Chapter 59: Cranks
June 14, 2018
To bibi:
Happy Birthday!
Chapter 59: Cranks
Ella's Point of View
Hindi ko maiwasang titigan ang seryosong mukha ni kuya Arch habang palinga-linga ito sa paligid. Napalunok si kuya, nakita ko kung paano gumalaw ang adams apple niya mula sa itaas pababa. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa akin.
"Okay ka lang ba?" hindi siya mapakaling tinignan ang kabuuan ko. "Hindi ka ba nila sinaktan?"
"Hindi," sagot ko at tuluyang tumulo ang luha ko dahil sa nararamdamang saya. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang pisngi ko. Bigla na lamang bumalik sa alaala ko ang nangyari kay kuya Arch sa loob ng maze.
"Ba't ka umiiyak?" tila natataranta niyang tanong.
"Wala kuya," umiling ako. "Masaya lang akong makita ka."
Ngumiti siya at niyakap ako, ramdam ko kung gaano ko siya namiss kahit sandali lang ang pagkikita namin. Gusto kong makawala rito at mayakap nang mahigpit si kuya. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin.
"Kailangan mo nang makatakas dito," pinisil niya ang braso ko at tumayo. Saka niya tinignan ang kanyang wristwatch.
"Where is he? He should be here now—" napatigil siya sa pagsasalita nang biglang tumunog ang pinto saka ito bumukas. Nandilat ang aking mata, lahat kami ay napatingin sa taong iniluwa ng pinto.
Agad na pumasok ang lalaking kararating lang kasabay ng pagsara ng pinto. Saglit kaming nagkatinginan nila Kezia, Flynn at Vanessa.
"Charles, bakit ngayon ka lang?" salubong na tanong ni kuya Arch. Sa mga nalaman ko tungkol kay kuya Charles, hindi ko parin maiwasang maging masaya na makita siya.
"Medyo natraffic lang ako sa mga gwardya sa labas. Nasend ko na sa'yo," saad ni kuya Charles.
"Good," tipid na sagot ni kuya Arch. Ngayon ay may hawak na siyang g-tech device at may kung anong pinipindot. Seryoso lang ang kanyang mukha. Tinignan niya saglit ang nakapulupot na machine sa amin.
Mayamaya lang ay tumunog ang machine na nakapulupot sa amin na tila may nabutas na gulong. Naghiwalay ito sa magkabilang direksyon hanggang sa wala nang nakapulupot sa amin. Nagkatinginan kami ng mga kasamahan ko.
Agad akong tumayo at nilapitan si Vanessa at niyakap ito, ngumiti ako sa oras na ginantihan niya ako ng yakap. Humiwalay ako kay Vanessa at tinignan ang dalawang kuya ko.
"So what's the plan?" tanong ni kuya Charles kay kuya Arch. Mabilis akong nakalapit kay kuya Charles at walang alinlangang sinapak siya sa mukha.
Gulat na napaatras si kuya Charles habang nakahawak sa kaliwang pisngi.
"So that's the plan?!" hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumingin siya kay kuya Arch na tila humihingi ng tulong, ngunit lalong nakakagulat ang sunod na nangyari. Gaya ko, sinuntok ni kuya Arch si kuya Charles.
Napangiwi ako sa lakas ng suntok ni kuya Arch, bumagsak si kuya Charles at napaupo sa lapag. Gulat niyang tinignan si kuya Arch.
"Wow! That is a great plan!" tinapunan niya kami ng tingin. "What was that for?!"
"That's for Ellla, get up," sagot ni kuya Arch na parang wala lang. Nagkatinginan na naman kaming magkakaibigan habang si kuya Charles ay napapangiwi sa pagtayo.
Isa-isa kaming tinignan ni kuya Arch at tumigil sa akin, seryoso lang ang kanyang mukha. "Kailangan ni'yo nang makatas dito. Maraming nakabantay sa labas kaya kailangan ni'yong mag-ingat. As long as possible umiwas kayo sa labanan," tumango kaming apat, na tila takot sa leader na ngayon ay nagbibigay ng instructions sa amin. "Paglabas ni'yo rito humanap kayo ng elevator. We're on the 15th floor and that would be the fastest way to reach the groundfloor. 'Pag narating ni'yo na ang groundfloor, look for the red door. That'll lead you to the maze, mas mahihirapan silang hanapin kayo kapag sa maze kayo dumaan palabas dito. Alam niyo na siguro ang daan palabas. Flynn,.. you lead the way." Tumango si Flynn.
"Salamat po sa pagtulong sa amin King Albert," pasasalamat ni Vanessa, tinanguan siya ni kuya Arch.
"Sige po King Albert," saad ni Flynn.
"Good," tinignan naman ni kuya Arch si kuya Charles na tila hinihilot ang pasa sa mukha. "Charles, you'll go with me."
"Wait! What?! That's your plan?!"
"Do you trust me?"
"No."
"Smart man," tinignan ulit kami ni kuya Arch. "Let's go."
Naglakad na si kuya Arch kasabay si kuya Charles papuntang pinto. May pipindutin na sana si kuya Charles sa pinto nang kusa na itong bumukas. Sa pagbukas ng pinto, sumalubong sa amin ang dalawang nakaitim na lalake at sa kanilang gitna ay hawak nilang dalawa sa magkabilang braso ang isang batang lalake.
"Clark?" hindi ko napigilang saad. Bago pa ako nakagalaw, magkasabay na sinuntok nina kuya Arch at kuya Charles ang dalawang lalake. Ilang segundong nanatiling nakatayo ang dalawang lalake , at mayamaya lang ay magkasabay itong bumagsak at nakatulog sa sahig.
Tinignan ni Clark ang dalawang tulog na lalake na ngayon ay hindi na nakahawak sa kanya. "H-hi, ate Ella." Nag-wave pa si Clark. Agad akong napalapit sa bata.
"Clark, anong ginagawa mo rito?" tanong ko pa.
"Wala ng oras, kailangan niyo nang makaalis dito," tumingin si kuya Arch sa paligid. "Isama niyo na'ng bata. Go that way," tinuro ni kuya ang bandang may mahabang hallway.
"Pa'no kayo? Sa'n kayo pupunta?" tanong ko.
"Hahanapin ko si Black, sige na umalis na kayo."
"Oo Ella, tara na!" aya sa'kin ni kuya Charles at nauna pa siyang naglakad. Hinatak siyang bigla ni kuya Arch.
"Sa'n ka pupunta? Sa'kin ka sasama," saad ni kuya Arch habang nakahawak sa likod ng t-shirt ni kuya Charles.
"Ella!" mangiyak-ngiyak na tawag ni kuya Charles sa akin. "Mamamatay ako rito!"
"Sige na, umalis na kayo," utos ni kuya Arch at hinila na si kuya Charles sa likod ng suot na t-shirt. Tumango kami at umalis na rin, hawak ko ang kamay ni Clark habang kami ay mabilis na naglalakad. Sagllit pa akong lumingon ngunit hindi ko na sila nakita.
"Bilisan natin," saad ni Kezia. And by instinct mas bumilis pa ang aming paglalakad. Takbo at lakad ang ginawa namin habang palinga-linga sa paligid.
"Ayon sila! Habulin ni'yo!" lumingon kaming lahat sa likod, may apat na lalake ang ngayon ay humahabol sa amin.
Tumakbo kami at lumiko sa kanan, diretso lang ang direksyon namin hanggang sa kumaliwa na naman kami. Hindi ko na kailangang lumingon dahil rinig na rinig ko ang mga yapak ng mga sumusunod sa amin.
Lumiko na naman kami sa kanan at sa aming pagliko ay may nakasalubong kaming dalawang lalake at dalawang babae ilang distansya mula sa amin. Nag-uusap lamang sila at sa oras na nakita nila kami ay walang-alinlangan nila kaming hinabol.
"Tumigil kayo!" sigaw ng isang lalake.
Umatras kami at tumakbo na naman, lumiko kami sa kaliwa at diretsong tumakbo sa mahabang hallway. Tila kumukurap ang ilaw na nasa kisame at tila naghalo na ang ingay ng tibok ng puso ko sa ingay ng aming mga paa at sa ingay ng yapak ng mga humahabol sa amin. Hindi ko magawang bilisan pa ang pagtakbo dahil hila-hila ko si Clark.
"Ate... Ella... na-ta-tan-daan... mo 'yong... nasa maze tayo?.. parang... ganito rin... tayo.. ngayon... hinahabol..." sabi ni Clark sa gitna nang hirap na paghinga.
"Oo, Clark. Tanda ko pa," sagot ko saka ako lumingon sa likuran. Marami na silang humahabol sa amin. Kailangan na naming mahanap ang elevator sa lalong madaling panahon.
May nakasalubong na naman kaming tatlong lalake kaya kumanan na naman kami at diretso lang sa pagtakbo. Tinignan ko si Clark, pawisan na ito at halatang habol na nito ang hininga.
Patuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa narating namin ang pinakadulo ng hallway kung saan ay may nakasaradong pinto. Hinawakan ni Flynn ang doorknob.
"It's locked," Flynn said while still trying to open the door.
"So what do we do?" patingin-tingin si Vanessa sa likuran. "We're trapped!"
"Tumabi kayo," utos ni Flynn kaya kami umatras. Umatras ng isang hakbang si Flynn saka niya sinipa ang pinto. The door didn't even budge. Sinipa ulit ito ni Flynn at narinig namin ang tunog ng tila may nasira. Sinipa na naman ito ni Flynn sa pangatlong pagkakataon. Saka pabagsak na bumukas ang pinto.
A complete darkness welcomed us. Lumapit si Flynn at sinilip kung anong meron.
"Muntik na tayong mahulog sa patibong," lumapit kami nina Vanessa at Kezia at sumilip din. Walang sahig o lapag sa kabila ng pinto. Muntik na kaming nahulog dito at namatay.
"Literal na mahuhulog," Vanessa commented.
Nagkatinginan kami at lumingon sa likod nang marinig namin ang ingay ng mga tao.
"Nandito lang sila!" ilang distansya mula sa amin ay ang mga taong humahabol sa amin.
"Ano nang gagawin natin?!" pasigaw at natatarantang tanong ni Vanessa. Halos mabingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ako natatakot para sa sarili ko, natatakot ako para sa kalagayan ni Clark. Tinignan ko si Clark at halatang natataranta na rin ito.
"We don't have any choice," naglakad si Flynn at pinuwesto ang sarili sa harapan naming lahat. Tinignan ako ni Flynn. "Ella, protektahan mo si Clark." Agad akong tumango.
"Kezia, Vanessa. Back me up," walang alinlangang tumango ang dalawa. Pumwesto si Vanessa at Kezia sa tabi ni Flynn, pinapagitnaan nila ito. Medyo malawak ang espasyo ng hallway kaya alam kong hindi sila gaanong mahihirapan sa pag-galaw.
Inayos ni Flynn ang suot na glasses at hinanda ang sarili. Mayamaya lang ay tuluyan nang nakalapit ang mga humahabol sa amin.
Sinalubong ni Flynn ng sipa ang naunang lalake, nataamaan ito at paatras na bumagsak. Nadamay pa ang dalawang nasa likod kaya ang mga ito'y natumba rin.
Magkasabay na lumalaban si Vanessa, Flynn at Kezia. Bawat nakakasalubong nila ay natutumba sa ilang segundo lang. Ngayon ko lang sila nakitang lumaban nang malapitan. Ang bilis ng kanilang galaw. Kitang-kita ko rin kung gaano sila kalakas dahil bawat suntok at sipa nila'y diretsong napapatulog ang kalaban.
"Aray!" sigaw ni Clark kaya agad akong napatingin sa kanya. Ang lalakeng ngayon ay nakahiga na sa lapag ay mahigpit na nakahawak sa kanang paa ni Clark. "Bitawan mo 'ko!"
Sinipa ko ang lalake sa ulo, diretso itong nakatulog at nabitawan si Clark.
Marami na silang napatulog at napabagsak kaya habang naglalakd ay maingat ako para maiwasang maapakan sila. Habang si Clark naman ay sinisipa at inaapakan ang mga nadadaanan namin.
"Go mga ate! Go kuya Flynn! Ang gagaling ni'yo!" sigaw ni Clark. Bumangon ang dalawang lalake. "Waaahhhhh! Zombieeeee!" sigaw ni Clark at nagtago sa likod ko.
Tumalon ako at paikot na sinipa ang dalawang lalake. Unang tumama ang paa ko sa ulo ng lalakeng nasa kanan at sunod itong tumama sa lalakeng nasa kaliwa. Bumagsak sila at nawalan ng malay. Lumabas si Clark mula sa likod ko at nilapitan ang dalawang lalake.
"Wala kayo sa ate Ella ko!" sigaw ni Clark at sinipa ang ulo ng dalawang lalake.
"Halika na," hinawakan ko si Clark sa wrist nito at hinila.
Ilang sandali ang dumaan hanngang sa naubos nilang tatlo ang mga taong nakaharang sa amin.
"Sa'n tayo ngayon?" hinihingal na tanong ni Vanessa habang nakatukod ang kanyang mga kamay sa tuhod. Tagaktak ang pawis ni Vanessa sa noo pati na rin sina Flynn at Kezia.
Nasa intersection kami at hindi kami sigurado kung saan kami pupunta. Nagpalinga-linga si Flynn at tila malalim ang iniisip.
"Dito tayo," sumunod lang kami kay Flynn.
Naunang naglakad sa amin si Flynn habang kami ay nakasunod sa kanya. Paminsan-minsan ay tumitingin ako sa likod at chinecheck kung may nakasunod pa ba sa amin.
May nakasalubong kaming dalawang lalake at isang babae. Imbes na umatras ay patuloy parin sila sa paglalakad. Mas binilisan pa ni Flynn ang paglalakad na parang wala lang.
Maingat niyang nailagan ang magkakasabay na atake ng dalawang lalake. Umikot siya para umilag at sinuntok ang isa sa mukha. Tinama niya naman ang siko sa baba ng isang lalake at sinundan niya ito ng sipa. Habang si Kezia naman ang lumaban sa isang babae. Nasa lapag na agad ang tatlong tao at nagpatuloy na naman kami sa paglalakad.
Lumiko na naman kami at dumiretso lang ng lakad. Hanggang sa natagpuan namin ang elevator. Agad na pinindot ito ni Flynn saka kami nakapasok. Bago pa man tuluyang sumara ang pinto ng elevator ay nakita pa namin ang mga taong humahabol sa amin na ngayon ay tumatakbo.
Tahimik lang kami sa loob ng elevator. Halos marinig ko na ang paghabol nila ng kanilang hininga. Halatang labis na silang napapagod.
"Okay lang ba kayo?" nag-aalala at nakokonsensya kong tanong.
"Okay lang," sagot ni Vanessa at pumikit. "Pero hindi ibig sabihin na hindi kami pagod."
Sobra akong nakokonsensya. Marami ang taong nakalaban nila at tatlo lamang sila. Napalunok na lamang ako noong huminto na ang elevator at bumukas ang pinto.
Sa labas ay may limang tao ang naghihintay sa amin. Sa likod nila ay makikita ang kulay pulang pinto.
"Ella, protekahan mo si Clark," utos na naman ni Flynn. Gusto kong tumulong pero nakakatakot din ang pagiging seryoso niya.
Agad na lumabas si Kezia at sumunod naman si Flynn at Vanessa. Napatumba agad ni Kezia ang kalaban. Habang si Flynn naman ay pinagtutulungan ng dalawang tao.
Nais kong tumulong lalo pa at napapagod na sila. Noong bumagsak na ang limang tao agad naming pinuntahan ang pulang pinto.
"Iyan na siguro ang pintong tinutukoy ni King Albert," Kezia concluded. Noong nakalapit ay agad niyang hinawakan ang doorknob.
"It's open," Kezia announced and pushed open the door.
"He must have opened it already, King Albert, I mean," sabi ni Vanessa saka kami pumasok. And just like what he said, the door led us to the maze.
Sinara na agad ni Flynn ang pinto at baka may makasunod pa sa amin.
"Tara na," Kezia.
"Teka, Kez. Alam mo ba'ng daan palabas dito?" tanong ni Vanessa.
"Oo," pero hindi pa kumbinsido si Vanessa. "Kagaya ni Ella, nakapunta na rin ako rito dahil sa Crest Challenge." Tumango si Vanessa.
Nauna nang maglakad si Kezia at sumunod na rin kami. Diretso lang ang lakad ni Kezia na tila kabisado na niya ang daan.
Kakaiba ang pakiramdam ko noong pumasok kami rito sa maze. Tila nagbagong bigla ang temperatura ng paligid. Naging malamig ito.
Tumingin ako sa paligid, parang walang pinagbago ang maze. Ganoon parin ang pader, nababalutan ito ng kulay brown na ugat. Ang ugat ay tila nanggaling pa sa lupa at gumapang sa pader at hanggang kisame ay hindi nito pinalagpas.
Kagaya rin noong una kaming napunta ni Clark dito, ang tanging ilaw lamang ay ang apoy na nagliliyab sa mga torch. Sa aming paglalakad ay bigla na lamang kaming nakarinig ng ingay.
Napatigil kaming lahat at nagkatinginan. Rinig na rining namin ang mga hiyaw.
"Ate," mahinang tawag ni Clark. Mahigpit siyang napakapit sa kamay ko. "Di ba po mga—"
Sa di kalayuan ay may nakita kaming pigura ng mga tao, at marami sila. Sa oras na nakita nila kami ay agad silang tumakbo patungo sa amin. Sumisigaw ang mga ito habang tumatakbo.
"Craaaaaaaaanks!!!" sigaw ni Clark at nagtago sa likod ko.
Tinignan ko ang mga kasama ko. Mukhang naghahanda na naman sila sa labanan. Ngunit hindi maari, masyado na silang pagod. At masyadong marami ang mga Cranks na makakalaban nila.
Hinawakan ko ang kamay ni Flynn. Napatingin siya sa akin at sa kamay kong nakahawak sa kanya. Saka ko binigay ang kamay ni Clark.
"Protektahan mo si Clark," kumunot ang noo ni Flynn.
"Magpahinga muna kayo," halos hindi na nila marinig ang boses ko dahil sa ingay ng mga paparating na Cranks. "Alam kong pagod kayo."
"P-pero Ella, ang dami nila." Vanessa pointed out.
"Ako muna ang lalaban sa kanila." Sabi ko saka patakbong sinalubong ang mga Cranks.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top