Epilogue
Epilogue
Ella's Point of View
My sight was blurry as soon as I opened my eyes. White. Everything is white. Everything I see is white. I squinted so that my eyes could adjust.
Napagtanto ko na nasa infirmary na naman ako. Nakita ko si Flynn sa bandang kanan na nakaupo sa pulang sofa. Nakayuko at nakacrossed-arms siya at tila natultulog ito. May bandage na nakabalot sa kanyang kanang braso pati sa kaliwang kamay.
Bigla kong naalala noong una akong napunta rito sa infirmary. Siya rin ang una kong nakita pagkagising ko. Napangiti na lamang ako at tinignan si Flynn.
Ngunit paano ba ako napunta rito? Ano ba'ng nangyari?
Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas. Iniluwa nito si kuya Arch.
"Gising ka na pala," ngumiti siya at nilapitan ako. "You okay?"
Tumango ako at tinitigan ang gwapong mukha ng kuya ko. Ang kinis ng kuya kong ito, nahiya ang surface ng muka ko.
Umupo si kuya Arch sa upuan katabi ng hinihigaan ko.
"Ano palang nangyari?" tanong ko at sinubukang bumangon. Agad na tumayo si kuya Arch at inalalayan akong sumadal sa headboard.
"You passed out, sabi mo nahihilo ka." He answered and got back to his seat. I nodded. "You were asleep for about 13 hours." Lagpas 12 hours na pala akong tulog.
Lumingon siya sa likuran at tininignan si Flynn.
"He's been here for hours," he said.
"Ha?"
"Kagabi pa nandito ang batang 'yan," tinignan niya si Flynn. "Your boyfriend."
"Ha?"
"Sinabi namin sa kanya na magpahinga, but he insisted na siya na magbabantay sa'yo. Look Ella," mas naging seryoso ang kanyang mukha. "Hindi kita pinagbabawalang mag-boyfriend, pero kailangan niya paring dumaan sa'kin."
"Ha?"
"Ha ka nang ha. Naiintindihan mo ba sinasabi ko?" medyo naiinis na tanong ni Kuya Arch.
"Sorry kuya," tinignan niya lang ako. "Pero pa'no ni'yo po nasabing boyfriend ko siya?"
"He told me," tipid niyang sagot. Nag-init na lamang ang mukha ko. Tinignan ko si Flynn. Nag-isip ako para ibahin ang topic.
"Si Clark!" medyo napasigaw ako. "Kamusta na siya?"
"He's okay, wala naman siyang nakuhang serious injury. May konting gasgas lang siya sa noo."
"Sigurado ka kuya?" naalala ko kung paano tumulo ang dugo sa kanyang mata. Hindi naman pwedeng imagination ko lang 'yon. Tumango siya.
"Don't worry, he's okay. Everything is okay now," tinitigan niya ako. "Ella, alam kong alam mo na. Pero gusto ko paring humingi ng tawad sa'yo." Humugot nang malalim na hininga si kuya.
"Kami nila Gally at Dorth ang may kagagawan kung bakit nawala ang talino mo, kami ang nag-iinject ng serum sa'yo para pigilang lumabas ang talino mo. Tauhan din namin si Gab, kami ang nag-utos sa kanya na painumin ka ng tablet para makalimot," naalala kong bigla noong hinalikan ako ni Gab at pilit na pinainom ng gamot. "Sa ganoong paraan makakalimutan mo ang alaala mo na maaaring makapagbalik ng talino mo. Alam kong galit ka, at hindi kita masisi. Habangbuhay akong hihingi ng tawad sa'yo. Patawad," yumuko si kuya Arch.
Inabot ko ang kamay ni kuya at hinawakan ito. Nag-angat siya ng mukha.
"Ang drama mo kuya," ngumiti ako. "Hindi mo na kailangang magsorry. Oo, galit ako sa inyo noong nalaman kong kayo pala ang dahilan ng pagiging bobo ko. Kayo 'yong dahilan kung bakit madalas akong umiyak dahil sa pagiging mahina ng utak ko. Kayo ang dahilan kung bakit sumasakit ang ulo ko tuwing nag-aaral ako. Kayo ang dahilan kung bakit naiisip kong ampon lang ako, kasi naiiba ako sa inyo. Gusto ko kayong bugbugin lahat hanggang sa magsawa ako. Pero alam kong hindi ko kayo kakayanin. Galit ako sa inyo. Pero noon 'yon.," napatitig ako sa puting kisame.
"Pinapatawad ko na kayo," pinisil ko ang kamay ni kuya. "Alam ko naman na ginawa ni'yo lang 'yon para sa proteksiyon ko. At isa pa, kahit ano man ang mangyari, pamilya ko kayo."
Naging tahimik si kuya Arch.
"Hindi mo ba ako yayakapin?" tanong ko sa kanya.
"Ako?" tanong ni kuya Arch habang tinuturo ang sarili.
"Hmm. Sa napapanuod ko kasing k-dramas, nag-iiyakan at nagyayakapan ang mga bida pagkatapos nilang mag-sorry sa isa't-is—" agad na tumayo si kuya at mahigpit akong niyakap. Pinigilan ko ang luhang nagbabadya nang umagos at niyakap din siya nang mahigpit.
"How sweet," nagkahiwalay kami ni kuya Arch ng yakap noong narinig namin si kuya Charles. Nakatayo lang siya sa likuran ni kuya Arch.
"Charles," tumikhim si kuya Arch. "Kanina ka pa?"
"Yes! Kanina pa 'ko rito, at narinig ko ang lahat," ngumisi si kuya Charles. "Siguro naman kasali ako ro'n sa mga pinatawad mo?"
"Hindi," sabi ko at inirapan siya. "Hindi mo parin sinasabi ang dahilan kung bakit magkasabwat kayo ni Black."
"Aba! Hindi lang naman ako ang may sekreto rito, ah!" medyo napasigaw si kuya Charles.
"Ba't ka sumisigaw?" tanong ko na medyo sumisigaw na rin.
"Sumisigaw ka rin eh!" sagot ni kuya Charles.
"Tsss," inirapan ko siya.
"Ahh basta! Hindi lang ako may sekreto rito. Si kuya Arch din!"
"Dinamay mo pa 'ko," saad ni kuya Arch at tinignan si kuya Charles.
"Bakit? Sinabi mo na ba kay Ella ang dahilan kung bakit buhay ka pa ngayon? 'Di ba nakita ka niyang namatay ro'n sa maze?" kumunot ang noo ko at napatingin kay kuya Arch. Natahimik kaming lahat at hinintay na magsalita si kuya Arch.
"May tumulong sa akin—"
"Sino?" singit na tanong ni kuya Charles.
"Palihim akong tinulungan ni Black," hindi ko maitago ang gulat ko. "Siya ang nagpapatay sa akin pero siya rin ang tumulong na mabuhay ako. Pero may kapalit, humingi siya ng tulong sa akin na bantayan si President White. Magkapareho ng layunin si Black at President White, gusto nilang ibalik ang talino mo at pag-aralan ka. Pero napansin ni Black na may ibang binabalak si White, nais nitong kunin ang talino mo. Hindi ko pinaalam sa lahat na buhay pa ako, at humingi ako ng tulong kay Professor Loid para alamin ang mga binabalak ni White." Tinulungan siya ni sir Loid?
"There, I said it. Kaya masakit din sa akin ang pagkamatay ni Black," tinignan niya si kuya Charles. "You. Bakit magkasabwat kayo ni Black?"
This time kay kuya Charles naman ako nakatingin. Seryoso ang mukha ni kuya Charles.
"Noon paman ay hindi na ako sang-ayon sa ginagawa niyo kay ella, ang kunin ang talino niya. Alam kong pinoprotektahan niyo lang si Ella mula kay Black at White kaya ni'yo 'yon ginawa. Pero naisip ko kung tama nga ba talagang ipagkait natin kay Ella ang kung anong dapat sa kanya. Kahit delikado nakapagdesisyon akong tulungan si Ella. Bata pa lang siya ako na ang naging tutor niya kahit madalas akong naiinis dahil ang hirap niyang paintindihin. Binigyan ko siya ng challenge sa bahay kung saan ang mga tanong ay password ng school para pumasa siya sa Blue Moon High—"
"You mean ikaw ang dahilan kung bakit nandito si Ella sa Blue Moon High? Ikaw na mismo ang naglapit sa kanya sa kapahamakan," hindi ako sigurado kung galit ba si kuya Arch sa tono ng pananalita niya ngayon.
"Not really, hindi ko kasalanan na napunta si Ella rito. Dahil sa kagustuhan kong tulungan si Ella na bumalik ang talino niya, nakipagtulungan ako kay Black. Kahit alam kong delikado. Ella," tinignan niya ako sa mata. "Alam kong mahirap, pero sana dumating din ang araw na mapatawad mo ako."
Natahimik kami. Ngayon nalaman ko na ginawa lamang nila iyon para sa kapakanan ko. Lubha akong nagpapasalamat sa diyos dahil binigyan niya ako ng mga kapatid na tulad nila.
"Hug?" kuya Charles opened his arms. Umiling ako.
"No hugs," sabi ko kaya kumunot ang kanyang noo.
"Ang daya! Si kuya Arch may hug ako wala!" tinignan niya nang masama si kuya Arch. "Halika nga rito!" sabi ni kuya Charles at mahigpit na niyakap si kuya Arch.
Pilit na kumawala si kuya Arch at tila nandidiri pa ito.
"Niyakap mo si Ella kaya parang nayakap ko na rin siya mula sa'yo!"
"Charles! Get off me! You wanna die?!"
Napatingin ako kay Flynn na ngayon ay natutulog parin habang nakaupo. Grabe rin siguro ang pagod niya.
***
Three days later.
"Eh hindi mo naman kasi agad sinabi sa amin na 'yon ang mission mo, edi sana nagtulungan tayo," sabi ni Vanessa kay Kiara. "Unless gusto mong kayo lang ni Gab ang magtulungan?"
"Hoy hindi ah! Ano lang, tauhan si Gab ni Black kaya kami na rin ang nagtutulungan. Tsaka ngayon ko lang nalaman na spy pala si Gab nina king Albert. At isa pa magkaiba ang mission namin ni Gab, mission niyang protektahan si Ella at the same time tanggalin ang talino niya. Habang ako at si Max naman, mission namin ang ibalik ang talino ni Ella at bantayan din siya."
"Bakit ka defensive?" tinaasan niya ng kilay si Kiara. "Tsaka alam na namin lahat 'yan."
"Just. Just pointing things out," sabi ni Kiara.
"I just feel being left," sabi ni Vanessa at tinitigan ang baso ng tubig. Nandito kasi kami ngayon sa cafeteria, tumatambay. "Parang sa lahat ng nangyari ako 'yong walang role. Ako 'yong walang alam."
"Ako rin naman ah, wala akong alam sa lahat ng nangyayari until now," sabi ko, tinignan ako ni Vanessa at inirapan.
"Huwag mo kong dramahan, Ella. Ikaw ang bida rito," sabi ni Vanessa at sumubo ng chip.
"Ha? Bida ka dyan!" sabi ko.
"In the first place sino ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng nangyari?" natigil ako sa tanong ni Vanessa.
"Ako?" tanong ko at tinuro ang sarili. Tinignan ko si Kiara na kaharap ko. nagkibiitbalikat lang siya. Magkatabi kasi silang dalawa ni Vanessa.
Tumingin ako sa malaking pinto ng cafeteria at nakita ang tatlong Queens sa pumasok. Maaliwalas ang kanilang ngiti.
"Isa pa 'tong mga Queens na 'to. Gusto kong gumanti sa ginawa nilang pambubugbog sa akin. Pasalamat sila wala silang naalala sa lahat ng nangyari," napatingin ako kay Vanessa. Tama ang kanyang sinabi, walang naalala ang mga estudyanteng nakalaban namin sa gabing iyon.
Sabi ni kuya Gally under control daw sila sa serum na inenject sa kanila ni White sa gabing iyon.
At tungkol naman sa mga cranks, hindi namin alam kung ano ang tamang paliwanag pero bumalik lang sila sa maze at tila ayaw nang lumabas.
Atleast ngayon naayos na ang lahat.
Tumayo na kaming tatlo at nagtungo sa computer lab para sa meeting namin. May mission na naman kasi kami.
"How's everyone?" tanong ni sir Loid sa amin lahat. Nakaupo na kaming lahat sa aming upuan kaharap si sir Loid. Si Gab, Max, Kezia, Flynn, si Vanessa, Kiara at ako. "Bakit ang lapad ng mga ngiti niyo?"
Hindi kami umimik at nagkatinginan na lamang.
"May nangyari ba na hindi ko alam?" tanong ni sir Loid kaya napangiti nalang kami. "Anyways, let's just get straight to the mission. Tumaas na ang rank ng team ninyo kaya binigyan nila tayo ng medyo mahirap na mission. At sa mission niyong ito, kakailangnin natin ng batang hihiramin."
"You mean, may isasali po tayong bata sa mission na 'to, sir Loid?" singit na tanong ni Kezia.
"Exactly, at—"
"Sir!" nagtaas ng kamay si Vanessa. "May isusugest po kaming bata!" malapad ang ngiti ni Vanessa.
"Well, that's good. Kung gano'n hindi na tayo mahihirapang maghanap, and one more---" napatigil na naman si sir Loid sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto ng computer lab.
"Albert," ngumiti si sir Loid. "Naparito ka?"
Pumasok si kuya Arch, akala ko ay siya lang ang dumating nang pumasok din si Dorothy, kuya Gally at kuya Charles. Anong ginagawa ng mga 'to rito?
"Professor Loid, gusto sana..." tinignan ako sa mata ni kuya Arch. "Gusto sana naming sumali sa mission ni'yo ngayon."
Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ni kuya Arch.
"Narinig kasi namin na magiging mahirap ang mission nila ngayon, kaya naisipan naming sumali," paliwanag ni kuya Arch.
Sandaling natahimik si sir Loid. "King Albert, king Charles, King Gally at Queen Dorothy. Plus this team," tinignan kami ni sir Loid. "Not bad, I'm sure hindi na kami mahihirapan sa mission na ito."
"Umupo kayo at pag-uusapan natin ang mission," sabi ni sir Loid.
***
"Basta ate Ella tabi ako sa'yo, ha?!" tumango ako kay Clark at nginitian siya. "Una na ko sa van!" tumakbo si Clark at una nang sumakay sa van.
Dumating na ang araw na pinakahihinatay ko, ang araw ng mission. Sobra akong excited sa araw na ito dahil first time kong makakasama ang kapatid ko.
"Totoo ba 'tong nakikita ko? Magkasama sa mission ang tatlong Kings at Queen ng school?"
"Oo, ayon sa narinig ko sobrang hirap daw ng gagawin nilang mission kaya sila pinagsama."
"Gano'n ba? Ang swerte naman ng team na 'yan at nakasama talaga nila ang kings natin."
Narinig ko ang bulungan ng mga estudyante sa labas. Tama, maswerte nga kami na makasama sila.
Pumasok na rin kaming lahat. Ang mga kaibigan ko at ang mga kapatid ko,
"Yey! Yey! Sasama ako sa mission! First time ko 'to!" nagtatalon na saad ni Clark. Gaya ni Clark ay ramdam ko ang excitement ng mga kasamahan ko. Katabi ko si Clark sa kaliwa ko, uupo sana si Flynn sa kanan, katabi ko nang biglang nagsalita si kuya Charles.
"Hoy Flynn!" tawag ni kuya Charles. "Palit tayo, dito ka sa upuan ko at dyan ako sa tabi ni Ella."
Napakamot si Flynn at walang nagawa kundi ang makipagpalit ng upuan. Tumabi sa akin si kuya Charles.
"Aba't dumadamoves na itong si Flynn, ha. Walang magboboyfriend! Ella," ngumisi si kuya Charles. "Makikita mo kung gaano ako kagaling sa mission."
"Oo na magaling ka na," sabi ko nalang.
"Aalis na tayo," anunsiyo ni kuya Gally na siyang magiging driver namin.
"Lez go!" sigaw ni Gab at Max.
Nagsimula nang umandar ang sasakyan, tinignan ko ang lahat ng kasamahan ko. Lahat sila ay may ginanap na malaking parte sa buhay ko. Napangiti na lamang ako.
"Excited na ako sa next mission natin!" sigaw ni Vanessa.
Sumilip ako sa bintana, kakalabas lang namin ng gate. Bago kami nakalayo ay tinitigan ko pa ang pangalan ng paaralang naging malaking parte ng buhay ko.
'Blue Moon High'
The End.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top