Chapter 45: Theories

Chapter 45: Theories

Ella's Point of View

My head was throbbing when the next morning greeted me. I sat up, eyes still closed, I massaged my temple with the hope of easing the pain.

My sight was still in a blur when my eyes caught the clock staring at me. 8:17 AM na, doon ko naalala na 9:00 AM pala ang first period ko ngayong araw.

Wala akong balak pumasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. At dahil sa nangyari kaninang madaling araw. Babalik na sana ako sa pagkakahiga nang may napansin ako sa bedside table.

Umusog ako at kinuha ang note na nakadikit sa frame ng picture ni kuya Charles.

Sissy, mamaya, after your class. Same place.

Himala, sulatkamay niya ang gamit sa paggawa ng note. Kung nasa mood lang ako ngayon, kanina ko pa pinagtawanan ang handwriting ni kuya. Nilagay ko sa table ang note at bumalik sa pagkakahiga.

The flashback of what happened hours ago came in echoes.

Ilang minuto pag-alis ng lalakeng umatake sa'kin, dumating si kuya Charles at nadatnan ang kwarto niyang tila winasak ng bagyo.

‘‘Ella! Ano'ng nangyari dito?!” tumakbo si kuya Charles palapit sa'kin. Nakaluhod parin ako sa sahig.  “Ella.”

Hinawakan ako ni kuya sa kaliwang braso at pinaupo sa gilid ng higaan. I can't look in his eyes. “Ella, magsalita ka. Sabihin mo sa'kin ang nangyari.”

I was at a lost of words. Tumingin si kuya Charles sa paligid ng kwarto. “Someone attacked you, I know,” ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Umupo si kuya sa tabi ko. “Nakilala mo ba kung sino siya?”

Ilang segundo ang dumaan bago ako marahang umiling. I saw him closed his eyes and massaged the bridge of his nose. “How stupid of me asking, of course you didn't.”

“Hindi ko siya nakilala dahil para siyang ninja sa suot niya,” I almost expected him to laugh at my description.

“Pero may sinabi ba siya sa'yo?” at last, I managed to look in his eyes. “Kung anong balak niya?” nakikita ko sa mata niya na alam niya na ang sagot sa sariling tanong.

“Sabi niya,” I forced myself to dig through crappy memories. “Hindi niya inasahang ganito na ako lumaban.”

“Mukhang nakatulong nga ang ginagawa nating training sa'yo,” hinagod niya ang likod ko. “Sige na, magpahinga ka na.”

Tumayo si kuya at inayos ang higaan. Niligpit at inayos niya rin ang mga natumbang mga gamit. Humiga na ako sa higaan, napansin ko pa siyang umupo sa sofa na nakaharap sa'kin.

“Hindi ka ba matutulog?” tanong ko kay kuya Charles. He folded his hands just between his legs. Itinukod niya rin ang dalawang siko sa kanyang tuhod. Saka siya umiling.

“Uupo ka lang d'yan?”

“Uh-huh, sige na matulog ka na. Babantayan na muna kita.”

Sasabihin ko sanang huwag na pero bigla nalang akong inatake ng antok. Saka ako nakatulog.

* * *

Excited na 'ko! 5 minutes nalang at mag-fififteen minutes late na si ma'am!” pasigaw na sabi ni Vanessa na nakaupo sa arm chair ng upuan niya, na nasa kaliwa ko lang.

“Oo nga 'no? Pero nakapagtataka naman kung malelate si ma'am ng fifteen minutes, “early bird catches more worms” pa naman ang motto in niya,” komento naman ni Kiara na nakaupo sa kanang bahagi ko lang. Nagbabasa siya ng librong 'The Alchemist' ni Paulo Coelho. She folded close her book and maybe decided to talk with us.

“Wala nang nakapagtataka pa do'n Kiara. Late is late. A late professor is a late professor. And a late professor means no class, and no class means free time!” masiglang saad ni Vanessa habang nilalaro ng kanyang kamay ang dulo ng kanyang buhok.

Tama si Vanessa, ang saya kaya 'pag wala kayong pasok.

“Pero Vanessa, parang tayo lang naman dito ang excited na walang pasok, tignan mo mga kaklase natin oh,” sabi ko kay Vanessa. kagaya ko, inilibot ni Vanessa ang kanyang paningin sa paligid. Nasa loob kasi kami ng classroom ngayon, at si Vanessa lang yata ang maingay rito. Magkatabing nakaupo si Kezia at Max sa front row, si Flynn naman ay nakaupo sa harap naming tatlo, at si Kyle  naman ay nakaupo sa likuran namin.

Tahimik lang 'yong mga kaklase namin, ang iba pa nga ay busy sa pagsosolve ng kung ano sa notebook nila.

“Naku, hayaan mo sila. No class is no class.”

“Sorry I'm late,” that voice put Vanessa back to her seat. Hindi ang inaasahan naming professor ang pumasok sa room. “May pinuntahan pa kasi ako.”

Nagkatinginan kaming tatlo, agad ding tinago ni Kiara ang kanyang libro. Bakit siya nandito? Siya ba magiging Professor namin? Nilagay nito ang dalang laptop sa table.

“I know some of you here already know me, but most are not. So for formality's sake let me introduce myself,” he stepped and looked around the classroom. Huminto ang mata niya sa direksyon ko. “I am Doctor Loid, and I'll be your temporary professor for this session. I don't like patrolling my last name so just call me sir Loid.”

And with just that introduction, he started his lecture. Kitang-kita pa sa mukha ni Vanessa ang disappointment. Naglabas agad ng notebook si Kiara at naging busy sa pakikinig habang nagtetake down ng notes.

Habang ako naman ay titig na titig kay sir Loid. Hindi dahil nagfofocus ako sa pakikinig sa kanya, asa! Nakakabored ang science. Kundi dahil naalala ko ang sinabi niya sa'kin na pag-uusapan namin ang tungkol as parents ko.

Ano ba kasing tungkol kay mama? Kay papa? Nahuli ba nila ako? Alam na ba nilang hindi ang beam high ang pinasukan kong school?

At kamusta na kaya ang last mission namin? Nahuli na kaya nila ang nagtanim ng bomba? At bakit sa lahat ng bomba, bakit g-tech device pa? Akala ko ba ang Blue Moon High lang ang may g-tech device?

With those questions boggling my mind, I found myself staring outside. Sa mga malalaki at matitibay na puno. Sa mga halaman. Sa mga bulaklak. Sa mga ibon na lumilipad sa himapapawid. At sa mga estudyanteng naglalakad sa pathway.

“Ella, tawag ka ni sir,’’ saad ni Vanessa na nakahawak sa kaliwang braso ko. Tinignan ko ang kamay niya saka ako tumingin kay sir.

Tumayo ako nang marahan. Without knowing what to do next. “Please come again, sir.” Nakatingin ang ibang kaklase ko sa'kin. Ngumiti si sir.

“Miss Ellizabeth, I have here Leonardo da Vinci's drawings of a stream when an obstacle is placed in it. As we all know Leonardo was a superb artist and as well as a good engineer in his days.” Naglakad si sir at tinuro ang larawan na makikitang nakadisplay sa malaking screen. “His note of his drawing is on the top, which I suppose is difficult to decipher. Can you please give us your insights or your own translation of this drawing as well as the note?”

Para akong naistatwa sa pinapasagot ni sir. Noong tinignan ko ang mga terms na nakasulat sa white board, doon ko narealize na ang layo na pala ng inabot nilang topic. Hindi man lang ako nakinig.

I could say no. Pwedeng kong sabihin sa kanya na hindi ko alam ang sagot. But I shouldn't. It's the rule. As one of the member of spades family I should be able to answer his question. Kung nakinig lang sana talaga ako.

Fundamental Laws of Mechanics.

Newtonian viscosity.

Turbulent flow.

Archimedes.

Preconceived ideas.

Iyan ang mga nakasulat sa white board. Bakit ba kasi ako pa ang tinawag? Balak pa yata akong ipahiya ni sir Loid. Pinagpapawisan na ang palad ko.

Napalunok na lamang ako saka ako nagsimulang magsalita. “Uhm ano po,” not a good start Ella. “We can observe in Leonardo's drawing the movement of the surface of the water which resembles that of hair which has two motions. One of which depends on the weight of the hair and the second one depends on the direction of the curls.” Tinuro ko ang part ng drawing na may curls. “Hence, we can conclude that water forms eddying whirlpools. One part depends on the predominant current. And the other part depends on the incidental motion. And also the return flow.”

I can feel eyes on me but I kept on talking.

“You see sir, Leonardo has different way of approaching science. Different approach of this theory about water. He doesn't really produce mechanical concept but presents concepts which are interesting and can be given a rational description, even though details are not analysed completely.”

Sir gave me a meaningful look, and smiled. “Exactly, Miss Ellizabeth,” komento ni sir sa sagot ko saka ako umupo.

“Now, to add what Miss Ellizabeth said, Leonardo da Vinci seems to be thinking about ways of separating flows into turbulent componen...”

“Galing natin Ella, ah.” Vanessa nudged me by the arm. “Sa'n mo napulot 'yon?”

“Oo nga Ella, pati ako hindi ko alam 'yon eh,” dagdag naman ni Kiara habang napapakamot.

“Natatandaan ko pa ang araw na  sinabi mong bobo ka. 'Yan pala ang description ng bobo sa'yo?” saad ulit ni Vanessa.

Wala akong masabi. Dahil pati ako ay hindi makapaniwala, saan ko ba napulot 'yong mga sinabi ko?

Pagkatapos ng discussion ay lumabas na agad ng classroom si sir Loid. Tumakbo agad ako palabas at hinabol siya.

“Excuse me, sir!” tawag ko sa kanya. Lumingon naman agad siya sa'kin. Ang expresyon ng mukha niya na nagtatanong ng 'bakit?' Lumapit ako sa kanya.

“Sir, pwede po ba tayong mag-usap?”

“Tungkol sa'n?"

“Tungkol po do'n sa sinabi niyo, sa parents ko po,” tumingin siya sa paligid as if na may nakamasid sa'min.

“We'll talk but not now. May aasikasuhin pa kasi akong urgent,” tumango na lamang ako kahit pa labag sa kalooban ko. Naglakad na ulit si sir palayo. At ako ay bumalik na lamang sa classroom.

“Bag mo oh,” sabi ni Kyle at inabot sa'kin ang bag na iniwan ko sa loob ng classroom. Nasa labas na kami ng classroom ngayon.

“Salamat,” tumango siya.

“Sige,” sabi niya at umalis.

“Ella sasabay ka ba? Punta kaming library, gagawa kami ng assignments,” yaya sa'kin ni Kiara.

“Sinabi ko naman kasing sa cafeteria na tayo gumawa. Ang boring lang sa loob ng library.” Reklamo ni Vanessa.

“Ano ba, maraming reference sa library. Ano, Ella? Sama ka?”

Gusto ko sanang sumama pero may usapan pa kasi kami ni kuya Charles.
“Hindi na, magkikita pa kasi kami ni kuya.” Paalam ko sa kanila.

“Si King Charles mylabs ba tinutukoy mo?!” tumango ako. “Kyaaaa!!! Send my flying kiss to him!”

“Ang ingay mo Nessa, tara na.” Hinila ni Kiara si Vanessa paalis. “Alis na kami Ella, kita nalang tayo!”

Ngumiti ako at nagwave sa kanila. Saka ako naglakad patungo sa spades mansion. Dumiretso ako papuntang kwarto ni kuya Charles, plano ko kasing magbihis muna bago ako sumuong sa training.

Malayo pa ako sa kwarto ay tanaw ko na si Kuya Gally na nakatayo malapit sa pinto ng kwarto ni kuya Charles.

“Kuya Gally, naparito ka?” err hindi parin ako sanay na tawagin siyang kuya.

Napansin ko nalang ang kanang braso niyang nakabandage. Saka ko naalala ang lalaking umatake sa'kin.

“N-napano 'yang braso mo?”

Seryoso niya akong tinitigan.

* * *






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top