Chapter 36: Training Room
Chapter 36: Training Room
Ella's Point of View
Pag labas ko, sumalubong sa akin ang mga nag-aalalang mukha ni Flynn at Vanessa.
"Okay ka lang?" tinitigan ko ang nag-aalala niyang mga mata saka ako tumango.
"Buhay ka pa Ella?" nagtatakang tanong ni Vanessa at sumilip sa loob. "At in fairness mahimbing nang natutulog ang tatlong lalake na 'yan."
"Oo, Ness sa kasamaang palad buhay pa nga ako," pabirong sagot ko sa kanya at nagtawanan nalang kami.
"Pero wait, dinamay mo 'yong lalake sa counter kanina. Bakit? 'Di ka nakuntento?"
"Siya si Edward Arguelles, nagtatago sa pangalang Blake Dizon. May natanggap akong report na may traydor sa loob ng opisinang ito. And yes, that's him," saad ni sir bilang sagot kay Vanessa. Kararating niya lang kasama si Kiara, Kezia at Kyle.
Tumakbo si Kiara patungo sa akin. "Ella okay ka lang ba? Halos atakihin na kami sa puso sa pag-aalala sa'yo," bungad niya sa akin. Ngumiti ako nang marahan at sinabing okay lang ako.
May apat na pulis ang dumating at dinampot ang tatlong lalake na nakalaban ko. Binatukan pa ni Vanessa ang traydor.
Binigyan ako nang makahulugang tingin ni sir Loid. "Good job everyone! Magaling talaga ang team ninyo. Lalo na sa'yo Ella. Hindi talaga ako nagkamali sa'yo." Nakaramdam ako ng hiya dahil sa papuri ni sir kaya nagpasalamat nalang ako.
"Sir, wala po ba kaming prize? You know, sa accomplishment ng mission na 'to," nakataas na kamay na tanong ni Vanessa. Nagsimula na kaming maglakad palabas.
"At ano namang klaseng prize ang gusto mo Vanessa?" tanong ni sir.
"Uhm. Pwede kiss niyo po sir?" nangunot ang noo ni sir sa narinig. "Joke lang naman po!"
Nagtawanan na lamang kami dahil sa ingay ni Vanessa. At ang sarap lang talaga sa pakiramdam na naging matagumpay kami sa mission namin.
------
Alas-tres na ng hapon at kakauwi lang namin galing sa simpleng celebration sa tagumpay ng mission. Nagpunta agad ako nang kwarto ni kuya Charles. Pinindot ko ang password at bumukas ang pinto na tila isang elevator.
Sa pagbukas ng pinto, nakita ko si kuya Charles. Nakaupo siya sa malambot na higaan habang nagbabasa ng libro. Hindi ko na lamang siya pinansin at pumasok na.
Tumalikod ako at pinindot ang close button. Umikot ako at sa pagharap ko ay halos lumuwa ang mata ko nang may lumilipad na kutsilyo papalapit sa akin.
I sidestepped and barely dodged the knife. Nakita ko kung paano ito bumaon sa pinto.
Magkasalubong na kilay kong sinulyapan si kuya Charles. Nagbabasa parin siya ng librong may title na 'The Adventures of Sherlock Holmes' na parang walang nangyari. Nakasuot siya ng short at jersey shirt.
Padabog kong binitawan ang bag pack ko para ipahayag sa kanya na galit ako. Pero patuloy parin siya sa pagbabasa at hindi ako pinansin.
Pakiramdam ko umusok ang ilong ko dahil sa inaasal ng kuya ko. "HOY! GUSTO MO BA TALAGA AKONG PATAYIN?!"
Tumingin siya sa akin saglit at mahinang tumawa. "Aba't tumatawa ka pa?!"
"Nagbibiro lang naman," nakangiti niyang saad at bumalik ulit sa pagbabasa.
"Nagbibiro pala, ha." Inis na bulong ko sa sarili saka ko hinugot ang nakabaong kutsilyo. Habang nagbabasa siya ay tinapon ko sa kanya ang kutsilyo.
Nabigla ako sa aking ginawa. Napatakip nalang ako ng bibig noong malapit nang sumapol sa kanyang mukha ang patalim.
Habang nakatuon parin ang mata sa pagbabasa, sinalo niya ang kutsilyo hawak-hawak ang tip nito. 2 inches nalang ang layo ng dulo nito sa kanyang mukha.
Walang ekspresyon niya akong tinignan. Napakagat na lang ako sa ibabang labi at nagpeace sign kay kuya. Binalik niya ang tingin sa kutsilyong nasalo.
Binaba niya ang librong binabasa at pinaglaruan ang kutsilyo sa kamay. Tinignan niya ako ng wala paring ekspresyon. "Saan mo natutunan ang 'throwing knives'?"
I squinted and thought about it. "Tinuruan ako, ng kaibigan---"
"O? Napatigil ka?" inikot-ikot niya ang kustilyo sa kamay.
Napakamot nalang ako dahil hindi ako makasagot. Napailing nalang si kuya. Pinulot niya ang libro at nagbasa ulit.
"May kaibigan ba talaga akong nagturo sa akin?" pabulong kong tanong sa sarili. "Pero alam ko talagang meron," napailing na lamang ako.
------
"Kuya saan ba talaga tayo pupunta?" I crossed my arms and gave him the please-give-me-an-answer look. Sumarado ang pinto ng kwarto ni kuya.
Nilagay ni kuya ang dalawang kamay sa loob ng kanyang bulsa. "Basta. Sumunod ka nalang," nauna na siyang maglakad. Napairap nalang ako at sumunod sa gwapo niyang likod.
"Tsaka 'wag kang maingay, baka may makakita sa atin." Napatingin ako sa paligid ng hallway, anong may makakita eh kami pa ang gising sa mga oras na 'to.
Sabado ngayon at alas-singko pa ng umaga. At sigurado akong tulog pa ang ibang estudyante dito sa Spades Mansion. Kung bakit naman kasi ginising ako ni kuya ng ganitong oras. Kaming dalawa lang ang naglalakad sa tahimik na hallway.
"Saan nga---"
"Sssshhhh!!!" awat niya sa akin dahil umalingawngaw ang lakas ng boses ko sa paligid.
"Saan nga kasi tayo pupunta?" pag-uulit at pamimilit ko sa kanya.
Tinignan niya ako nang masama. "Ang kulit! Sinabing tumahimik ka nalang," hindi niya magawang sumigaw. Kaya pabulong niya lang akong pinagalitan.
"Sige na nga," sagot ko sa malakas na boses. Bumilis ang paglalakad ni kuya kaya lakad-takbo na ang ginawa ko para maka-keep up lang.
Umakyat kami ng hagdan. May nadaanan kaming bintana kaya sumilip agad ako rito. Nagsisimula na ring maghari ang liwanag sa kalangitan. The shade of blue started blending its way through the face of the dark. The sight always give me the chills that iced my body. I shivered from the thought.
Tumakbo ako at sumunod kay kuya. May dinaanan kaming tatlong pinto at huminto kami sa tapat ng ikaapat. Kuya Charles fished out a set of keys from his pocket.
He opened the door and went inside. I just trod behind his heels. Kuya Charles groped for the light switch and pushed it on.
The lights on the ceiling were lit on in series. They all blink at first and steadied. It illuminated the too much spacious room.
Actually hindi ito room lang. Para itong dance room dahil sa sobrang lawak ng espasyo ng kwarto.
"Ano ba ang lugar na 'to kuya? Ba't tayo nandito?" tanong ko sa kanya. Nakapamulsa siya habang tumitingin-tingin sa paligid.
Nakikita ko ang sarili ko sa salamin na nasa harapan ko. May nakadikit kasing from floor-to-ceiling na salamin sa dingding. Kulay puti ang pinturang ginamit sa kisame.
BOYSEN kaya ginamit nila?
"Training Room ito," tipid niyang sagot at naglakad papunta sa gitna. Nag-eecho ang tunog ng kanyang sapatos sa sahig.
"Anong gagawin natin dito? Sasayaw?" he chuckled because of my question.
"Hindi Dance Room ito para sumayaw tayo. Ito ay isang Training Room, at nandito tayo para magtrain."
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa excitement. "Talaga?"
"Oo. And as promised, tutulungan kitang mag-improve," ngumiti ako dahil sobra kong na-appreciate ang sinabi ni kuya.
"Let's get started." Agad akong tumango sa kanya at ngumiti.
"Attack me," he commanded. Nagtaka na lamang ako.
"Hindi ba magtetrain tayo? Ba't laban agad?" naitanong ko nalang. Seryoso ang mukha ni kuya, ibang-iba sa kuya Charles na lage kong kaaway. Nagmumukha talaga siyang mentor ko dahil sa tindig, galaw at boses niya sa tuwing nagsasalita.
"I need to know your limits and capabilities before being able to teach you the things that you must learn. Kaya kailangan nating maglaban, get the point?" seryoso ang kanyang mga mata. Tumango na lamang ako at napalunok. "Again, attack me!" sigaw niya kaya sumugod na ako.
Hindi pa ako nakapagsimulang umatake nang magsalita ulit siya. "And try to defeat me."
"As you wish!"
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top