Chapter 44: Night Assault

Chapter 44: Night Assault

Ella's Point of View

“Basta tandaan mo 'yong mga tinuro ko sa'yo ngayon, ah?”

“Okay,” tipid kong sagot kay kuya Charles. Wala talaga akong balak sagutin si kuya dahil sa nakakatamad at pagod ako. Kakatapos lang din kasi namin sa training. Two weeks na rin ang dumaan magmula no'ng last mission namin. At sa two weeks na 'yon, tinulungan ako ni kuya na mamaster ang martial arts na karate.

“You're getting good,” komento ni kuya na ngayon ay nasa likuran ko lang. Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko. “I must say that you really are good. Baka dumating ang araw na matalo mo na ko.”

“Fat chance,” sagot ko at sinabit ang sling bag sa kaliwang balikat. “Hinding-hindi mangyayari 'yon.”

“I don't see why not,” ngumiti siya nang makahulugan. “Lalo na ngayon na unti-unti ka nang bumabalik.”

Ayan na naman ang salitang 'yan, bumabalik. Lagi niyang sinasabi sa'kin na ‘bumabalik na ako.’ As if naman na nawala o umalis ako?

Kinuha ko ang tatlong makakapal na libro at niyakap ito. I even groaned with an effort in carrying those books. Hinarap ko si kuya na ngayon ay pinapatuyo ang kanyang pawisang noo gamit ang face towel. Nakasuot siya ng red jersey shirt at shorts. Aakalain mong galing siya sa pagbabasketball dahil sa pawis niya, eh nagtraining lang naman kami.

“Ang bigat naman nitong mga libro,” I complained. Sinadya ko talagang sabihin 'yon para tulungan niya ako. And as expected, tinignan niya lang ang mga dala kong libro.

Hinawakan ni kuya ang kaliwang braso ko at marahang pinisil ito. “Yakang-yaka mo 'yan.”

Gentleman talaga si kuya Charles. Isa 'yan sa mga katangian niya.

Dahil sa inis ko, nauna na akong naglakad patungo sa pinto. Noong nasa pinto na ako lumingon ako sa kanya. “Hindi ka ba sasabay?” tinignan ko ang wristwatch ko. “Malapit nang mag-seven.”

A smile curved in his lips. “Nice wristwatch, bigay 'yan ni Dorth, 'di ba?” binalikan ko ng tingin ang wristwatch ko. Tama si kuya, bigay nga 'to ni Dorth sa'kin bago ako umalis ng bahay para sa Beam High. “I can tell na hindi mo parin alam kung saan ginagamit 'yan.”

Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo. “Hindi naman ako gano'n kabobo, 'no. Saan pa ba ginagamit ang wristwatch? Hindi ba orasan?” I almost rolled my eyes. Marahan pa siyang tumawa at umiling na parang may mali sa sinabi ko.

“Ano? Sasabay ka ba?” I impatiently asked him again, dismissing the topic. Alam ko naman kasing lilituhin niya lang ako.

“Mauna ka na, may pupuntahan pa 'ko.”

“Saan?” I asked without asking. As if he'll answer. “Nevermind,’’ pahabol ko nalang at binuksan ko na ang pinto.

Pero bago pa ako lumabas ay nagsalita siya. “Kay sir Loid, may pag-uusapan lang kami.”

Muntik nang magkasalubong ang kilay ko. But I managed not to, better not to let him smell my curiosity. “Okay,” I shrugged. “Una na 'ko.”

Aalis na talaga ako pero hindi ako nakapagpigil na magtanong. I turned around, facing him again.

“Kuya.”

“Oh?”

“Tungkol sana kina mama,” I stopped, choosing my words carefully.

“Anong tungkol sa kanila?”

“Uhm, kamusta na ba sila?” great, ang galing ng tanong ko. “Tingin ko naman kasi hindi nila ako hinahanap. Kasi nga 'di ba? Hindi ang Beam High ang pinapasukan kong school ngayon, kaya for sure alam na nila 'yon. At iisipin nilang nawawala ako. Pero bakit parang hindi naman nila ako pinapahanap?”

“Hindi nila alam na hindi ang Beam High ang pinapasukan mo ngayon. For now, what they know is that sa Beam High ka ngayon pumapasok. Doing good and having a normal high school life,” he opened his arms as if presenting the school. My brows met in a frown.

“Paano? I mean paanong, 'yon ang alam nila? Hindi ba nila chineck 'yong school? Kasi for sure, sa dami ng connections nina mama, malalaman nilang hindi ako nakarating sa school.” Saglit akong tinitigan ni kuya saka siya marahang ngumiti.

Bumabalik ka na talaga,” this time, I practically  rolled my eyes heavenwards. “Kakaiba ka na mag-isip. Sharp.”

“Kakaiba? Eh nagtatanong lang naman ako, saan ang sharp doon?” he chuckled again.

“You're starting to think sharp, again.” Naglakad siya palapit sa kanyang bag. “Nabalitaan ko 'yong tungkol sa last mission mo. You defused a bomb. I didn't know you already can do that. Which explains na gumagana ang ginagawa ko. Unti-unti ka na talagang bumabalik.”

At tungkol naman do'n sa mission, hanggang ngayon hindi ko parin nakakausap si sir Loid. Hindi niya parin nasasabi sa'kin ang tungkol kina mama.

“Hindi parin kita maintindihan kuya, you talk vaguely.” Nilagay ni kuya ang face towel sa loob ng bag niya. He faced me and gave me a half smile.

“Maiintindihan mo rin ang lahat, Ella,” saglit ko siyang tinitigan. Marami pa akong gustong itanong pero alam kong hindi rin naman ako makakakuha ng klaro at matinong sagot mula kay kuya.

“Sige na, aalis na ko kuya,” tumango siya saka ako umalis.

Malapit na ring mag alas-otso sa oras na bumalik ako sa Spades Mansion dala-dala ang dalawang sandwich na kinuha ko sa cafeteria. Ito na magiging dinner ko, isa pa hindi naman ako gutom. I took a peck in my sandwich and nudged open the door after I entered the password.

Inubos ko na muna ang sandwich ko bago ako pumasok sa comfort room para mag-shower. Hindi ko talaga ugaling maligo sa gabi, ang lagkit lang kasi talaga ng feeling ko kaya ako napilitan.

Pagkatapos ko, nagbihis na agad ako. Pinatay ko lahat ng ilaw except sa lamp na nasa bedside table lang. Nakakatakot naman kasing matulog nang nakapatay lahat ng ilaw.

Bago ako nakatulog, napatitig ako sa sofa na tinutulugan ni kuya Charles. Bakit naman kasi ayaw niya akong palipatin sa kwarto ko? May kwarto naman ako dito sa spades mansion bilang Ace. Malapit ng mag-nine pero wala parin si kuya, ba't ang tagal naman ng lalaking 'yon?

That was where my last thoughts drifted when somnolence took hold of me.

*  *  *

Nagising ako nang naramdaman kong may taong nakatayo sa gilid ng higaan ko.

“Kuya?” I asked groggily. Iminulat ko ang aking mata. Nandidilat ang mga mata ng taong nakatayo sa harap ko ngayon, tila nagulat ito.

At doon lamang rumehistro sa'kin ang nakikita ko. May taong naka-all black sa harap ko. Pati ang suot niyang mask ay kulay itim, dahil sa suot niyang mask mata niya lang ang nakikita ko.

I saw his hand move.

Masyadong mabilis ito na muntik na niyang maitarak sa braso ko ang dala niyang injection. Gumulong ako palayo sa kanya. Tumayo ako sa kabilang side ng higaan kaharap siya, ang higaan na lang ang pagitan namin.

Hindi ako sigurado kung lalaki siya, at hindi rin ako sigurado kung injection nga ang dala niya.

Saglit kong tinignan ang injection niyang dala. Sumikip agad ang puso ko dahil sa biglaang pagbilis ng tibok nito. Madilim ang kwarto, tanging ang lamplight lang ang ilaw.

“S-sino ka?” hindi niya ako sinagot. Itinaas niya ang kamay, at nanlaki na lamang ang mata ko nang pinalipad niya ang hawak na injection patungo sa'kin.

Halos pigilan ko ang aking hininga at maingat na sinalo ang injection bago pa ito tumama sa aking kaliwang braso. Nandilat ang mata niya sa gulat.

Next thing I know. Dumaan siya sa taas ng higaan at patakbo akong nilapitan. Mabilis ang kanyang galaw, kaya bago ako nakatakbo ay nakalapit na siya sa'kin.

May inilabas siyang injection mula sa kanyang likuran at itutusok na naman niya sana ito sa'kin. Ngunit nagawa ko itong ilagan.

Nagpalipad ako ng suntok pero effortless niya lang itong nailagan. Atras ako nang atras habang umaabante siya ng atake sa'kin. Mabilis ang kanyang galaw, alam kong matatalo niya ako. Sa gaan ng pag-iwas niya sa mga atake ko.

Masyado siyang matangkad kumpara sa'kin, at base sa kanyang galaw at hubog ng katawan nakumpirma kong lalaki siya.

Tumalon ako noong sisipain niya na sana ang paa ko. Ngunit sa oras na bumalik ako sa pagkakaapak ko sa sahig, sinutok niya ako sa sikmura. Napahiyaw ako nang malakas dahil sa sakit. Dahil din sa lakas ng suntok niya, napaatras ako at tumama ang likod ko sa pader. Halos mapaluha ako sa sakit.

Walang-wala ako sa galing ng lalaking 'to. Sinubukan niyang itusok ang injection sa braso ko pero nagawa kong saluin ang kanyang kamay bago pa siya magtagumpay.

Hindi ko mapigilang umiyak. Umaagos na ang luha ko. This serum. This injection. Ito ang dahilan kung bakit ganito ako. Kinukuha nila mula sa'kin ang dapat ay meron ako.

“Please, s-ino ka?” I asked, crying hard. “Bakit niyo ginagawa sa'kin 'to?” nakita ko ang biglang paglambot ng mga mata niya. Pamilyar sa'kin ang mga matang ito.

Naramdaman kong gumaan ang kamay niya, hindi ko na sinayang ang opurtunidad. Tinama ko ang tuhod ko sa kanya sa lakas ng aking makakaya. Sinunod ko siyang suntukin sa mukha. Tila saglit siyang nawala sa sarili kaya nagtagumpay akong tamaan siya sa mukha.

Hindi ako nakuntento kaya tinama ko rin nang malakas ang siko ko sa kanyang mukha. Naapatras siya dahil doon. Agad akong tumakbo at umikot sa higaan.

Kinuha ko ang ballpen sa bedside table at pinindot ang tip nito. Nagtransform ang ballpen bilang isang kutsilyo. Umikot siya para harapin ako. Dumaan ako sa itaas ng higaan at tumakbo patungo sa kanya dala-dala ang kutsilyo saka ko siya inatake.

Mabilis niyang iniiwasan ang mga galaw ko, mabilis ko naman siyang inaatake gamit ang kutsilyo. Sa lahat ng nakasangga ko, siya ang isa sa mga pinakamagaling.

Ngunit sa mga oras na ito, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang init ng aking pakiramdam, ang gaan na ng mga galaw ko. Nasasabayan ko na ang kanyang bilis.

Hanggang sa nasugatan ko ang kanyang kanang braso, nakikita ko ngayon ang dugo sa hawak kong kutsilyo. It felt good seeing it. Seeing blood dripping from this knife.

Lumayo ako sa kanya, hindi ko nagugustuhan ang mga naiisip ko.

“Magsalita ka, sino ka?” kalmado kong tanong. “Bakit niyo ginagawa sa'kin 'to?”

Umiinit na naman ang mata ko. Nakahawak na siya sa kanang braso kung saan ko siya nasugatan. Hindi parin siya sumagot. Sa pagod ko ay napaluhod nalamang ako. Yumuko ako at napaluha.

“Sige, gawin mo na ang gusto mo,” umiiyak kong saad. Ibibigay ko na kung anong gusto nila. Naglakad siya saka ako naghintay sa susunod niyang gagawin.

“Hindi ko inasahang ganito ka na kagaling,” he said. A chill pricked my body. Hindi ko makilala ang boses niya dahil sa mask niyang suot.

I waited. Pero ilang segundo akong naghintay, wala parin siyang ginawa.

Nag-angat ako ng ulo at tumingin sa paligid. Pero ang tanging nakikita ko na lamang ay ang gulo-gulong kwarto ni kuya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top