Chapter 38: Dad's Gift
Chapter 38: Dad's Gift
Ella's Point of View
Natutunan ko ang tatlong types ng proper stance. Walking stance, front stance and cat stance. Sa una ay nahirapan ako pero dahil sa walang humpay kong pagpapractice ay nagtagumpay naman akong mamaster ito.
Alas-dos na ngayon ng hapon at kasalukuyan akong nag-iinsayo. Narinig ko ang pagbukas ng pinto, 'di na ako lumingon dahil alam ko naman na si kuya iyon.
Prinaktis ko ulit ang Ready Stance. I squinted as I felt something. Umikot ako at sa aking pag-ikot, nahuli ng mata ko ang lumilipad na libro patungo sa mukha ko. I swung my leg in an arc and hit the book, blocking it. Nahulog ang libro ng hindi ako natatamaan.
Pumalakpak si kuya habang ngiting-ngiti pa. "Nicely done, ilang oras lang at nagawa mo nang gamitin at iapply ang ready stance. As expected." Ngumiti ako dahil sa sinabi ni kuya, malaking bagay na ang komento niyang 'yon.
May dalang anim na libro sa bawat kamay ni kuya. Inilatag niya ito at lumapit sa akin. Hindi ko naman maalis ang tingin ko sa librong nilatag niya sa lapag.
Pinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa. "Ngayon may tanong ako. Nakatalikod ka sa akin kanina at tinapon ko sa likod mo ang libro. Pa'no mo nalaman na may libro akong tinapon sa'yo?"
Napaisip naman ako. Pa'no ko nga ba nagawa 'yon? Biglang nagflashback sa akin ang nangyari kanina.
Narinig kong bumukas ang pinto. I was practicing the ready stance when I heard something. At naramdaman ko rin na may kung anong lumilipad sa likuran ko.
"Ewan. Basta naramdaman ko lang."
"Exactly," puna niya. "Iyan ang naitulong ng meditation sa'yo. It'll help you find peace. Thus, finding peace will improve your reflex. Na parang nakikita mo ang nasa paligid mo, kahit pa ang nasa likuran mo."
Tumango ako at inabsorb ang mga tinuro ni kuya. "Now," pinulot ni kuya ang mga libro.
"Aanhin mo 'yan?" hindi ko mapigilang tanong.
"We'll now go for your balance," lumapit siya sa akin habang dala ang limang libro. "Stand straight," para akong isang army na agad na sumunod sa utos niya. I stood as straight as I can and prepared myself for further instruction.
"Raise your hands sideward," sinunod ko iyon. Magkalebel na ngayon ang dalawang kamay ko sa aking balikat.
Lumapit si kuya na dala parin ang mga libro. Sinundan ko ang galaw ng kanyang kamay. Nilagay niya sa itaas ng ulo ko ang dalawang libro.
Nangunot ang noo ko. "Anong ginagawa mo?"
"Kelangan mong matutunan ang tamang balance," sagot niya at naglagay ng tigdadalawang libro sa nakataas kong mga kamay.
"Kuya, ba't ganito? Hindi ba parang pang model 'tong ginagawa natin?" reklamo ko pa.
"Tumahimik ka na lang," naglagay na naman siya ng dalawang libro sa itaas ng ulo ko. Ang bigat na ng ulo ko. "Now, try to walk without letting the books fall."
Dahan-dahan akong humakbang. Pero sa pangatlong hakbang ko lang ay sunod-sunod na nalaglag ang mga libro. "Hays!"
"Again," sabi ni kuya at inulit namin ito. Naglagay na naman siya ng mga libro.
Pero paulit-ulit lang itong nalaglag. Hindi ko ito magawa ng tama. "Ayoko na! Hindi naman kasi ako nagtetraining para maging model!" katwiran ko pa. Pero hindi tumatanggap si kuya ng gano'ng katwiran.
"You complaining will not help you succeed. Come on, let's do it again."
Napatitig ako kay kuya at sa huli ay wala na rin akong nagawa. Inulit namin ang traning.
"Pagkatapos natin sa balance mo isusunod agad natin ang proper combination ng kicks, punches and other uses of elbows. At sa mga susunod na araw ay ang mga counterattacks naman. We'll make sure na mamaster mo ang martial arts na ito in just a couple of weeks."
------
Kasalukuyan kaming nagkakaroon ng lecture namin sa subject na Calculus. Yes, you read it right. Ang paborito kong mathematics, emphasis on the sarcasm there. Dahil mathematics ang subject hindi epektib ang double effort.
Kailangan ko ng triple, quadruple effort pagdating sa mathematics. I need to shut everything else and listen as careful as possible. Matiim ko nang tinititigan ang professor namin. Hindi ko pinalalagpas ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. OA man pakinggan pero kailangan kong gawin 'to para maintindihan ko ang sinasabi niya.
Tumigil sa pagsasalita ang professor namin at dumako ang kanyang tingin sa direksyon ko. "Ms. Ellizabeth, something wrong? May galit ka ba sa'kin?"
Nag-echo ang tanong ni prof. sa akin. Napatingin din ang mga kaklase ko sa'kin.
"Po? Hindi po, please continue." Sabi ko nalang.
"You sure? Parang pinapatay mo na kasi ako sa tingin mo," napakamot nalang ako. Ang OA naman kasi ng pakikinig ko.
Nagpatuloy nalang si professor sa discussion niya. Naalala ko rin na best way pag nakikinig is 'to take down notes.' Sinabi 'yan ni kuya.
Kinalkal ko ang bag ko at nakahanap ng ballpen. Nangunot ang noo ko dahil pamilyar ang ballpen na nahanap ko. Kinuha ko ito at tinitigan.
'Ito 'yong ballpen na bigay sa'kin ni papa.' Kulay crystal ito. Hindi ko pa 'to nagagamit kahit isang beses.
Nagkibitbalikat na lamang ako. Pinindot ko ang upperpart ng ballpen para lumabas ang tip nito. Pero nandilat ang mata ko sa nasaksihan.
May kakaibang paggalaw ang ballpen. Galing sa pagiging ballpen ay naging isang uri ng kutsilyo ito. Para akong nanonood ng transformer habang ito ay nagtatransform.
Dahil sa gulat ay naitapon ko nalang ang kutsilyong hawak. Napalingon sa akin ang mga kaklase ko. Pero yumuko nalang ako.
"Anong problema?" tanong sa'kin ng katabi kong si Flynn.
Nagpalinga-linga ako para icheck kung may nakatingin sa akin. "Nakita mo 'yon?" nangunot lang ang noo niya.
"Anong nakita?" tinuro ko ang sahig at tumingin naman siya rito.
Nagulat ako dahil ang akala kong kutsilyo ay bumalik na sa pagiging ballpen. Pinulot ito ni Flynn at binigay sa akin.
"S-salamat," hindi parin ako makapaniwala nung tinanggap ko mula kay Flynn ang ballpen ko.
Pagkatapos ng discussion, sabay kaming tatlo ni Kiara at Vanessa na pumasok sa CR. Nauna na silang dalawa sa paglabas.
Lumabas ako nang cubicle at tinitigan ang sarili sa salamin. Kitang-kita ko kung paano ako nagbago maging ang physical appearance ko.
Ang bobong Ella. And lampang Ella. Ang Ella na laging nilalait dahil sa kabubohan. Pero ngayon, dahil sa paaralang ito napagtanto kong hindi naman pala talaga ako bobo. Na may talino naman pala akong maibubuga. Ngumiti ako.
Biglang lumitaw sa isip ko ballpen na bigay ni papa sa akin. Paanong naging kutsilyo 'yon? Napailing na lang ako at binalewala iyon.
Pagbukas ko ng pinto, mga nakahandusay na Vanessa at Kiara ang bumulaga sa akin. Napasigaw ako at tarantang nilapitan sila.
Lumuhod ako at pilit silang ginising. Nakaramdam ako ng presensya sa likod ko. Ngunit huli na ang lahat. Bago pa man ako nakalingon, tinakpan ng panyo ang aking ilong. May naamoy akong kakaiba. Unti-unti akong nanghina hanggang sa nawalan ako ng ulirat.
"Kuya asan na ice cream ko?"
"Heto na baby Ella, 'wag nang umiyak, ha."
"Thank you po kuya, kaya mahal na mahal ko ang kuya Arch ko eh."
"Anak, patawarin mo ang mama sa gagawin niya."
"Sabihin mo sa Black na 'yan, na hindi niya pwedeng kunin si Ella sa'kin!"
"Pero Arch, utos 'yon ni Mr. Black."
"Wala akong pakialam!"
Nagising ako habang nag-eecho parin ang mga boses na iyon sa ulo ko. Nagmulat ako ng mata ngunit tanging dilim lang ang sumalubong sa'kin.
Sinubukan kong gumalaw ngunit nakagapos na ako sa inuupuan ko.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top