Chapter 56: Bedtime Story

Chapter 56: Bedtime Story


Ella's Point of View


Pakiramdam ko ay nawasak ang aking mundo sa oras na nabasa ko ang mensaheng iyon. Tila tumigil ang pagpatak ng oras. Huli na nang namalayan kong nabitawan ko na pala ang g-tech device ni kuya Charles. Lumikha ito ng tunog ng batong nahulog.

Bumangon ako at umupo sa higaan. Saka ako pumikit at dahan-dahang huminga.

"H-hindi," umiling-iling ako. "Hindi totoo 'to. Hindi totoo ang nabasa ko. B-baka ibang Black iyon." Ngumiti ako nang mapait, pilit na kinukumbinsi ang sarili.

Nakaramdam ako ng prensensya sa aking harapan.

"Ella?" nag-angat ako ng ulo. Mabilis siyang naglakad palapit sa akin. "Bakit ka umiiyak?" hinawakan ko ang aking pisngi at napagtanto kong lumuluha na pala ako. Pinigilan ko siya bago pa ito makalapit.

"K-kuya," basag na ang aking boses. "H-huwag kang lalapit," nanghihina kong pakiusap. Hindi ko na maintindihan ang aking nararamdaman.

Gulat ang rumehistro sa mukha ni kuya Charles. "E-Ella," naguguluhan niyang banggit sa aking pangalan.

"Please, kuya," nanghihina akong umusog paatras hanggang sa nakasandal na ako sa pader. Habang umaatras ay panay ang pagpatak ng aking luha. "Pakiusap huwag kang lalapit," parang paulit-ulit na tinutusok ng karayom ang aking puso makita ko lang siya. Ang taong mahal ko higit pa sa aking sarili.

Tumigil siya at nanatiling nakatayo, pinagmamasadan ako. Hindi ako makatingin sa kanyang mata. Lalo lang dinudurog ang puso ko.

Yumuko si kuya at nakita ang kanyang g-tech device na ngayon ay nasa sahig na. pinulot niya ito at binuksan.

Napapikit siya at naikuyom na lamang ang kanyang kamao.

"Ella, let me explain." Napapikit ako at umiling-iling.

"H-hindi mo naman kailangang mag-explain. Kuya. Wala ka namang balak na patayin ako 'di ba?" Pilit akong ngumiti. "Naniniwala ako sa'yo," pinunasan ko ang luhang patuloy parin sa pagpatak. Umalis ako sa higaan at tumayo.

Ngayon ay nakayuko nalang si kuya. Nakatayo ako katabi siya, hindi ko magawang harapin siya. "Kuya," nanatiling tahimik si kuya. "Aalis na muna ako, iisa lang ang hihilingin ko sa'yo ngayon. Huwag mo sana akong sundan."

Aalis na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang aking braso at pinigilan ako. Ramdam ko ang higpit ng kanyang pagkakahawak. Napapikit na lamang ako pilit na kinakalma ang aking sarili. "Kuya Charles," tila dinudurog na ang puso ko banggitin ko lang ang kanyang pangalan. "Pakiusap."

Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya. Ako na mismo ang nagtanggal ng kamay niya saka ako naglakad.

Nanginginig ang kamay ko habang pinipindot ko ang password ng pinto. Wala ako sa sarili at basta-basta lang ang aking pagpindot.

"Error! Wrong password!"

"This is bullshit!" I bellowed because of the frustration, and anger, and pain and everything. Pinindot ko ulit ang password, ang password na ang ibig sabihin ay C-H-A-R-L-E-S.

Sa oras na bumukas ang pinto, agad akong lumabas. Hindi ko na nagawang sulyapan siya. Kailangan kong makaalis dito sa lalong madaling panahon, kailangan kong makalayo.

Habang naglalakad ako sa hallway, may dalawang tao akong nakita ilang distansya mula sa akin. Medyo blurry ang paningin ko dahil sa luha sa mga oras na ito kaya hindi ko agad sila nakilala hanggang sa nakalapit sila.

"Ella!" pag-aalala ang nakarehistro sa kanilang mukha. "Anong problema?" tanong ni kuya Gally.

Tumigil ako sa paglalakad, halos mapaatras pa ako dahil sa takot ko sa kanila.

"Ate," tawag sa akin ni Dorth. Umiling-iling ako at pinigilan silang lumapit sa sa'kin. Kung nagawa akong traydorin ni kuya Charles, hindi ko maisip kung ano pa ang kayang gawin ng dalawang ito.

Nanatiling nakasara ang bibig ko para pigilan ang kung ano mang maari kong masabi. Saka ako tumakbo at dinaanan lang sila.

"Ella!" tawag sa'kin ni kuya Gally. Diretso lang ako sa pagtakbo. Lumabas ako ng Spades Mansion at tumakbo lang nang tumakbo. Until I slowed into a walk.

Nagsimula ang lahat noong una akong pumasok sa paaralang ito. Lahat ng galaw ko, mali. Maging ang computer sinasabing may mali sa akin.

Naalala ko ang lahat ng nangyari simula noong unang araw ko rito sa Blue Moon High.

"Error! Error! Virus detected!"

"Error! Error! Virus detected!"

Napangiti na lamang ako nang mapait. Ano nga ba talaga ang mali sa akin? Dahil ba bobo ako? Pero ginawa ko naman ang lahat para maging matalino.

"The name's Vanessa Steele, glad to meet you."

"Ako naman si Kiara, Kiara Lewis."

Silang dalawa ang una kong nakilala at naging matalik na kaibigan. Nandito rin si Flynn, Max, Kezia at si Gab na siyang nagligtas sa akin. Madaming missions na ang napagdaanan naming lahat. Mga hirap at tawanan.

Sa aking paglalakad, natagpuan ko ang aking sarili sa isang park. Hinayaan ko nalang ang sarili kong paa kung saan man ako nito dalhin. Umupo ako sa swing, hinawakan ko ang magkabilang kadena, ramdam ko ang lamig na dumampi sa aking palad.

Napakatahimik ng paligid, ang tanging naririnig ko lamang ay ang mga tunog ng mga insekto. Nag-iisa lang ako.

Dinuyan ko ang aking sarili saka ako tumingala sa madilim na kalangitan. Malaki pa ang buwan noong nakaharap ko si Gab. Ngayon ay maliit na lamang ito, ngunit ang liwanag nito'y hindi parin mapantayan ng kahit anong bituin. Ang ganda ring pagmasdan ng mga kumikislap na mga bituin. Dahil sa tanawing ito, bigla na lamang nagflashback ang alaalang iyon.

Nasa rooftop ako sa mga oras na iyon, umiiyak dahil lang sa maliit na bagay. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Natatakpan ng kamay ko ang aking mukha kaya hindi ko agad siya nakita.

Inakbayan niya ako, tinignan ko siya. Lalo lang akong umiyak noong nalaman kong si kuya Charles iyon. Sumandal ako sa kanya at doon nag-iiyak.

"Kuya," tawag ko sa kanya sa gitna ng aking pag-iyak. "Bakit ang bobo ko? ang bobo-bobo ko!"

"Sssshhhhh, alam ko. tahan na." Galit akong tumingin sa kanya, saka ko siya sinuntok sa dibdib.

"Sama mo!" sigaw ko at umalis sa pagkakaakbay niya sa kin. Tumigil na rin ako sa kakaiyak at pinunasan ang pisngi ko.

"Joke lang 'yon," saka siya marahang tumawa.

"Che!" nag-cross arms ako. Naging tahimik ako kaya napatigil siya sa pagtawa.

"Lika ka nga rito." He opened his arms na parang magbibigay ng akap.

"Ayoko!"

"Sige na."

"Ayoko sabi!" dahil sa pagmamatigas ko, siya na mismo ang lumapit sa akin at inakbayan ako. aalis sana ako pero malakas si kuya Charles kaya sumuko na rin ako.

"See those stars? Ella?" tamango ako bilang sagot. "And the moon... ang ganda, 'no? Kaya ba paborito mo ang moon sa lahat ng tanawin?" Mula kasi sa posisyon namin ni kuya, kitang-kita namin ang buwan at bituin.

"Alam mo bang may school na ang pangalan ay Moon?" kunot-noo akong napatingin sa kanya.

"Nagjojoke ka 'diba?"

"Totoo! And it's Blue Moon High to be exact," dagdag niya pa.

"Huhulaan ko, bobo 'yong nagbigay ng pangalan "

"Hindi siya bobo, hindi siya tulad mo."

"Aray ko naman," sabi ko at inirapan si kuya. "Pero kung totoo nga na may ganoong school, gusto kong mag-aral doon." Nakangiti kong saad. Napansin kong napatitig si kuya sa akin.

"Yaan mo, balang araw ako mismo ang mag-eenrol sa'yo do'n," ngumiti si kuya.

"Pramis 'yan, ha?"

"Promise."

Napangiti ako sa alaalang iyon, ngunit mayamaya lang ay natagpuan ko nalang ang sarili kong umiiyak.

"Kuya, miss na kita. Paano mo nagawa sa akin 'to?"

Naiinis ako sa sarili ko, iyak lang ako nang iyak. Sa kakaiyak ko, may nakita akong kamay sa harap ko na nag-abot ng panyo.

"Panyo," napatawa ako ng mahina. "Sino namang mag-aabot ng panyo sa mga oras na ito?

"Tanggapin mo na," nag-angat ako ng tingin nang makarinig ako ng boses lalake.

"Flynn?" hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa oras na makita ko siya.

"Sige na, ang pangit mo pag umiiyak ka." Napatitig lang ako sa kanya. Napabuntong hininga si Flynn dahil hindi ko parin tinatanggap ang panyong inaabot niya.

Lumuhod siya at hinarap ako. "Tigas ng ulo mo," sabi niya at nilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang panyong inabot niya kanina. Halos mabingi na ako sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang may kung anong kuryente ang dumadaloy sa katawan ko sa mga oras na dumadampi ang palad niya sa mukha ko. Hindi ko na kakayanin ito.

"Ano ba!" tila nagulat siya sa pagsigaw ko. Napausog pa siya at napaupo sa lupa. Naiinis kong inagaw ang puting panyo mula sa kanya. "Oh eto na, ha! Pinupunasan ko na! Ayan!" sabi ko habang pinupunasan ang mukha.

"Pwede naman kasing ako na," inis kong saad. Nakaupo parin siya sa lupa at pinagmamasdan ako, kaya hindi ako makatingin nang diretso sa mukha niya. Narinig ko pa siyang tumawa.

"Tumatawa ka pa dyan," sabi ko kaya siya natahimik. Tumayo si Flynn at dumiretso ng upo sa swing na nasa tabi ko.

Napabuntong hininga pa siya at dinuyan ang sarili. Nakatingala siya sa kalangitan. Kitang-kita ko ang kanyang mukha dahil sa liwanag na hatid ng buwan. Pinagmasdan ko na lang din ang buwan at butuin habang dinuduyan din ang sarili. Ganoon lang kami, tahimik. Walang nagsasalita. Hanggang sa ako na mismo ang bumasag sa katahimikan.

"Paano mo 'ko nahanap dito?" tanong ko sa kanya. Sumagot siya na diretso parin ang tingin itaas.

"Nasa labas lang ako ng kwarto ko noong dinaanan mo ako, tingin ko di mo ko nakita kasi diretso lang ang lakad mo kanina. Umiiyak ka kaya sinundan kita." Seryoso niyang sagot. Naging tahimik ako.

Tumigil ang pagduyan niya sa sarili. Naglean siya at itinukod ang kanyang siko sa bandang tuhod. Tumingin siya sa banda ko. "Nag-away ba kayo ng kuya Charles mo?"

Hindi ako sumagot sa tanong niya.

"Narinig kita, binanggit mo ang pangalan niya kanina." Napayuko ako at nanatili paring tahimik.

"Alam mo," dinuyan na naman niya ang sarili. "May kwento tungkol sa magkapatid na palaka." Nakayuko parin ako, nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Si Froggy1 at si Froggy 2, malapit sa isa't-isa ang dalawang magkapatid na palaka. Isang araw, naglalaro sa loob ng bahay ang dalawa. Sa gitna ng kanilang paglalaro, aksidenteng nabangga ni Froggy1 ang mamahaling flower vase ng bahay. Natakot ang dalawang magkapatid sa nangyari. Dahil alam nilang may malaking parusa ang kung sino man ang nakabasag sa flower vase na iyon."

Tinignan ako ni Flynn, tila sinisigurado kung nakikinig ba ako.

"Nalaman ng kanilang nanay ang nangyari at tinanong sila kung sino ang nakabasag. Ayaw sanang sabihin ni Froggy2 ang totoong nakabasag ngunit nagulat nalang siya sa sinabi ni Froggy1." Napatingin ako kay Flynn habang siya ay nagsasalita.

"Sinabi ni Froggy1 na si Froggy2 ang nakabasag ng flower vase at hindi siya. Hindi makapaniwala si Froggy2 sa sinabi ni Froggy1. Hindi siya makapaniwalang trinaydor siya ng minamahal niyang kapatid. Nagalit ang kanilang nanay kaya pinarusahan niya si Froggy2. Inatasan siyang maglinis sa labas at sa loob ng bahay ng walang tumutulong sa kanya sa loob ng isang lingo. Walang nagawa si Froggy2 at tinanggap na lamang nito ang parusa. Hindi nasakatan si Froggy2 dahil sa natanggap na parusa, nasaktan siya sa ginawa ng kapatid niya."

"Habang naglilinis si Froggy2, nakita niyang binubully ng mga kuneho ang kapatid niyang si Froggy1. Walang alinlangan niyang iniwan ang trabaho at tinulungan ang kanyang kapatid. Napalayas ni Froggy2 ang lahat ng kuneho. Pagkatapos ng nangyari, nahiya si Froggy1, dahil sa kabila ng kanyang ginawa kay Froggy2, pinili parin siyang iligtas nito. Humingi siya ng tawad at pinatawad naman siya ni Froggy2. The end."

"May tanong lang ako," nilingon ako ni Flynn at binigyan ng tinging nagtatanong. "Bakit ganoon nalang kabigat ang parusa sa kanya kung nabasag lang ang flower vase?"

Nagkibitbalikat siya. "I dunno, hindi gaanong maganda ang kwento pero isa lang ang sigurado ako. Ang gustong iparating ng kwento ay," tumingala siya sa kalangitan. "Kahit ano man ang ginawa o nagawa ng kapatid mo sa'yo, matuto kang magpatawad. Kasi, pamilya kayo eh, at wala nang mas hihigit pa roon." Ilang minuto kaming tahimik hanggang sa tumayo si Flynn.

"Tara na, hatid na kita," nakatalikod siya sa akin at nakapamulsa. Ngumiti ako at tumayo.

Napatigil ako at napahawak sa aking ulo. Inatake na naman ako ng sakit ng ulo. Akala ko'y babagsak na ako nang maramdaman kong sinalo ako ni Flynn.

Biglang nag-flashback ang mga nangyari sa loonb ng maze, halos mapasigaw na naman ako sa sobrang sakit ng aking ulo.

"Ella, anong problema?" natatarantang tanong ni Flynn.

Matagal kong ininda ang sakit hanggang sa bigla na lamang itong nawala.

"Kuya Arch!" iyon ang unang lumabas sa bibig ko. Nandidilat ang aking mata.

"Si kuya Arch, patay na siya!" huli na nang mapagtanto kong pumatak na pala ang aking luha. 



***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top