Chapter 57: A Letter
Chapter 57: A Letter
Ella's Point of View
"Ha? Anong patay? Sinong Arch? Ella..."
Patuloy sa pagpatak ang aking luha habang dilat ang aking mata. Malakas ang tibok ng aking puso. Nahihirapan akong huminga. Gulong-gulo na ako kung bakit ngayon ko lang naalala ang tungkol kay kuya Arch. Kung bakit ngayon ko lang naalala ang lahat ng nangyari sa loob ng maze.
"Ella..." naramdaman kong niyugyog ako nang marahan ni Flynn.
"W-wala," sagot ko nalang dahil alam kong hindi niya rin kilala si kuya Arch. Pero alam kong hindi naniniwala sa akin si Flynn. Sandali niya lang akong tinitigan saka siya bumuntong hininga.
"Tara na, hatid na kita sa mansion." Hinawakan niya ang kaliwang wrist ko saka niya ako hinatak. Nagpatangay na lamang ako habang malalim ang iniisip.
Hindi pwedeng wala akong gawin, kailangan kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kuya ko. Si Black, siya ang dahilan ng lahat ng ito. Kailangan kong humingi ng tulong kay sir Loid. Siya na lang ang maaari kong lapitan.
Si Uncle. Sigurado akong may alam siya sa mga nangyayari sakin ngayon. Maari rin akong humingi ng tulong sa kanya.
Tahimik lang kaming dalawa ni Flynn, hanggang sa narating namin ang mismong kwarto niya. Dumiretso na ako ng lakad ng wala man lang paalam sa kanya.
"Ella," tawag niya kaya napahinto ako. Humugot siya nang malalim na hininga. "Ella, kung ano man 'yang pinagdadaanan mo, nandito lang ako. Lagi akong nandito para sa'yo." Napalingon ako sa kanya.
Nakahawak na siya sa doorknob ng kanyang pinto habang nakatingin sa akin. Binuksan niya ang pinto habang nakatingin parin sa akin. "Sige, Ella. Goodnight."
Saglit akong napangiti saka ulit naglakad papuntang kwarto ni kuya Charles. Napatigil ako dahil sa naalala. Kaya ko ba? Kaya ko bang makit siya? Maisip ko lang ang mukha ni kuya Charles sumasakit na agad ang puso ko. Talo ko pa ang pinaasa ni crush at iniwan ng boyfriend.
Nakapagdesisyon akong kay Vanessa nalang muna ako tutuloy, tutal mag-isa lang din naman siya sa kwarto niya.
"Ella," nagkasalubong ang kilay ni Vanessa sa oras na makita niya ako pagkabukas niya ng pinto. "Uh. What are you exactly doing here? Like here, outside of my room." Tumingin-tingin pa siya sa labas.
"Pwede ba akong pumasok? Dito ako matutulog," saad ko at naglakad papasok ng kwarto niya. Pero pinigilan niya ako.
"What's going on? May kwarto ka naman, bakit ayaw mo do'n sa kwarto ng kuya mo?" she asked, arms crossed with her brows raised as high as Mt. Mayon.
"Gusto mo palit tayo? Doon ka, dito ako sa kwarto mo," mabilis akong pumasok kaya hindi niya ako napigilan. Dumiretso ako sa higaan niya at dumiretso ng pikit. Naramdaman ko ang yakap ng kumot sa sakin. Doon ko rin naramdaman ang lungkot at pagod.
Narinig ko ang pagsarado ng pinto at yapak ni Vanessa. Gumalaw ang higaan kaya nagdilat ako ng mata at tinignan siya. Nakasquat siya sa higaan habang may binabasang makapal na libro.
"Sabihin mo nga sa'kin, bakit ba ayaw mong matulog sa kwarto ni'yo ni king Charles? Nag-away ba kayo?" tanong ni Vanessa habang concentrate parin sa binabasa.
Napaisip ako kung tama nga bang sabihin ko sa kanya ang tungkol kay kuya Charles. Mapagkakatiwalaan ko naman itong si Vanessa, no doubt about that.
"Vanessa, huwag mo sanang ipagsabi 'to kahit kanino," napatigil siya sa pagbabasa at tinignan ako.
"Ang seryoso ng mukha mo, ha. Matatakot na ba ako?" tumingin pa siya sa paligid ng kwarto niya.
"Ayaw mo bang malaman?"
"Gusto," hinarap niya ako. Sandali akong napatitig sa kanya.
"Si kuya Charles," huminga ako nang malalim. "Nalaman kong... nalaman kong may koneksyon siya kay Black." Hinintay ko ang reaksyon niya.
"Okay tapos?"
"Ayon nga, may koneksyon siya kay Black."
"Eh ano naman kung may koneksyon siya kay Black? Tsaka sino ba kasi'ng Black na 'yan? Si President White lang kasi ang kilala ko." Halos mapanganga ako sa nalaman. Hindi niya pala kilala si Black.
"Ella?" napatingin ako kay Vanessa.
"Uhm," napatingin ako sa librong binabasa niya kanina. "Para saan ba 'yang binabasa mo?"
"Ito?" kinuha niya ang libro. "Pinag-aaralan ko lang ang tatlong pinakamataas na ranks sa school na 'to. Blue Cognitive Brain Color, Perish Stone, at Demon Fox. Kailangan ko kasi itong ireport bukas--"
Naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko. Hindi ko na gaanong maintindihan ang mga sinasabi ni Vanessa. Hanggang sa nakatulog na ako.
"Perish stone is an ancient stone which is the strongest affective type, demon fox is the most dangerous psychomotor type with critical fighting skills. And lastly, Blue Cognitive Brain Calor, the one with the highest intelligence there is. See? Hindi ba ang interesting ng topic ko?"
"I guess," sabi ko saka sumubo ng kanin. Nandito kaming tatlo ni Kiara at Vanessa ngayon sa canteen, kumakain ng lunch.
"Yeah right, halata sa'yong interesado ka," inirapan ako ni Vanessa.
"Pero wala pa ba talagang nadiskubreng estudyante na may ganyang type?" tanong ni Kiara. Tumingin ako sa paligid, walang gaanong tao sa canteen ng crest compound ngayon.
"So far, wala pa naman. Kung meron man, alam niyo na kung gaano siya kalakas. Mas malakas pa siya sa apat na Kings at Queens dito sa school. Lalo na kay King Arch. And speaking of, Ella bakit ba hindi ko na siya nakikita lately?" muntik na akong mabulunan sa tanong ni Vanessa.
"Ha?"
"Si King Arch, ba't 'di ko na siya gaanong nakikita?" napatingin ako kay Kiara. Agad siyang napayuko.
"Si kuya? Medyo busy kasi 'yon, tsaka hindi rin kami gaanong nagkikita." Biglang nag-init ang mata ko, tumingin ako sa malayo at baka mahuli pa ako ng dalawa na umiiyak. Hindi ko na kinaya kaya tumayo na ako.
"CR lang ako," mabilis akong naglakad. Pagpasok ko sa CR, agad akong naghilamos. Mabuti nalang at ako lang ang tao ngayon. Napatitig ako sa sarili saka ngumiti.
May biglang pumasok kaya agad akong nagpakabusy sa paghihilamos. Lumapit ang babae at tumabi sa akin, nakita ko sa peripheral vision ko ang pagkuha niya ng lipstick sa loob ng kanyang bag. Sandali lang siyang naglagay ng lipstick at nag-apply ng powder at umalis din.
Napatingin ako sa pinto nang sumara ito. Saka ako nakapagdesisyon na umalis na rin.
Aalis na sana ako nang may napansin akong sobre, naiwan yata ng babae kanina. Kinuha ko ito saka ako lumabas. Habang naglalakad ay tinignan ko ang sobre.
To: Ella
Magkapareho pa kami ng pangalan ng babaeng iyon, ha?
Dahil sa curiosity ko, binuksan ko ang sobre. Bumagal ang paglalakad ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito nalang ang kabog ng dibdib ko. At alam ko in the first place na mali itong ginagawa kong pangingialam ng pagmamay-ari ng iba.
Sa loob ng sobre ay isang letter, napatigil ako sa paglalakad nang mabasa ko ang laman nito.
Sa oras na nabasa mo ito, alam kong naalala mo na ang lahat ng nangyari sa loob ng maze. Gusto kong malaman mo kung gaano kita kamahal. At ginagawa ko ang lahat ng ito para sa'yo. Huwag mo sanang ipagsabi ang tungkol dito. Sa ngayon ay paniwalaan mo muna kung ano man ang nalalaman mo. Para iyon sa proteksyon mo.
-Arch
Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi saka ko tinupi ang papel at nilagay sa loob ng bulsa. Tumakbo ako at inilibot ang mata sa paligid sa ng canteen. Kailangan kong mahanap ang babaeng iyon, hindi pwedeng nagkataon lang ang lahat. Alam kong may alam siya. May alam siya tungkol kay kuya Arch.
Hindi ko siya nahanap kaya sumuko na ako at bumalik na lang kay Vanessa. Lumabas pa ako pero bumalik din ako.
***
"So that's how my report ends, any questions?" walang sumagot kay Vanessa. "Well, I guess there's none. Thank you for listening." Pinalakpakan si Vanessa habang siya ay bumabalik sa kanyang upuan katabi ko.
"That was impressive, Vanessa," pagpuri ni sir Loid kay Vanessa, napansin ko pa ang pamumula ni Vanessa. Ngumiti lang si Vanessa bilang pasasalamat.
"Ellizabeth," tawag ni sir kaya tumayo ako.
"Sir?"
"You will be the next reporter, come over to my office for your reference." Tumango ako sa sinabi ni sir saka ako bumalik sa pagkakaupo.
"Class is dismissed," sabi ni sir at agad na umalis.
"Grabe ka, ha. May pa 'come over to my office' pang nalalaman si sir Loid ngayon." Nilingon ko si Vanessa na nasa tabi ko lang saka ko sinablay ang shoulder bag sa balikat ko. "Alam mo, iba talaga ang nararamdaman ko kay sir Loid, tingin ko may crush siya sa'yo."
"Sira!" sigaw ko, saka ako ngumiti.
"Eh kasi isipin mo ha? Pwede niya namang ibigay sa'yo ngayon ang reference mo pero gusto niya pang magpunta ka sa office niya."
"Malay mo, baka naiwan niya lang ang libro sa office kaya 'di niya maibigay kay Ella ngayon," saad ni Kiara. Saglit siyang tinignan ni Vanessa.
"Ah basta!" Vanessa crossed her arms. "Iba talaga ang nasesense ko kay sir. Pero okay rin naman si sir, ang gwapo pa. Pero paano na si Flynn?" nakita ko si Flynn na lumabas.
"Naku, tigilan mo 'ko Vanessa," sabi ko saka kami lumabas ng room.
"Ano pala'ng topic mo sa report Ella?" tanong sa'kin ni Kiara.
"LQP-79? Hindi ako sigurado kung 79 or 89 ba 'yon."
"Kung LQP-79 nga, tingin ko about sa virus ang topic mo," sabi ni Kiara.
"Virus?" pag-uulit ko sa kanya. Tingin ko kasi may konting alam ako tungkol sa LQP-79 na 'yan.
"Yeah, it's a type of virus. And I guess it originates from zombies. Hindi nga lang ako sigurado kung—"
"It's a strong virus, it attacks your cells then your brain. It kills your cognitive skills, then the psychomotor and affective. It'll kill your body by first killing your cells." pagputol ni Vanessa kay Kiara. Tumango-tango ako sa sinabi ni Vanessa.
"Pero huwag mo na munang problemahin 'yang report mo na 'yan, may mission pa kasi tayo bukas na dapat nating unahin," and with Vanessa saying that, nagpunta na agad kami sa computer lab para sa meeting namin para susunod na mission.
***
"Hindi ba talaga kayo excited?" pag-uulit ni Vanessa. Naglalakad na kasi kaming tatlo ni Vanessa at Kiara ngayon papuntang Van na gagamitin namin para sa mission. Napatingala ako sa itaas at ngumiti dahil nasilayan ko ang buwan. Almost seven(7) na kasi ng gabi kaya nagsilabasan na rin pati nga bituin.
"Excited naman," tipid kong sagot.
"Seriously? Excited ka na sa lagay na 'yan?" napatingin si Vanessa kay Kiara. "Ikaw Kiara? Excited ka ba? Ba't parang kinakabahan ka?"
"Ha? W-wala 'to. Excited naman ako eh." Si Kiara, kunot-noo pa akong napatingin sa kanya.
Ilang lakad lang namin at narating na agad namin ang Van. Pagkarating namin, wala pang ibang tao.
"Are we too excited kaya tayo ang nauna rito? Oh sadyang mabagal lang talaga sila?" tanong ni Vanessa at inilibot ang tingin sa paligid.
"Excuse me, ikaw ang excited dito," I pointed out.
"Whatever," inirapan ako ni Vanessa at binuksan na lamang ang Van.
Ngunit hindi namin inakala ang nakita sa oras na binuksan namin ang Van. Sa loob ng van ay may limang lalake, may hawak silang baril at nakatutok ito sa amin ni Vanessa.
"Uhm, what's the meaning of this?" si Vanessa. Nagkatinginan kami ni Vanessa habang tinataas namin ang dalawang kamay.
"Sumama na lang kayo nang maayos kung ayaw niyong sumabog 'yang ulo niyo," pamilyar ang boses ng nagsalita.
"Gab?" hindi makapaniwalang tawag ni Vanessa.
"Yes, the one and only." Sagot ni Gab at tumawa nang mahina, gusto kong lumingon at sapakin siya.
"Good job, Princess. Just as we planned," sabay kaming napalingon ni Vanessa kay Kiara.
Nakaakbay ngayon si Gab kay Kiara. Hindi makatingin sa amin si Kiara at yumuko na lamang ito.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top