Chapter 4: You're safe, for now
Ella's POV
Madilim, malamig, at ang tahimik ng paligid. Kanina pa ako gising pero 'di ako gumalaw dahil sa nararamdaman kong takot. Nandito lang ako, nakahandusay sa malamig na sahig.
Noong idinilat ko ang mga mata ko ay wala akong makita maliban lang sa dilim. Mas mabuti pa nga kung pumikit na lang ako dahil may nakikita pa akong kulay.
Tapos ang tahimik pa, ang pagpatak lang ng tubig ang naririnig ko. Dahil sa sobrang tahimik ay halos mabingi ako sa kabog ng dibdib ko. Nakakatakot ang ganitong klaseng tahimik. 'Yung parang mabibingi ka dahil wala ka talagang naririnig, na 'yung pagpatak ng tubig at kabog ng dibdib lang ang naririnig mo.
Natatakot man ay dahan-dahan akong tumayo. Walang magagawa ang takot sa sitwasyong ito.
Maingat akong lumakad sa kung saan man. Wala nga kasi akong makita kaya lumakad nalang ako nang tuwid habang kinakapa ko 'yung dalawa kong kamay sa hangin. Ito nga talaga siguro ang mga pinagdadaanan ng mga bulag. Hindi naman talaga ako takot sa dilim pero hindi ganitong klase ng dilim. Ibang klaseng dilim 'to.
Hindi pa malayo ang nalalakad ko ay may naapakan na ako, more like may nasipa ako. Matigas ito. Pero alam kong hindi kahoy, bakal o plastik man. May konting lambot kasi ito at the same time medyo matigas. (hoyy hindi iyong iniisip niyo ha, iba na 'yon)
Dahil sa lintik na curiosity na 'yan ay inabot ko 'yung paa ko para mahawakan ko ang kung ano man 'yung naapakan ko.
Malamig ang unang nahawakan ko. Kumapa ako sa ibang parte nito hanggang sa may nahawakan akong buhok. Ano to? Bakal na may buhok? Napalayo nalang ako ng upo ng marealize ko kung ano ang hinawakan ko.
Hindi. Hindi ako nagkakamali, ulo ng tao ang naapakan ko. Ibang klaseng kaba ang nararamdaman ko ngayon. Iba sa lahat. Bakit may ulo rito? Baka naman kagaya ko rin, kagaya ng nangyari sa akin. Ano nga bang nangyari sa akin? Tumatakbo ako, biglang may humila sa akin, tinakpan ng panyo yung ilong ko and then. Black Out?
Pero imposible, kung kagaya rin sa 'kin ang taong 'to. Edi sana gumising ito noong naapakan ko ang ulo niya.
Kahit ubos na ang laway sa bibig ko ay nagawa ko paring lumunok dahil sa kaba at takot.
Kailangan ko paring subukan. Kung pareho nga kami ay kailangan ko siyang gisingin. Para may makasama ako sa lugar na ito. Pero paano ko siya makikilala kung halos wala akong makita? Kung meron lang talagang kahit anong bagay na pwedeng maging source ng ilaw. Kahit konti. Teka nga lang? Mabilis kong kinapa ang bulsa ko at nabuhayan ako. Nandirito parin sa bulsa ko ang cellphone ko. Ngayon ko lang na appreciate ang halaga ng ilaw.
Nanginginig kong nilapitan ang kung ano ang naapakan ko, kung ulo nga talaga, habang nakatutok ang cellphone kong di pa nakabukas ang ilaw. Binuksan ko ang ilaw ng cellphone ko. Kasabay iyon ng pagdilat ng mga mata ko at pagsigaw ko ng malakas.
Umatras ako nang sobrang layo hanggang sa mabangga ng likod ko ang pader. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Mas gugustuhin ko pang mamatay nalang kesa makakita ng ganon. Ulo nga ang naapakan ko, nakaharap ito sa akin. Tinitigan ko ito ng maigi at sigurado akong binaril ito. Dilat ang kanyang mga mata. 'Yung puting bahagi ng mga mata niya ay halos mapuno na ito ng ugat. At ang pinakanakakatakot sa lahat,
nakatitig ito sa akin!
Kilala ko siya, si manong driver namin. Kung kinabahan at nanginig ako kanina, mas lalo pang lumala ito ngayon.
Pinipigilan kong umiyak. Hindi pwedeng umiyak na naman ako. Sobra na akong nanginginig ngayon. Nahihirapan na rin akong huminga dahil sa pinaghalong kaba at takot.
Tumayo ako at maingat na lumakad sa taong naapakan ko kanina. Nang medyo makalapit na ako ay inilawan ko ang kabuuan ng lugar. Pinigilan ko ang sarili kong sumigaw. Tinakpan ko nalang ang sarili kong bibig para 'di makasigaw.
Napag-alaman kong hindi lang isa ang katawang nakahandusay sa sahig. Sa bilang ko, ay may labin-dalawang katawan, kasama ang naapakan ko, ang nakahansuday. Wala itong mga buhay.
Pinipigilan ko man ay tuluyan ng pumatak ang mga luha ko, dahil sa nakilala ko ang mga taong nasa harapan ko.
Si manong driver. Ang tatlong yaya namin. Si Dorothy at si kuya Charles. Si lolo at lola. Sina mama at papa. At dalawang lalaking 'di ko makilala. Lahat sila ay nakahandusay. Puno ng dugo ang katawan. Walang buhay. Ngayon ko lang nalaman kung ano iyong kanina ko pa naaamoy.
Dugo!
Nakikita kong bumaha ng dugo ang paligid.
I can't move. My sobs are the only sound that can be heard in the deafening silence along with the creepy sound of the dripping water.
Bigla akong nagulantang sa narinig ko. Nagmamakaawa ito. Nahihirapang magsalita. At ang boses nito, nakakatakot.
"Ella anak. Anak ko. Halika dito."
Walang alinlangan akong tumakbo patungo sa mama ko habang iniiwasang maapakan ang katawan nila papa, Dorothy at kuya Charles. Nakaharang kasi sila sa daan patungo kay mama. 'Di ko tiningnan ang mga mukha nilang tatlo at diretsong tumakbo kay mama habang lumuluha.
Nang makalapit ako kay mama ay dumapa ako habang nakatukod ang dalawa kong tuhod sa sahig.
"Mama? Ok na po nandito na ako." Mangiyak-ngiyak kong tawag.
"Mama?"
Iniyugyog ko siya. Ngunit wala.
"Mama naman. Huwag ganito. Ayoko ng ganito. Kung biro niyo ito. Maawa kayo. "
Ramdam ko ang tuluyang pagkabasag ng boses ko. Patuloy parin ako sa pagmamakaawa habang parang ulan ang mga luha kong patuloy lang sa pagpatak. Pero wala parin.
Kasalanan ko ito. Kung natapos ko lang sa tamang oras ang test hindi sana hahantong sa ganito.
Wala na akong magagawa, hanggang dito nalang. Niyakap ko ang mama ko habang umiiyak. Tsaka ako pumikit.
"Mama. Papa. Kuya Charles. Dorothy. Manong. Mga yaya ko. Sorry............."
* * * * *
Someone's POV
Kanina pa ako naka-upo rito. Nakatitig sa pinakamamahal ko sa buhay.
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina. Dugo. Puno siya ng dugo. May kutsilyo pa siyang dala. Hindi ko gustong maging ganito ang anak ko.
Nabuhayan ako noong nakita kong gumalaw nang kusa ang kamay niya. Kasunod nito ang pagsigaw niya ng malakas. Kaya agad ko siyang nilapitan.
Hindi pa ako nakalapit nang tuluyan ay biglang huminto ang kanyang pagsigaw. Ngunit mahina siyang umiiyak.
Parang dinurog at tinusok ng maraming karayom ang puso sa narinig kong pag-iyak niya.
"Mama sorry."
Niyakap ko siya ng mahigpit. Dahilan para magising siya. Nakikita ko sa mga mata niya ang bahid ng takot at saya. At tuluyan na nga siyang humagulhol ng iyak.
"Mama!?"
"Shuusssssshhhhhhh. Sige lang, iiyak mo lang 'yan anak. Ligtas ka na Ella."
'Di nagtagal. Ang kanyang iyak ay nauwi sa maliliit na hikbi. At tuluyan na nga siyang bumalik sa pagtulog.
"Tama 'yan Ella. Magpahinga ka na."
"You are safe."
"FOR NOW."
* * * * *
Madilim at tahimik ang paligid. Ito rin 'yung naramdaman ko noong?
Huh? Napabangon ako bigla dahil sa realisasyon. Binuksan ko kaagad ang ilaw ng cellphone ko para mahanap ang mga katawan ng pamilya ko. Pero wala sila. At imbis na katawan ang makita ko ay isang malaking kwarto lang. Kahit sa tulong ng ilaw ng cellphone ko, 'di ko parin nakikita nang maayos ang kung ano ang nasa paligid ko. Pero iisa lang ang sigurado ako. Isang malaking kwarto ito.
Maya-maya naman ay naka-adjust na nang tuluyan ang mga mata ko. At nagulantang ako sa nakumpirma.
"KWARTO KO ITO," sabi ko sa sarili ko.
Pero paano ako nakabalik dito? Labag man sa kalooban ay bumalik sa akin ang alaala ng kahapon.
Sina lolo, lola, mama at papa. Mga kapatid ko. Si manong driver at 'yung tatlong katulong namin.
Iiyak na naman ako? Pinahid ko nang marahan ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Hindi pwedeng umiyak lang ako ng umiyak. May dahilan ang lahat. At kung ano man ang dahilang iyon. 'Yun ang aalamin ko.
Determinado akong tumayo para lumabas ng kwarto at kilalanin ang kung sino man ang nagbalik sa akin dito.
Nakaka-ilang hakbang palang ako ay may narinig akong isang malakas na katok ng pinto. 'Yung katok na tipong nananakot.
Imbes na dumiretso ng lakad ay huminto ako. At dahan-dahang umatras pabalik sa higaan ko.
Ano ba naman ho yan! Sinabi ko pong magiging matapang na ako pero hindi ko sinabing ngayon na agad.
Biglang huminto ang katok. Ano 'yon? Napagod sa pagkatok? Sumakit siguro 'yung kamay?
"Huh! Buti nga sayo! Hindi mo ako matatakot sa mga katok mong 'yan noh. Matibay ata ito." Sinabi ko pa sa utak ko habang umaaktong susuntukin 'yung dibdib.
Dumilat nang pagkalaki ang dalawa kong mata nang marinig ang pagbukas ng pinto.
Hindi na ako nag dalawang isip na kunin ang kumot tsaka ko tinago ang sarili ko sa loob nito na parang ulol.
Narinig ko ang mga yapak ng paa ng kung sino mang taong nang-invade ng teritoryo ko. Hinintay ko siyang lumapit sa akin pero wala, hindi siya lumapit. Hanggang sa huminto siya isang sulok ng kwarto. Parang may kinukuha. Ano kayang kinukuha niya? Kutsilyo? O ang masama ay baril.
Huhu. Tulong naman. Wala akong laban sa taong 'to. Hula ko lalake 'to. Malaki kase ang hubog ng kanyang anino kaya masasabi kong lalake siya. Alangan namang babaeng may katawan na pang lalake? Ay ewan.
'Di ko na natiis at inilabas ko ang ulo ko. Ulo ko lang ang inilabas ko kasi natatakot parin ako. Tinitigan ko ang anino ng lalake. At kasabay nito ay ang pagpenetrate ng ilaw ng umaga sa mga mata ko. Hindi, sa buong kwarto ko pala.
Masakit sa mata ang ilaw na iyon kaya tinakpan ko muna ang dalawa kong mata. Nang mamalayan kong nakalapit na ang lalake dala ang kung ano man iyon, baril nga siguro, ay tinanggal ko agad ang pagtakip ko sa mga mata ko. Kasabay iyon ng mabilis na pag-atras ko, dahilan para mahulog ako. Sumunod ang tunog ng pagkakabalibag ko sa sahig.
Aray ko naman. Tanga mo talaga Ella. Masakit man ang likod ko ay hindi ito naging hadlang para bumangon ako. Nagtago ako sa kama ko. Dahan-dahan kong inilabas ang mukha ko. Pero hanggang mata ko lang ang inilabas ko.
Hindi ko parin nakikilala ang lalake sa harap ko. Masyado pa kasing nasisilawan 'yung dalawa kong mata.
"S-sino ka? W-wag kang lalapit." Pagbabanta ko sa kanya, ngunit hindi siya natinag.
"Haha"
He just chuckled as a reply to what I've said. Teka. Bakit parang pamilyar ang tawa niya? Hindi kaya?
Tapos unti-unti siyang lumapit sa akin habang tinututok yung dala-dala niya. Ano nga ba yang dala niya? Isang box?
Nagulat nalang ako sa sunod niyang sinabi.
"HAPPY BIRTHDAY ELLA... "
Charles' POV
Kumatok ako nang pagkalakas sa kwarto ng kapatid kong si Ella. Sinadya kong lakasan ang pagkatok para magising ang kapatid ko.
Pumasok na ako at dumiretso sa bandang bintana. Bubuksan ko na muna ang kurtina para naman maarawan 'tong kwarto ni Ella.
Itong kapatid ko talaga. Tulog mantika. Kung makatulog parang wala ng bukas. Napagod nga talaga siya kahapon. Ngumiti nalang ako sa naalala.
Nakita ko lahat kahapon. Hindi pa alam ni Ella na may nakatagong CCTV sa bawat sulok ng bahay. Kaya kitang-kita naming lahat ang test ni Ella kahapon. Simula noong gumising siya hanggang sa nahuli ko siya. Oo. Ako 'yung lalaking nakahood kahapon na humahabol sa kanya. Ikocongratulate ko lang sana siya at ihahatid sa restaurant para sa party. Parang farewell party na rin para sa kanya. Ililipat na kase siya ng school. Hindi na siya mag-aaral sa school na sabay naming pinasok. Sa Beam High na raw siya. Dahil siguradong doon siya tatalino.
Hindi lang namin inakala na iba ang mangyayari. Ako ang naghanda ng challenges ni Ella. Alam ko kasi ang mga weaknesses ni Ella pagdating sa talino. Nagulat nalang ako nang matapos niya ang challenge.
Baka naman nagtataka kayo kung bakit namin ginawa iyon. Wala, trip lang. Naisip kasi naming isurprise si Ella. Ako naman ang nagreprisentang humanda ng surprise. Kaya sobra akong pinagalitan ng mama noong nakita niyang pang-ilang beses umiyak si Ella. Pinilit niya pa si papa na itigil na ang laro pero sinabi lang ni papa na "Let's just see her capacity," tsaka ngumiti.
Baby nga kasi ni mama si Ella. Lalo pa at madaming sugat ang nakuha ni Ella.
May pagka-warrior talaga 'tong kapatid ko. Ang dami niyang sinira, pati lababo wasak. Ang kwarto ko wasak. Hindi ko rin naman kasi inaasahang totohanin niya 'yung laro. Tsaka alam ko kasing susuko siya dahil sa hirap ng mga tanong. Pero kahit papaano ay masaya na rin ako para sa kanya. Lalo pa't nalaman ko na may galing din pala siya. Sa kabila ng, huwag na nga nating pag-usapan iyon.
Nung medyo lumapit ako sa kanya ay mabilis naman siyang umatras dahilan para mahulog siya. Clumsy talaga.
"Sino ka? Wag kang lalapit."
"Haha"
Napatawa ako ng mahina. 'Di pa niya siguro ako nakiklala. Kung sa bagay, nakakasilaw naman talaga ang ilaw ng araw.
Lumapit ako habang inaabot ang regalo ko sabay sabing...
"HAPPY BIRTHDAY ELLA...."
Puno ng pagtataka ang rumehistro sa mukha niya. Marahan siyang tumayo at naglakad papalapit sa akin. At sa 'di inaakala ay sumigaw siya at mabilis na tumalon patungo sa akin.
Sa bilis ng pangyayari, 'di ko namalayang nandito agad siya sa harapan ko, nakayakap sa akin. Umiiyak ito. Si Ella? Umiiyak na naman.
"Buhay ka kuya. Buhay ka. At tsaka si mama.'' Ano bang pinagsasabi nitong kapatid ko?
"Hoy kapatid. Masyado kang madrama. Tsaka, talagang buhay ako noh. I'm handsome and alive. Masyado akong gwapo para mamatay na."
Nag-angat siya ng mukha at ngumiti ng malapad.
"Buhay ka."
Kapatid ko talaga. Kaya mahal ko to eh.
"Hoy! Masyado ka nang OA. Ano bang nakain mo at kung makasabi ka ng buhay ako parang pinapatay mo 'ko?"
"Kasi naman, kasi. Kasi naman kuya."
"Kasi ka ng kasi! Ano ba 'yon?"
"Kahapon ng umaga kasi pagkagising ko nagkaroon ako ng test tapos nagkasugat pa ako sa kamay at... At... At---"
Bigla nalang siyang napatigil sa pagsasalita.
"Oh? Ba't ka natigil? You were saying?"
Maya-maya pa'y nag-iba ang itsura ni Ella. Nanlilisik ang mga mata nito. Nakakatakot tignan. Tapos bigla na lang niya akong sinigawan.
"KUYA! IKAW! IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NAGKARON NG STUPID TESTS KO KAHAPON! IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT NASUGATAN ANG MAGANDA KONG KAMAY! TAPOS HINABOL PA AKO NG TAONG PANGIT KAHAPON. NAWASAK KO PA ANG BAHAY PATI NARI---------------"
'Di ko na masyadong narinig yung iba pang sinabi ng kapatid ko dahil tinakpan ko nalang ang tenga ko. Habang siya patuloy parin sa pagtatalak. Talo pa ang manok. Hindi ko na nga lang muna ibibigay sa kanya ang regalo ko.
Birthday niya kasi ngayon at bukas na bukas ay ihahatid na siya sa school niya. Bakasyon dapat ngayon para kay Ella. Pero ibang klase kasi ang school na papasukan niya. Kahit vacation day ay may pasok parin. Iyon rin 'yung isang dahilan kung bakit ko siya binigyan ng brain challenge. Gusto ko kasing marealize niya na may utak siya. Alam ko naman noon pa na matalino siya,
pero dahil sa nangyari, kaya.....
Kaya nagkaganyan siya.
* * * * *
Anong masasabi niyo sa brain challenge ni Ella?
Thanks for reading.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top