Chapter 8: G-tech Device

Ella's POV

My classmates started answering, all of them except me. Ano naman kasi ang isasagot ko? Binasa ko nalang ang instructions.

You are all White type in terms of cognitive, and this test is for GREEN type. This test is to TEST your ability to follow instructions. If you know the answer then answer it perfectly. But if you don't then DON'T! Reminder: FOLLOW INSTRUCTIONS.

Follow instructions daw. Kailangan iperfect kung alam mo ang sagot. Eh ano naman ang ibubuga ko rito? 1 hour lang ang test tapos 250 questions 'to lahat. Paano ko naman mapeperfect 'to? Siguro sila, pero ako?

After 20 minutes ay may isang lalake ang dumating. Pero 'di agad siya pumasok. Nakatayo lang siya sa may pintuan, tsaka gwapo siya.

"You're 20 minutes late iho. Sige na. Come on in and take the test. You still have 40 minutes. You're fortunate dahil mataas pa ang oras mo."

Mataas daw? Eh ang liit nga ng 1 hour 40 minutes pa kaya? Umupo 'yong lalakeng naka-eye glass sa tabi ko. (Oo naka-eye glass siya) 'Yon nalang kasi ang bakanteng upuan.

Nag-concentrate nalang ako. Baka kasi gumana 'yong sinasabi nila Nessa na lalabas ang talino ko gamit ang nararamdaman ko. Pero wala talaga. Sa sobrang konsentrasyon ko baka makautot lang ako. Pasintabi po,
sinulat ko nalang ang pangalan ko, wala kasi akong masulat eh.

After 35 minutes ay tumayo yung katabi kong lalaki. 'Yong gwapo nga? (kung makagwapo naman ako. Haha) pinasa niya agad ang papel niya.

Tapos na siya? 35 minutes lang ang nacover niyang time? Pagkatapos ay bumalik na siya sa upuan.

Siguro napapansin niyo, masyado akong updated sa oras. Wala kasi akong masagot eh. 5 minutes nalang at ni isang tuldok ay wala akong nasulat. Bahala na nga 'to. Baka sakaling paalisin na ako ng school kapag nalaman nilang bobo nga ako.

RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGG!

Pinasa na ng mga kaklase ko ang test papers nila. Pinasa ko nalang din iyong sa 'kin kahit wala itong sagot. Bahala na nga ang hangin.

Dumiretso na ako sa next class ko. Sa psychomotor type ang subject ko ngayon kaya makakasama ko sina Nessa at Kiara. Pareho kasi kaming Omega.

Naglalakad ako sa hallway kasunod no'ng lalake kanina sa first period ko. 'Yong sinasabi ko sa inyong gwapo? Oo siya nga. Nakapamulsa siya habang naglalakad nang nakayuko.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad at biglang humarap sa 'kin.

"Ahh. Miss pwede bang sabay na tayong pumasok?"

"Huh? Ah Okay lang naman," lumakad ako palapit sa kanya.

"Flynn Collins nga pala," sabi niya at inabot ang kamay.

"Ellizabeth, Ellizabeth Stern," tsaka kami nag-shake hands.

"I see, Omega ang ring mo. I'm also an Omega type kaya may posibilidad na magkaklase tayo," sabi pa niya habang nagsisimula g lumakad.

Wala akong masabi kaya nginitian ko nalang siya.

"Siguro ang talino mo, nakikita ko kasi 'yon sa'yo," ngiti-ngiting sabi niya. Ako? Matalino?

"Hindi naman sa gano'n. Mukhang ikaw nga 'yong talagang matalino hh. Bilis mo kayang natapos kanina."

"Ha? Ginaya lang naman kita kanina eh," sabi pa niya habang kinakamot ang batok. Ang cute niya, pero 'di ako nagpahalata na nacucutan ako sa kanya ha. Pero anong ibig niyang sabihin na ginaya niya lang ako?

Hindi ko na siya natanong kasi nakarating na pala kami sa room.

Pagkapasok ko ay agad na kumaway-kaway sa 'kin sina Nessa at Kiara. Ang lapad nga ng ngiti nila no'ng makita nila ako.

"Ella. Dito ka na umupo," sabi ni Kiara habang tinuturo ang katabing upuan. Lumapit na ako at umupo sa tabi nila.

"Hoy babae grabe ka, nakahuli ka agad ng malaking isda!" sabi pa ni Nessa.

"Ha? Isda?" Nalilito ko pang tanong, nakangiti lang nang malapad si Kiara. And Nessa? She just rolled her eyes.

"Ano 'yang lalake sa tabi mo? 'Yong kasabay mong pumasok dito?" lumingon naman ako sa tabi ko, si Flynn pala.

"Ha? Anong ano? Sino 'yan, hindi ano," kung makaano naman kasi itong si Nessa parang bagay lang.

"Edi sino. Pakilala mo kami dali!"

Liningon ko si Flynn at sakto namang tumingin siya sa akin.

"Ahh, Flynn. Kaibigan ko pala, ka roommate ko rin. Vanessa Steele and Kiara Lewis."

"Flynn Collins.," pagpapakilala ni Flynn tsaka sila nag-shake hands. Maya-maya pa'y dumating na si Ma'am kasunod ang tatlong lalaking may bitbit na white box.

"Good Morning class. I am Ms. Cassandra Clare Dizon." bati ni Maam sa amin, saka siya ngumiti. Ang ganda ni ma'am, panigurado titig na titig 'tong mga kaklase kong lalake. Haha.

"In our first meeting ay ibibigay ko muna sa inyo ang G-tech Devices ninyo," saka naman binuksan ng mga lalaki ang white boxes at isa-isa kaming binigyan ng cellphone. 'Yong parang iphone5 ang laki. Color black ito.

Ay bongga, namimigay ng cellphone.

"As you can see, that one is called G-tech Device. Inuulit ko, kung sa tingin niyo na 'yan ay isang cellphone, pwes nagkakamali kayo dahil hindi 'yan cellphone kung 'di isang G-tech Device." Madiin na pagkakasabi ni ma'am.

Ay. Sorry naman, nagkamali lang.

"Ang G-tech Device ay isa sa pinaka advance device na naimbento dito sa mundo. Marami itong kayang gawin. Mag track ng GPS, pumasok ng system, alamin ang mga nakatagong codes, unravel passwords at marami pa. For example."

May parang pinindot si Maam sa upper right corner ng phone at bigla itong lumaki.

"Wowwww," nasabi nalang ng mga kaklase ko. Tiningnan ko nga sina Nessa at Kiara, nakanganga. Sobrang namangha sila.

Kasi naman parang ang maliit na phone ay nag-transform into a bigger phone. Kung kanina ay cellphone size ito, ngayon ay tablet na.

Nakakamangha nga eh, para akong nanunood ng transformers.

"Isa lang 'yan sa nagagawa ng G-tech Device. Now another example."

Kinuha ni maam ang notebook niya sa bag at inilatag ito sa ibabaw ng tablet. Pinindot naman niya ngayon ang upper left switch at bigla nalang nawala ang notebook.

"Whoaa," manghang usual na naman ng mga kaklase ko. Pati nga ako nganga eh.

"Ang G-tech Device ay para na rin itong lalagyan nang maliliit na bagay gaya ng notebook, ballpen at kung ano pa. Pero may limitations ang nailalagay dito."

Bigla namang may nagtaas ng kamay.

"Maam."

"Yes?"

"Ahhm paano ho ba nilagay ang notebook sa loob ng G-tech Device at hanggang saang limitations naman po ang pwedeng mailagay rito?"

"Good question. Hindi literal na inilalagay ang notebook sa loob ng Device kung 'di itiniteleport ng Device ang notebook sa ibang dimension. At tungkol naman sa limitations. Binabase ito sa bigat ng naiteleport na bagay. 3 kg lang ang kayang iteleport ng Device and above this limit ay hindi na pwede itong makapag-teleport pa ng iba."

"Now, your turn."

Ginawa namin 'yong ginawa ni Ma'am. Mabuti nalang at tinulungan ako nila Nessa.

"Good. Dahil na transport niyo na ang notebook o pen niyo. Ngayon gusto kong ilabas niyo ito."

Mukhang medyo nahirapan sina Kiara kaya 'di agad nila ako naturuan. Paano ba kasi 'to? Tiningnan ko si Flynn at sakto namang inilapit niya ang upuan niya sa upuan ko dahilan para lumiit 'yong agwat naming dalawa.

"Iclick mo yung left icon," sabi niya habang tinititigan ang device ko. Sinunod ko naman ang sinabi niya.

Marami pa akong pinindot hanggang sa na-teleport ko pabalik ang notebook ko.

"Umm, thanks."

Tumango lang siya, saka ngumiti.

"Oh Ella, mabuti naman at na teleport mo na pabalik ang notebook mo."

"Next, I will teach you how to hack a system. Please take note that hacking is very important. We can hack passwords, codes, systems, specially informations."

Nag-present si Ma'am ng isang account and all we have to do is to enter the system and hack the password. Nagawa naman namin iyon ng walang kahira-hirap. Mukhang nag-eenjoy na nga ako sa mga lessons namin eh dahil nakukuha ko. 'Di tulad noong sa ibang High School na pinasukan ko. Sobra akong bobo.

"Good Job Everyone. Well, as what I've expected to all of you. Now, because this subject is an Omega type our real aim is to deal with your fighting skills."

"Kailangan niyong dumaan sa ibat-ibang training ng martial arts, depende sa klase nito. Now, may binuksan akong tatlong files. Nandito na lahat ng impormasyon na kailangan ninyong malaman."

"Tatlong files ang binuksan ko, ibig sabihin ay tatlong klase ng martial arts ang matututunan ninyo. Ihack niyo ang files na ito at idownload niyo sa Device niyo. You may start now."

Nagsimula na kaming maghack. Malapit ko nang ma-master ang pagha-hack kaya hindi na ako gaanong nahirapan. Pagkatapos ko ay sakto namang nagsalita si Ma'am.

"Is everyone done?"

"Yes Maam."

Akala ko tapos na akong mag-download pero patuloy paring nagda-download 'yong Device ko. Anong nangyayari?

"Now good, I guess everyone here are already good sa first lesson. Before we proceed----" biglang napatigil si Maam.

"ERROR!....ERROR!...ERROR!...ERROR!" sabi ng Device ni Maam.

"Anong ibig sabihin nito? Class this is not funny! Itigil niyo 'to!" May pinindot si Maam na kung ano sa device niya. Para siguro matigil ang ingay ng device niya. Sobrang tahimik ng classroom, tanging tunog lang ng device ni Ma'am ang naririnig namin. Kinakabahan na rin ako. Ano bang nangyayari sa device ni Maam?

Bigla nalang napatingin si Maam sa akin at saka ako sisigawan.

"Ms.Stern itigil mo 'to!" Kunot-noong napalingon ang lahat ng kaklase ko sa akin, nagtataka. Kahit ako man ay nagtataka rin.

"Itigil mo na to Ms. Stern hindi mo alam ang gingawa mong hacking system!" Sigaw ni Maam habang busy sa pagpipindot ng device niya, ramdam ko sa boses niya ang pangamba.

"Hindi ko po alam ang sinasabi niyo," pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Basta itigil mo na 'to Ms. Stern nilalagyan mo ng ibang klaseng Virus ang Device ko! It could be a sasser or a conficker type of virus, I don't know!" Nakatayo na ang lahat ng mga kaklase ko ngayon dahil sa kaba. Maging ako man ay ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para matigil na ang hacking program. Nakakailang pindot na ako pero 'di ko pa rin kayang itigil ito.

Inagaw na sa 'kin ni Flynn ang device ko.
"Ibang klaseng virus ito Ella! Hindi ako sigurado kung virus nga ito oh isang setting program. Pero," at nanlaki nalang ang mga mata ni Flynn sa nalaman!

"LUMABAS NA KAYO RITO!"

"SASABOG TAYO!"

* * * * *

Please vote and comment.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top