Chapter 5: Dorothy
Follow me on Twitter.
Username:
@AgentSharpMr
Dahil hindi ako paasa, heto na ang update.
Kilalanin ang tatlong Kings ng BM High.
----------------------------
Charles' POV
"STUPID!"
Nabiling sa suntok ang mukha ko. Dahil sa lakas ng suntok na ito, napaupo ako sa sahig. Nalasahan ko ang sariling dugo sa gilid ng labi ko kaya pinahid ko na lamang ang likod ng palad ko rito.
"Tol tama na 'yan! Hayaan mo na munang magpaliwanag si Charles!" Awat ni kuya Gally sa mabait kong kapatid, na sa sobrang bait niya malakas niya akong sinapak.
Kitang-kita ko ang mga ugat na lumitaw sa kamao ni kuya Arch habang nakakuyom ito. Malalim ang hininga niya dahil pinipigilan niya ang galit.
Nakatayo si kuya Gally habang pinapakalma si kuya Arch. Nakikita ko sa mga mata ni kuya Arch ang galit niya sa akin.
Trip kong asarin ang mapagmahal kong kapatid kaya imbes na magalit ay ngumiti lang ako ng nakakaloko. Dahil sa ginawa kong iyon, isang kurap lang ay nakatanggap na naman ako ng malakas na sipa sa baba.
Rinig ko ang malutong na tunog ng pagtama ng dulo ng sapatos ni kuya Arch sa baba ko.
Napadapa ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasipa niya. Dahil gusto ko pa siyang inisin, nginitian ko siya ng ngiting talagang kita ang duguang ngipin ko. Tiyaka ako dumura ng dugo sa gilid saka pinahid ang likod ng palad ko sa bibig kong may dugo.
Kasing lakas ng sipa niya ang sipa ng kabayo. Napaisip tuloy ako, mas malakas kaya siyang sumipa kay Vice Ganda?
"I SAID STOP THIS! BOTH OF YOU! CHARLES! UMAYOS KA!" Sigaw ni kuya Gally, mukhang naiinis na rin ang isang 'to.
"Magpaliwanag ka Charles! Paano napunta si Ella dito? Ha? Pa'no?! Hindi ba bilin ko sa'yo bantayan mo siya?! Sumagot ka!" Galit na sigaw ni kuya Arch habang nakakuyom pa rin ang kamao nito.
"Hindi ko nga alam 'di ba? Si manong mismo ang naghatid sa kanya sa Beam High. At kahit ipaliwanag ko man sa'yo hindi mo pa rin ako paniniwalaan," saad ko kahit masakit pa ang bibig ko saka dahan-dahang tumayo.
"Kung hinatid nga siya ni Manong sa Beam High bakit siya nandito? At isa pa, alam natin lahat dito kung ano ang meron kay Ella kaya imposibleng tanggapin siya ng school. Hindi pasado ang kalagayan ng utak niya sa iskwelahang ito! Kaya bakit siya nakapasok dito? Alam kong hindi siya makakapasok sa gate dahil sa test at hindi niya kayang sagutin ang code." Saad ni kuya Arch, kumpara kanina medyo relax na siya ngayon.
Napaisip din ako sa sinabi niya. Apat na tanong ang sasagutin mo bago ka tuluyang makapasok sa Blue Moon High.
Noong unang punta ko rito, sinagutan ko muna ang apat na tanong bago bumukas ang gate ng school. Imbes na tuluyang pumasok ay umuwi na muna ako sa bahay dahil ihahanda ko pa ang surprise ko kay Ella.
Napaisip ako na paglaruan ang utak ni Ella kaya ang ginawa kong surprise ay ang challenge. Ginamit ko ang apat na tanong na sinagutan ko sa gate ng Blue Moon High para sa challenge ni Ella. Nasagutan ni Ella ang apat na tanong.
Ang sagot sa apat na tanong na iyon ay nagsisilbing code o password para makapasok sa Blue Moon High. Sinabi ni mama na bawal si Ella sa iskwelahang ito dahil sa 'di maipaliwanag na dahilan.
Ibig sabihin, nakapasok si Ella sa iskwelahang ito ng dahil sa akin. Dahil parang tinulungan ko siyang sagutin ang apat na tanong sa gate.
SH*T! Kasalanan ko 'to! Binigay ko Kay Ella ang code.
Pero paano naman napunta si Ella dito? Hinatid naman siya ni Manong sa Beam High 'di ba?
"O ano na? Charles magpaliwanag ka. Para makapag-isip na tayo ng paraang itakas si Ella dito." Napayuko na lang ako dahil sa pakiusap ni kuya Arch. Nag-iba na ang tono ng pananalita niya, tila nakikiusap na siyang nagpalala ng konsensya ko.
"K-kasalanan ko."
Kahit 'di ko man siya tignan, alam kong nangunot na ang noo niya dahil sa pagtataka. Sinisisi nila ako dahil napabayaan ko si Ella. Pero hindi nila alam na nabigay ko kay Ella ang code.
"A-anong ibig mong sabihin?" Ramdam ko sa boses ni kuya Arch ang pagtataka.
Humugot muna ako ng malalim na hininga saka nag-angat ng ulo para harapin sila.
"Sa gate, naibigay ko kay Ella ang code. K-kaya kahit bobo siya ay nakapasok siya sa iskwelahan. Ang dahilan kung paano siya napadpad dito, hin---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sapol na naman ang kamao ni kuya Arch sa mukha ko.
"Sabi kong tama na 'yan!" Asik ni kuya Gally at humugot ng suntok. Umilag si kuya Alby kaya ako ang tinamaan ng suntok.
Again. I can see stars shining bright in front of me. Mukhang kanina pa ako nakakatanggap ng sapak ah!
Kahit hilo ay nagawa ko paring magpalipad ng suntok. Umilag si kuya Gally kaya natamaan si kuya Arch.
At isang iglap lang, nagkaroon ng World War III sa loob ng room ng King of Spades which is ako. Kawawa naman ang kwarto ko.
Magkasabay akong sinuntok at sinipa ng dalawa kong kapatid kaya lumipad ako sa book shelves ko. Tumama ang likod ko at diretso akong napahandusay sa sahig.
Mabilis akong napabangon at umupo sa sahig saka may narinig na tunog.
*CREEK*
"Oh no. This is not happening," bulong ko sa sarili nang maramdaman ang paunti-unting pagtumba ng Book Shelves ko.
Mabilis akong tumayo para pigilan ang pagtumba nito pero huli na ako.
Umalingawngaw ang tunog ng impact ng pagkakatumba nito. Nadamay pa pati computer set ko at glass table.
Lagot na!
"Mga tol! Tumigil na nga kayo! Maawa naman kayo sa kwarto ko!"
Akala ko titigil na ang dalawa kong kapatid dahil sa ginawa kong pagsigaw at sa pagkatumba ng book shelves pero wala. Nagpatuloy pa rin sila sa labanan.
"Hoy!!!"
Masyadong mabilis ang mga galaw nila na halos 'di na masabayan ng dalawa kong mata. Malaki ang kwarto ko dahil King of Spades ako kaya malaya silang nakakagalaw.
Para silang mga sira. Walang mangyayari sa laban nila dahil magkapantay lang sila sa lakas at bilis. Ewan ko nalang sa pag-iisip. Hindi ko alam kung sino ang mas matalino sa kanila dahil pareho silang Alpha-A.
Pati kama ko sira na. Nagkalat ang lahat ng unan at kumot ko sa sahig.
"Bahala nga kayo!" sigaw ko sa dalawa na patuloy pa rin sa labanan. Lumapit ako sa refrigerator ko para kumuha ng drinks at chocolates.
Tama ang narinig niyo, may sarili akong refrigerator. Parang bahay na nga itong kwarto ko. Patuloy pa rin sa labanan ang dalawa kaya hindi pa rin humihinto ang tunog ng mga nababasag, nawawasak at kung ano pa.
Dumaan ako sa gilid nila at umiilag lang ako sa bawat suntok at sipa na muntikan ko ng makuha.
Binuksan ko kaagad ang pinto ng refrigerator at kinuha ang isang can ng coke at tatlong bar ng chocolates. Naramdaman ko sa likod na may paparating na sipa kaya mabilis akong yumuko para umilag.
Nag-iwan ng marka ang paa ni kuya Arch sa pinto ng refrigerator. Kawawa naman, pati ito nadamay. Ang lakas talagang sumipa nitong utol ko. Talo pa ang kabayo.
Tumayo na ako para makaalis pero nakita ko na naman sa peripheral vision ko ang paparating na sipa sa akin. Para makailag, nag-back flip ako sabay inom ng coke nang nakaapak na ako sa sahig.
Mabilis akong naglakad at baka mataaman pa ako saka diretsong umupo sa dulo ng higaan ko. Pinanood ko lang sila habang umiinom ng coke at kumakain ng chocolates. Bahala sila, enjoy ko nalang ang scene.
Bawat suntok at sipa ng isa ay nakakailag ang isa. Sisipa ang isa at sisipa rin ang isa kaya walang nangyayari. Boring nito, walang natatalo.
Napunta sila sa parte kung saan nagkalat ang mga makakapal na libro. Kaya nagliparan ang mga libro.
May ibang libro ang lumilipad papunta sa akin kaya umiilag lang ako na parang walang nangyari.
Nagpatuloy pa rin sila hanggang sa napunta sila sa bandang refrigerator. Mabilis na umikot si kuya Gally at malakas na sumipa, umilag si kuya Arch kaya ang refrigerator ang natamaan. Dahil sa lakas ng sipang iyon, napatumba ang refrigerator ko.
Dahil sa inis ay napatayo ako.
"May superpowers ba kayo?! Bakit niyo dinamay ang pagkain ko?!"
Tumigil sila sa ginagawa at binigyan ako ng masamang tingin. Magkasabay silang tumakbo patungo sa akin na handa ng umatake.
"T-teka lang mga tol! Hindi ko pa natatapos 'tong chocolates ko!" Sigaw ko pero wala pa rin akong lusot.
Pinagtulungan nila ako kaya nahihirapan akong umilag sa mga atake nila. Magkakasabay silang sumisipa at sumusuntok kaya maagap akong umiilag.
"T-teka lang! Ang daya!" Sigaw ko pero patuloy pa rin sila sa pag-atake.
Nag-back flip ako para makatakas sa mga atake nila. Nalaman kong nasa likuran ko lang ang pinto.
Okay, ilang hakbang lang makakalabas na ako sa kwarto ko. Kailangan ko lang mag-isip ng paraan para madistract sila.
Napansin kong napatingin si kuya Arch sa isang vase sa harap niya saka ngumisi. Agad niyang sinipa ang vase kaya lumipad ito sa ere patungo sa mukha ko.
Tila nag-slow motion ang paligid.
Mabilis akong yumuko para makailag saka narinig ko ang pagbukas ng pinto. Napalingon ako sa pinto para kilalanin ang taong nagbukas ng pinto.
Ang paglingon ko, ang pagbukas ng pinto at ang lumilipad na vase ay nag-slow motion din. Baka matamaan ng vase ang kung sino man ang nagbukas ng pinto.
Akala ko matatamaan na ang babaeng dumating ngunit laking gulat ko nang eksperto niyang sinalo ang lumilipad na vase.
Nakilala ko ang babaeng dumating. At nanlilisik ang mga mata nito.
"D-dorothy?" - Ako/Gally/Arch
"MGA PASAWAY TALAGA KAYO!"
*****
Author's Note:
Sino nga si Dorothy? Comment kayo.
Kung nakalimutan niyo na kung sino si Dorothy. Reread niyo lang ang Volume 1, first chapter.
Sorry late update. Hindi ko pa rin alam kung kailan ang next update.
Please vote and comment.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top