Chapter 46: Ice Cream

Chapter 46: Ice Cream

Ella's Point of View

Hindi ko alam kung bakit napalunok na lamang ako. And I don't know why I wanted to step back, to distance myself.

Fire! Run!

Tinignan ko siya sa mata, seryoso ang kanyang ekspresyon. Pinutol niya ang aming titigan at muling tinignan ang kanyang kanang braso, bahagya niya pa itong hinipo. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako kinakabahan.

“Ella, why are you still here?” 'yong boses na 'yon ang nagsabi sa'kin na hindi ako mapapahamak sa mga oras na ito. “'Yong usapan natin.’’

“Kuya Charles,” tinignan ko si kuya Charles na nasa likod lang ni kuya Gally. Para akong naiiyak noong binanggit ko ang pangalan niya. “Medyo natagalan lang kasi ako sa last period ko.”

Kahit pa dumating na si Kuya Charles, hindi parin nawawala ang tensyong nararamdaman ko ngayon. Nakatayo na ngayon si kuya Charles sa tabi ni kuya Gally.

“Gano'n ba? Bihis ka na sa loob,” utos ni kuya Charles at nginuso ang pinto ng kanyang kwarto. Tinignan niya si kuya Gally. “Tol, naparito ka? Miss mo na ko? Kamusta do'n sa mansion niyo?” Magpaglarong saad ni kuya Charles sabay inakbayan si kuya Gally.

“Wala, namamasyal lang.”

“Namamasyal? Mukha bang pasyalan 'tong Spades mansion ko? Umamin ka, hinahanap mo ko, 'no?” naglakad silang dalawa sa direksyon ko kaya ako tumabi at nagbigay ng daan sa kanila.

“Sige kuya, pasok na ko.” Paalam ko, tumango si kuya Charles samantalang si kuya Gally naman ay pasimpleng tumingin sa'kin.

Nakayuko ako habang pinipindot ang password ng kwarto. Pumasok ako at sinara na agad ang pinto. Napasandal na lamang ako sa pinto at mariing pinikit ang mata.

“No Ella,.. it can't be. Kuya ko si kuya Gally. Kadugo. The blood that runs in him runs in mine. Hindi niya magagawa sa'yo 'yon, kapatid mo siya. Oo, matagal kayong hindi nagsama pero pamilya parin kayo. Mali ang iniisip mo,” sabi ko sa aking sarili habang umiiling pa. “Hindi pwedeng siya. Coincidence lang ang lahat. Siguro may sugat na siya bago pa nangyari 'yong kanina.”

Pinilit kong ngumiti at pilit na kinumbinsi ang sarili. Huminga ako nang malalim at dumiretso sa kabinet para magbihis.

Habang nagbibihis, hindi parin nawala sa isip ko si kuya Gally. I know there's something. I know there's more. Hindi ako pwedeng magbulag-bulagan nalang.

* * *

Next day, just as I woke up, I realized that I needed another nap. Tinignan ko ang alarm clock, 7:20 a.m. pa. Pumikit ulit ako at pinakiramdaman ang kumot.

Sabado naman ngayon kaya wala kaming pasok. Ano kaya ang pwedeng gawin ngayon?

Matulog! Sagot ng subconsciousness ko.

Great! Nice idea.

After thirty minutes, may kumatok sa pinto. Ugh. Gimme a break.

I forced my eyes to open and sat up, rubbing the sleep away I stood. Tumayo ako at naglakad patungo sa pinto, nakahandang sapakin ang halimaw na nang-iistorbo sa pagtulog ko, kung sino man ang nasa labas ng kwarto patuloy parin ito sa pagkatok.
Kung si kuya Charles ang taong ito, nakahanda akong sugatan ang kamay ko mabasag ko lang ang gwapo niyang mukha.

Sandali lang!” sigaw ko sa inaantok kong boses. I grew even more annoyed because the person on the other side of the door still keeps on knocking the door. Dumugo sana 'yang kamay mo!

Masasapak na talaga kita. Sabi ko sa sarili habang tinatype ang password. Noong bumubukas na ang pinto, magkasalubong na ang kilay ko at nakakuyom na rin ang kamao ko.

Pero noong tuluyan nang nakabukas ang pinto, hindi ko inasahan ang nakita ko. Isang batang lalake na may malapad na ngiti ang nakatayo sa harapan ko ngayon.

“Good morning ate Ellaaaaaaaaaa!!!” sigaw ni Clark at patakbong lumapit sa'kin saka niya ako niyakap. Sandaling nanlaki ang mata ko sa gulat pero lumuhod ako at niyakap din ang bata.

“Clark,’’ sabi ko at humiwalay sa pagkakayakap ko sa kanya. Tumingin ako sa labas. “Ikaw lang ba nagpunta rito? Wala ka bang kasama? Si ate Kiara mo?”

Sa pagkakatanda ko kasi, magkasama sa kwarto si Clark at Kiara. Pagkatapos kasi ng Top Class Challenge, pumasa si Clark at naging isa sa mga members ng Spades Family. Pero dahil bata pa si Clark, nakapagdesisyon sila na isama nalang siya sa kwarto ni Kiara.

“Obviously ate, ako lang ang nagpunta rito, busy pa po kasi si ate Vanessa sa paglalagay ng color sa mukha kaya iniwan ko na silang dalawa ni ate Kiara. Hihi,” sagot niya at excited na pumasok. Sumilip ulit ako sandali sa labas ng kwarto. Ang tahimik pa.

“Ba't ganyan ang suot mo?” tanong ko pa. Nakasuot kasi siya ng red P.E. pants at white plain shirt. “May P.E. ba kayo ngayon?”

“Opo ate! May physical education po kami ngayon!” sagot ni Clark at dahan-dahan pa sa pagpropronounce ng words. Nakaupo na siya sa gilid ng higaan ngayon habang nilalaro ang paa.

“Pero sabado ngayon ah,” lumapit ako sa kanya at nagsimulang ayusin ang higaan. Kanina sobra pa akong inaantok, pero sa presensya lang ni Clark, nawala ang antok ko.

“Ewan ko nga po ate eh, basta 'yon naalala ko na sabi ni teacher,” humiga si Clark at kinuha ang puting unan saka ito niyakap. Mas mahaba at malaki pa ang unan na niyayakap niya.

“Good morning bitch!” si Vanessa.

Sabay kami ni Clark na lumingon sa nakabukas na pinto. Nakangiti nang malapad si Kiara habang si Vanessa naman ay may ala-bitch na aura. Pumasok silang dalawa at umupo sa sofa. Palinga-linga pa si Kiara sa paligid ng kwarto na parang ngayon lang siya nakapasok dito. Bihis na bihis ang dalawa.

“Ang aga niyo, ha? Sa'n ba lakad niyo?”

“Actually, 'yan nga ang iniisip namin ngayon eh. Wala kaming maisip na gawin, hindi ba every saturday may missions tayo? Ngayong weekend lang na wala tayong mission kaya nakakabagot ,” sagot ni Vanessa. Nagpalinga-linga siya. “Ba't sa tuwing nandito ako wala si King Charles?” I shrugged, disappointment plastered in Vanessa's face.

“May P.E. si Clark ngayon kaya sasamahan nalang muna namin siya, para naman may magawa kami. Sama ka?” dagdag ni Kiara. Tinignan ko si Clark at nag-puppy eyes pa ito na tila nakikiusap.

“Sige ba, maliligo lang ako,” tinignan ko naman ang higaan na hindi ko pa naaayos.

“Ako na d'yan,” tumayo si Kiara. “Maligo ka na para makaalis na tayo, baka malate pa 'tong si Clark. Excuse me muna Clark, ha.”

Nagsimula na si Kiara sa pag-aayos kaya hinayaan ko nalang. Bago ako pumasok sa banyo, nakita ko pa si Vanessa na inaamoy ang sofa.

“Nessa tigilan mo nga 'yan, kadiri ka,” awat ni Kiara.

“Sabi ni Ella dito raw ang higaan ni King Charles, kahit maamoy ko man lang siya.”

“Pero kahit na.”

“Ikaw nga eh, crush mo si King Albert.”

“Hoy, tumigil ka nga! Baka marinig ka ni Ella.”

“Pero speaking of King Albert, nalaman ko na Arch 'yong nickname niya. Asan na kaya siya? Sa apat na kings siya lang 'yong matagal ko nang 'di nakikita.”


Napailing nalang ako sa usapan ng dalawa. Sinong king kaya tinutukoy nila? Bakit pamilyar? Pumasok na ako sa banyo at pagkatapos ko ng routines ko, hinatid na agad namin si Clark sa park kung saan venue ng P.E. time nila.

“Go Clark, yakang-yaka mo 'yan! Wooooo!!!” sigaw ni Vanessa kaya pati kami ni Kiara ay nag-cheer din.

Ngumiti nang malapad si Clark saka siya nagwave para magpaalam sa amin. Tumakbo siya at nakihalo sa mga kasama niyang bata na katulad niya, ay nakasuot din ng P.E. uniform.

“Now,” tumingin si Vanessa sa wristwatch niya. “Where to?”

“Kung magmall kaya tayo?” suggestion ni Kiara.

“Sige game!” excited na sagot ko.

“Matagal-tagal na rin tayong 'di nakakapagbonding!” si Kiara.

“Okay! Okay! Mall it is!”

Habang naglalakad papuntang mall ng school, naramdaman kong nagvibrate ang g-tech device ko kaya pangiti-ngiti ko pa itong nilabas mula sa bulsa.

Nawala ang ngiti sa labi ko sa oras na nabasa ko ang message.

From: King Charles

Sissy, free day? Magtetraining tayo. Same place, NOW.

“May problema ba Ella?” tanong ni Kiara. Tinitigan ko ang dalawa kong kaibigan, minsan nalang kami magkaroon ng ganitong oras.

“Wala, bilisan na natin. Excited na 'ko,” sabi ko at ngumiti. Binalik ko sa bulsa ang g-tech device.

Bahala ka kuya Charles. Minsan lang 'to.

Una naming pinuntahan ang Ice cream house dahil iyon ang suggestion ko. Bago pa kami nakapasok, naalala ko nalang bigla 'yong last time na nagpunta ako rito kasama si Flynn.

“Guys,” pareho silang napatingin sa'kin dahil bigla nalang akong napahinto.

“Is it really a good idea to have ice cream first?” I asked, trying my luck.

“Uhm, yeah! And it's your idea in the first place, remember?” sagot sakin ni Vanessa.

“Mag-ice cream na tayo guys. Tsaka bat ba kayo nag-ienglish?”

“Nauna si Ella eh,” sagot ni Vanessa.

“Hays, tara na nga. Let's go Ice Cream!” hinila kami ni Kiara papasok sa ice cream house. Iniwasan ko talagang makita ako ng nagbabantay sa counter.

“Guys, kayo na mag-order. Ako na pipili ng table natin,” mahinang sabi ko at dumiretso na sa bakanteng table na hindi gaanong nakikita ng nagbabantay sa counter.

Ilang segundo lang ay bumalik na sila dala-dala ang ice cream. Nakita ko lang ang ice cream nawala na agad ang kaba ko.

Attack!” sigaw ko sa sarili ko saka kami nagsimulang kumain. Habang kumakain, may narinig pa akong mga bulong-bulungan.

“Excuse me, ladies. Can I join you?” nag-angat ako ng mukha sa oras na narinig ko ang pamilyar na boses na 'yon.

May nakatayong lalake sa harapan namin. Nakakanganga si Kiara at si Vanessa habang tinitignan ang lalake sa harapan namin.

“Yeah s-sure, King” nauutal na sagot ni Vanessa.

“Ano'ng ginagawa mo rito?” tanong ko. Hindi niya agad ako sinagot. Umupo siya sa upuan katabi ko. Bale nakaharap na siya ngayon kay Vanessa at ako naman ay nakaharap kay Kiara.

“May tao kasing hindi sumunod sa usapan namin eh,” sagot ni kuya Charles at nilagay ang kanyang chocolate ice cream. “Kaya dito nalang ako.”

Tinanggal niya ang suot na shades at ngumiti saglit, pero alam kong hindi siya natutuwa.

Halos nahirapan akong lunukin ang ice cream. Maya-maya lang ay nagvibrate ulit ang g-tech device ko. Pasimple kong binasa ito ng hindi nila napapansin.

From: Professor Loid

Ella, can I have a word with you?

* * *

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top