakalimutan ko muna ang feelings ko!
"Nakakainis! He is invading my mind!" sabi ko sa sarili ko.
Para na akong tangang kinakausap ang sarili ko. Napahawak ako sa puso ko, pati ito ay hindi pa bumabagal.
"It's just a kiss! My gosh! Nagkakaganito ako dahil lang sa ganon? What the?!"naiinis na talaga ako.
Napahawak pa ako sa labi ko. I can still feel his lips on mine..
"Ryle!" biglang may sumigaw sa pintuan.
"WHAT?!" tanong ko at pumasok si ailee, tin and sab sa kwarto ko.
"What?" tanong ko ulit.
Pinutol nila ang pakikipag away ko sa sarili ko.
"Kung ayaw mo matulog.. magpatulog ka naman" sabi ni Tin sakin at lumabas na sila. Tinakpan ko nalang yung mukha ko ng pillow.
Nakakahiya!
"Oh? Ryle? Bakit ganyan ang mata mo?" tanong ni sab sakin. Kumakain kami ng breakfast ngayon.
Kumunot ang noo ko.
"Ah? Ano?" tanong ko sakanila. Tumayo si Sab at kinuha ang salamin sa gilid ng sofa.
"Oh.. tignan mo. Yung eye bags mo isang sako na ng bigas" sabi ni Tin. Napatingin naman ako.. paano ba naman. Hindi kasi ako nakatulog.
Kasalanan 'to lahat ng Luke na 'yon.
"Hinalikan lang ni Luke, hindi na nga nakatulog" sabi ni sab at narinig ko ang paghalakhak nila. Sinamaan ko sila ng tingin.
Hindi naman 'yun ang problema! He is invading my whole being!
"By the way guys.. mag kakaroon ng 25th anniversary ang company namin. Invited lahat ng big companies." sabi ni Ailee.
"Yeah.. I heard that. Mamaya na yon diba?" tanong ko. Damn.. so busy.
"Yup. So.. let's see each other later" sabi ni Ailee. Tumango ako at uminom ng milk.
"Wait.. is that the masquerade ball?" tanong ni sab.
What's with the masquerade? Bakit kailangan pa ng ganon? Isa lang naman ang gagawin don. We will just talk about business.
"Yup.. we will remove the masks when the clock strikes at midnight" sabi ni ailee samin.
Napangiwi ako. Anong kalokohan 'yon?
"Oh! That is so cool!" Wika ni Tin. Hindi ko na sinatinig ang iniisip ko dahil excited na excited sila.
"I know right" sabi ni ailee.
*Ailee POV*
"Maam?" biglang pumasok ang secretary ko sa office ko. Natigil ako sa pagpipirma dahil doon.
"Yes?" tanong ko habang nakatingin parin sa pinipirmahan kong papers.
"Nagpumilit po siyang pumasok. Sorry po ma'am" sabi niya. Napatingala naman ako.
Napatayo ako.
"James?" nagulat ako. Matagal tagal ko na din siyang hindi nakikita. Isa lang ang masisigurado ko.
I still care for him but Renzo.. may Renzo na ngayon na kailangan isipin. Speaking of Renzo.. hindi ko pa siya nakakausap.
"Ailee.. Can we talk?" tanong niya sakin. Tumango naman ako. Naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko.
"Sige.. iwan mo na muna kami" sabi ko sa secretary ko. Lumabas naman siya.
Tinungo ko ang sofa at umupo doon. Umupo din siya sa tabi ko.
"What can I do for you?" tanong ko sakanya. Nakatitig lang kasi siya sakin. His stares are giving me the little butterflies.
"I just want to say goodbye" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
"Saan ka naman pupunta?" tanong ko sakanya. Ngumiti siya sa akin at naramdaman kong unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko.
The feels..
"Sa states.." bigla siyang tumayo at hinila niya ko.. bigla niya akong yinakap.
"Ailee.. thanks for everything. I wanted to tell you that I still love you.. and I'll always will. Don't forget to call me when you need me. I hope that Renzo won't hurt you and I know that he won't" Napapikit ako dahil sa sinabi niya. Bumitaw siya sa akin at nanikip ang dibdib ko dahil doon.
"Thanks james.. thanks for everything. Have a safe trip.. I hope you can find the right one there.."
Ngumiti ako sakanya.. kasabay non ang pagguho ng puso ko.
GoodBye James.. Thank You..
*Sab POV*
"I'm so sorry.." kaharap ko ngayon si nico.
"Anong magagawa nung sorry mo?" seryoso kong tanong sakanya.
Nanlalambot ako dahil sa titig niya.
"I really need to do this" sabi niya sakin. Tumango ako sakanya..
"Then I am sorry too.. I also need to live my own life." sabi ko at akmang aalis na pero nagsalita siya muli.
"Please understand.. I need to go to states with James. Don't worry Charles and Luke will still be here. They will be our bridge" Umiling ako sa sinabi niya. Hindi nalang kami simpleng mag kasintahan.. we're getting married soon! Damn it!
"Bridge? Those two can't even handle their own relationship then you will tell me that they will be our bridge. No thanks... okay lang naman sakin na umalis ka pero yung walang kasiguraduhan kung babalik ka pa.. sobra naman yun." sabi ko at tumakbo na papasok ng condo.
Napasandal ako sa pintuan ng condo.
Lagi nalang.. bakit ganito?
*Ryle POV*
Simula nang nakarating na kami sa venue.. ay nakaupo lamang ako. Umupo kami sa VIP's seat. Kahit anong gawin kong pag lingon ay wala akong makilala dahil sa mga maskara. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.
Ngumingit lamang ako sa bawat taong dumadaan.
"May I have this dance?" sabi ng isang lakaking naka maskara. Tumango naman ako.
Inalok niya ang kamay niya at tinanggap ko 'to. Nagulat ako sa sensasyong dulot 'non sa akin.
Nung linagay niya ang kamay niya sa bewang ko.. I felt that I am safe. It feels like he knows me and I know him. We danced in the music.. slowly, it feels like we are just the one who are dancing. It felt we are floating.
Nakatingin lang ako sa mata niya. His darkbrown eyes.. nakakaintimidate. Bumilis ang tibok ng puso ko, nakaramdam ako ng kakaiba, at ang kakaibang 'yon ay sa isang tao ko lang nararamdaman. Nararamdaman ko lang 'yon sa lalaking humalik sa akin kahapon. Kung tignan niya ako ay parang ako lang din ang nakikita niya. Natigilan ako nang may tumulong luha sa mga mata niya. Kalahati lang ang maskara niya kaya kita ko sa ilalim ang tumulong luha.
Bigla kong narinig na natapos na yung music. Pagkatingin ko sakanya ulit, hinalikan niya ko sa pisngi ko.
Bago pa man ako makapagsalita. "It's now twelve in the midnight and the highlight of this this event is to remove the masks when the clock strikes at twelve so let's remove it all together" sabi nung MC.
Kinakabahan ako..
Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Bahagya siyang ngumiti kaya bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Ano ba 'to?
"Remove!" sigaw nung MC at lahat ng tao nagsitanggalan ng maskara nila.
Unti unti.. tinaggal nung lalaki yung mask niya, ganun din ako.
Pag tanggal ko nung maskara ko at lumingon ako sakanya ay namilog ang mata ko.
"Luke.." mahina kong tawag sa pangalan niya.
Lalong lumawak ang ngiti niya.
Hinapit niya ako muli.. this time, it was closer. So close that I can't even breath.
"I was right.. It was you"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top