Chapter 39: Roses

Chapter 39: Roses

Ella's Point of View

Sinubukan ko paring gumalaw pero mahigpit talaga ang pagkakatali ko sa upuan. Nagpalinga-linga ako sa oras na nakarinig ako ng mga yapak ng paa. Sinubukan kong irelax ang sarili ko. Pumikit ako at huminga ng malalim.

'Wag kang matakot Ella, kaya mo 'to. Makakatakas ka rin dito,' sabi ko sa isip ko at pinakiramdaman ang paligid ko.

Madilim pero may naaaninag akong anino ng tao sa harapan ko. May dalawang tao rin sa kaliwa at kanan ko. Dahan-dahan silang naglalakad papalapit sa akin, sa kinauupuan ko.

Nagsimulang maging abnormal ang tibok ng puso ko. Pinilit ko ang sariling mag-isip ng kahit anong paraan. Papalapit na sila nang papalapit sa kinauupuan ko.

Napalingon din ako sa likuran ko nang makarinig din ako ng yapak ng paa mula rito. Apat sila. 'Ella apat lang sila na makakalaban mo, kayang-kaya mo sila,' sa isip-isip ko para palakasin ang loob ko.

Sandali akong napatigil nang may maalala.

Ang ballpen!

Kinapkapan ko ang bulsa ko, umaasang mahanap iyon. Tila nabunutan ako ng tinik sa oras na mahawakan ko ito. Dali-dali ko itong binunot. Dinikit ko ang ballpen sa nakatali sa kamay ko at pinindot ang tip nito.

Ilang segundo lang ay may hawak na akong kutsilyo sa palad ko. Naramdaman ko ang pagluwag ng wrist ko. Walang anu-ano'y pinutol ko ang mga nakatali sa paa ko. Pinasok ko naman agad ang kutsilyo sa bulsa ko.

Tatayo na sana ako nang may humawak sa magkabilang balikat ko. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Tumayo ako at nagpalipad ng kamao sa kanan ko. Nakachamba naman ako at natamaan ko ang mukha ng tao, rinig ko ang pag-ungol ng lalake.

Hinawakan ko ang kamay sa kaliwa ko at buong lakas na pinulupot ito. Napasigaw siya dahil sa ginawa ko, hindi ko pa binibitawan ang kamay niya. Nakikita ko ang pigura ng kanyang ulo kaya sinundan ko na agad ito ng suntok.

"Pigilan niyo siya!" rinig kong sigaw ng lalake. Naramdaman kong may tumalon papalapit sa akin, umikot ako at sinalubong siya ng sipa. Humiyaw siya at nag-echo ang pagbagsak niya sa lapag.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, mabilis ang aking mga galaw. Sabay-sabay na umatake ang apat na lalake. Maingat kong inilagan ang bawat galaw nila sa kabila ng dilim.

Ilang minuto lang ay wala nang umaatake sa akin. Naririnig ko na lamang ang kanilang mga daing. Napansin kong may dalawa pa palang tao ang nakagapos sa upuan, hindi lang ako ang dinukot nila. Lalapitan ko na sana ang dalawa nang bumukas ang pinto.

Pumasok ang ilaw mula sa bumubukas na pinto. Napalingon ako dito. May mga pigura ng tao na nakatayo sa labas. Napalunok ako nang kumapa-kapa ang kamay at biglang nabuhay ang ilaw.

"SURPRISE!!!" ngiti-ngiting sigaw ng mga tao pagbukas ng ilaw. May dalang malaking cake si kuya Gally at may nakasinding kandila pa sa gitna nito. Noong una ay kumunot ang noo ko hanggang sa napalitan ng pagkagulat ang ekpresyon ko sa mukha.

Nawala ang ngiti sa kanilang labi sa oras na makita nila ang apat na lalakeng nakahandusay sa lapag habang umuungol pa ito sa sakit. Doon ko napagtanto ang nangyayari sa oras na ito.

"Binugbog mo silang lahat!" gulat na sigaw ni Kezia at agad na nilapitan ang mga lalakeng nakahiga. Nalaman ko rin na ang dalawang kasama ko na nakagapos din sa upuan ay sina Kiara at Vanessa.

Awkward na nag-peace sign ako sa kanila. Palipat-lipat ang tingin nila sa akin at sa apat na lalake.  Napakamot nalang ako.

Pinaliwanag nila sa akin na dahil member na kaming tatlo ni Kiara at Vanessa sa House of Spades ay naghanda sila ng surpresa para sa amin. Gusto raw kasi nila kaming iwelcome sa family. Pero it turns out na sila pa raw ang nasurprise.

Gayunpaman, tinuloy parin namin ang celebration. Nagkaroon ng kaunting salo-salo sa Spades Mansion. Thirteen(13) pala lahat ng members ng Deck of Spades mula sa Ace hanggang sa King. Si Flynn at Kyle ay member din.

Tinext nila si Flynn at Kyle na nakidnap daw kaming tatlo nina Kiara at Vanessa at papatayin daw nila kami pag hindi dumating sila dumating. Kakaiba rin ang mga tao rito pagdating sa welcome party.

Kinausap pa ako ni kuya Charles. "Good job, Ella. Kahit papaano'y napakinabangan mo ang  tinuro ko. Ang galing ko talagang kuya. Magaling na, gwapo pa!" angal na sana pero bigla niya akong inakbayan. "Wag ka nang umangal! Sumang-ayon ka nalang para maging matahimik ang buhay mo," ngumiti siya nang malapad.

"Nga pala," may kinuha siya sa bulsa niya at pinakita ito sa akin. Maliit na tali ito."Ito 'yong taling ginamit nila sa'yo kanina. This type of rope can't be easily cut. I'm glad na ginamit mo na ang binigay na ballpen ni papa."

Napanganga ako sa sinabi ni kuya. "Paanong--" hindi na niya ako pinatapos pa.

"Alis na 'ko, kita nalang tayo sa kwarto ko mamaya. At kahit Ace ka na ng Spades hindi parin ako papayag na lilipat ka sa kwarto mo. Gusto ko na manatili ka parin sa kwarto ko, para mas mabantayan kita. Don't worry, comfortable na sa'kin ang couch," pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na agad siya.

Wala na akong magagawa kundi ang sundin nalang si kuya.

---

Two days na rin ang dumaan simula noong Welcome Party raw nila. At nag-iisa ako ngayon dito sa library. OO! Sa library. May quiz kasi kami mamaya at kailangan ko talagang mag-aral dahil mathematics ang subject. Two days ko na nang pinag-aaralan ang lesson na 'to para mamaster lang ang phases.

Hindi naman gaanong marami ang estudyante sa library dahil 6:30 pa ng umaga ngayon. 6:00 am kasi bumubukas ang library, ganun sila kaaga. At mamayang 9:00 am pa ang first period ko.

Napahinto ako sa pagsusulat at tinitigan ang solution ko. Parang may mali talaga eh. Nagpipindot ulit ako sa scientific calculator at chineck ang sagot ko.

'Ayun! Mali lang pala ng sign. Grabe talaga ang math, mali lang ng sign damay-damay na,' sa isip-isip ko at umiling-iling pa. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagsosolve.

"O, sipag natin ah," hindi ko na kailangang mag-angat ng ulo dahil kilala ko na ang nagsalita sa boses palang. Hindi ko siya pinansin at nagfocus lang sa pagsosolve.

Umupo siya sa upuan kaharap ako. "Hey, sissy! Musta pag-aaral natin?" nang-aasar niyang tanong. Napaangat ako nang ulo nang biglang tumunog ang parang bell. Tumutunog lang ang bell kung may maiingay sa loob ng library.

Napatingin ako sa librarian with her grim expression. Siya 'yong nagpindot ng button para tumunog ang bell. Tumingin din si kuya Charles sa librarian.

Nagbago ang ekspresyon ng librarian noong nakita niya si kuya Charles, tila namumutla ito. "Go ahead King Charles, pwede kang mag-ingay hangga't gusto mo," the librarian chickened out. Binalik ni kuya ang tingin sa akin. Napairap nalang ako. Pati ang ibang estudyante sa dito sa library nakatingin na sa'min.

Kaya lumalaki ang ulo ni kuya, pati librarian takot sa kanya. Ano ba kasing kinatatakutan nila kay kuya? Wala naman silang dapat ikatakot.

Nakaupo lang si kuya at ewan kung ginagawa niya, tumitingin-tingin lang. Nagpatuloy lang ako at sa wakas, natapos ko ring sagutan ang isang problem. Buong papel rin ang naconsume ko sa pagsagot sa isang tanong na 'to.

"Ano 'to?" inagaw niya sa'kin ang papel na sinulatan ko ng solution ko. Binasa niya ang solution ko at tumango-tango pa. "Tama naman ang sagot mo," medyo naging proud pa ako nung sabihin 'yon ni kuya.

"Pero may mas madaling paraan para masolve mo 'to," binalik niya sa'kin ang papel ko at kumuha ng blangkong bond paper mula sa'kin. Sinulat niya ang solution niya, mas naglean ako para mas makita ko ang sinusulat niyang solution.

Mga wala pang two minutes ay natapos siya sa pagsusulat, maliit lang din ang solution niya. "Ayan," inabot niya sa'kin ang papel niya habang kagat-kagat niya pa ang ulo ng ballpen.

Pareho kami sa simula pero iba na ang paraan niya. Pareho rin kami ng sagot. "Pa'no mo 'to ginawa? Shortcut 'tong sa'yo eh," reklamo ko pa at pilit na inintindi ang solution niya. Ngumiti lang siya.

"Saang refence mo 'to kinuha kuya? Sabihin mo na para naman mabilis akong matapos sa quiz ko," he chuckled

"Walang reference, gawa-gawa ko lang 'yan," nangunot pa ang noo ko sa sagot niya.

"Pwede ba 'yon?"

"Of course, as long as wala kang binebreak na rule o law sa mathematics. Nga pala, asan pala si Vanessa?" binaba ko ang ballpen na hawak at tumingin nang makahulugan sa kanya.

"Ba't mo siya  hinahanap?" ngumiti ako nang nakakaloko. Nag-iwas pa siya ng tingin bago sumagot.

"W-wala lang, nagtataka lang ako kung bakit 'di mo siya kasama pati na rin si Kiara," depensa niya sa sarili.

"Defensive nito. Anyway, susunod lang daw sila rito." Sagot ko nalang, tumango-tango si kuya.

Napatingin si kuya sa wristwatch niya." Sige sis, alis na 'ko. May mission pa kasi ako ngayon sa labas ng school," napaangat ako ng ulo noong tumayo siya.

"Sige kuya, 'wag kang mag-ingat," ngumiti siya sa sinabi ko. Naglakad na siya palabas ng library kaya hinatid ko na lamang siya ng tingin.

Napaisip pa ako, mukhang kailangan ko ng bagong reference para makahanap ng mas madali at magandang paraan ng pagsosolve. Seconds later, I found myself walking through mazes of towering bookshelves. It took not too long for me to find myself a new reference with thick old leaves.

Bumalik ako sa kinauupuan ko at inilatag ang makapal na libro. Binuksan ko ang libro at binasa ang content. Hahanapin ko na sana ang title ng topic nang may napansin akong nakaipit sa notebook ko.

Kunot-noo kong binuksan ang notebook ko. Isang rosas, na nakaipit sa notebook ko. Para akong nahipnotismo at kinuha ito. Nagpalinga-linga pa ako at baka sakaling makita ko ang nagbigay. Pero ang lahat ng estudyante ay busy sa mga libro at papel nila.

Inamoy ko ang bulaklak ng rosas. Napangiti na lamang ako. 'Lumang style na 'to pero ang cute lang,' sa isip-isip ko at dahan-dahang binalik ang rosas sa pagkakaipit nito sa notebook ko.

Tumingin ulit ako sa paligid. Nagpatuloy na lamang ako sa ginagawa hanggang sa dumating sina Kiara.

---

Tatlong araw na rin ang lumipas. At sa loob ng tatlong araw na 'yon ay araw-araw na akong nakakatanggap ng mga bulaklak na rosas. Minsan sa cafeteria at minsan naman sa loob ng classroom. Kaya lang 'di ko parin kilala kung sino ang anonymous na taong 'yon.

8:00 PM na ngayon and yes, nag-iisa na naman akong naglalakad sa madilim na gabi. Ginabi na naman kasi ako sa library, ang sikap ko na nga nitong mga nakaraang araw. Kailangan ko kasi talagang ibuhos ang effort ko para mamaintain ko lang ang standing ko as a member ng Deck of Spades at bilang Ace na rin.

Napahinto ako sa paglalakad nang may naramdamang kakaiba. Lumingon ako sa likod ko at tumngin sa paligid, pakiramdam ko kasi kanina pa may sumusunod sa'kin. Wala naman akong nakitang tao kaya pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad.

Napalunok ako nang makarinig ako ng mga yapak ng paa sa likuran ko. Napahawak ako sa strap ng bag ko at binilisan na lamang ang paglalakad.

Narinig kong mas binilisan din ng taong sumusunod sa'kin ang kanyang paglalakad.



***



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top