Chapter 43: Kamasutra

Chapter 43: Kamasutra

Ella's Point of View

I am now playing a stare-with-the-bomb-that-could-end-my-life-game. Realizing that it's not actually a bomb, I mentally corrected myself.

Bakit may g-tech device dito?

At kaninong g-tech device ito? Nasa harapan ko ngayon ay hindi isang bomba kundi isang g-tech device. Pero hindi ako nagkakamali, dito nanggagaling ang tunog ng timer!

I felt a clench of fear to my stomach. I wanted to just stare at it, not having any plans of giving it a single touch. Pero wala akong nagawa kundi ang kunin ito. I switched the g-tech device on, finding out how I was shaking out.

Kasing laki lang ng g-tech device na ito ang cellphone na may model na IPhone six, nakalock ito at ang tanging sumalubong sa akin ay ang timer na nasa screen.

09:37


It said. At mabilis itong bumababa. The longer I stare at it, the faster it ticks down. Pakiramdam ko tuloy habang tumatakbo ang oras ay bumababa rin ang oras ng pananatili ko sa mundong ito.

Naka-lock ang g-tech device, hindi ko ito mabuksan. Sa ibaba ng timer ay may set ng numbers:

01    02

03    04    05

06    07    08

09    00


I let out a quivering breath. Patuloy parin ang tunog ng timer ng g-tech device na ito. Kung hindi ko lang naalala ang nangyari sa g-tech device ni Ma'am, hindi ko iisipin na isa itong bomba. Pero hindi ako pwedeng magkamali, bomba ang hawak-hawak ko ngayon!

Not the usual bomb I read in books or maybe even watched in movies, but an actual bomb. A bomb that brings explosion. A bomb that could give a touch of death. A bomb that would succumb everyone's life into ashes. And a bomb I once defused.

These set of numbers must have a connection in defusing this bomb. All I need to do now is to find that out. Pinunas ko ang likod ng kanang palad ko sa pawisan kong noo. My pulse raising abnormally.

Iginala ko ang piningin ko sa paligid. Checking for anything useful. There must be something! Ella! Think fast!

Binalikan ko ng tingin ang timer, 8 minutes left. Nangunot ang noo ko nang may nahuli ang mata ko. Kanina ay wala ito sa screen ng device, ngayon ay nakaencode na ito sa upper left corner:

The Book!


It's either maliit lang talaga ang mga letrang ito at hindi ko lang agad napansin o kaya naman ngayon lang talaga ito lumitaw. Either way, it won't help me. But that ‘The Book!’

Iginala ko ulit ang paningin ko sa paligid, tension swelling annoyingly. My eyes took a complete stop in the bag. Seconds passed, I then found myself rummaging inside that pink shoulder bag.

Maingat na nakahawak ang kanang kamay ko sa g-tech device habang ang kaliwang kamay ko naman ang busy sa paghahanap ng kung ano sa loob ng bag. I mentally gasped as soon as I saw a book inside the bag, staring back at me.

Kinuha ko agad ito mula sa bag. Kulay itim ang cover ng book. Sa book cover, may lalaking may kulay itim na pakpak ang parang nahuhulog mula sa kalangitan. At parang nalalagas ang mga feathers ng pakpak niya. ‘hush hush’ title ng book.

Binuksan ko agad ito at nagscan mula sa simula, wala akong pinalagapas. Hanggang sa dumating ako sa prologue part ng libro. Habang nagbabasa, pakiramdam ko may sariling buhay ang timer at inaasar ako nito habang nauubusan na ako ng oras.

P   R   O   L   O   G   U   E

L O I R E   V A L L E Y,   F R AN C E
N O V E M B E R   1 5 6 5 

        Chauncey was with a farmer's daughter on the grassy banks of the Loire River when the storm rolled in, and having let his gelding wander in the meadow, was left to his own two feet to carry him back to the château.
        He tore a silver buckle off his shoe, placed it in the girl's palm, and watched her scurry away, mud slinging on her skirts. Then he tugged on his boots and started for home.

Sa unang dalawang paragraph na nabasa ko, nangunot na agad ang noo ko sa napansin. Pero hindi ako tumigil at pinagpatuloy lang ang pagbabasa. Gusto kong tignan ang natitirang oras ngunit baka lalo lang akong mataranta.

        Rain sheeted down on the darkening countryside surrounding the Château de Langeais. Chauncey stepped easily over the sunken graves and humus of the cemetery; even in the thickest fog he could find his way home from here and not fear getting lost.
        There were no fog tonight, but the darkness and onslaught of rain were deceiving enough.
        There was movement along the fringe of Chauncey's vision, and he snapped his head to the left. At first glance what appeared to be a large angel topping a nearby monument rose to full height.
        Neither stone nor marble, the boy had arms and legs. His torso was naked, his feet were bare, and peasant trousers hung low on his waist. He hopped down from the monument, the ends of his black hair dripping rain.
        It slid down his face, which was dark as a Spaniard’s. Chauncey’s hand crept to the hilt of his sword. “Who goes there?” The boy’s mouth hinted at a smile. “Do not play games with the Duc de Langeais,” Chauncey warned.

       “I asked for your name. Give it!”

Nilagay ko sa lapag ang libro at kinapkapan ang sarili. Napagtanto ko na dahil sa suot ko ngayon, imposibleng may dala akong ballpen. Mabilis naman akong naghanap sa loob ng bag, hindi ko maiwasan ang panginginig ng kamay ko.

Nabuhayan ako sa oras na may nahawakan akong ballpen. Nanginginig kong kinuha ang libro at pumunta sa prologue. Nagbasa ulit ako at hinanap ang kailangan ko. Pansamantala ko munang inilatag ang g-tech device sa sahig. I only have 5 minutes and twenty-six seconds left.

I tried to relax myself and wrote what I saw in the book. Stenography, that's what they used. Just too obvious.

Kamasutra

'Yan ang nakaencrypt sa prologue ng book. It felt like information flooded inside my brain. Hindi ko maintindihan ito. Alam ko kung ano ang kamasutra. It's a type of cipher.

Kamasutra cipher.

Binalikan ko agad ang bag at naghanap. Four minutes left. Kung Kamasutra Cipher nga, I need to look for that cipher na kailangan idecrypt. Wala akong nahanap sa loob ng bag. Inexpect ko na may kung anong note akong mahahanap. Pero wala talaga. Time was fast running out!

Tumakbo ako papasok sa cubicle kung saan ko nahanap ang bag kanina, umaasa na may nalalaglag lang. Pero wala parin. Nauubusan na talaga ako ng oras! Tila tambol na ang puso ko sa lakas ng kabog nito.

Binalikan ko ulit ang bag at naghanap. Wala parin talaga akong nakita. It was late when I realized I'm enraged.

“Where's that fucking cipher!” I bellowed in both anger and frustration, not even shocked.

Sinipa ko ang bag dahil sa inis. At dahil na rin sa takot. I glared at the g-tech device, it told me that for about two minutes there will be an explosion. It told be that I would be dead in two minutes. Which means killing everyone here, my friends. Which means killing my parents.

“Fuck you!” inis kong sigaw at sinipa ang g-tech device. It flew a distance and hit the wall under the sink and skidded a stop. Hindi man lang ito nasira, patuloy parin ang timer.

Lumuhod ako at hinilot ang sentido ko saka pumikit. Maybe this is the end? Maraming tao na ang sinubukang patayin ako pero hindi nila nagawa. At mamamatay lang ako dahil sa bomba. Sa bomba!

Tinignan ko ulit ang g-tech device. Nakalapat na ang screen sa lapag kaya ang nakikita ko nalang ay ang likurang parte nito. Lalo lang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang may nakita ako dito.

Halos patalon kong nilapitan ang g-tech device. Napalunok ako nang may nabasa ako sa likod ng device.

STQN

JLOMN

TR

OKM

CATTN

Halos pigain ko na ang utak ko para tandaan kung paano gamitin ang Kamasura Cipher. Then something just hit me. By just staring at the cipher I managed to decrypt it.

Pour water on the floor. I need to pour water on the floor!

Mabilis akong tumayo at binuksan ang faucet. Lumabas mula dito ang medyo may ginaw na tubig. Kumuha ako ng tubig gamit lang ang kamay ko at tinapon ito sa sahig. Walang nangyari. Kumuha ulit ako ng tubig na gamit parin ang kamay ko at binasa ang sahig. Wala paring nangyari.

Keeping my hopes up, I took the shoulder bag. Tinanggal ko lahat ng laman nito at tinapat ito sa bibig ng faucet. I need a large amount of water. Ginamit ko ang shoulder bag bilang lalagyan ng tubig. Nang mapuno na ito ng tubig, agad ko itong binuhos sa sahig.

The water splashed and the floor got soaked up. I stood agape. Noong nabasa na ang sahig, may lumitaw na mga letra dito. Nakasulat sa sahig:

T  h  r  e  e

S  e  v  e  n

N   i   n   e

O   n   e

F   i   v   e

I snapped myself back to reality. Lumuhod ako at kinuha ang g-tech device. Eight seconds left. Tinignan ko ulit ang nakasulat sa sahig, at natataranta itong tinipa sa device.

I typed five, the last number. The sound of the timer snapped off. Silence enveloped inside the comfort room. Halos marinig ko na ang pintig ng puso ko na ngayon ay hindi parin bumabalik sa pagiging normal.

Lumuhod ako at pumikit. Everything came rushing in. I'm still breathing, although hardly. And I'm still here, still alive. Nagawa ko. Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi agad ako tumingin dito.

“Ella,” that familiar voice of Kyle. Nag-angat ako ng ulo. May dalawang lalaki ang nakatayo malapit sa nakabukas na pinto.

Si Kyle na may hawak na susi sa kanang kamay. At si Flynn na nakasuot parin ng uniform ng waiter. Parehong pagtataka ang nakarehistro sa kanilang mukha. Iginala nila ang paningin sa paligid.

Sa akin na ngayon ay nakaluhod at basa na ang ibabang parte ng suot. Sa libro, sa bag, at sa g-tech device na ngayon ay basa na rin. At ang sahig na aakalain mong binaha.


Ilang segundo lang ay nasa harap ko na sila, nakalahad ang kanilang kamay para tulungan akong tumayo. I accepted their hands and hauled myself up with a grunt.

* * *

Nasa loob ng van na kaming lahat ngayon, except kay sir Loid. Pinauwi na niya kasi kami dahil wala na raw kami sa lugar para sumali sa imbestigasyon.

Katabi ko si Kyle ngayon. Kanina pa sila excited na nag-uusap tungkol sa nangyari pero ako ay tahimik lang. Wala lang kasi talaga akong ganang magsalita sa mga oras na 'to.

“Pero ang damot naman kasi talaga ni sir, bakit ayaw niya tayong pasalihin sa investigation. Siguradong may maitutolong naman tayo,” si Vanessa.

“May dahilan si sir kaya niya tayo pinauwi,” Kezia assured her.

“Ano naman 'yon?” Vanessa asked and leaned forward.

“I dunno.” Kezia shrugged.

“Hayaan niyo na lang si sir, ang importante nahanap natin ang bomba. Kundi baka patay na tayong lahat ngayon. Pasalamatan din natin si Ella,” singit ni Max na nilalaro pa sa kamay ang earphones niya. “'Di ba Ella?”

“Ha? Ah oo,” sagot ko tumahimik ulit.

Ilang segundo lang ay naramdaman kong binangga ni Kyle ang kanyang kanang braso sa kaliwang braso ko.

“Okay ka lang? Ba't parang ang tahimik mo?” tanong ni Kyle na may nangungusap na mata. Nag-iwas agad ako ng tingin.

“Okay lang, medyo napagod lang kanina.” I answered. Tumango na lamang siya. Nahuli ko pa si Flynn na nasa harap ko lang na nakatingin sa akin. Or maybe kay Kyle siya nakatingin.

Baka may gusto siya kay Kyle.

Pinikit ko ang mata ko at biglang nagflashback sa'kin ang sinabi sa'kin ni sir Loid bago kami pumasok sa van.

“Ella, we need to talk about something. But not now. Not here. Umuwi muna kayo ngayon.”

“Ano po 'yon?”

“It's about your parents.”

* * *

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top