Chapter 48: Memories
Chapter 48: Memories
Ella's Point of View
“Kamusta ka na? Your parents? How are they?” umupo si Uncle sa upuan kaharap ko, ang maliit na table na may glass sa itaas ang pumapagitna sa aming dalawa. “Ngayon ko lang nalaman, dito ka rin pala nag-aaral.”
Ngumiti ako at sandaling napatitig sa lense na suot ni Uncle. Napansin siguro ni Uncle na hindi pa ako sumasagot sa tanong niya kaya siya muling nagsalita. “So, Ellizabeth, kamusta naman ang pananatili mo rito sa school? 'Yong pag-aaral mo? Ngayon ko lang napag-alaman na rito ka rin pala nag-aaral gaya ng mga kapatid mo.”
“Ah... Opo, Uncle. I mean okay lang naman po ako rito. Medyo nahihirapan nga lang ako sa mga lessons. Tsaka na-eenjoy ko rin naman ang mga missions namin. Hehe,” ano ba 'yan! Ba't ang awkward kong magsalita? Dala ba 'to ng hiya ko?
Tinignan niya ako sa mata na tila pinag-aaralan ang sagot ko saka siya tumango-tango. “Normal lang 'yan, masasanay karin,” sumandal siya sa sandalan ng kanyang inuupuan. “And your parents?”
Ayan na naman ang tanong na 'yan. “Okay lang naman po sila,” tipid kong sagot, hindi pwedeng malaman ni Uncle na hindi alam nina mama na aksidente lang ang pagpasok ko rito.
“Pero maiba nga tayo, Uncle. Kayo! Musta na kayo? Gwapo parin kayo sa edad ninyong 'yan, ha. Tsaka 'yong tawag nila sa'yo? President White! ” Tumayo ako at umaktong sinusulat ang kanyang pangalan.
“Para kayong presidente ng isang Corporation. Petmalu talaga kayo! Werpa!” napansin kong kumunot ang noo ni Uncle.
“Petmalu?”
“Kaya nga lodi ko kayo Uncle eh!” ngiti-ngiti kong saad pero hindi parin matanggal ang nakakunot niyang noo.
“Lodi? Petmalu? Saka 'yong isa, wer, wer--”
“Werpa?” tanong ko at tumango siya.
“Are those new English words that I myself do not know?” seryosong tanong ni uncle with matching crossed-arms pa.
“Pfft!..” gusto kong tumawa pero seryoso talaga si Uncle kaya pinigilan ko nalang ang sarili ko. Kung nakita lang sana ni uncle ang itsura niya.
Napakamot pa ako bago nakapagsalita ulit. “Ano,...” pa'no ko ba ieexplain 'to? ‘‘mga expressions lang po 'yan, Uncle. Hehe.”
Umiling na lamang si Uncle, halos mabasa ko na ang nasa isip niya. “Mga kabataan talaga ngayon,” he almost whispered.
Marami pa kaming napag-usapan ni Uncle, sa simula ay ang awkward ko sa conversation namin, pero 'di nagtagal at nawala naman 'yong awkwardness. Napagtanto ko pa kung gaano kakapal itong mukha ko.
Tumayo si Uncle at nagpunta sa desk niya. “Iyong mga kapatid mo, kamusta naman sila? Nakakasama mo ba sila? Considering that they're all busy as Kings and Queens.”
I pressed my lips into thin lines before talking, as if choosing words. “Mukhang okay naman po sila,” I answered while nodding, “pero 'di ko po sila gaanong nakakasama, mga busy po kasi mga 'yon.”
I can't hide the disappointment in my face after I stated those words. Ngayon ko lang talaga narealize na hindi ko pala gaanong nakakasalamuha ang tatlong kapatid kong 'yon.
Bigla nalang sumagi sa isipan ko si kuya Gally. Tama, kuya ko siya at kapatid niya ako, malabong siya ang lalaking umatake sa akin noong gabing 'yon. At maling-mali na isipin kong siya 'yon.
“Si kuya Charles nalang po lagi kong nakakasama, saka sa kwarto niya rin po kasi ako nag-iistay... for the meantime.” Seryoso lang si Uncle sa pakikinig na parang hindi na bago sa kanya ang sinabi ko.
“At ito pa uncle, ha!” I shifted my position because of excitement. “Sumali po ako sa Crest Challenge, and guess what? Pumasa po ako! At naging member po ako ng Spades Deck. Currently, si kuya Charles po ang namumuno as the King.” I finally reported.
“Talaga? Mabuti naman kung gano'n,” sabi nito na parang nagulat siya sa sinabi ko. Parang. My brows were close to frowning but I managed not to. Parang umaakto lang kasi siya na nagulat siya sa ibinalita ko sa kanya. “Pagpasensyahan mo na ang apat na 'yon, mga busy lang talaga sila. Lalo na si kuya Arch mo, talagang malaki ang natutulong niya sa school na 'to.”
“Teka lang po, apat?” sa oras na ito, hindi ko na talaga maiwasang mapakunot ng noo. “Tatlo lang po sila, si kuya Charles, Dorth at kuya Gally,” I said as if he doesn't know.
“At tsaka, sino pong Arch?” naitanong ko pa. Malay ko bang 'yong anak niya 'yong tinutukoy niya.
Ngumiti si Uncle ngunit seryoso parin ang kanyang mukha.
Marahang napabukas ang aking labi dahil sa biglaan kong naramdaman.
Napahawak na lamang ako sa aking sentido nang makaramdam ako ng hilo.
I started blinking faster than necessary, I squinted.
My eyes were slowly closing into a blur.
Napalunok na lamang ako.
Bumilis ang tibok ng puso, pati ang dibdib ko ay sumisikip.
Napatukod ang kanang kamay ko sa aking tuhod.
Nahihirapan akong huminga.
Napatingin ako sa hawak kong baso bago ko ito nabitawan. Kasabay nito ang pagbagsak ko sa lapag.
Narinig ko ang pagbasag ng basong nabitawan ko. Tila tumigil ang pagpatak ng bawat oras.
Hindi ko na alam ang nangyayari, nawawalan ako ng lakas.
Mukha ni Uncle ang huling imaheng nakita ko bago paman ako nawalan ng malay.
At nakangiti siya.
Nasa isang kwarto ako, nakaupo sa isang lapag habang naglalaro ng rubics cube. Malaki ang kwarto, sa bawat sulok ay hindi nawawala ang shade ng kulay pink.
Pink walls, hello kitty and some other pinks girly stuffs. Nakita ko si Dorothy na naglalaro ng bahay-bahayan. Napapalibutan siya ng mga libro.
Ina-arange niya ang mga libro para makabuo ng maliit na bahay. Sa loob ng ginagawa niyang bahay ay may maliliit na laruan, mga human-like toys.
Ngumiti ako at tumayo. Iniwan ko ang tatlong rubics cube ko sa sahig at nakangiting lumapit sa kanya habang manghang-mangha sa ginagawa niyang bahay na gawa sa mga libro.
“Ang ganda naman ng bahay mo, Dorothy. Gawa sa books, sali naman ako oh,” papuri ko habang nakanganga at nambibilog ang mata sa sobrang pagkamangha.”
Parang bingi lang siya kasi 'di niya ako pinansin at sumimangot pa ang mukha. Ngumiti ako, baka bingi lang ang kapatid ko.
“Nakalimutan ko, nag-develop ka pala ng Sensorineural hearing loss,” mas lumapit pa ako sa kanya. “Check nga natin ang ears mo kung may dysfunction ka nga sa cochlea at auditory nerve mo.”
“Huwag ka nga, alis!” tumayo siya at tinulak niya ako. Kaya ako pabagsak na napaupo sa sahig. Ang sakit ng pwet ko.
Sinamaan niya ako ng tingin at bumalik ulit sa paglalaro. Gusto kong umiyak dahil sa sakit ng pwet ko, pero magmumukha lang akong kawawa kung iiyak ako sa harap ng kapatid ko.
Mangiyak-ngiyak akong tumayo. Medyo nanginginig na nga ang labi ko dahil sa pagpigil ko sa aking luha.
Bumalik na lang ako sa pwesto ko at pinulot ang tatlong rubics. Bago ako umalis, tinignan ko ulit ang ginawa niyang bahay na gawa sa books. Ang sarap sanang sumali.
Bubuksan ko na sana ang pinto para lumabas ng kwarto nang may biglang sumagi sa isipan ko. Tinignan ko ang hawak kong rubics cube, saka ko tinignan ang bahay na gawa ni Dorothy. Pabalik-balik ang tingin ko sa rubics cube ko at sa bahay ni Dorth.
Parang may lumitaw na light bulb sa taas ng ulo ko. Ngumiti ako ng malapad at hinawakan nang mabuti ang rubics cube at naghahandang ibato ito.
“1, 2, 3!” bilang ko at malakas na binato ang rubics cube sa base ng bahay-bahayan ni Dorth. Sumapol ito kaya nawasak ang kanyang ginawa. Nahulog ang mga libro kaya sirang-sira na talaga bahay.
Binuksan ko agad ang pinto at sinara ito. Hindi pa ako nakakalayo sa kwarto, narinig ko na ang malakas na iyak ni Dorth. Gumuhit ang ngiti sa aking labi.
Nakapagdesisyon ako na magpunta nalang sa kwarto ng kuya ko. Hindi pa ako nakakapasok sa loob, may narinig na akong boses.
“Arch, sana naman intindihin mo ang desisyon namin ng Daddy. Para ito sa ikabubuti ng lahat.” I heard my mom begged. Kausap niya si kuya.
“Intindihin?! Para ito sa ikabubuti ng lahat?!” he argued. “Mom, paano ko kayo maiintindihan kung ikasisira naman ito ng kapatid ko? Na ang gagawin niyo ay ikasisira ng buhay niya?”
“Anak, please...” my mom sobbed.
“Isipin niyo nga, hindi niyo lang sisirain ang buhay niya. Kinukuha niyo pa ang kung anong meron siya. Ang talino niya! Mom, please mag-isip naman kayo!” I can clearly hear my mom crying.
“Huwag niyong pairalin 'yang takot niyo! Kung itutuloy niyo 'yan, para niyo na ring pinatay ang kapatid ko.”
“Ang anak niyo.”
“Si Ella.”
Malaking MUKHA ni Vanessa ang una kong nasilayan sa pagbukas ng aking mata. I groaned. Because of what I'm feeling and because of her face.
“And you're back from the dead. Isn't that exciting?!” Vanessa jabbered, her being airy.
Kakagising ko lang at mukha niya agad ang nakita ko, nakakayamot. Tumingin ako sa paligid at narealize kong hindi pala 'to kwarto ni kuya Charles. Napansin siguro ako ni Vanessa na patingin-tingin sa paligid.
“Hoy bruha, nandito ka sa---”
“Infirmary, I know,” I sighed, cutting her off. Medyo nagbago ang ekspresyon ni Vanessa, na para siyang naawa.
“Huwag mo nga akong tignan ng ganyan!” I said, annoyed. Hindi ko alam kung bakit medyo mainit ang uli ko.
“Mmmm, let me guess. May amnesia ka na naman, ano? Kaya nga ako nandito eh, para ipaalala sa 'yo kung sino ka at kung nasaan ka,” tumayo siya at umupo sa paanan ng higaan ko. “At sinigurado ko talaga na ang beautiful face ko makita mo sa oras na gumising ka. Ayan, bongga 'diba?!”
Ngumiti nang malapad si Vanessa saka tumayo. “Hello, I am Vanessa, you're personal health care companion.”
“Baymax ikaw ba 'yan?!” sigaw ng babae na kakapasok lang ng kwarto. Hindi nga namin napansin ang pagbukas ng pinto. “Ella, salamat at gising ka na.” Lumapit si Kiara at umupo sa straight-backed chair na nakaharap sa'kin.
“Nabalitaan nalang namin na nahimatay ka raw at dinala rito. Sa'n ka ba kasi nagpunta?” tanong ni Vanessa. Hindi agad ako nakasagot. “Huwag mong sabihing wala ka na namang maalala?”
“Ilang araw na ba akong tulog?” I asked, not intending to answer Vanessa.
Nagkatinginan muna silang dalawa bago sumagot. “Seven(7) pa ng gabi ngayon, kaya approximately mga six(6) hours kapang tulog,” si Kiara.
“Ano ba kasing nangyari, ha?” tanong ulit ni Vanessa.
Napaisip ako. Nag-uusap lang kami ni Uncle kanina.
Iyong tubig.
May kung ano kaya roon kaya ako nahimatay? At kung meron nga, ano namang dahilan ni Uncle at ginawa niya 'yon sa'kin?
“Wala, nahilo lang talaga ako,” I lied.
“Hay naku, mabuti na lang talaga at binalita kaagad sa'min ni Gab ang nangyari sa'yo,” Kiara commented.
That name Gab just hit a spot in my brain. Kumurap-kurap ako dahil sa biglaang pagsakit ng ulo ko.
Naalala ko si Gab sa isang Tree House, pinatuloy niya ako.
At sa gitna ng labanan, nagpakita ulit siya. Hinalikan niya ako at pinasubo ng isang pill. Saka ako bumagsak.
‘‘Ella, bakit namumutla ka?” nahihirapan akong huminga.
This is not happening, I'm slowly regaining my memories back.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top