Chapter 40: Maximum Bane
Chapter 40: Maximum Bane
Ella's Point of View
Ano ba kasing problema niya? Bakit niya ako sinusundan? O ako lang talaga itong feeling na sinusundan? Sinubukan kong mag-iba ng daan para maconfirm ko na sumusunod talaga siya. Lumingon ako saglit at nalaman kong sinusundan niya parin ako.
Hindi ko siya makilala dahil sa dilim at sa hood na suot niya. Nakapasok ang kamay niya sa bulsa ng kanyang hood. Sa paglalakad niya pa lang, alam kong lalake siya. Pero malay ko bang babae siya at parang lalake lang kung maglakad, parang ako lang.
Nag-isip ako ng ibang paraan para matakasan ko siya. Baka isa siya sa mga gustong pumatay sa'kin? Mas binilisan ko nalang ang paglalakad ko.
Hindi agad ako nakareact nang may biglang humawak sa kaliwang braso ko at buong lakas akong hinila. Hindi magkamayaw ang tibok ng puso ko dahil sa iniisip kong maaaring mangyari. Sisigaw sana ko pero tinatakpan niya ng kanyang kamay ang bibig ko.
Nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas. Nakatalikod ako sa kanya at halos nakayakap na siya sa akin. Lumingon ako at tinignan ang kanyang mukha, nagulat ako dahil kilala ko siya.
'F-Flynn?' hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Siya ang sumusunod sa'kin?
Seryoso ang kanyang mukha, saglit siyang napatitig sa mata ko. Dinikit niya ang kanyang hintuturo sa kanyang labi para patahimikin ako.
Maingat siyang sumilip sa daan na tinahak ko kanina. Nakatitig lang ako sa maamo niyang mukha, napakaseryoso nito. Ilang segundo lang ay nagtago siya ulit.
"Wala na siya," malalim ang boses niya. May kung anong naramdaman ako sa oras na narinig ko 'yon.
Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa'kin at hinarap ako. Para makasigurado ay sumilip din ako, wala na nga ang sumusunod sa'kin.
"Salamat," I half smiled. Tinanguan niya naman ako.
Ilang segundo kaming nakatayo doon, walang nagsasalita. Ilang inch lang din ang pagitan naming dalawa. Maya-maya lang ay nag-iwas ng tingin si Flynn at umatras ng isang hakbang para dumistansya.
Nangunot naman ang noo ko nang may mapansin sa pocket ni Flynn na nasa likuran. "Oyy ano 'to?"
Kukunin ko na sana ito pero agad na umatras si Flynn at tila nagulat pa.
"Bakit may rose ka sa pocket mo?" tanong ko at sinubukang agawin ang rose sa likod niya. Kinuha niya ang rose at tinago sa likuran niya. Atras lang siya nang atras at ako naman ay pilit na inaagaw sa kanya ang rose.
"Wala 'to napulot ko lang sa daan."
"Napulot daw, ba't mo pinulot?"
"Eh nagustuhan ko eh."
"Kalalake mong tao mahilig ka sa flowers?"
"Pake mo ba?"
"Patingin nga sabi!" sinubukan ko ulit na agawin 'to. Sa kakaatras ni Flynn ay napasandal na siya sa pader. Wala na siyang maatrasan pa kaya tinaas niya nalang ang rose. Hinawakan ko ang balikat niya at ginawa itong support. Nagtatalon-talon ako at pilit na inagaw ang rose.
Hanggang sa napatitig si Flynn sa'kin. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Huminto na ako sa pagtalon at natagpuan ang sarili na nakatitig din kay Flynn. Nakakapit ako sa dalawang balikat niya.
Napansin kong napalunok si Flynn, kita ko ang paggalaw ng Adams apple nito. Sa sobrang lapit namin ay naamoy ko na ang hininga niya, it smelled mint. Ramdam ko rin ang init nito.
Walang anu-ano'y umatras ako. Tinapon ni Flynn sa madilim ang rose, sinundan ko na lamang ito ng tingin. Nag-iwas ng tingin si Flynn.
Napatingin din ako sa ibang direksyon, napakamot nalang ako. Tumikhim ako para basagin ang katahimikan. Halos hindi namin magawang tignan ang isa't-isa.
Nagsimulang maglakad si Flynn nang nakapamulsa pa.
"Tara na, ihahatid na kita."
"Kaya ko sarili ko."
"Alam ko, pero ihahatid parin kita. Isa pa, iisa lang ang mansion natin." Pagkatapos niyang sabihin 'yon, naglakad na ulit siya.
Iiwan niya ba ako? Napatingin ako sa madilim na paligid. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig. Malayo-layo na rin si Flynn sa'kin.
Ihahatid niya raw ako pero nauuna na siyang maglakad. I walked fast to catch up.
Ano klaseng lalake 'to? Pinapahabol ako?
------
"Good morning class, before getting started let me first congratulate all of you for successfully accomplishing each of your mission. Especially sa House of Spades, Mr. Hudson's team," ma'am articulated with a less detached tone. Nagpalakpakan ang lahat ng estudyante, ang iba ay nakangiti pa sa amin. Pati ako ay pumalakpak. Iba lang talaga sa pakiramdam pag naaappreciate ng iba ang success mo.
"Pasensya na at ngayon lang ako nakabalik. Marami kasi akong inasikaso," naglakad si ma'am at lumabas sa kanyang mesa. "Anyways, this day is Friday and as you all expect ay may bago na namang missions ang iaasign ko sa inyo. Don't worry, you will still have the same teammates and the same senior."
Nagkatinginan kami nila Vanessa, Kiara at Kezia dahil sa anunsiyo ni ma'am. Magkakasama parin kaming magkakaibigan sa next mission namin.
Tinawag ni ma'am ang apat na team leaders at binigay isa-isa ang mga files na kakailanganin namin sa mission.
"Yan lang muna sa ngayon dahil may aasikasuhin pa ako. Class is dismissed."
Nagsitayuan na kami at excited na pumunta sa teammates namin.
"Nagtext sa'kin si sir Loid, mamayang one pm magkikita raw tayo sa computer lab. Kaya magkita nalang tayo do'n," tumango kaming lahat bilang tugon kay Kyle na siyang team leader namin.
Binigay sa amin ang whole day as free time para sa paghahanda sa mission namin. Kaya dumiretso nalang muna kami sa cafeteria nina Vanessa at Kiara para tumambay. Isasama sana namin si Kezia pero may gagawin pa raw siya kaya hindi na namin ito pinilit.
------
Nasa computer lab na kaming lahat ngayon. Nakaupo sa upuan kaharap si sir Loid, parang 'yong setting lang ng last mission namin.
"Gusto ko ulit kayong icongratulate sa success niyo sa last mission," nakangiting panimula ni sir. "As expected, magaling ang ipinakita ninyo."
Nabaling ang tingin ni sir kay Kezia. "Kez, wala ka bang balita kay Max?"
Simple kaming napatingin kay Kezia. Tila nag-iisip siya ng excuse. "Eh sir, ayun na nga po. I haven't seen him over the past few days. Araw-araw kong kinakatok ang kwarto niya pero wala pong sumasagot. Hindi rin siya pumapasok sa lahat ng classes namin. Wala na nga rin akong--"
Napatigil si Kezia nang biglang bumukas ang pinto. Sumilip ang lalaki sa loob, natahimik kaming lahat sa pagdating ng lalaki. Maging si sir Loid ay tila nagulat pa.
"Ahh, sir sorry po late ako."
Marahang ngumiti si sir. “Okay lang 'yon Max, sige halika na," pumasok si Max. Kaming lahat ay nakatingin sa kanya. Kumuha siya ng bakanteng upuan at tumabi ng upo sa'kin.
Noong nakaupo na siya sa tabi ko, hindi ko magawang tumingin sa kanya.
"Glad you're back, Max." Welcome ni sir sa kanya. Tinuon na ulit namin ang atensyon kay sir, pero 'di ko maikakaila na naawkward ako kay Max. Pagkatapos ng nangyari.
Kagabi lang may sumusunod sa'kin, baka naman siya 'yon? Pero hindi naman din ako pwedeng mambintang.
"Dahil nandito na si Max sa team, sigurado akong mas magiging maayos ang takbo ng mission. At gusto ko ring malaman niyo na mas mahirap ang mission na 'to. So let's get started."
Nagpipindot si sir sa kanyang laptop. Maya-maya lang ay may lumabas na mga larawan ng tao sa malaking screen sa harap namin. Lima sila, ang dalawang lalake ay matatanda na dahil sa puti nitong beard.
"This is Clarisse Paine," may kinlick si sir at nagzoom ang picture ng babaeng blonde. "Nasa mid-thirthies na siya."
She has this green eyes and blonde hair. Pointed noise, I almost thought she's a model.
"Second, Allan Westwood," ngayon ay nag zoom naman ang picture ng lalaking mga nasa twenty-eight years old pa. Sa itsura niya palang alam ko nang isa siyang American.
Inintroduce pa ni sir ang tatlong natitirang tao. Si Mr. Jason Holmes, Mr. Fuentabella at Mrs. Jocelyn Dagget.
"Sir, hindi ba mayayaman ang mga taong 'yan?" tanong pa ni Kezia.
"Malamang, sa pangalan pa lang." Pambabara ni Max.
"Ikaw ba kausap ko?" ganti ni Kezia.
"Hindi."
"O ba't ka epal?" inirapan ni Kezia si Max.
"Gusto ko lang--"
"Okay tama na 'yan, mabuti pa magpatuloy na tayo," Awat ni sir sa dalawa. Nagsisimula na kasing magbangayan. Napangiti pa ako dahil parang balik sa normal na ang lahat.
"Now going back, gaya nga nang sinabi ni Kezia. These names are renowned people. May gaganapin kasing party para sa celebration ng business partnership ng mga mayayamang tao dito sa industriya. At ang limang tao na inintroduce ko sa inyo ang magiging guests."
"So ano pong gagawin natin, sir?" tanong pa ni Kiara.
"Sa mission natin, aattend tayo sa party. Nakatanggap kami ng Intel mula sa Secret Project Society na may nagbabanta sa buhay ng limang taong 'yan. At kailangan nila ng proteksyon mula sa atin. To do that, kailangan nating pumasok sa scene para mabantayan ang mga mangyayari."
"So ibig sabihin, magiging parang guwardya tayo sir?" sir Loid chuckled dahil sa tanong ni Vanessa.
"Parang gano'n na nga Vanessa," napatigil si sir for effect siguro. "Sigurado akong malalaking tao ang gustong pumatay sa kanila kaya kailangan natin maging listo. Bukas, sabado. At exactly 7:00 PM magsisimula ang party. Kaya pagkatapos nitong meeting natin, mag-impake na kayo ng mga gamit niyo dahil aalis tayo by 3:00 PM."
Nagkatinginan kaming lahat at puro excitement ang nakamarka sa mukha namin.
"Excited na 'ko!"
"Ako rin, haha!"
Pagdating sa mga biyahe excited talaga ang lahat sa amin.
---
"ANO BA MAX BILISAN MO NGA! TALO MO PA ANG PAGONG!" sigaw ni Kezia kay Max, halos mapunit na nga ang bibig niya kakasigaw.
"Eh ikaw kaya dito? Palibhasa wala kang bitbit na kahit ano. At ako pa talaga ang pinagbuhat mo dito sa mga gamit mo," reklamo ni Max nang nakanguso. Dala-dala niya kasi ang gamit niya plus bagahe ni Kezia na sa tingin ko ay sobrang bigat. May nakasabit na dalawang malaking bag sa magkabilang balikat ni Max. At may bitbit pa siya sa dalawang kamay, sino ang hindi mabibigatan niyan?
"Nagrereklamo ka pa dyan, bilisan mo!" nauna na si Kezia papuntang bus.
Kakababa lang kasi namin ng Van, ito ang sinakyan namin mula sa school papunta dito sa terminal ng bus.
"Students, pasok na." utos ni sir sa amin, tinanggal niya ang sunglasses na suot at tumingin sa paligid para icheck kung kumpleto kaming lahat. Kapansin-pansin tuloy ang singkit niyang mata dahil sa init ng araw. Alas-tres na rin kasi ngayon.
Pumasok na kami sa bus na tinuro ni sir, nagpahuli na ako.
"Ella, dito ka na." Magkakasabay na alok ni Kyle at Flynn. Saglit pa silang nagkatinginan. Pero may dalawang matandang babae ang biglang tumabi sa kanila. Napakamot pa si Kyle.
May nakita akong bakanteng upuan sa 4th row, pero may nakaupo na sa bandang bintana. "Excuse me kuya, pwede po bang tumabi?" malay ko bang may iba pa siyang kasama? Nakasumbrero ang lalaki at nakayuko pa ito, kaya 'di ko makita ang kanyang mukha.
Tumango siya nang nakayuko parin. Ayy ganun?
Shy type si kuya. Bongga!
Nilagay ko na sa taas ang dala ko at umupo. Maya-maya lang ay nagsimula nang umandar ang bus. Nilabas ko ang earphone ko na bigay sa'kin ni Vanessa, nalaman ko kasi na para ring cellphone ang g-tech device na may music din. Dahil high-tech naman ang g-tech device, madali akong nakapagdownload ng mga music na gusto ko.
Makakatulog na sana ako sa biyahe nang may biglang sumigaw.
"Walang kikilos sa inyo! Kung ayaw niyong mamatay!" sigaw ng lalake, nakatayo siya sa may bandang driver seat. May dalang mahabang baril at nakatutok sa amin bilang banta.
Tatayo sana ko nang may biglang pumigil sa akin. "Ooops, 'wag kang gagalaw." Utos sa akin ng lalaking katabi ko. Tinututukan na niya ako ng baril sa ulo.
Wala akong nagawa kundi ang itaas ang dalawa kong kamay.
***
Month of august is coming. Pasukan na naman kaya magiging mabagal na naman ang updates. But don't worry, I'll try to update every Saturday.
20 chapters nalang at matatapos na ang Blue Moon High.
God bless everyone!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top