Chapter 35: The Second Mission

Chapter 35: The Second Mission

Ella's Point of View



"Okay ka lang ba?" halata sa mukha ni Flynn ang pag-aalala. Napatingin ako sa kanang braso ko kung saan siya nakahawak.

Dahan-dahan akong tumango. "Oo, ayos lang ako. Medyo nahilo lang," I forced a smile.

"Sigurado ka Ella, ha? Sinungaling mo pa naman. Baka mamaya bigla ka nalang mag-collapse diyan," komento ni Vanessa. Sinabi ko na lang sa kanila na okay lang talaga ako. Hindi parin sila kumbinsido pero nagpatuloy parin kami.

Habang nagsasalita si sir sa harapan ay 'di ko maiwasang sulyapan si Kyle. Pakiramdam ko kasi nagkita na kami sa kung saan.

------

"Now it's showtime!" anunsiyo ni sir habang pinapark ang sasakyan. Lumingon si sir sa amin ni Flyyn habang nakahawak parin sa manubela. "Handa na kayo?" tumango kami ni Flynn.

Sabado na ngayon at ayon sa report ngayon ang araw kung saan gaganapin ang bank robbery na sinasabi ni sir.

Sumilip ako sa labas mula sa bintana. May dumating na babae, umakyat siya sa hagdan patungo sa double door ng bangko. Bumukas ang pinto mula sa loob at pumasok ang babae.

Hinawakan ko ang aking earpiece na nakasaksak sa tenga ko, para iayos ito. Inayos ko rin ang pagkakalugay ng aking buhok para siguradong nakatago ang earpiece ko.

Sinulyapan ko si Flynn na ngayon ay katabi ko sa backseat. Tahimik lang siyang nakamasid sa labas. As what sir instructed us.

Tatlo lang kami sa loob ng sasakyan. Si sir na nasa driver's seat at kami ni Flynnn sa backseat. Walang makikitang earpiece sa kanyang tenga. Binigyan siya ni sir nang high-tech na eyeglasses na magsisilbing earpiece niya, at pati na rin si Kyle.

Napatingin ako sa labas nang may dumaang pamilyar na sasakyan. Tinignan ko ang aking wristwatch, 9:11am na. 9:30am magaganap ang bank robbery and before that time ay dapat makapasok na kami sa bangko.   Kaya tama lang ang pagdating nila.

"And here they come," lumabas ang tatlong estudyante mula sa dumaang sasakyan at rumampa papasok sa bangko. They even wear uniforms and brought themselves a book and an envelope to complete the ensembles.

"Okay guys, just be cool. Be cool and act and move as planned. Huwag kayong kabahan," sir instructed, eyes outside.

"Sir, hindi kami kinakabahan. Si Kiara lang dito ang kinakabahan," rinig kong sagot ni Vanessa sa kabilang linya. Naririnig naming lahat ang sinasabi ng bawat isa gamit ang earpiece.

"Hoy, hindi kaya. Slight lang naman," pagtatanggol ni Kiara sa sarili. Medyo pabulong pa ang pagkakasabi ni Kiara.

"Settle down,.. Kezia, Kiara, Vanessa. Are you three in?"

"We're in," sabay na sagot nilang tatlo. Syempre pabulong ang pagkakasabi nila.

Lumingon si sir sa amin ni Flynn at tinanguan kami para bigyan ng signal. Tumango kami ni Flynn. Unang lumabas si Flynn at umikot para pagbuksan ako. I slowly breathe in and out to relax myself. I can't deny that my body is almost shaking because of anxiety.

Ngumiti ako para pasalamatan si Flynn saka niya sinara ang pinto. Tumingin ako sa paligid at nagsimulang maglakad.

Pinagbuksan kami ni Flynn ng pinto ng isang guard mula sa loob.

"Remember, stay as close as possible," paalala ni sir sa amin. Naghanap kami ng mauupuan at sakto namang may dalawang bakante sa front seat na malapit lang din sa inuupuan nina Kiara. Lumapit kami at doon umupo.

"In pernes parang model kung maglakad si Ella, ha."

"Sssshhhh!" awat ni sir kay Vanessa.

Nasa first row kami ni Flynn at nasa third row naman sina Kezia.

"Kezia. Vanessa and Kiara. You three are students na magbabayad ng tuition. So act like one. Flynn and Ella, both of you will act as siblings," instruction ni sir sa kabilang linya.

"Siblings daw pero sobrang sweet," hirit na naman ni Vanessa at tumawa ng mahina.

"Vanessa?" warning ni sir sa kanya kaya humingi siya ng tawad.

"Now here comes Gab," pagkatapos sabihin 'yon ni sir, binuksan ng guard ang pinto. Pumasok si Kyle habang dala-dala ang isang brown folder sa kanang kamay. Medyo nanibago pa ako sa suot niyang eyeglasses.

Hindi siya naghanap ng mauupuan at dumiretso sa likod papuntang opisina.

"I'm in," Kyle announced in a deep voice.

"Ikaw ba ang bagong assistant ko?" rinig kong sabi ng boses babae.

"Opo, ako po si Clinton James Ashner. Nice meeting you po."

"Ahh gan'on ba? Ang cute mo naman Clint," mapang-akit na boses ng babae.

"S-salamat po," natatarantang sagot ni Kyle.

"At tsaka 'wag mo na akong tawaging po. Parang ang tanda ko naman niyan. Call me Bea."

"Sige po, Ms. Bea," naiimagine ko nalang na pinagpapawisan na si Kyle sa loob ng opisina dahil sa matandang babae.

"So you want coffee?"

"Sige po, thank you Ms. B-bea."

"I have one last question. You want coffee or me?"

Humagalpak ng tawa si Vanessa sa likod. Nagkatinginan kaming dalawa ni Flynn at kapansin-pansin din sa kanya na nagpipigil siya ng tawa. Tinakpan ko na lamang ang bibig ko para pigilan ang aking pagtawa.

Napatingin ang iba kay Vanessa na tumatawa parin. Hindi na lamang siya pinansin ng iba.

"Sir, baka madisgrasya po si Kyle sa loob," nag-aalalang saad ni Kiara. Halata rin sa kanyang boses ang pagpipigil sa pagtawa.

"Gab! You hear me? RETREAT! Again, Kyle RETREAT at baka magahasa ka pa diyan," usal ni sir kaya mas lumapad pa ang ngiti ko.

"Ma'am, CR lang po ako," sunod kong narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto. Nakita ko si Gab na lumabas ng opisina at pawisan nga ito.

"Now I'm getting in," binuksan ulit ng guard ang pinto at pumasok si sir Loid. Suot niya ang kanyang shades na nagsisilbing earpiece na rin. Tumingin siya sa paligid at dumiretso ng upo sa upuang nakaharap sa amin ni Flynn. Pero malayo siya sa amin.

Tinignan ko ulit ang wristwatch ko. 9:34am at bigla nalang akong nakarinig ng paputok. Halos humiwalay ang kaluluwa ko dahil sa gulat.

Sumigaw ang mga tao at ang iba pa ay dumapa. Hindi na sila magkamayaw. Bumagsak ang guard sa pinto, dilat ang kanyang mata habang umaagos ang sariwang dugo mula sa nabutas na ulo.

Agad akong dumapa at mabilis na gumapang papunta sa bandang counter. Nagmistulang tambol ang aking puso sa sobrang lakas ng kabog nito.

"WALANG KIKILOS NANG MASAMA!" sigaw ng lalaking nakaitim at nakasuot din ng maskarang itim. Nakataas ang kanyang mahabang baril.

Mabilis na pumasok ang iba pa niyang kasamahan na natatakpan din ng maskara ang mukha.

Patuloy ang takot na sigaw ng mga tao sa loob ng bangko. May mga umiiyak pang bata. Dahil sa ingay ay nagpaputok ang isang lalake. Tinakpan ko ang aking tenga dahil sa nakakabinging putok na iyon.

Lalo lang sumigaw ang mga tao at umiyak ang kabataan. We we're totally immobilized. Nakadapa si sir sa sahig. Flynn was pinned down on the floor. Vanessa, Kiara and Kezia. There were three guns pointing at them. And Kyle is nowhere to be seen. Guns everywhere, ready to shoot us.

Halos pigilan ko na ang aking hininga. Narinig ko ang mga yapak ng paa na papunta sa pwesto ko. Bumilis ang paghinga ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Sinipa ng lalaki ang binti ko, napapikit na lamang ako.

"HOY! Tumayo ka diyan! Tayo!" itinukod ko ang dalawang kamay ko sa sahig. Nagdalawang isip pa ako. "Tayo sabi!" sinipa niya ulit ako sa binti.

Nanghihina ang tuhod ko dahil sa kanyang pagsipa. Dahan-dahan akong tumayo.

"Ella, just relax. Huwag kang matakot, nandito lang kami sa likod mo. Just do whatever he says," rinig kong bulong ni sir.

"Anong binubulong-bulong mo?!" nakita ko sa peripheral vision ko kung paano tinadjakan ng lalake ang likod ni sir.

Dahan-dahan kong tinaas ang dalawang kamay ko. Napapikit ako nang maramdaman ko ang dulo ng baril na dinidiin ng lalake sa ulo ko.

"Lakad!"

Dinala niya ako sa may cashier. "Saan niyo nilalagay ang pera? Ilabas niyo ang pera kung 'di PAPATAYIN ko ang babaeng 'to!" nanginginig na ang karamihan dahil sa takot. Sinubukan kong irelax ang aking sarili.

"Ano?! Ilalabas mo ba o hindi?!" lumapit ang isang lalake at tinutukan ng baril ang taong cashier.

"M-maawa po kayo! 'Wag po!" pagmamakaawa ng lalaki.

"Ilabas mo ang pera!"

"H-heto na po! Parang awa niyo na po!" natatarantang kumuha ng susi ang lalaki at marahang lumapit sa amin. Nakataas parin ang kanyang kamay habang nakasabit sa daliri ang susi.

"Lakad!" tinulak ng lalaking nakamaskara ang cashier at takot naman itong naglakad.

Saglit akong tumingin kay Flynn na nakadapa sa lapag. Nag-aalala ang kanyang mga mata. Dinala kami ng lalaking cashier sa tapat ng isang pinto. At ako bilang hostage para gawin niya ang mga gusto ng mga lalaking ito.

Nagdadalawang isip pa siyang buksan ang pinto. "Buksan mo na!" asik ng lalaki at mas diniin pa ang dulo ng baril sa ulo ko.

Wala siyang nagawa kundi ang buksan na lamang ang pinto. Pumasok kaming apat sa isang kwarto. Ako, ang cashier at ang dalawang lalaking nakamaskara.

Sa wall ay may bakal na pinto. Dito nilalagay ang pera ng bangko.

Tinulak nila ang cashier at napasubsob pa ito sa lapag. "Ibigay mo na sa'min ang pera! Bilisan mo!"

"O-Opo! N-nandito po sa loob," sagot ng lalake at bumangon ito. Lumapit siya sa bakal na pinto at nanginginig na binuksan ang pinto.

Pagbukas nito, kitang-kita ang limpak-limpak na pera sa loob. Ngumisi ang dalawang lalake. Nakatutok parin ang baril nila sa amin. Nasa kanan ko ang isang lalaki at katabi naman ng cashier ang isa pang lalaki.

Ngunit nagulat na lamang ako sa sunod na nangyari.

Ngumisi rin ang lalaking cashier at tumingin nang nakakaloko sa akin. Binaba na ng lalaki ang baril at itinutok ito sa akin. Dalawang baril na ang handang patayin ako anumang oras.

Nandilat ang aking mata sa nalaman.

"Bata, pasensya na pero ikaw lang naman talaga ang mamamatay dito." Saad ng lalaki at tumawa silang tatlo.

Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Palipat-lipat ako ng tingin sa bawat isa sa kanila. Nag-iisip ng paraan.

Ngumiti ang lalaki. "Paalam bata," tila bumagal ang pagtakbo ng oras. Nakita ng mga mata ko kung paano gumalaw ang kanyang daliri sa pagkalabit sa trigger.

Gumalaw ako sa bilis ng aking makakaya. Hinawakan ko ang mahabang baril at tinulak ito paitaas. Pumutok ito at tumama ang bala sa kisame. Buong lakas ko siyang sinuntok sa mukha. Pati ako'y napangiwi dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko. Umatras siya at tumama ang ulo sa bakal na pinto. Dahilan para siya ay makatulog.

"Ella? Ano nang nangyayari sa loob?"

Babarilin na sana ako ng isa pang lalaki kaya pilit kong inagaw ang kanyang baril. Pumutok ito ng ilang ulit at nakita ko kung paano nagkaroon ng maraming butas sa sahig.

Siniko ko siya sa kanyang leeg, sumigaw siya at nabitawan ang baril. Agad kong sinipa palayo ang mahabang barili.

Pinagtulungan ako ng lalake at ng cashier. Maiigi kong inilagan ang kanilang mga atake at galaw. Habol ko ang aking hininga at tila naging baliw na ang pagkabog ng aking dibdib.

Nagpalipad ng suntok ang lalaking cashier. Sinalo ko ang kanyang kamay at umikot habang mahigpit parin na nakahawak sa kamay niya. I twisted his arm which made him cry in pain.

Tinadjakan ko siya kaya siya sumubsob sa lapag. Hinarap ko naman ang natitirang lalake na muntikan na akong masapak. Yumuko ako at sinuntok siya sa sikmura.

Dahil sa laki niya, walang epekto ang suntok ko sa kanya. Napaatras lang siya, hindi natinag.

"Kakaiba ka palang babae ka!" nandidilat niyang saad. Napakagat siya sa ibabang labi at nanggigigil na pinaulanan ako ng atake.

Sunod-sunod ang kanyang mga suntok at sipa. Atras lang ako nang atras at sinusubukan ang umilag sa bawat atake niya. Bawat galaw ko'y sinasabayan ng bumabaha kong pawis.

Sumipa siya. Hindi ko 'to inilagan at sinalo lang ito. Napangiwi pa ako sa pagtama nito sa akin. Malakas kong tinama ang aking siko sa kanyang binti. Sumigaw siya. Sunod ko siyang binigyan ng uppercut.

Narinig ko pa ang malutong na tunog sa oras na tumama ang kamao ko sa kanyang baba.

He staggered back. I didn't gave him the chance to regain his full strength. Agad akong tumakbo at palipad siyang sinipa.  Tila nagperfect split ako sa aking ginawa.

Umungol siya at sumuka ng dugo. Napaluhod siya at bumagsak sa lapag.

Napalunok ako at tinignan ang aking paligid. Tatlong lalake na ngayon ay nakahiga na sa sahig.

Itinukod ko ang dalawang kamay sa tuhod at hinabol ang hininga. Pumikit ako at sinubukang irelax ang sarili.

Wala ng malay ang dalawang nakaitim na lalaki sa sahig. Pero gising parin hanggang ngayon ang traydor na cashier. Dumadaing siya dahil sa nabaling braso.

Pinahid ko ang likod ng aking palad sa pawisan kong noo saka ko siya marahang nilapitan. Napatingin pa siya sa baril na nasa tabi at pilit itong inabot.

Sinipa ko palayo ang baril at tinadjakan siya sa sikmura. Napaungol siya sa aking ginawa. Pinulot ko ang susi.

"Pahiram ng susi," humihingal na sabi ko sa cashier saka ako nagsmirk.

Nakakarinig ako ng ingay sa labas, ingay ng labanan.

Paika-ika  akong lumapit sa pinto at binuksan ito. Napapangiwi pa ako dahil sa natamo ko.




***




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top