Chapter 51: Trinity

Chapter 51: Trinity

Ella's Point of View



With hesitation debilitating my strength, I swallowed and got myself out of the car. Coldness immediately wrapped itself in my skin, embracing me. As if telling me how it missed me.
Nauna nang maglakad ang mga kasamahan ko, ako naman ay naiwang nakatingin sa kanilang likod. Nakakabingi ang madilim na paligid. Naririnig ko na ang mga yapak ng kanilang mga paa habang inaapakan nito ang mga maliliit at matutulis na bato.

Salamat sa headlights ng mga sasakyan dahil ito lang ang nagsisilbing ilaw. Huminga ako nang malalim saka naglakad para sumama sa kinala.

Ang grupo namin at ang grupo ng mga taong bagong dating ay nagsalubong sa gitna. Pumwesto ako sa gitna ni Flynn at ni Kiara, si Kiara sa kanan ko at si Flynn naman sa bandang kaliwa.

I can even feel Flynn's arm brushing mine. Sending both electricity and... warm.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ko sila nang malapitan. At isa lang ang masasabi ko, pumapatay sila nang tao sa itsura at anyo palang nila. At ngayon, pinapatay na ako ng babaeng kaharap ko dahil sa tinging binibigay niya sa 'kin.

Napalunok ako at sinubukang magmukhang matapang at malakas. Tinignan ko rin siya, mata sa mata.

Tinaasan niya ako ng kilay at tinignan ako mula ulo hanggang pa.

My brows raised as high as Eiffel Tower.

I scanned her from head to toe as if she's gross and disgusting.

A smile curved at the right side of her lips.

"I like you," sabi ng babaeng kaharap ko. Isang kurap ko lang at may hawak na siyang kutsilyo sa magkabilang kamay. Tila may sariling ilaw ang kutsilyo dahil sa tulis nito.

"Mr. Shin, sila ba?" usal ng lalakeng may katandaan na, siguro'y nasa mid-forties na ito. Pinapagitnaan siya ng kanyang kasamahan, at kapansin-pansin ang dami ng mga alahas na nakasabit sa kanya. Nakasuot siya ng puting suit, nakabukas ito kaya makikita rin ang white shirt sa ilalim nito. May pares din itong white slacks sa ibaba.

Isa-isa niya kaming tinapunan ng tingin, tila nagtataka at nagdadalawang isip. "Sila ba ang ipapalaban mo dito sa mga alaga ko?" he asked with a smile in his face, almost mocking.

Tumingin sa amin ang kasama naming matabang business man na si Mr. Shin. "Oo, sila nga," habang marahang tumatango.

Tila nagpipigil ng tawa ang lalake. "Mr. Shin, seryoso ka na ba? Sila?" tumawa nang malakas ang lalake. "Pwede mo pang baguhin ang desisyon mo! I mean, look at them!" tinuro niya ako, "mukha silang mga estudyante ng grade school. Baka malugi ka lang!" tumawa na naman siya nang malakas.

"Walang nakakatawa Mister," biglaang napatigil sa kakatawa ang lalake dahil sa sinabi ni Vanessa. Tinignan niya si Vanessa at nginitian ito.

Vanessa, what are you doing? Iniinis mo lang siya.

"What's your name, Sweety?" he grinned.

"Vanessa," cold na sagot ni Vanessa. "At ako ang pupunit dyan sa bibig mo kung hindi titigil sa kakatawa."

Nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Sweety, you better be careful. You don't know me--"

"And you don't know me too," hindi ko alam pero parang nakita ko si Vanessa na ngumiti nang matamis.

"Mr. Shin, mukhang sabik na akong makasama ng babaeng ito sa impyerno,'' sabi ng lalake habang pinagmamasdan si Vanessa. "Simulan na natin. You win, you get the money. I win, I get the money,'' binasa niya ang kanyang labi gamit ang kanyang dila. "And I get the body. Trinity, you first."

Ngumiti ang babaeng kaharap ko kanina saka umatras ang sampu niya pang kasama. Labing-isa sila habang anim naman kami. This means we are outnumbered. Siya lang mag-isang lalaban samin?

Sandali kong tinignan ang leader nilang lalake, at noong binalikan ko ng tingin si Trinity napansin ng mata ko ang paggalaw ng kanyang kamay.

Tinapon niya ang kutsilyo. Segundo lang at nakikita ko na itong lumilipad patungo sa mata ko. Nandilat ang aking mata. My heart skipped a beat.

Ella move! Sigaw ko sa aking sarili.

Isang kurap ko lang. Ginalaw ko ang aking kamay at sinalo ang kutsilyong papalapit sa akin. Nandidilat ang mata ko habang tinititigan ang kutsilyong hawak ko sa may tip nito. Dalawang inches na lang at sumapol na ito sa aking mata.

Tinignan ko si Trinity pero may kutsilyo na namang lumilipad papunta sa mukha ko. Ginamit ko ang kaliwang kamay ko at sinalo ang paparating na kutsilyo.

Trinity smiled. "I'm impressed, hindi ako nagkamali sa'yo. I like you, bitch!" she was grinning.

"Umatras kayo, si Ella ang napili niya,'' kalmadong saad ni Sir Loid. Napatingin kaming lahat sa kanya. Wala kaming magagawa, ito ang nasa plano. Kailangan namin itong sundin.

"Pero sir," nag-aalalang boses ni Flynn ang narinig ko.

"Sumunod nalang kayo," utos ni sir.

''Ella," napatingin ako kay Flynn. Nakita kong gumalaw ang kanyang kamay, hahawakan niya sana ako pero 'di niya tinuloy. "Promise me you'll kick her ass." Nagulat ako sa sinabi ni Flynn pero tumango na lamang ako.

"Tapos na kayong mamaalam sa kaibigan niyo?" napatingin kami kay Trinity."'Wag kayong mag-alala, dahil ilang minuto lang ay may lalamayan na kayo."

Umatras silang lahat at binigyan kaming dalawa ni Trinity ng mas malaking space. Malayo na ang mga kasama ko sa akin.

"This is bullshit! Pwede ba akong pumalit kay Ella? Baka mapahamak siya, hindi niya kilala si Trinity!" rinig ko ang boses ni Kezia sa earpiece.

"Wala na tayong magagawa, all we can do now is to trust Ella. Kakayanin niya ito," Sir Loid reassured.

"Pa'no kung hindi?" Kezia's Voice panicked in a calm way.

"Just trust her," si Flynn.

Binalik ko sa focus ang babae sa harap ko. Mas bumilis ang tibok ng puso ko, naging dahilan ito para mahirapan akong mag-focus sa sitwasyon.

Nagsimulang humakbang ang babae papalapit sa akin. Tinatagan ko ang aking loob at nagsimula na rin akong lumapit sa kanya habang dala-dala ang kutsilyo kanina.

Pareho kaming huminto sa paglalakad, isang metro ang agwat naming dalawa.

Nakipagtitigan ako sa kanya, saka ko tinapon sa gilid ang dalawang kutsilyo. Lumikha ito ng ingay ng bakal na tumama sa bato.

Tinignan niya ang tinapon kong kutsilyo, saka niya ako nginitian. Kinuyom niya ang kanyang kamao.

Seconds later, she started attacking me. Her speed took me by surprise.

Tatlong magkakasunod na atake ang iniwan niya sa'kin. Lubha akong nahirapan sa pag-ilag sa mga atakeng iyon.

Higit sa inaakala ang kanyang bilis. Atras ako nang atras habang siya ay abante nang abante at patuloy akong inaatake.

Nagpalipad siya ng suntok gamit ang kanyang kanang kamao. I used my left forearm to deflect her punch. Sunod naman siyang sumuntok gamit ang kanyang kaliwang kamao. Ginamit ko naman ang kanang palad ko para madepensahan ang sarili.

Inangat niya ang kanyang tuhod para itama ito sa aking sikmura. Mabilis kong ginamit ang dalawa kong palad at sinalubong ito sa kanyang tuhod.

Tatadjakan niya na sana ako kaya ako agad na umatras. Hindi niya ako tinigilan at patuloy parin siyang umaatake.

She swung her foot to kick my side. I immediately responded. Nag-backflip ako at naiwasan ko ito.

Pero noong nag-landing na ang paa ko sa semento, mabilis siyang yumuko at paikot niya sana akong sinipa. Muntik na akong matamaan pero nagawa ko paring tumalon para umiwas.

I felt the ground as soon as I landed the second time around. But I was not prepared for what happened next.

Mabilis siyang nakalapit sa 'kin at malakas na tinama ang kanyang palad sa aking sikmura.

Napaungol ako sa lakas ng pagtama nito sa 'kin. Tuluyan akong napaatras at halos mawalan ako ng hininga.

Hindi siya nakuntento at sinundan niya pa ito ng suntok, tatlong beses sa aking sikmura. Tatlong beses akong napaatras.

Tila nawalan ako ng hangin, hindi ako makahinga. Parang bumagal ang pagtakbo ng oras. Bigla nalang may lumabas na pulang likido sa bibig ko.

Saka ako napaupo at bumagsak sa semento.

"Ellaaa! Tumayo ka!" umaalingawngaw ang sigaw ni Vanessa.

Naramdaman ko ang pagtadjak ni Trinity sa tyan ko. Napasigaw ako. Damang-dama ko ang pagkakatama nito sa aking sikmura.

Nagiging blurry na ang paningin.

"Papatayin kita,... nang dahan-dahan," pagkatapos niyang sabihin iyon, sinipa niya ako sa may likuran.

Napangiwi ako dahil sa sakit, kasabay noon ay ang pagsara ng mga mata ko.

"Ellaaa!" I can hear them calling me.

"Sir Loid, tulungan natin si Ella!"

"No! Hayaan niyo siya!"

"Pero!"

Halos mawalan na ako ng ulirat. Patuloy niya lang akong sinisipa.

Sumuka ulit ako ng dugo.

"Mahina ka!" sigaw ni Trinity at sinipa ako. Naalala ko ang mga pangyayari sa loob ng Maze, mga alaalang minsang nawala.

Mga alaalang kinuha sa 'kin, ito'y bumabalik na.

Lumuhod si Trinity at hinarap ako nang nakangisi.

"You don't mess with the demon! Isa akong demonyo!" sigaw niya sa 'kin.

Nandidilim na ang paningin ko ngunit nakuha ko paring magsalita.

"H-hindi," umiling ako. Nalalasahan ko na ang dugo sa bibig ko. "Ako ang DEMONYO!" I said and spit out the blood in her face.

Napuno ng dugo ang kanyang mukha kaya hindi na ito maipinta dahil sa kanyang galit. Kinuyom niya ang kanyang kamao.

Susuntukin niya sana ako ngunit nagawa kong saluhin ang kanyang kamao. "No," nanghihina akong ngumiti, "Nakakarami ka na."

Segundo lang at bigla nalang siyang nagsisigaw dahil sa ginawa ko. I twisted her wrist. Saka ko ito binali.

Kahit medyo nahihilo, inunahan ko na agad siyang tumayo.

"That's what I'm talking about! Ellaaa! Go kick her butt!" rinig kong sigaw ni Max na nagpabuhay sa aking kalooban.

Mabilis siyang nakarecover at galit akong tinitigan habang siya ay tumatayo.

"You bitch!" sigaw niya at sumulong. Walang ekspresyon ko lang siyang pinanood kahit malapit niya na akong masapak.

Ngunit bago paman niya ako matamaan ay mabilis na akong gumalaw. I sidestepped and successfully dodged her attack.

I balled my fist and connected it to her face. Sumigaw siya dahil nawasak ko ang kanyang ilong. Hindi ako nagsayang ng oras kaya siniko ko rin agad siya sa kanyang ulo malapit sa temple.

She shouted with a gurgled voice. Malakas siyang bumagsak sa semento at nawalan ng malay.

Walang ekspresyon ko siyang tinitigan.

"Wooooohhhh! That's our Ellaaa!" lilingon sana ako sa mga kasamahan ko nang may nakita akong dalawang pigura ng tao sa unahan.

Dalawang babae, at naglalakad sila palapit sa 'kin. Ang isa ay may dalang kadena, ang isa naman ay may hawak na kutsilyo sa magkabilang kamay.

"Wait, guys. May bagong lalaban kay Ella," si Gab.

"Dalawa sila. Hindi ba natin tutulungan si Ella?" I heard Kiara. Malapit nang makalapit ang dalawang babae.

"Hindi. Pabayaan niyo si Ella," ngumiti ako sa sinabi ni sir Loid.

Tumakbo ako at sinalubong ang dalawang babae.


***

Oooppps! Hinga nang malalim.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top