Chapter 54: Ella meets Black


Chapter 54: Ella meets Black


Ella's Point of View



"Uhm, I would be glad kung ako ang tinawag niyang Your Highness. Pero ako nga ba talaga ang tinawag niya?" saad ni Vanessa at nagpalinga-linga sa paligid.

"Lalo namang hindi ako," I said habang tinuturo ang sarili ko. Nasa gitna kasi namin ni Vanessa si Kiara, ako sa kaliwa at si Vanessa naman sa kanan ni Kiara.

Nag-angat ng ulo ang babae at tila kumikislap ang mata na nakatingin kay Kiara. Nag-bow na naman ang babae habang ito ay nakaluhod. "Hindi ko po talaga inakalang sa iisang paaralan lang po tayo nag-aaral Your Highness."

"Kiara? Ikaw ba kinakausap niya?" nagtatakang tanong ni Vanessa. Patingin-tingin si Kiara sa paligid.

"Ahh, hindi. H-hind ko nga siya kilala eh." Napatingin ang babae kay Kiara at tila nagulat pa ito sa sinabi ni Kiara.

"Hindi niyo po ako nakikilala, Your Highness?" dali-daling tumayo ang babae.

Agad naman kaming hinablot ni Kiara sa magkabilang kamay at hinila palayo sa babaeng iyon. "Tara na, nagugutom na ako," saad nito at napatingin saglit sa babae.

"Ako po si Tessa!" pasigaw na habol ng babae. "Isa po ako sa pinagkakatiwalaan ng ama ninyo!" mabilis ang paglalakad ni Kiara kaya naman napabilis na rin ang paglalakad namin ni Vanessa. Nagkatinginan pa kami ni Vanessa.

"Sobra na ba ang gutom mo kaya ganito mo nalang kami hilahin?" reklamo ni Vanessa. Nabitawan ni Kiara ang braso namin ni Vanessa saka siya tumingin-tingin sa paligid. "May problema ba, Kiara?"

"W-wala, nagugutom lang talaga ako."

"Pero ang weird naman ng babaeng iyon. Tinawag kang Your highness as if naman isa kang Queen o kaya naman Princess," kunot noong saad ni Vanessa.

"Wala rin akong ideya eh, pero tara na nga, gusto ko nang kumain ng ice cream." Sabi ko nalang at wala na silang nagawa kundi ang kumilos na rin.

Habang naglalakad ay bigla na lamang nagvibrate ang g-tech device ko. I fished it out of my pocket at dumiretso sa message icon.

Professor Loid

Can I speak with you? Come over to my office.

"Well, well, well! Look what we have here. Hmmm," nakacross-arms na Vanessa ang ngayon ay nasa likuran ko at nakikibasa ng message. Tinaasan niya pa ako ng kilay, kasing taas ng Eiffel Tower ng Paris.

"What? Sasama naman akong mag-ice cream eh, tara na." Hinila ko na sila papuntang cafeteria.

Habang kumakain kami ng ice cream, hindi mawala sa aking isipan ang tungkol sa message sa akin ni sir Loid. Plano ko sanang ipagbukas nalang ang pagpunta ko sa kanya pero hindi talaga ako pinapatahimik ng curiosity ko kaya heto ako ngayon, nasa harap na ng pinto ng opisina ni sir Loid.

Tatlong araw na ang lumipas simula noong matanggap ko ang message ni sir Loid. At hanggang ngayon, hindi ko parin binubuksan ang binigay na folder sa akin ni sir Loid.

Mag-aala syete pa ng umaga at kasalukuyan kong inaayos ang higaan ko nang makita ko sa ilalim ng aking unan ang folder na iyon. I found myself staring at the white folder, staring back at me. Sinadya ko talagang sa ilalim ng unan ilagay ang folder na ito at baka makita pa ito ni kuya Charles.

Umupo ako sa gilid ng aking higaan at pinulot ang folder, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang nakahawak sa folder. Nagpalinga-linga pa ako bago ko binuksan ang white folder. At hindi ko rin alam kung bakit sa tatlong araw na lumipas, ngayon ko lang naisipang buksan ito.

Naalala ko nalang ang sinabi niya sa akin noong inabot niya ang folder na ito.

"Ella, ingatan mo ito. Iilan lang 'yan sa mga mga bagay na maaring magbigay ng sagot sa iyo"

"Ano pong meron dito?"

"Listahan iyan ng mga taong kailangan mong bantayan. Maaring may koneksiyon sila sa mga nangyayari ngayon. At kung maari, mag-iingat ka sa kanila."

Humugot ako nang malalim na hininga saka ko tinungo ang kasunod na page.

*Maximus Bane

*Kezia Ethos

*Kyler Gab Hudson

*Chris White

*Kiara Lewis

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa oras na nabasa ko ang pangalan ni Kiara. Agad kong sinara ang folder at binalik ito sa pagkakatago sa ilalim ng aking unan.

Napapikit ako at humugot nang malalim na hininga, sinusubukang pakalmahin ang sarili.

Mayamaya lang ay inatake na naman ako ng sakit ng ulo. Nanlalabo na naman ang aking paningin kaya ako napapikit at ininda ang sakit.

Mahigpit akong napahawak sa kumot. May mga boses at mga pangyayari ang lumilitaw sa aking paningin.

"Ella, gumising ka. Ako ito! Huwag kang mag-alala, nandito na si kuya."

"Ella, mag-iingat ka kay Black!"

"Hindi! Kuya Arch!"

Agad ring nawala ang lahat, lahat ng sakit. Na parang walang nangyari. Ilang araw na rin akong ganito. Bigla-biglang sasakit ang ulo at may makikitang mga pamilyar na tao saka may maririnig na boses.

Napatingin ako sa bintana, kakalabas lang ng araw. Napahawak na lamang ako sa aking pisngi nang mapansin kong basa ito ng luha.

"Mag-iingat ka kay Black."

"Kuya Arch!" naalala ko na sinigaw ko ang pangalang iyon. Sinigaw ko ang pangalan ng kuya kong s Arch.

Bakit nangyayari sa akin ito? Bakit pabigla-bigla na lang akong nahihilo? At may naririnig at nakikitang mga tao?

Maaring may sakit lang ako, pero malaki ang posibilidad na hindi ito sakit lang. At malaki rin ang posibilidad na ang mga nakikita at mga naririnig ko ay hindi lang gawa-gawa ng utak ko kundi mismong alaala ko. Mga alaalang nawala at maaring binura mula sa akin.

At nagsimulang mangyari ito noong pinainom ako ni Uncle ng tubig, tubig na nagpawala ng ulirat ko. Maari, maaring siya nga ang dahilan.

Simula noong pinainom ako ni Uncle ng tubig na iyon, pakiramdam ko unti-unti akong lumalakas. Pakiramdam ko rin tumaas ang katalinuhan ko. At may mga naaalala rin akong mga bagay. Kung tama nga lahat ng hinala ko, ano ang ibig sabihin nito?

Nagmimistulang tambol na ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Bakit ito ginagawa ni Uncle sa'kin? Tinutulungan niya ba ako? Kakampi ba siya? Kung tinutulungan niya nga ako, at gusto niyang bumalik ang kung anong meron ako ibig sabihin may alam siya.

Napatayo ako at kinuyom ang kamao. Iisa lang ang paraan para masagot ang mga katanungan kong ito.

Hindi ako pumasok sa first period ko sa araw na ito at dumiretso ako sa opisina mismo ng Uncle kong si President White. Kumatok ako saka mabilis akong pumasok. Sobra parin ang pagpintig ng puso ko sa mga oras na ito.

Nadatnan ko si Uncle na umiinom ng kape sa table niya habang kaharap ang kanyang laptop. Nagulat siya sa biglaan kong pagdating. "Ella, what took you here?"

Nakangiti siyang tumayo at pinaupo ako sa upuan kaharap niya. My heart is racing and my blood is pulsating like crazy. Tinignan ko lang ang upuang inioffer niya at malamig siyang tinignan.

"Any problem, Ella?"

"Diretsuhin mo na ako Uncle," seryoso ang aking mga mata habang sinasabi ang mga katagang iyon. "Sino ka ba talaga?"

Kumunot ang kanyang noo na parang wala siyang alam sa mga sinasabi ko. "Ella, hindi kita maintindihan. Ano'ng pinagsasabi mo?"

"Huwag kanang magpanggap. Sino ka ba talaga? Uncle?" hindi niya ako sinagot, nanatili lamang siyang nakatayo at tahimik. Lalo lang kumulo ang dugo ko sa kanya. "O baka naman gusto mong palitan ko ang tanong. Ano ka ba talaga? Kakampi ka ba? At sino si Black? Bakit kasama mo siya sa picture na iyan." Tinuro ko ang framed picture ni Uncle kasama sina mama, papa at ang isang lalake na si Black.

Umiling-iling si Uncle. "Ella, wala talaga akong ideya sa mga sinasabi mo.'

"Dalawang beses mo na akong pinainom ng tubig. At simula noon, may kakaiba akong naramdaman. Mga pagbabago sa katawan ko. Lumalakas ako, nagiging matalino. At dahil din doon sa pinainom mo may mga alaalang bumabalik sa akin. Mga alaalang binura sa akin." Pagkatapos kong sabihin ang lahat ng iyon, nanatili parin si Uncle sa pagiging tahimik.

Madiin akong napapikit. "Uncle, kung may alam kayo tungkol sa mga taong nasa likod ng lahat ng ito, please naman sabihin niyo na po sa akin." Akala ko habangbuhay na siyang mananahimik, pero nagsalita siya.

"Ella," nagbago ang tono ng boses ni Uncle, nanging seryoso ito. "kakampi mo ako, at sa ngayon pagkatiwalaan mo muna ako."

***

Walang nagawa ang pagpunta ko kay Uncle, wala akong nakuhang kahit anong impormasyon. Akala ko pa naman makakakuha ako ng kahit ilang sagot. Napabuntonghininga na lamang ako.

"Psst! Hoy! Ella!" nagulat ako noong tinapik ako ni Vanessa.

"Bakit?" medyo naiirita kong tanong.

"Hala, bakit talaga isasagot mo sa'kin? Girl! Mag-aalaskwatro na ng hapon pero hanggang ngayon ganyan parin ang mukha mo. May namatay ba? Tsaka bakit hindi ka pumasok sa lahat ng klase natin ngayon? Whole day ka talagang absent. Pinuntahan ka namin ni Kiara kaninang umaga sa kwarto ni King Charles para sunduin ka pero wala ka na."

"Tsss," iyon lang ang naging sagot ko kay Vanessa. Kinuha ko ang tinidor at tinusok-tusok ang blackfrost cake na ini-order ko.

"Oo nga Ella, ano ba kasing nangyari?" tanong ni Kiara saka sumubo ng cake. Nandito kasi kami ngayon sa cafeteria, kumakain kuno ng meryenda. At oo, tama lahat ng sinabi ni Vanessa. Nag-skip nga ako sa lahat ng class ko ngayong araw na ito. Talagang ayaw ko lang pumasok.

"Wala, kumain nalang kayo dyan," saad ko sa walang ganang tono.

"Baka naglilihim ka na sa amin, Ella ha. Masama 'yon," punto ni Vanessa.

"As if naman hindi kayo naglilihim sa'kin," sabi ko at sumubo nalang ng cake kahit wala naman akong gana. Sayang din kasi.

"Uhm, guys excuse me. CR lang ako saglit," tumayo si Kiara kaya tinanguan nalang namin siya. Sinundan namin ni Vanessa ng tingin si Kiara.

Noong medyo malayo na sa amin si Kiara, nagpalinga-linga si Vanessa saka niya ako hinarap. Naglean siya sa mesa at medyo nilapit ang kanyang mukha.

"Ella," medyo hininaan ni Vanessa ang boses niya this time. "Alam mo, medyo nagtataka ako kay Kiara." Kumunot ang noo ko dahil doon.

"Bakit naman?" gaya ni Vanessa hininaan ko na rin ang boses ko.

"Kasi noong mga nakalipas na araw, noong nagkaroon tayo ng discussion kay sir Loid about sa Miruko Clan, tanda mo?" tumango ako. "Medyo kamukha ni Kiara ang Painting ng mukha ng Prinsesa. At heto pa, pagkatapos ng discussion nating iyon may nakabangga tayong babae at tinawag niyang Your Highness si Kiara." Mukhang alam ko na kung saan papunta ang usapang ito.

Naalala ko ang folder na ibinigay sa akin ni sir Loid. Nabibilang si Kiara sa mga taong dapat kung banatayan. Mga taong dapat akong mag-ingat.

"The point here is---"

"Vanessa, alam ko," pagputol ko sa kanya.

"Alam mo na'ng ano?"

"Alam ko na kung ano ang gusto mong sabihin, si Kiara. Pero wala pa tayong ibang pruweba na magpapatunay na may koneksiyon nga siya sa Miruko Clan," tila may naalala si Vanessa at mabilis niyang kinapkapan ang sarili. Segundo lang ay may inilabas siyang singsing at ibinigay ito sa akin.

"Iyan," tinuro niya ang parang inner part ng singsing. "Basahin mo nakasulat.

Inikot ko ang singsing at binasa kung anong nakasulat sa loob. Nandilat na lamang ang mata ko. Naka-italic pa ito.

Miruko Clan

"Naghahanap ako ng suklay at nakita ko 'yan sa loob ng drawer niya," she explained.

"Naghahanap ka lang ba talaga ng suklay?" I asked her.

"Okay," umirap si Vanessa. "Sinadya ko talagang guluhin ang gamit niya at naghanap."

"Pero, hindi pa ito sapat," I said, again.

"Ano pa ba'ng sapat sa'yo Ella? Imposibleng nagkataon lang na may singsing siya ng Miruko Clan. Naku," kinuyom ni Vanessa ang kanyang kamao na parang nanggigigil. "Pag napatunayan ko lang talaga na traydor siya sasabunutan ko talaga."

"Huwag mong gawin 'yan." Pigil ko sa kanya.

"Ang alin? Ang sabunutan siya?"

"Hindi," tumingin ako sa paligid at chineck kung nasa paligid na ba si Kiara. "Sa oras na napatunayan mong parte nga siya ng Miruko Clan, magpanggap kang wala ka paring alam."

"Magpanggap?!" medyo napalakas ang kanyang boses. Napatingin nga ang ibang estudyante sa'min. "Tingin mo magagawa ko 'yon?"

"Kailangan mong magpanggap. Kailangan nating alamin kung ano ang pakay niya rito sa loob ng Blue Moon High. Please? Magagawa mo ba 'yon Vanessa?" sumandal si Vanessa at nagcross-arms. Saka siya tumango bilang pagsang-ayon. Kahit alam kong hindi siya sang-ayon sa gusto ko.

Nakita kong pabalik na sa table namin si Kiara kaya agad kong itinago ang singsing.

"Akala ko tapos na kayo, medyo natagalan kasi ako sa CR," sabi ni Kiara at umupo. Naramdaman ko ang pag-iba ng atmosphere noong dumating si Kiara.

Ilang minuto kaming nakaupo sa posisyon namin nang makita ko si Max na palabas ng Cafeteria, at mukhang nagmamadali ito. Mabilis ang kanyang paglalakad habang panay ang tingin sa kanyang g-tech device.

Naalala ko bigla ang folder na bigay ni sir Loid sa akin.

*Maximus Bane

*Kezia Ethos

*Kyler Gab Hudson

*Chris White

*Kiara Lewis

Isa si Max sa listahan.

Tumayo akong bigla at sinabit ang shoulder bag. "Sa'n ka?" tanong ni Kiara, pareho silang nakatingin sa akin.

"May pupuntahan lang ako," sagot ko at hinawakan ang strap ng aking bag.

"Sama ako," Vanessa offered. Umiling ako.

"Huwag na, mabilis lang ako." Tumakbo na ako at sinundan si Max. Muntik na siyang mawala sa paningin ko, mabuti nalang at nakita ko siyang ulit.

At oo, hindi ko alam at hindi ko rin maintindihan kung bakit ko siya sinusundan ngayon. Habang naglalakad si Max ay palinga-linga pa ito sa daan. Kinailangan ko pang magdoble ng ingat para maiwasang mahui.

Sa kakasunod sa kanya, napadpad kami sa likod ng Crest Building. Sa pagkakatanda ko, dito sa Crest Building naganap ang first stage ng Crest Challenge. Tumakbo ako at nagtago sa isang puno saka sumilip para malaman kung saan siya tumungo. Dumiretso siya sa isang pinto. Ngayon ko lang nalaman na may ganitong pinto pala dito sa likod ng Crest Building.

Mas lumapit pa ako habang nagmemaintain ng sapat na distansya. Patuloy sa baliw na pagkabog ang dibdib ko dahil sa takot na baka mahuli ako.

Tumingin si Max sa paligid at pinindot ang parang password sa pinto. Dinilat ko ang aking mata para makita ang password. Bumukas ito saka siya pumasok.

Sa oras na nakapasok na si Max, maingat akong lumapit sa pinto habang patingin-tingin sa paligid. Noong matagumpay akong nakalapit sa pinto, pinindot ko agad ang password na naalala ko.

Habang hinihintay kong bumukas ang pinto, halos mabingi na ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Narinig ko ang mekanikal na tunog at sumunod ang pagbukas ng pinto. Tila nabunutan ako ng tinik sa paa. The door moved sideways to the right. Sumilip muna ako sa loob, noong nakumpirma kong walang ibang tao ay agad na akong pumasok.

Isang mahabang hallway ang sumalubong sa akin sa oras na pumasok ako sa loob. Tahimik ang paligid, pakiramdam ko nga ay walang ibang tao dito.

Ano ba ang ginagawa ni Max dito? Ito ba ang secret hideout niya at ng kanyang boss? Sa loob ng school? Napatingin ako sa paligid. Kung hindi lang dahil sa mga mga ilaw sa ceiling, paniguradong sobrang dilim ng lugar na ito.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, pakiramdam ko naliligaw na ako. Nasaan na ba si Max?

Napahinto ako sa paglalakad nang may narinig akong nag-uusap sa loob ng kwartong nadaanan ko. Nagmistulang tambol ang puso ko sa oras na nilapitan ko ang pinto at idinikit ang aking tenga sa pinto.

Naririnig ko ang boses ni Max.

"Ito lang ba?"

"Opo, 'yan lang po ang maipapakita ko sa inyo ngayon, Mr. Black."

Napasinghap ako sa narinig. Si Black? Hindi ko sinasadyang mabitawan ang hawak kong g-tech device. Napapikit ako at dahan-dahang pinulot ang g-tech device.

Napalunok ako noong bigla silang tumigil sa pag-uusap. Kailangan ko nang makaalis dito! Dahan-dahan akong tumayo at tumalikod, lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba.

Pangalawang hakbang ko palang ay biglang bumukas ang pinto. Nararamdaman kong may dalawang taong nakatayo ngayon sa likuran ko.

"Hello Dear, can I help you?"

Naistatwa ako sa aking kinatatayuan, pakiramdam ko rin humiwalay na sa aking katawan ang sarili kong kaluluwa.

Tumawa ng mahina si Mr. Black.

"Hello Ella, ako si Mr. Black."



***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top