Chapter 6
"Guys! Kumain muna tayo bago kayo mag-sing along d'yan!" tawag ko sa kanila. Nagkakasiyahan na kasi agad ang mga bruha.
Agad naman silang nagsitayuan.
"Yay! Gutom na rin ako. Lafang muna tayo, guys," sabi ni Florence.
"Taralets, mga besh!" muling tawag ko.
Tumayo na rin sina Mae, Mylene, Rosie at Jen. Sumunod sila sa amin ni Florence sa kusina, habang si sheena, levy, grace at loriene naman ay may bitbit ng pagkain papuntang sala. Napangiti na lang ako. Sabagay, hindi kasi kami kasya sa loob ng kusina.
"The best ka talagang magluto, Precious. Ang sarap naman nitong tukwa't baboy na ginawa mo," komento ni Mylene. Sunod-sunod ang subo nito sa ulam at ang isang kamay ay naka-thumbs up pa.
"Dahan-dahan lang, baka mabulunan ka!" Natawa na lang ako habang pinagmamasdan siya.
"Aye! Puwede na ngang mag-asawa 'yan eh!" sabat naman ni Mae, sabay ngiti sa akin.
Sa totoo lang, masaya talaga ako sa mga papuri nila. Pero, bukod doon ay mas natutuwa ako kapag nakikita kong nakangiti sila, para bang natatanggal ang mga kalungkutan ko sa buhay na hindi ko maibahagi sa kanila.
"Sus! Kumain na nga lang kayo. Baka lumaki lalo ang ulo ko sa mga papuri n'yo," sagot ko naman sa kanila. Muli kong ipinagpatuloy ang aking pagkain na may ngiti sa mga labi.
"Ahm, maiba lang ako. Hindi ba kayo natatakot sa boarding house na ito? Kayong dalawa lang ng pinsan mo rito, 'di ba?" tanong ni Rosie.
Ibinaling ko ang aking tingin kay Rosie, at nahuli ko siyang sinusuyod nang tingin ang palibot ng kusina.
"Hindi naman, safe naman dito...'yon nga lang malayo sa mall, pero okay lang naman," sagot ko. Nang ilibot ko ang aking paningin sa kanilang lahat ay sa akin na pala nakatuon ang kanilang mga mata.
"Bakit? Sobrang ganda ko ba talaga't lahat kayo nakatingin sa 'kin?" natatawang tanong ko sa kanila.
Ang epic naman kasi ng mga mukha nila, lalo na si Rosie. Nahuli ko pa silang nagtinginan ni Mae. Ano'ng mayroon sa dalawang 'to?
"Wala ba kayong ibang nararamdaman dito?" tanong naman ni Mae.
Natawa ako. "Anong ibig mong sabihin?" Medyo nagulat lang ako sa tanong niya.
Biglang tumikhim si Mae, "Like... something creepy, ghost, mumo, white lady or black lady?"
Malakas na tumawa si Florence dahilan para mabaling ang atensiyon namin sa kanya. "Naniniwala ka sa mga ghost? Seriously? Sa mga movies at horror books lang meron niyan!" turan niya.
"Agree ako d'yan, besh... unless, magparamdam sila sa atin ngayon, baka maniwala pa ako!" pagsang-ayon naman ni Best, kasunod ay ang malutong niyang tawa.
Pumalatak ako, "Tama na nga 'yan, baka magdilang anghel ka, at bigla silang magparamdam sa 'tin," sabi ko sa kanila. Mahirap na baka magkapikunan pa sila at masira ang birthday ni Florence.
"So—it means... meron ngang multo rito?" tanong ni Mae na nanlalaki ang mga mata.
Natawa ako. "Wala! Nagpapaniwala ka sa mga ganyan." Hindi naman talaga ako sure kung mayroon ngang multo or what dito sa bahay. Pwede kasing iyong mga narasan ko noong mga nakaraang linggo ay dala lamang nang malikot kong imahinasyon, guniguni lang kung baga, wala pang proof na totoo. Isa pa, hindi ako basta naniniwala sa ganyan.
Mayamaya ay biglang sumigaw nang malakas si Best, dahilan para mapalingon kaming lahat sa kanya.
"Putang-ina ka!" malutong na mura niya, sabay lundag mula sa kinauupuan.
Agad namang bumunghalit ng tawa si Levy na nagtatago pala sa likod ng upuan ni Best. Napailing na lamang ako habang nakatuon ang paningin ko sa kanilang dalawa.
"Peace..." Nag-peace sign siya kay best sabay ngiti. "Matatakutin ka pala!" ani Levy.
"Ang sama mo! Nakakainis ka, Levy!" aniya sabay hablot sa buhok ni Levy na hindi pa rin maawat sa kakatawa. "Tangna mo! Muntik na kong maihi! Akala ko kung sino nang humawak sa binti ko! Tragis na 'yan, ang lamig pa naman ng kamay mo, busit ka!"
"Naririnig kasi namin ang mga pinag-uusapan n'yo... Matatakutin ka naman pala, eh!" ani Levy na nakahawak sa tiyan, at nagpipigil sa pagtawa.
Napailing na lamang ako habang pinapanood silang dalawa.
"Tama na nga 'yan!" awat ni Florence.
"Total tapos na tayong kumain... tara magkantahan na tayo," sabat naman ni Sheena.
Agad silang nagtulakan papunta sa sala. Muli akong napailing habang nakasunod sa kanila.
Dinampot agad ni Florence ang microphone at kinanta ang paborito niyang kanta na mukhang kanina pa nai-saved. Ibinirit niya ang kanta ni Tiffany na 'All This Time' at bigay todo ito habang nakataas pa ang kaliwang kamay.
Habang kumakanta si Florence, lumapit naman sina Mae at levy galing kusina. May dala na silang baso, pulutan, ice cube, at dalawang jumbong Red Horse.
"Teka! Saan galing 'yan," tanong ko. Wala naman kaming biniling ganoon, e.
Tumawa si Jen. "Malamang, besh, sa tindahan 'yan galing!" aniya.
Sinamaan ko siya ng tingin. Alam kong doon iyon galing. Bruha rin talaga ito minsan, ang sarap batukan.
"I mean, sino ang may da—?"
"Kaming dalawa," sagot ni Levy sa sabay turo kay Sheena na busy sa paglalagay ng beer sa mga baso. "Dalawang case nga 'yang binili namin!" nagmamalaking sabi niya.
"Ang dami, ah! Balak ninyo bang magpakalunod sa alak?" ani Florence na nakangiti, at katatapos lang kumanta.
"Yeah! Lulunurin ka namin sa alak, to the highest level! Go! Go! Go!" sigaw ni Lorraine.
"Mas okay na 'yun, kaysa naman mabitin tayo, oh divaaah!" sabat naman ni Grace at itinaas pa ang hawak na baso.
Muli akong napailing. Bakit ko ba naging kaibaigan ang mga lasinggerang ito? Sa huli, napangiti na lang ako habang pinagmasdan sila na ubod ng saya.
"Para sa birthday girl, umpisahan na natin ang inuman... " ani Jen, "... cheers!"
"Cheers!" Sabay taas namin ng aming mga baso.
Nagpatuloy ang kantahan, inuman, at nagsayawan pa ang mga bruha.
Hindi naman ako masyadong uminom kasi alam kong malalasing silang lahat. Hindi ko naman sila puwedeng pabayaan na lang.
Mag-aalas dos ng madaling araw nang natapos ang party namin. Naglatag ako ng comporter sa sala, para kina Grace, Sheena, Mylene at Lorraine. Si Levy naman sa sofa na lang nahiga. Binigyan ko na lang siya ng kumot.
Habang sina Florence at Best Jen naman ang nasa kwarto. Naglatag din ako sa ibaba ng kama para kina Rosie at Mae.
Knockout ang mga loka. Ang lalakas kasing uminom. Muntik na ngang maubos ang dalawang case ng red horse, may wine pa. Ang lakas ng trip. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan silang mga nakabulagta sa higaan. Kinuha ko ang cellphone ko, saka ko sila kinuhanan ng litrato.
* * * *
LEVY
Nahihilo na ako kaya humiga na lang ako sa sofa. Langya. Naparami ang inom nmin kaya tuloy sumasakit itong ulo ko. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata, ngunit mayamaya ay narinig ko ang mga yabag palapit sa akin. Ilang sandali lang ay may naglagay ng kumot sa akin. Iminulat ko nang kaunti ang aking mga mata at nakita ko si Precious na inaayos ang kumot at pagkatapos ay umalis din agad siya.
Unti-unti na akong tinatangay ng antok pero muling bumalik ang diwa ko nang... parang may mali, eh!
Nanatili akong nakapikit habang pinakikiramdaman ang paligid. Tahimik na. Tulog na ang lahat. Ngunit, unti-unting gumagalaw ang kumot na nakatakip sa akin. Tang-inang 'yan. Pinagtitripan yata ako ng mga kasama ko.
"Sheena, 'wag mong hatakin ang kumot ko—tangna hindi ako natatakot, ha!" sabi ko at muling hinatak pataas ang kumot. Alam kong siya ang may gawa dahil siya lang naman ang malapit sa akin at nakahiga sa sahig.
Mayamaya ay naramdaman ko na naman na hinahatak nang dahan-dahan ang kumot sa may gawing paanan ko.
"Ano ba—tatadyakan talaga kita kapag 'di ka tumigil d'yan!"
Hindi naman siya sumagot. Mabuti naman at tumigil din siya sa pantitrip!
* * * *
ROSIE
Naalimpungatan ako nang maramdaman ang malamig na palad na humaplos sa aking ulo at mukha.
Iminulat ko ang aking mga mata nang dahan-dahan. Tumingin ako sa aking ulunan pero wala namang tao roon. Ibinaling ko na lang ang aking tingin sa katabi ko. Mahimbing ang tulog ni Mae at naghihilik pa nga ito habang nakayakap sa unan. Umupo ako at sinilip kung sino ang nakahiga sa kama. Bahagya kasing nakalaylay ang kamay niya ngunit nakatapat naman iyon sa aming paanan. Sina Precious, Florence, at Jenny ang magkatabi at mahimbing na natutulog.
Huminga ako nang malalim. Kung ganoon, sino ang humaplos sa aking ulo at mukha? Tiningnan ko ang orasan sa ibabaw ng side table, pasado alas-tres ng madaling araw. Bigla na lang nagsitayuan ang mga balahibo sa aking katawan. Para bang may mga matang nakatingin sa akin. Hinatak ko ang kumot ni Mae at agad na nagtalukbong.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top