Chapter 47: President White

Chapter 47: President White

Ella's Point of View

Pagkatapos kong kumatok sa pinto, tumingin ako sa paligid para makasigurong walang nakasunod o nakatingin man sa akin. Lagpas isang minuto siguro noong bumukas ang pinto. Saglit din siyang tumingin sa paligid.

“Come in,” ma-awtoridad niyang sabi kaya naman sumunod din ako. “Upo ka.” Utos nito habang sinasarado ang pinto.

Umupo ako sa upuan kaharap ng table ni sir, segundo lang at nakabalik na si sir Loid sa kanyang upuan.

“Wala bang nakasunod sa'yo?”

Umiling ako. “Katulad po ng sabi niyo, sinigurado ko pong walang nakasunod sa'kin.” Tumango si sir Loid sa sinabi ko.

“'Yong mga kaibigan mo? Si King Charles? Hindi ba sila nakahalata?” iyon ang ipinagtataka ko, kung bakit ayaw niyang may makaalam ng pag-uusap naming ito.

“Hindi naman po siguro, sir. Pagkatapos po kasi namin sa mall umalis na agad si kuya dahil urgent daw. Si Vanessa at Kiara naman, pumunta ng library.” Tumango-tango siya sa kinuwento ko.

“Mabuti naman, walang dapat makaalam sa pag-uusap natin ngayon.”

“So, sir...” I started. “Ano po 'yong tungkol sa parents ko?” he folded his hands at the top of his table.

“About that, it's best to start sa nangyari sa mission. I believe you have the right to know the details,” tumango na lamang ako dahil gusto ko ring malaman ang update ng last mission namin.

“Natatandaan mo 'yong may idinifuse akong bomba? And you too, you defused a bomb,’’ tumango ako.

“Natatandaan ko nga po, sir.”

“We both defused a bomb. Magkaibang uri ng bomba nga lang ang nadefused nating dalawa. Mine is a typical one, easy to defuse. At 'yong sa'yo, medyo mahirap.”

Bumalik sa alaala ko 'yong oras na narinig ko ang lalaking nagtanim ng bomba.

“Pero, sir nahuli na po ba 'yong lalaking nagtanim ng bomba?” dahan-dahang napangiti si sir sa tanong ko.

“How did you know na lalake ang nagtanim ng bomba? Wala pa 'kong sinasabi.”

Nakita ko ang parents ko kaya ako nagtago sa ilalim ng mesa. May lumapit sa pinagtataguan ko ng mesa kaya ko narinig lahat ng sinabi niya.

“Nakita ko po kasi sina mama,” nangunot ang noo ni sir. “Kaya po ako nagtago sa ilalim ng mesa. Habang nasa ilalim po ako, may misteryosong lalake ang umupo malapit sa table na pinagtataguan ko. Doon ko po narinig ang tungkol sa pagtanim niya ng bomba.”

“I see,” tumango-tango si sir. Mas naging seryoso ang mga mata niya. “And your parents, you saw them?” he asked, with an emphasis of those last three words.

“Opo sir, nakita ko po sila. Kaya nga po ako nagtago. Kasi...,” kasi sa Beam High talaga dapat ang school ko at hindi itong Blue Moon High. “Nakasama ko rin po si mama sa loob ng comfort room.”

“Kung saan ka nakulong? At kung saan mo rin nakita ang bomba?” medyo gulat ang kanyang ekspresyon. Tumango na lamang ako.

“Opo, bakit po?”

Sandaling tumahimik si sir Loid. Parang ang lalim ng iniisip niya. Dali-dali niyang binuksan ang drawer ng kanyang mesa at nilabas mula roon ang isang white folder. He flipped it open and skimmed through it.

“Hindi pwedeng coincidence lang ang lahat," hindi ko alam kung sinabi niya ba 'yon sa'kin, o sarili niya lang.

“Po?”

Again, hindi niya ako sinagot. Parang wala ako sa harap niya. Na parang walang ibang tao sa loob ng opisinang ito kung 'di siya lang.

“Pero bakit naman nila gagawin kay Ella 'yon?”

“Ano po 'yon?” tanong ko ulit, hindi niya parin ako sinasagot.

Ignored ako.

The feeling of being ignored. Masakit, ha!

Hello? May tao pa po rito! Nandito pa po ako sir, buhay na buhay!

“Sir, pwede na po ba akong umalis?” parang bingi parin ito. “Sir?”

Sa wakas at binigyan niya na ako ng tingin. “Ella, oh right. You're here.” nagbago ang kanyang ekspresyon, tila naistress nalang siya nang bigla.

“About your parents,” he closed his eyes as if choosing the right words and opened it again. “Sa last mission natin, nahuli namin ang taong nagtanim ng bomba. Ngayon ay nasa interrogation room parin siya. At hanggang ngayon, hindi pa namin siya napapaamin kung sino ang boss na nag-utos sa kanya.”

“Ano naman po ang koneksyon ng parents ko sa nangyari sa last mission natin, sir?” tanong ko nalang. Sabi niya kasi about my parents pero ikinuwento niya lang ang nangyari sa mission.

“You see, that's the thing, Ella.” He leaned forward, eyes serious. “Remember the bomb you defused?” tumango ako. “That's an unusual bomb. G-tech device ang ginamit nila bilang bomba. At ang Blue Moon High lang ang school na gumagamit ng g-tech device.’’

Tumigil si sir sa pagsasalita. Tingin niya siguro nagegets ko na ang ibig niyang sabihin. Pero sadyang mahina ang pagpipick-up ko sa mga oras na 'to.

“So?” I asked, feeling dumb.

“Kaya nakapagtataka. Hindi pwedeng kung sino lang ang boss ng nagtanim ng bomba sa party. Maaring kilala lang natin, o kilala ko lang. Maaring ang boss na ito ay nandito lang mismo sa loob ng Blue Moon High. O kaya naman ay ang parents mo mismo.”

“Po? Pero imposible naman po ata 'yon?” gulat at medyo pagalit kong tanong.

“I'm sorry, Ella. Maging ako man ay hindi makapaniwala. May mga kasama akong detectives sa last mission na nag-imbistiga. At ang lahat ng ebidensiya ay tinuturo ang parents mo. Na sila ang nag-utos sa pagtanim ng bomba. Dito rin grumaduate ang nanay at tatay mo, kaya malamang may g-tech device rin sila gaya natin at alam din nila kung paano ito gamitin,” kunot-noo akong umiling.

“Hindi, hindi po nila magagawa 'yon. At wala silang dahilan para gawin 'yon,” naramdaman kong nanginig ang aking kamay. “Baka naframe up sila, baka may utak talaga ang nasa likod ng mga pangyayari. Please, sir Loid,” tumayo ako at nakiusap. “Sabihin niyo po sa'king hindi kayo naniniwala!”

“Relax, Ella. Umupo ka,” sumunod ako sa kanya at sinubukan kong irelax ang sarili ko. Huli na nang marealize kong tinaasan ko na pala ng boses si sir. “Ganito, maging ako ay hindi rin naniniwala. At tama ka, maaring naframe up lang sila ng taong nasa likod nito. At kung hindi man ako nagkakamali, iisang tao lang ang sa tingin ko na gagawa nito. Si Black.” Pakiramdam ko nagbago ang ihip ng hangin noong sabihin iyon ni sir. At pakiramdam ko rin nagtaasan ang buhok ko sa batok.

“Sino pong Black, sir?” lalong naging seryoso si sir.

“Ella,” seryoso niya akong tinignan sa mata. Napalunok na lamang ako sa sunod niyang sasabihin. Pero bago pa siya nakapagsalita, biglang nagring ang kanyang g-tech device.

Kinuha niya ito mula sa kanyang bulsa at sinagot.

“Hello... Oo ako nga... Sigurado ka?... Sige, give me 15 minutes,” binaba niya ang cellphone at tumayo.

“Pasensya ka na Ella,” kinuha niya ang white folder sa table. “I need to get going. Basta ang pinag-usapan natin, 'wag mong ipagsabi kahit sino. Kahit kay Vanessa o Kiara. O kahit sa mga kapatid mo man. Mabuti nang maingat.”

Kunot-noo akong tumayo. “Pero sir,” siguro hindi niya ako narinig dahil diretso na siyang lumabas ng opisina. Iniwan niya ako rito? Hindi ba dapat ako ang unang lumabas?

Tsaka sino ba kasi si Black?

* * *

Kinabukasan, hindi parin nawala sa isip ko ang huling sinabi ni sir Loid. Si Black. Sino bang Black ang tinutukoy niya? Tao ba siya? Hayop? Bagay?

Umiling na lamang ako. Naglalakad ako ngayon papunta sa next subject ko. Habang inaakyat ko ang hagdan, naramdaman kong nagvibrate ang g-tech device ko.

From Vanessa:

        Bitch, wer na u? Dito na us.

Kelan pa natutong magjejemon si Vanessa? Napailing na lang ako at binilisan ang paglalakad.

Pagdating ko sa room, medyo nanibago ako kasi ang tahimik sa loob. Hindi naman sa laging maingay ang room, pero kakaiba kasi ngayon. Nakita ko sa bandang likuran si Vanessa at Kiara, magkatabi ang kanilang upuan. Bakante ang upuang nasa kaliwa ni Vanessa kaya doon na ako dumiretso ng upo.

“Ella, ba't ngayon ka lang? Buti 'di ka naabutan ng President,” mahinang saad ni Vanessa, more like pabulong na ang pagkakasabi niya.

“Medyo nalate lang ako ng gising,” pagsisinungaling ko. Dahil ang totoo niyan, tinamad na akong pumasok ngayon dahil sa kakaisip kung sino si Black. Malamang papagalitan na naman ako ni kuya 'pag 'di ako pumasok, kaya ako napilitan.

Umirap lang si Vanessa at 'di na ulit nagsalita. Problema nito? Bakit ang tahimik niya ngayon? At sinong sinasabi niyang president?

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at napansin kong ang tahimik talaga ng lahat ng kaklase ko. Nakita ko pa si Flynn na seryoso lang sa kanyang upuan, dumako naman ang tingin ko kay Kyle. Medyo natakpan ang isa niyang mata sa puti niyang buhok. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya nagwave siya ng kamay. Ngumiti na lang ako.

“Ano namang gagawin ng President dito sa room natin?” tanong ko kay Vanessa noong naalala kong binanggit niya ang 'president.' Tinignan ako ni Vanessa na parang kasalanan na naman ang magtanong.

“Crest Family tayo rito, kaya malamang mag-oobserve na naman ang President,” umirap si Vanessa kaya inirapan ko rin siya. Hindi ko alam kung bakit ang daming alam ni Vanessa sa school na 'to eh magkasabay naman kaming tumuntong ng Crest Compound. Pakiramdam ko tuloy ang tagal niya na dito sa school.

“Nandito na si ma'am kasama ang President, tumahimik ka lang ha” parang natatarantang sabi ni Vanessa. Hindi niya na ako kailangan pagsabihan pa dahil tahimik naman ako tuwing may discussions. Sumilip ako sa labas at nakita kong papasok na si ma'am kasama ang isang pamilyar na matandang lalake.

Pumasok na si ma'am at sumunod naman ang matandang lalake. Nangunot na lang ang noo ko dahil nakumpirma kong kilala ko nga ang matandang ito.

“Good morning, President White is here to observe. So,” nilagay ni ma'am ang kanyang mga dala. “Where did we stop last time?”

Seryoso nang nakikinig ang mga kaklase ko habang ako naman ay hindi mapakale. Nasa table kasi ang matandang lalake at nag-oobserve sa class.

Pagkatapos ng class. Lumabas agad ng room ang matandang lalake kaya dali-dali kong kinuha ang bag ko saka ko siya sinundan. Paglabas ko, hindi pa siya gaanong nalalayo sa'kin kaya ilang takbo ko lang ay naabutan ko agad siya.

“Uncle! Teka lang po!” huminto ang matanda at hinarap ako. Naririnig ko pa ang bulungan ng ibang estudyante na napapadaan sa amin.

“Bakit niya tinawag na Uncle si Mr. White?”

“Close ba sila ng President White?”

“Pasikat lang ang babaeng 'yan.”

“Ellizabeth,” ngumiti ako dahil natatandaan niya parin pala ako. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya, ginantihan niya rin ako ng yakap.

“Sa Opisina tayo mag-usap,” ngumiti si Uncle sa'kin kaya tumango ako.

Ilang lakad lang ay narating namin ang kanyang opisina. Nakaupo na ako sa sofa ngayon habang si Uncle naman ay kumukuha ng tubig sa sarili niyang refrigerator.

“Kamusta na po kayo, Uncle? Tsaka ang cool pala ng tawag nila sa'yo ha. President White,” ngiti-ngiti kong sabi. Bigla ko nalang naalala ang taong si Black. Kung may Black, may White.

Ngumiti si Uncle at lumapit sa kinauupuan ko. “You sure you don't want anything?”

“Tubig nalang po,” inabot niya sa'kin ang tubig at tinanggap ko naman ito.

“Thank you po,” pasasalamat ko at ininom ang malamig na tubig. May nalasahan akong kakaiba pero binalewala ko na lamang ito.

* * *

For the next update:

Ngumiti si Uncle ngunit seryoso parin ang kanyang mukha.

Napahawak na lamang ako sa aking sentido nang makaramdam ako ng hilo. Napatingin ako sa hawak kong baso bago ko ito nabitawan. Hanggang sa nawalan ako ng malay.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top