Chapter 55: A Message

Chapter 55: A Message


Ella's Point of View



"Hmmm... Two less lonely people in the world. And it's ... be fine. Hmmm..."

Nagising ako dahil sa taong kumakanta ngayon. Nagmulat ako ng mata at tumingin sa paligid. Kahit blurry man ang paningin ko noong una, kilala ko ang taong ngayon ay nakatayo sa harap ng salamin. Busy ito sa pagsusuklay habang kumakanta. Hindi nga lang ako sigurado kung kumakanta nga ba talaga ang tawag sa ginagawa niya ngayon.

"Two less lonely people in the world. And it's ... be fine. Hmmm..."

"Good morning," he greeted me while looking at me through the mirror. Hindi ako sumagot, tinignan ko lang ang mukha ng kuya ko.

"Lasing ka ba kagabi?" Umiling ako bilang sagot sa kanyang tanong. Nilagay niya ang suklay na ginamit sa desk na nasa tabi niya lang at hinarap ako. "Hindi mo na nagawang magpalit ng dami." Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi."

"What do you mean?" I asked. Ngumuso siya na parang tinuturo ang suot ko. Tinignan ko ang aking suot.

Napabalikwas ako ng bangon at kinapkapan ang sarili, pati na rin ang aking mukha. "Anong nangyari sa'kin?" Tanong ko sa aking sarili.

"Aalis na ako," paalam niya at naglakad palapit sa pinto, him ignoring my question. Paano ako napunta rito? Anong nangyari sa'kin kahapon? Kinakabahan at natataranta kong inalala ang pangyayari kahapon.

Nasa cafeteria lang ako kahapon kasama si Vanessa at Kiara. May ipinakitang singsing sa akin si Vanessa na pagmamay-ari ni Kiara. Saka ko nakita si Max.

Sinundan ko si Max sa Crest Building, nakapasok ako rito at nakita ko si Mr. Black.

"Hello Ella, ako si Mr. Black."

"Okay ka lang ba talaga?" halos tumalon ang kaluluwa ko sa gulat. Dahil sa inis ko, sinuntok ko sa kaliwang braso si kuya Charles na ngayon ay nasa tabi ko na.

"Masakit 'yon ah!" reklamo niya habang hinihipo ang kanyang kanang braso. "Ako na nga itong nag-aalala sa'yo."

"Kaliwang braso mo 'yong sinuntok ko, bakit kanan 'yang hawak mo?" napatingin siya sa kanyang kamay na nakahawak sa kanang braso at inilipat ito sa kaliwang braso.

"Kahit na!" napairap ako.

"Akala ko ba nakaalis ka na?"

Napatingin kaming dalawa ni kuya Charles sa pinto ng kwarto nang bigla na lamang itong bumukas. "GOOD MORNING!" pasigaw na bati ng bagong dating.

Pumasok ang dalawang hindi inaasahang tao sa kwarto ni kuya Charles. Pareho kaming napatayo ni kuya Charles.

"Dorth? Kuya Gally?" halatang pati si kuya Charles ay nagulat sa pagdating ng dalawa.

"Good morning ulit kuya!" malapad ang ngiti ni Dorth. Hinarap ako ni Dorth. "Good morning din ate Ella!"

Tahimik lang si Kuya Gally, bigla ko nalang naalala ang gabi na hinatid ako ni Kuya Gally pauwi sa Spades Mansion. Napansin siguro ni Dorth na tahimik lang ito kaya niya ito siniko sa tagiliran. Napatingin pa si kuya Gally kay Dorth at tila nagtatanong.

Nagkatinginan kami ni kuya Charles, parehong nagtataka. Ang awkward nito, ang tahimik.

Nakita ko si Dorth na sinenyasan si kuya Gally.

"Uhm," kuya Gally started awkwardly. Saglit akong tinignan ni Kuya Gally. "Good morning Ella, sa'yo rin Charles."

"Okay," tumango-tango si kuya Charles. "What's the meaning of this? Bakit kayo nandito? Wala ba kayong pasok?"

"Actually, that's the reason why we're here." Ngumiti si Dorth. " Gusto naming makasabay si ate Ella papuntang rooms namin. No.. more like gusto naming ihatid si ate Ella sa classroom niya."

"Naku, hindi na kailangan, maabala ko pa kayo," pagpigil ko sa kanila sa dahil sa dalawang rason. Una, dahil nakakahiya. Pangalawa, dahil sobrang nakakahiya.

"But we insist," pagpupumilit ni Dorth at saglit siyang napatingin kay kuya Gally. "Tsaka wala naman sigurong masama kung ihahatid ka namin. At magkapatid tayo in the first place."

Sinubukan ko uling mag reason out pero wala namang epekto. Sadyang matatag talaga si Dorth.

Just as what I have expected, sinalubong na naman kami ng mga bulong-bulungan ng mga estudyante.

"Nandito ang Kings at Queens."

"Ba't ang gwapo ni King Gally?"

"Sinabi mo pa, pero mas gwapo parin ang King Charles ko!"

"Nandito rin si Queen Dorth."

"Pero sino 'yong isa?"

"Ang swerte naman niya, kaibigan niya ang tatlong sikat na kings and Queens ng Blue Moon High."

"Feeling ko kilala, ko siya eh. Ellizabeth yata ang pangalan niya."

Binalewala ko nalang ang mga naririnig ko. Kahit sasabog na ako, hindi talaga ako kumportable na kasama sila. Pero mga kapatid ko sila, wala naman sigurong masama at may karapatan naman siguro ako na maglakad kasama sila.

''It's really good to walk with you," nakangiting saad ni Dorth na ngayon ay katabi kong naglalakad.

"Ah, ako rin. Masaya akong kasabay kayo." Awkward kong sabi.

"Hmm, hindi naman halata sa'yo ate," saglit akong napatingin sa kanya.

"Hindi naman sa gano'n, sadyang---"

"Ate Ella, hayaan mo sana kaming gawin namin ito. Hayaan mo sana kaming bumawi sa mga pagkukulang namin sa'yo bilang kapatid at pamilya mo."

Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ni Dorth, nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa first sa subject ko.

Hindi pa ako tuluyang nakapasok sa classroom, sinalubong na ako ni Vanessa. 'HoyElla! Ano itong nabalitaan kong hinatid ka raw ng dalawang Kings at Queens? Totoo ba 'yon?" klaro sa kanyang mukha ang excitement.

"Oo, medyo awkward nga eh."

'Inggit ako!" pumasok na ako ng classroom at sumunod naman sakin si Vanessa na panay parin ang pagsasalita. Sobra ang tingin ng mga estudyante sa akin noong pumasok ako, pinabayaan ko nalang.

Nginitian ko si Kiara noong nakaupo na ako sa upuan ko katabi siya. Ginantihan niya naman ako ng tingin. Noong hindi na ako nakatingin sa kanya, ramdam ko ang tinging pinupukol niya sa akin.

Kiara, matalik kitang kaibigan. Kung totoo nga na isa ka sa mga tryador, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Marami na rin tayong napagdaan. Mahal ko kayo ni Vanessa.

Malapit nang kumagat ang gabi at pauwi na ako sa Spades Mansion. Sa isang araw na pagpasok ko, ni isang lesson walang pumasok sa utak ko. Masyado kasi akong pre-occupied.

Dahan-dahan lang akong naglalakad habang ninanamnam ang lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat. Napatingala ako sa itaas, ang gandang tignan ng buwan, malaki ito. Lalo pa itong pinatingkad ng mga naglalabasang mga bituin.

Naalala ko na naman si kuya Gally. Napangiti ako sa alaalang iyon.

Napatagil ako sa paglalakad nang may naramdaman akong may taong nakatayo sa likuran ko. Walang alinlangan akong lumingon at hinarap ko kung sino man ito.

"Max," I almost bit my lip nang makita ko kung sino ang nakatayo. He chuckled.

"So, you expected someone else." He smirked., napakuyom na lang ako ng kamao.

"Gab," I said and direcly look at him. Ngumiti siya. Mabilisan kong tinignan ang paligid, kaming dalawa lang ang nandirito.

Ayon sa mga mission ko kasama si Gab, alam kong mas mabilis at magaling pa siya sa akin, sa amin. Dalawa lang ang option ko kung sakaling atakihin niya ako. Tumakbo o lumaban.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Now?" tanong ko, napatingin ako sa paligid. "Dito?"

"Kung pwede lang naman sana," kalmado lang ang kanyang pananalita, na tila walang binabalak na masama. Pero hindi ko parin siya pwedeng pagkatiwalaan.

"Sure," sabi ko. Humakbang palapit sa akin si Gab, bawat hakabng niya ay siya namang kaba ko. Nasa loob ng kanyang bulsa ang dalawa niyang kamay. Noong nakalapit na siya ay agad siyang nagsalita.

"Tungkol sana rito," nakita ko kung gaano kabilis ang kanyang pag-galaw. May inilabas siyang syringe mula sa kanyang bulsa na siyang nagpadilat ng aking mata.

Isasaksak na niya sana ito sa kanang braso ko ngunit nagawa ko paring ideflect iyon. Isasaksak niya sana ulit ang syringe pero nailagan ko ulit ito. Akma ko sana siyang susuntukin pero malayo ang tsansang matamaan ko siya.

I swung my leg, hoping to hit him but I failed. Sinuntok ko siya, pero madali niya lang itong nailagan. Umatras ko para ilagan siya, mabilis siyang nakalapit sa akin at akmang susuntukin ako. Sinalo ko ang kanyang kamay at sinubukang itwist ito. Technique na tinuro ni kuya Charles. Muntik na akong magtagumpay ngunit matagumpay parin siyang nakatakas.

"That's Charles' technique," nandilat ang mata ko sa kanyang sinabi.

"Paano mo nalaman?" hindi ko maiwasang itanong.

"Kung ganoon, tama ang hinala ko. Tinuturuan ka ni Charles," napailing siya. "Hindi talaga siya marunong sumunod sa mga utos."

Pagtapos niyang sabihin iyon, tila isang kurap ko lang ay nakalapit na siya akin. I deflected his attacks using everything I learned from my brother. Using my palms, the back of my palms. Even my elbows. Hindi basta-basta ang nakakalaban ko ngayon, atras ako ng atras habang siya naman ay patuloy sa pag-abante.

"Gab! Bakit mo ginawa ito? Sino ang nasa likod nito?" tanong ko sa gitna ng aming labanan.

"Hindi dapat ako ang gumawa nito. Pero mukhang sumuko na ang dalawang iyon." Saka siya umatake.

"Sinong sila?" naguguluhan kong tanong. Tumalon ako para ilagan siya.

Masyado na akong pinagpapawisan at nahihirapan habang siya ay walang effort na nilalabanan ako. I hated the fact na wala akong laban sa kanya.

Sumigaw ako at nagpalipad ng suntok, sunod ko siyang binigyan ng sipa. Nakakita ako ng opening kaya ako napangiti at saka siya siniko sa dibdib. Nagtagumpay ako, napaungol siya noong natamaan ko siya. Hindi na ako nag-aksaya ng oras kaya agad kong itinama ng sabay ang dalawa kong palad sa kanyang sikmura.

Umatras siya habang nakahawak sa kanyang tiyan, halos mapaubo pa siya dahil sa epekto nito.

Galit at gulat siyang napatingin sa akin habang iniinda ang sakit. Napasmirk nalang ako.

Akala ko ay mananatili siyang ganoon ngunit segundo lang ay agad siyang nakarecover at nagpatuloy sa pag-atake sa akin. Sa oras na ito, ibang istilo ng martial arts na ang gamit niya. Wala akong alam tungkol dito.

Masyado akong nahihirapan sa kanyang galaw. Halos hindi ko na ito makita at mailagan. Walang isang minuto at tinamaan niya ako sa sikmura, malakas akong bumalibag sa lupa.

Napapikit ako dahil sa sobrang sakit, halos mapasigaw pa ako. Hindi ko maintindihan ang mga galaw niya. Biglang umalingaw-ngaw sa utak ko ang boses ni Vanessa.

"Angampora, it's a special form of martial arts. It combines, combat techniques, self-defense at sports. It also includes grapping and striking techniques. Pero forbidden na ang martial arts na ito. "

"Angampora! Ikaw ang angampora user!" sigaw ko at dahan-dahang tumayo kahit pa lubha na akong nahihirapan.

"Ako nga," he smiled.

"Kung gano'n, ikaw ang nagligtas sa akin sa dalawang lalake sa Baryong Narra." I conculed, he looked amused.

"Naaalala mo na pala ako, kung ganoon hindi na pala gumagana ang pinainom ko sa'yo," he smiled and licked his lips. Bigla ko nalang naalala noong pilit niya akong pinainom ng pill.

"Tama lang talaga na gawin ko ito!"

"Gab tama na 'yan!" tumigil si Gab at pareho kaming napatingin sa nagsalita. Naglakad palapit sa amin si Kuya Gally at Dorth, halos maiyak ako sa presensya nilang dalawa. Ng mga kapatid ko.

Napatingin si Dorth sa akin. Halos sumabog ako sa saya ngunit nawala ang sayang ito nang may narealize ako. Tinawag ni kuya Gally si Gab sa kanyang pangalan. Tinawag niya itong Gab.

"Magkakilala kayo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tila nagulat sila sa tanong ko.

"Umalis ka na rito! Kami nang bahala sa kanya!" naikuyom ko na lamang ang aking kamao at tumakbo. Hindi ako lumingon sa kanila habang tumatakbo.

Wala ako sa aking katinuan noong narating ko ang kwarto. Dumiretso agad ako sa aking higaan at doon ay isinubsob ko ang aking mukha. Hanggang sa may narinig akong tunog ng g-tech device, tunog sa tuwing nakakareceive ako ng message.

Habang nakapikit ako, kinuha ko ang g-tech device mula sa bedside table at ini-open ang message. Kumunot ang noo ko dahil napagtanto kong kay kuya Charles pala ang g-tech na hawak ko. At huli na dahil nabuksan ko na ang mensahe.



Unknown number:

Charles, I need a word with you. Contact me as soon as possible.

- Black


***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top