Chapter 34: Teammates
Chapter 34: Teammates
Ella's Point of View
Sasagutin namin 'to? Nang walang papel, calculator o ballpen?
Nakatayo lang kaming lahat sa labas ng classroom. Dumaan sa kanan ko si Kyle habang nakatingin sa card.
"As a green cognitive type, your maximum span of time to answer that is one(1) and a half minute. Time starts now."
Mga ten(10) seconds ang dumaan, nilapitan ni Kyle si ma'am na ngayon ay nakatayo parin sa pinto. "Ma'am, pwede na po bang pumasok?"
"Tapos ka na ba?"
"Opo."
Pumasok na si Kyle. Seryoso? Ten seconds niya sinagutan 'yon? Napatingin ako kay Flynn na ngayon ay lumapit kay ma'am.
"Tapos na po ako." Tsaka siya pumasok. Bumalik ulit ako sa card. Maya-maya lang ay marami na silang nakapasok sa room. Pati si Kiara at Vanessa ay nakapasok na rin.
"Thirty seconds left." Tinitigan ko ang card ng maigi. Kaya ko 'to. Nasolve nila nang walang ginagamit na kahit papel o ballpen. Kaya ko rin.
"Matalino ka, Ella. Higit pa sa aming mga kapatid mo,” umalingawngaw ang boses ni kuya sa ulo ko.
"Okay class our lesson is about Calculus."
Napatingin ako kay ma'am. She checked her wristwatch. "Five seconds." Lumapit ako kay ma'am kasabay ang tatlo pang estudyante.
"Tapos na kayo?" tumango kaming apat. Pumasok ako at binigay namin isa-isa ang aming card. Hinanap ko ang upuan na nakalabel na 12. Iyon ang sagot sa mathematical question ko.
Pagkaupo ko ay nakahinga ako nang maluwag. Pakiramdam ko buong buhay ko binuhos ko para masagutan lang ang tanong na 'yon.
Hinanap ko sina Vanessa. Nakaupo si Kiara pinakadulo. Samantalang katabi naman ni Vanessa si Kezia sa front row. Nagsimulang magsalita si ma'am nakinig nalang ako, baka may ipagawa na naman ang titser na 'to.
"Hi, Ella," ngiti-ngiting bati sa akin ng katabi ko.
"Hi rin, Kyle," mahinang sagot ko sa kanya. Baka kasi mahuli pa ako ni ma'am.
"Congratulations, as expected nasagutan niyo ang binigay kong tanong in just a manner of minute. Mr. Hudson was the first one to get inside."
Manghang napatingin ang lahat sa akin. Ang feeling ko, sa katabi ko pala. Nagbigay nang awkward na ngiti si Kyle.
"Ang yabang, nagpapabilib kay Ella," rinig kong bulong ni Flynn. Lumingon ako ng kaunti dahil nasa likod ko lang siya. Nakasimangot siya, pero nung mapansin ako ay biglang ngumiti.
"Because this is your Psychomotor subject, kailangan ko nang ibigay ang group niyo para sa mission na ibibigay ko." Mission? May mission kami? Agad-agad?
"You are twenty-one (21) in my class and I already divided you into four(4) groups, " kinuha ni ma'am ang mga nakalatag na white folders sa mesa niya.
"Ms. Aria Smith," tumayo ang magandang babae. Naalala ko, siya 'yong may crush kay kuya Charles. Inabot ni ma'am ang white folder. " Ikaw ang magiging leader ng group mo. Nasa loob na ang list of names ng kasama mo." Tumango si Aria at umupo. Baka kateam niya ako at leader ko siya. Okay lang sakin, kilala ko naman siya eh. Kahit pangalan lang.
"Mr. Jade Miller," tumayo ang lalaki na nasa likuran lang ni Kez. Gaya ni Aria binigyan din siya ni ma'am ng white folder. O baka naman itong Jade na 'to?
Tinawag pa ang isang lalake. At huli ay si Kyle. "And lastly. Mr. Hudson, dahil ikaw ang pinakaunang nakasagot sa tanong ko kaya ikaw ang magiging leader ng grupo mo at sa'yo ko rin ibibigay ang medyo mahirap na mission na ito." Nakangiting inabot ni ma'am ang white folder sa kanya.
"That would be all for now, class is dismissed." Sa oras na lumabas si ma'am ay agad na akong tumayo at nilapitan si Aria.
"Uhm. Excuse me," sinabit niya ang sling bag niya sa balikat.
"Oh, it's you. May kailangan ka ba?" napatingin ako sa white folder na hawak niya.
"Itatanong ko lang sana kung magkateammates tayo," saglit siyang napasulyap sa white folder.
"Mas maganda sana kung magkateammates nga tayo. But no. Unfortunately, we're not."
"Ahh. Sige salamat."
"Sige. Alis na ako," tinanguan ko siya. Lalapitan ko na sana si Jade ang pangalan nang marinig ko si Vanessa.
"Holy mader of abnormal carabaos!!!"
"Bakit?" takang tanong ko. Mabilis na lumapit si Kiara sa white folder na hawak ni Kyle.
Noong nabasa niya ang laman ay napatakip siya sa bibig.
"Ellaaaaaa!!!" sabay na sigaw ni Vanessa at Kiara. Nilapitan nila ako.
"Magkateammates tayo!!!" nandilat ang mata ko at sinalubong sila ng yakap. Nagatatalon-talon kami habang magkayakap parin. Second time na ito na magkasama kami.
Napatingin ako sa paligid ng classroom. Buti nalang kaming anim nalang ang natitira sa room.
"Hindi lang kayo magkateammates, no. Tayo," sabi ni Kezia. Ako, si Vanessa, Kiara, Kezia, Flynn, at Kyle ang nandito. Nagkatinginan ulit kami at nagtatalon sa saya. This means magkakasama kaming anim na magkakaibigan.
Best feeling talaga pag nakasama mo barkada mo sa groupings. Parang in favor ata ang tadhana sa amin, at kami talaga ang nagsama.
------
Nasa lobby kami nang may biglang dumating na teacher. Tumayo si Kezia at sinalubong si sir. Samantalang kami naman ni Vanessa at Kiara ay nanatili sa sofa. Si Flynn at Kyle ay magkatabing nakatayo, tahimik.
"Good morning po, sir."
"Good morning, kayo ba ang team na makakasama ko sa mission bukas?" nakangiting tanong ni sir. May hawak siyang folder sa kanang kamay niya.
"Opo, sir. Sinabihan po kasi kami ni ma'am na lumapit na agad sa'yo para mapag-usapan po agad natin ang tungkol sa mission.”
The teacher slowly nodded as if considering. "Okay, pero hindi na ako ang magiging Senior niyo sa mission?"
Nagkatinginan kaming lahat. "Po?" takang tanong ni Kez.
"Pinakiusapan niya kasi ako at---" biglang bumukas ang pinto ng office at iniluwa nito si sir Loid.
Pasikreto akong hinampas ni Vanessa. "Ang gwapo parin ni sir," gigil niyang bulong.
"Detective Loid, tamang-tama. Nandito na ang mga estudyante mo."
Napatingin si sir sa wristwatch niya. "Magsisimula na ang meeting ko," tinignan niya sa sir Loid. "Loid, ikaw nang bahalang magpaliwanag sa mga bata." With that said, sir went inside the office.
Ngumiti si sir Loid, tumayo kaming lahat at hinarap siya. "Namiss ko kayo. Ako na naman ang magiging senior niyo at kayo ang magiging special agents ko sa mission na ito."
------
"Nasaan na pala si Max?" he asked as he started scanning the files. "Balita ko kasama siya sa group niyo."
Nandito na kami ngayon sa computer lab. Nakatayo si sir sa harapan, at kami naman ay naglagay ng upuan kaharap siya.
"Uhm, sir. Hindi ko rin kasi maintindihan ang lalakeng 'yon. Tatlong araw na siyang 'di pumapasok. Hindi ko na rin siya nakikita kahit pa magkatabi ang kwarto namin,” sagot ni Kezia, halata sa mukha niya ang pag-aalala.
Tumingin si sir Loid ng diretso sa kanya. "Gan'on ba? Baka may pinagkakaabalahan lang ang batang 'yon?"
"Like what sir?" singit ni Vanessa.
"Hindi natin alam," tumingin nang makahulugan si sir Loid sa akin. Yumuko na lamang ako.
"Intindihin nalang muna natin si Max, ngayon," tumango kaming lahat bilang pagsang-ayon. At nagsimula na kami.
May projector na ginagamit si sir. May pinindot siya sa kanyang laptop at lumabas ang picture ng lalakeng nakasalamin. He's wearing a suit with a professorial stare. It made him look respectable. I can say that he's a Japanese with all those features in his face.
"This is Mr. Lim Kawazaki, thirty-nine (39) years old. Has two children and a wife - a family. He's the secretary of Mr. Peyton Chua, the notorious owner of the Clothing Line Company here in the Philippines."
"Tomorrow, at exactly 9:30 am. Mr. Lim Kawazaki will have an appointment in the Alliance Global Bank (ANB)," kinuha ni sir ang folder sa mesa at binuksan ito.
"We have received an Intel from the Secret Project Society. Ang sabi rito, may magaganap na bank robbery sa Alliance Global Bank, bukas ng umaga. Sa mismong bangko na papasukan ni Mr. Lim Kawazaki. I hope you get my point." Tumahimik si sir na tila naghihintay ng aming komento.
"Kung bank robbery po ang mangyayari, ano pong plano niyo sir para mapigilan natin sila?" tanong ni Kyle.
"Good question, Gab."
Kumurap-kurap ako nang marinig kong sabihin ni sir ang Gab. Napatingin ako kay Kyle, Kyler Gab Hudson.
"You see, the common setting will be like this. Magkakaroon ng bank robbery. Of course if that happens, they'll have their hostages. The one inside the bank. Maaring marami ang mamatay. May magsusumbong at darating ang pulis. Papalibutan nila ang mga magnanakaw. Then what? Tatanungin ng mga pulis kung anong kailangan ng mga kalaban? The police will ask them to surrender, as if they'll do as they're told."
"You mean to say, na may iba po kayong plano?" tanong ni Flynn. Hindi parin ako mapakali. Patuloy-parin na nag-eecho sa isip ko ang pangalang Gab. I heard myself calling that name.
"Exactly,.. alam kong mahirap ang mission na 'to. Kaya sa inyo binigay ang mission. Dahil special ang team ninyo. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit nagsama kayong lahat dito as one team?"
"Bakit naman kami special?"
"Because you have Ella."
Napatingin silang lahat sa akin. Unti-unti nang nanlalabo ang aking paningin.
"Ella, okay ka lang?"
"Bakit ang init mo?"
"Ano palang pangalan mo? Ellizabeth name ko. Pwede mo 'kong tawaging Ella."
"Gabriel ang pangalan ko, tawagin mo nalang akong Gab. Hehe."
***
I expect you to say. "BITIN NA NAMAN KUYA!"
For the next update. First mission na nila as a team.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top