Chapter 9: Rage

Author's Note:

Sino ba sa inyo rito ang mahilig sa horror at fantasy? Please support me sa bago kong story guys.

Fantasy - The Stone Bearers

Horror - Laro Tayo

Please read it guys if you have spare time. Yun lang, sige na bumasa na kayo.

______________________________

Gally's POV


Kanina pa lakad ng lakad si Dorth sa harap namin ni Charles habang si Charles naman ay kanina pa salita nang salita na magiging okey rin si Ella. Alam ko sa sarili ko na lumalala na ang sitwasyon, na mas nagiging delikado na ang buhay ni Ella.


Nakaharap ako ngayon sa laptop ni Charles habang pinapanood ko kung paano hilahin ng mga cranks ang walang malay na si Ella. Ang bata naman na Clark daw ang pangalan ay sumunod nalang sa paglalakad habang humihikbi pa ito.


Parang dinurog ang puso ko habang pinapanood ang batang umiiyak at ang walang malay kong kapatid. Naikuyom ko nalang ang kamao ko dahil wala akong magawa para iligtas ang kapatid ko.


Ginawa nila ito sa Ella namin, hindi nila alam ang binabangga nila.


Napaangat ako ng mukha at nakita kong patuloy pa rin si Dorth sa pabalik-balik na paglalakad habang si Charles naman ay nagpapaka busy sa pagkain ng chocolates. Alam kong nangangamba si Charles para kay Ella, lalo pa't sila ang pinakamalapit sa isa't-isa. Pero ayaw niya lang ipakita ito sa amin.


Sa aming lima, si Charles ang pinakamalihim sa lahat. Ayaw niyang pinapakita ang tunay niyang nararamdaman.


"Hindi niyo ba kukumustahin si Ella?" Tanong ko sa kanila pero tumingin lang sila sa'kin saka nagpatuloy sa kanilang ginagawa.



"Wala ba kayong ibang gagawin para mailigtas si Ella?" Tanong ko na naman pero tumingin na naman sila sa akin saka nagpatuloy sa kanikanilang ginagawa.


Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga inaakto ng mga kapatid ko. Tinaasan ko ang volume ng laptop saka ko finocus ang boses ng mga nag-uusap na cranks.


"Ano na? Hindi pa ba natin susunugin ang babaeng 'to?" boy 1.


"Huwag kang atat, hintayin na muna nating magising ang babaeng 'to saka natin siya susunugin. Para mas maramdaman niya ang hapdi at pasakit ng nasusunog." boy 2.


"Tama, hahahahahahaha."


Napakuyom nalang ako ng kamao habang pinapanood ang limang cranks. May dalawang babae at tatlong lalaki. Napansin ko rin sa gilid ng mata ko na napahinto sa kanilang ginagawa ang mga kasama ko sa kwarto.


"Eh kung gisingin nalang kaya natin ang babaeng 'to? Hindi na ako makapaghintay eh" - girl 1.


"Pa'no?" - boy 3.


Mas nanlisik ang mga mata ko nang makita ko ang sunod na nangyari.


"Wake up sleepyhead," pagkasabi ng babae nun, sinipa niya agad  si Ella. Napasigaw si Ella dahil sa gulat at sakit. Natataranta namang lumapit si Clark sa kanya.


"Ano? Gising ka na? Sumagot ka bitch!" Sigaw ng isang babae saka sinipa na naman si Ella sa tagiliran. Sumunod ang sigaw at ungol ni Ella ng nasasaktan. Nagsimulang umiyak ng malakas ang bata.


"Huwag niyong saktan ang ate ko!" sigaw ni Clark pero napapikit na lamang ako dahil sa galit sa sunod na nangyari.


Lumapit ang babae kay Clark at malakas na sinabunutan ang bata. Dahil sa pagsabunot ng babae, mas lalo lang lumakas ang pasigaw na iyak ng bata.


"Tahimik!" Sigaw ng babae pero mas lalo lang umiyak ng malakas si Clark.


"Hindi ka tatahimik?!" Sigaw ng babae at malakas na sinampal ang bata. Napahandusay ang bata sa sahig at kapansin pasin ang pagtulo ng dugo nito sa ilong. Klarong-klaro rin ang pulang marka nito sa kanang pisngi.


"Tatahimik ka lang pala pagsinaktan ka?!" Sigaw niya sa batang ngayon ay humihikbi na sa sakit at takot. Hindi ko napansing tumulo na pala ang luha ko nang hirap at nanginginig na gumapang ang bata patungo kay Ella habang pigil na umiiyak ito.


Niyakap ni Clark si Ella na ngayo'y nanghihina na.


"At ikaw naman babae! Gumising ka!" Sigaw ng babae at sinipa na naman si Ella, napasigaw ulit si Ella dahil sa sakit.


"Tulungan niyo nga ako rito!" Sigaw ng babae at tumulong na nga sa pagsipa ang apat pang kasama nito.


Napuno ng sipa si Ella at tanging naging tugon na lamang niya ay ungol at impit.


"Ate tumayo kaaaaaaa!" Umiiyak na sigaw ng bata.


Umalingangaw sa loob ng maze ang sigaw ni Ella at sumuka na lamang siya ng maraming dugo. Halos lumabas na ang ugat sa kamao ko dahil sa pagkuyom ko habang pinapanood ang pinagtutulungang si Ella.


Biglang nagshut down ang laptop. At nakita ko nalang ang kutsilyong sumapol sa screen ng laptop.


Napaangat ako ng ulo at nakita ko si Dorth na may hawak na kutsilyo sa kaliwang kamay niya. Kapansin-pansin din ang mga luhang tumutulo sa mga mata niya.


"H-hindi ko na kaya k-kuya. Hindi ko kakayaning marinig ang daing ni ate habang nandito tayo, ... w-walang magawa p-para mailigtas siya---" nakatayo na si Charles habang niyayakap ang humahaguhol na si Dorth.


Napaiwas nalang ako ng tingin habang pumapatak ang mga pinipigilan kong luha.


Kuya Arch, bilisan mo...




Arch's POV



Nagpalinga-linga ako sa paligid nang makapasok na ako sa loob ng maze. Nakakapanibago nga lang sa pakiramdam dahil unang beses kong pumasok dito.


Habang naglalakad ay sinusubukan kong ipasok sa memorya ko ang daan palabas para iwas ligaw. Malayo-layo na ang nalakad ko nang makaramdam ako ng presensya sa likod ko.


Nagpatuloy ako sa paglakad nang makakita ako ng tao sa kanan ko. Hindi ko siya nilingon at diretso lang ang tingin ko sa daan. Eksperto ko namang sinalo ang kutsilyong lumilipad na kanyang tinapon sa akin.


Nang mapasakamay ko na ang kutsilyo, mabilis kong tinapon ito pabalik sa kanya ng hindi tumitingin. Napasmirk nalang ako nang marinig ko ang kanyang daing.


Napahinto ako sa paglalakad nang may taong humarang sa harap ko. Napangiti siya, kaya agad akong yumuko nang maramdaman kong may lumilipad na kutsilyo sa likod ko.


Napaluhod ang lalaki sa harap ko dahil sa kanya tumama ang kutsilyo.


Napabuntong hininga nalang ako nang may umatake na sa likod ko habang sumisigaw.


"Hyaaaaaaaaaaa!!!" sigaw ng lalaki.


Umikot ako saka sinalubong ng sipa ang lalaking aatake na sa akin. Tumama ang sipa ko sa kanang pisngi ng lalaki. Ramdam ko rin ang malutong na pagtama nito at dahil sa lakas ng sipa ko, bumalibag ang lalaki sa lapag.


May lalaki na namang tumatakbo patungo sa akin habang inihahanda ang mataas na patalim. Mabilis kong kinuha ang kutsilyo ng lalaking nakahandusay sa harap ko at tinapon ito sa lalaki.


Bumaon ang kutsilyong tinapon ko sa kanang braso ng lalaki kaya napasigaw na lamang siya at nabitawan ang patalim na hawak.


Nakaluhod na ang lalaki kaya mabilis akong tumakbo at palipad na sinipa siya sa kanyang baba. Napahiyaw ang lalaki at diretsong nakatulog sa lapag.


Mabilis na naman akong tumakbo at may humarang na naman sa aking tatlong cranks. Walang ekspresyon akong lumapit sa kanila kaya patakbo naman silang lumapit sa akin.


Magkasabay silang tatlo na umatake sa akin at eksperto ko namang iniilagan ang bawat atake nila. Ibinaba ko ang aking katawan at paikot na sinipa ang binti ng lalaki kaya na-out of balance siya. Tumama ang ulo ng lalaki sa sementong pader kaya nawalan agad ito ng malay.


Mabilis agad akong tumayo at umilag na naman sa mga atake ng dalawang lalaki. Tumalon ako at palipad na sinipa ang mukha ng isang lalaki kaya diretso itong tumilapon at nakatulog.


Umilag na naman ako sa patalim na sasaksak na sana sa tiyan ko at malakas na sinuntok ang lalaki. Diretso siyang lumipad at napahandusay sa lapag.


Pawisan akong tumakbo nang mapatumba ko na ang tatlo. Nang lumiko ako pakanan ay may humarang na naman sa akin. At sa oras na ito, anim na silang humaharang sa akin.


"Nasaan si Ella?" Nagkatinginan naman silang anim nang marinig ang tanong ko.


Dahan-dahan akong lumapit sa kanila saka ulit nagsalita. "Saan niyo siya dinala?"


Sa bawat hakbang ko ay siya namang pag-atras nilang lahat.


"Sabihin nalang kaya natin?" - boy 1.


"Huwag," - boy 2.


"Mga sira ba kayo? Eh si King Arch 'yan eh," - boy 3.


"Mabuti naman at kilala niyo ako," sabi ko at napangisi.


Mabilis akong tumakbo at inatake sila isa-isa. Mabilis ang aking mga galaw kaya wala na silang mga oras para makapagreact pa. Napapatulog sila sa bawat sipa at suntok ko hanggang sa isang tao nalang ang gising.


"Nasaan siya?" Kalmadong tanong ko ngunit parang papatay na ang titig na binibigay ko sa kanya.


"H-hindi ko po alam King, wala po akong alam."


"Sigurado ka?" Panigurado kong tanong sa kanya.


"Opo King. Wala po talaga akong alam," maluhaluha niyang sagot kaya iniwan ko na siya at nagsimulang maglakad.


Napatingin ako sa gilid nang mata ko nang maramdaman ko ang lumilipad na kutsilyo sa likod ko. Mabilis akong umikot, tatama na sana sa mismong mata ko ang kutsilyo kung 'di ko ito nasalo.


Napailing nalang ako saka ko tinapon sa binti ng lalaki ang kutsilyo. Napahiyaw ang lalaki nang bumaon ang kutsilyo sa kanyang kanang binti. Nanginginig pa siya nang makita ang maitim-itim na dugo na tumulo sa kanyang binti.


Tumatakbo na ako ngayon ngunit tila napako ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang sigaw. At nakilala ko ang sumigaw.

Si Ella.


Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo mahanap ko lang si Ella. Ngunit hindi ko siya mahanap. Nag-eecho lang ang kanyang sigaw sa bawat sulok ng maze kaya hindi ako sigurado kung nasaan siya.


Patuloy lang ako sa pagtakbo nang may humarang na naman sa akin. Nag-iisa lamang siya kaya binilisan ko pa ang aking pagtakbo. Tumalon ako sa ere at idinikit ko ang dalawa kong paa at malakas ko itong binaon sa dibdib ng lalaki. Ramdam ko ang impact ng lakas nito kaya paatras na napasigaw ang lalaki at sumuka ng dugo.


Iniwan ko na siya at tumakbo na naman ako patungo sa pinanggalingan ng sigaw. Naikuyom ko nalang ang aking kamao nang makita ko na si Ella, pinagsisipa siya ng limang cranks.


Halos sumabog na ang utak ko dahil sa galit nang makita kong sumuka ng dugo si Ella.


Nanlilisik na rin ang aking mga mata sa oras na narating ko sila.


"HINDI KO KAYO MAPAPATAWAD!"



"PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!"




*****



Ayos lang ba ang update ko guys?

Maiksi ba?

May mamamatay sa next, next update guys. Hulaan niyo, LOL.

Salamat din sa pagbabasa.

Please vote and comment.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top