Chapter 1 . Sealed
"Some things are meant to be .. "
*Ryle POV*
Napangiti ako nang makita ko ang sinag ng araw. It's monday, pupunta kami ngayon sa kompanya para mag start na sa pag handle nito. It's such a wonderful day for me.
"Ryle!" napabalikwas ako sa kama. Rinig na rinig ko ang boses ni Sab na mukhang sumigaw mula sa unang palapag.
"What?!"
Tumakbo ako pababa ng hagdan. Muntik pa akong mahulog buti nalang at nakahawak ako. Prenteng naka upo ang mga kaibigan ko sa sofa. Napa facepalm nalang ako dahil akala ko naman importante ang sasabihin nila.
"We need to face our responsibilities. Let's just meet each other later at lunch okay?" sabi ni ailee at tumango ako. It's first day pero nanghihina ako, I don't know why though. Siguro napagod ako sa gig namin kagabi.
"Im so Excited!" saad ni Sab.
I smiled at her. Kinuha ko na ang mga pinggan at ako na ang naglagay sa kusina nito. Mamaya dadating ang maglilinis. Ayoko man siya iwanan ng dumi pero oras na. Pumasok na kami sa kanya-kanyang mga kwarto namin at nag ayos na. It's first day so we should look presentable.
"Me.. I'm nervous" sabi ko sakanila. Kumunot ang noo nila sa sinabi ko. Why? Is it wrong to be nervous?
"Bakit naman?" tanong ni ailee. Nagkibitbalikat ako at kinuha ang susi ko sa taas ng lamesa.
"Ewan ko.. bigla akong kinabahan." Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Kinuha ko ang heels ko at sinuot na iyon.
"Asus! 'Wag ka ng magisip ng ganyan."wika ni Tin. Ngumiti nalamang ako at sinabit na ang bad ko sa balikat ko.
Biglang nagring ang phone ko at tinignan ko ang message. Mabilis naman akong napangiti doon at parang nawala ang kaba ko. Heck! Hanggang ngayon ay iba pa rin ang dulot sa akin ng lalaking 'to.
From : Luke Scott
Take Care
My very Cold Prince. Pasalamat siya at mahal ko siya.
"Sus! matuwa ka na. Minsan lang magtext si luke."sabi ni tin. Napabuntong hininga ako, ano pa nga ba? Totoo naman 'yon tsaka isa ito sa mga minahal ko sakanya. Ang mag-effort siya na mag text sa akin ay laking pasasalamat ko na.
"Sige na! We need to hurry!"
Pagkatapos namin magka-ayos ni Luke, naging okay na ang lahat sa akin. It was wonderful. Masaya ako with my parents, friends and of course.. with him. Walang dumaan na araw na hindi ako inspired. Punong puno ang puso ko ng pagmamahal.
*Sab POV*
"Sab? Asan yung Hair iron?" tanong ni tin sakin. Tinaas ko ang buhok ko at pinusod iyon. I should look mature para hindi nila ako isipin na anak lang ng may-ari.
"Don't know. Hindi naman ako nag he-hair iron eh" saad ko at pinasadahan sa salamin ang mukha ko. That's good. Okay na 'to.
"Okay thanks" sabi niya at lumabas na ng kwarto.
Biglang nagring ang phone ko. Napataas ang kilay ko nang makita ko kung sino ang tumatawag.
Calling: Landing ko
"What?" tanong ko. Ang ganda niyang asarin ngayon.
"Nothing.. it's just I missed you" Lihim akong napangiti sa sinabi niya pero hindi niya pwedeng malaman na nakikipag karera nanaman ang puso ko dahil sakanya.
"Okay. Don't care" sabi ko. Gusto ko nang tumawa pero pinigilan ko.
"Okay"
What the heck? Hindi niya man lang ako tatanungin kung okay lang ako? Kung may problema ba? Aba't! Nakuntento at panatag na ata siya.
"Joke lang! Grabe ka talaga." saad ko sakanya at nag-suot na ng heels.
"It's just a joke?" tanong niya.
"Yup, why?" tanong ko at kinuha na ang bag ko.
"Pupunta na sana ako diyan para suyuin ka eh"
Shit! Is he for real? I'm just so lucky huh?
"Landing.. mamaya nalang. Paalis na kasi ako niyan para mag start sa kompanya namin" sabi ko sakanya. I grabbed my car keys.
"Okay. I Love You" Hanggang ngayon kahit araw-araw niya akong sinasabihan ng ganyan ay hindi ako nagsasawa. Lagi pa rin akong kinikilig.
"I Love you more" sabi ko at in-end na ang call.
"LETS GO!" Napapitlag ako sa narinig kong sigaw ni Tin.
"YUP!" sabi ko naman at nagmadali nang lumabas.
"Asan si ryle?"tanong ko sakanila. Linibot ko ang paningin ko pero wala pa siya.
"Susunod nalang siya sa parking" sabi ni ailee at tumango ako. Lumabas na kami at tumawid ng street.
Sa kabilang street kasi yung parking at hinintay si Ryle. Nagmadali ako pero pwede naman palang humabol.
"I can't believe na magtatrabaho na tayo and until now.. magkakasama pa rin tayong apat. "sabi ni ailee. Natawa naman ako sa sinabi niya. Ailee can be really sweet if she wants to.
Sa mga nagdaang taon ay magkakasama pa rin kami, sa lahat ng napagdaanan namin ay kami-kami pa rin ang nagdadamayan and I am happy because of that.
"Ano daw bang position niyo?" tanong ni tin.
Actually kung ako ang papipiliin ay ayoko sana na pumasok sa business namin. I'm fine with fashion and managing our boutique pero kailangan daw ni kuya ng tulong so I said yes, I will help.
"Ako .. ilalagay daw ako ni dad as director agad" Napatango naman ako sa sinabi niya.
"Omg! Same." saad ko.
I am happy na okay na sila ng dad niya kahit hindi masyadong maganda ang nangyari sa relasyon ng mommy niya at dad niya. If I were her.. hindi ko rin alam ang gagawin ko.
"Me three!" dagdag ni Tin. Of course! Mag ka-kaibigan ang mga magulang namin. Pare-pareho ang utak ng mga 'yon.
"Si Ryle oh!"
Napalingon ako sa harap at nakita si Ryle na patawid. Ngumiti ako pero mabilis din iyong nawala.
*Ryle POV*
Nakita ko na sila sa kabilang street. Kumaway ako sakanila at tumakbo pero nahulog ang kwintas ko sa gitna. Bumalik ako para kunin 'yon. Mahalaga ito sa akin at hindi ko hahayaan na maiwan to.
"Ryle!" narinig kong sigaw nila kaya napatingin ako sakanila. Ngumiti ako pero napatingin ako sa gilid ko at nakakita ako ng malaking ilaw.
Naramdaman ko ang panglalambot ng katawan ko.
Gusto kong gumalaw pero parang napako ako sa kinatatayuan ko.
Hindi rin ako makasigaw.
Naramdaman ko nalang na tumilapon ako at nakarinig ako ng ambulansya.
Isa lang ang lumitaw sa paningin ko bago mag dilim.. it was my love. Luke Scott.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top