Chapter 7: Codes #2

Ella's POV

"...we might get killed."

Gulat man ay nagawa ko pa ring magtanong.
"Anong klase ba kasing missions ang binibigay nila na may posibilidad na mamatay tayo?"

"Hindi ko rin alam eh. Ang sabi kasi marami nang namatay sa mga missions nila."

"Nakakatakot naman ang school na 'to, wala ba silang pakialam sa mga students nila?"
Tanong ni Kiara.

"Kaya nga may training tayo 'di ba? Huwagag niyo nalang isipin 'yan. " Halina kayo.
Pumasok na agad si Vanessa sa next room nang marating namin iyon.

Wala namang pinagkaiba ang room na 'to sa unang room na pinasok namin. Lumapit na si Vanessa sa may counter at nagpa-scan ng mata niya sa computer. Red 'yong color ng laser na nag-scan sa mata niya.

"Vanessa Steele. Affective: Stone-B," sabi ng boses lalaki na computer.
May necklace naman ang biglang lumitaw sa leeg ni Nessa. Stone 'yong bato ng kwintas. As in 'yong maliit na pebble lang. Ginawa naman ni Kiara ang ginawa ni Nessa. May red laser din ang nagscan sa kanya.

"Kiara Lewis. Affective: Stone-B"

May lumabas din na necklace kay Kiara. At pareho sila ng itsura ng bato. Nagpa-scan na rin ako. May blue laser ang nag-scan sa mata ko.

"Ellizabeth Ion Stern. Affective: Metal-A"

Imbes na bato ay metal ang lumitaw. Itim ang kulay nito tapos kumikinang. Octagon 'yong shape niya.

Pagkatapos ko ay lumabas na kami, habang paakyat kami ay nageexplain naman itong si Nessa.

"Sa utak ng tao ay meron tayong tinatawag na affective. Ang affective ay ang kakayahang pagsabayin ang talino sa nararamdaman. Bale rito nanggagaling ang attitude o values ng tao. Kung sa ranking naman ay may Gold, Metal, at Stone. Ang gold ay kapantay ng Alpha. Kapantay naman ng Metal ang Beta. At kapantay ng Stone ang Omega. Kaya kung iisipin ay lamang ka sa ating tatlo Ella. Stone lang kasi kami ni Kiara at Metal ka, at letter A ka pa. "

"'Di ko pa nasasabi sa inyo pero may level din ang type natin. Kung sa Omega A ako kayo naman ay letter C. Ibig sabihin masyado pang mahina ang fighting skills niyo kumpara sa 'kin. Kaya dapat ay galingan natin pagdating sa training para maging Beta tayo. "

"Oo nga," pagsasang-ayon ni Kiara. "Ibig sabihin kung ilalagay natin sa top ay parang top 1 ang letter A, top 2 ang B, at top 3 ang C which is ang pinakamahina. "

Tumango ako. Ibig sabihin pinakamahina kami sa lahat nang mahina. Pinakamahina kasi ang Omega at Omega kami. At kami ni Kiara ang pinakamahina sa lahat ng Omega.

"Ikaw ang pinakamalakas Ella pagdating sa Affective: Stone:B lang kasi kami at Metal ka. Metal:A pa. Kasama ka sa pinaka malakas na Metal dahil A ka. At kung mas maiimprove mo pa ito ay magiging gold ka," sabi ni vanessa. Masaya pa siya no'ng sinabi niya iyon.

"May na experience ka na ba na ayaw talaga lumabas ng talino mo pero no'ng sobra ka nang nataranta ay doon pa lumalabas ang talino mo Ella? " tanong ni Nessa.

Naisip ko nalang bigla 'yong time ng tests o challenges chuchu. Noong 'di ko maputok ang bola at bigla nalang may lumabas na mga science principles sa utak ko ng 'di ko sinasadya. Nasagutan ko rin 'yong math nang walang kahirap-hirap. Samantalang division nahihirapan pa akong gawin. Pati 'yong logic. So nasagutan ko lahat ng iyon dahil sa nararamdaman ko. Gano'n pala nag-wowork ang affective. Ang cool naman ang dami ko ng natutunan.

"Hindi ko rin alam eh," sagot ko, ayoko pa kasing sabihin sa kanila. Baka kasi mali ako.

Pumasok na naman kami sa isang room. Kagaya pa rin siya ng dalawang room. Lumapit si Nessa sa counter at sinabi ang pangalan. Maya-maya ay may lumitaw na I.D. sling sa leeg ni Nessa. Kasama na roon yung I.D. niya. Uso talaga ang teleportation dito sa school. Kaya 'di na ako magtataka.

Sumunod na si Kiara tsaka ako. White 'yong I.D. ko at may nakalagay na B sa gilid ng picture ko. Ganda ko nga e. Kayabangan ko, sorry naman.

Red 'yong kila Nessa at Kiara.

"Dito naman ay may tinatawag tayong Cognitive. Ang cognitive ay measurements ng talino natin pagdating sa english, science, mathematics at iba pa. May rank din ito. Top one ang Green, top two ang Red, at huli naman ang White. Pinakamatalino sa atin si Kiara dahil Red A siya, Red - C lang kasi ako tsaka White-B ka naman Ella," mahabang sabi ni Nessa.

"Hindi ako naniniwalang bobo ka Ella dahil hindi naman tumatanggap ng bobo ang school na 'to. White-B ka pa, tsaka kung bobo ka edi sana nalaman na ng computer at ng head ng school na 'to."

Pero natatandaan niyo ba readers 'yong sinagutan ko ang questions sa gate? Sabi pa ng computer may virus ako. Baka kasi Virus ng kabobohan ang tinutukoy niya. 

"Huwag mo na nga isipin 'yan Ella. Ang importante ay kumpleto na ang codes nating tatlo. So ganito pagdating sa Fighting skills ay ako ang lamang sa ating tatlo. Si Kiara naman ang pinaka matalino sa atin dahil Red-A siya. At ikaw naman Ella ang pinaka-affective sa atin dahil Metal-A ka, " sabi sa amin ni Nessa.

Sumagot naman agad si Kiara.

"Ganito ha. Top one ang ALPHA-GREEN-GOLD. top 2 ang BETA-RED-METAL. At panghuli ang OMEGA-WHITE-STONE,"dagdag ni Kiara.

"Mabuti nalang hindi tayo Omega-White-Stone. Kasi sobrang pasang-awa naman 'yon," sabi ko pa.

"Oo nga," pagsang-ayon sakin ng dalawa.

"Halina na kayo," aya ni Vanessa sa amin ni Kiara saka nagsimulang lumakad.

"Saan naman ang sunod nating pupuntahan?" tanong ni Kiara. Pagod na siguro 'to. Haha

"Kukuha lang tayo ng Uniform. Tapos babalik na tayo ng room. It's already 2 PM na rin kasi. Mahigit isang oras din tayo rito sa DC."

Pagkatapos naming kumuha ng uniform ay dumiretso na kami ng Cafeteria para bumili ng  dinner namin.

* * *

Magbabayad na sana ako nang pinigilan ako ni Kiara.

"Ella. Huwag kang pahahalata na wala kang masyadong alam dito sa school." bulong sakin ni Kiara.

"Bakit naman? Bobo na ba ang magbayad ng binili?"

"Hindi naman sa gano'n. Kailangan mo na talagang basahin ang Handbook. Ako 'di ko pa nababasa ang handbook pero alam ko na 'to."

"Ang alin nga?" Bakit ba kasi bawal magbayad?

"Hindi pwedeng magbayad kasi LIBRE tayong lahat dito sa school. Kung hindi libre ang school na 'to edi sana binigyan ka na ng bill ng tuition mo?"

"Ay. Ganon? Edi waw. Libre naman pala eh," hindi nalang ako nagbayad. Kinuha ko nalang 'yong paper bag na pinaglagyan ng binili ko tsaka sumabay kina Nessa sa labas.

Mas prefer daw kasi nilang sa room na namin mag-dinner. Masyado raw maingay sa Cafeteria. Malaki 'yong cafeteria namin. Kulay puti 'yong floor, all-four-walls, pati ceiling. Pati mesa rin ay kulay puti, pero glass ang ibabaw nito.

Sa pagpatak ng alas-otso ng gabi ay nagdinner na kami. Mabuti nalang at 'di ko nakalimutan ang hotdogs ko kaninang umaga. 'Di pa naman napanis ito, hindi ko pa sila inayang kumuha ng hotdog ay kumuha na agad sila. Ang baboy nga kumain ng dalawang 'to eh. Isang hotdog lang 'yong nakain ko tapos sila nang dalawa ang umubos. Natawa nalang ako.

Wala pang alas-diyes ay natulog na kami. Start na raw kasi ng klase bukas. Huhu. Agad-agad naman.

7:50 AM

Medyo natagalan pa akong hanapin ang Science Room ko. Mag-isa lang kasi ako ngayon. White nga kasi ako at red sina Nessa at Kiara kaya hiwalay kami ng klase. Kawawa nga ako eh.

No'ng nahanap ko na ang room ko ay pumasok na ako. Occupied na lahat ng upuan except sa dalawang upuan sa likuran kaya dumiretso na ako sa likod without making any eye contact sa kahit sinumang istudyante. Pag-upo ko ay saka naman dumating si Sir.

"Good morning class. The name is Dr. Michael Hodgewin. Of course I have a first name and it is Doctor. I am a professor, a biochemist and a specialist of some other fields. I am also a graduate of this school. But this meeting is not all about me because it's all about all of you," nag pause si sir for effect. Gwapo niya. Hehe

"Dahil ang Cognitive type niyo ay White. We are all going to test kung hanggang saan ang kakayahan ng utak niyo. Now, dala ko ngayon ang test papers na binibigay namin sa mga estudyanteng may Cognitive type na GREEN. Titignan natin kung hanggang saan ang chances ninyong maging Green. White lang ang lebel ng katalinuhan niyo kaya sikapin ninyong mag-improve para mapunta kayo sa Green o kahit sa Red. Alam kong lahat kayo rito ay matatalino pero White pa. Kaya good luck," binigay na ni sir sa amin isa-isa ang test papers. Sobrang tahimik ng room, mga grade conscious talaga ang mga kasama ko.

Pagkabasa ko palang sa unang page ay parang luluwa na ang mata ko. OA man pakinggan pero OO. Totoo talaga. (pero di totoong lumuwa ang mata ko ha)

"Oh. And please be reminded na ang test na ito ay kung paano mag-follow ng instructions. Also, you must perfect it or face the consequences," pahabol pa ni sir.

Paano na 'to? Eh mukhang ni isang tanong 'di ko masasagot.

...perfect it or face the consequences.

Anong consequences?

* * * * *

Please vote guys.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top