Chapter 32: Blue Cognitive
Chapter 32: Blue Cognitive
Ella's Point of View
I expected to feel pain,... a really deap pain.
I expected to be angry, angry enough to even slap him hard on the face.
Pero lahat ng 'yon ay expectations lang pala, hanggang expectations lang.
Expectations.
Tumitig lang ako kay kuya. Magkaharap na kami ngayon, nakatayo habang nililipad ng hangin ang aming buhok.
Unti-unting nagbago ang ekspresyon niya. Dahan-dahang nagkasalubong ang kilay niya. “Hindi ka ba natatakot? Nagagalit? O nabibigla man lang sa sinabi ko?”
Hinawakan nang dalawang kamay ko ang strap ng sling bag ko, saka ako dahan-dahang umiling. “Hindi.”
Nag-iwas siya ng tingin, tila nag-iisip. Saka niya binalik ang tingin niya sa akin. “Uulitin ko, hindi ka ba---”
“Hindi, kuya. Hinding-hindi. Dahil wala akong kahit isang dahilan para matakot o magalit man sa'yo,” sagot ko saka dahan-dahang ngumiti.
Napabuntong hininga siya, na aakalain mong sobrang disappointed. “Hays! Halata ba talagang nagsisinungaling ako?” nagpipigil ng tawa akong tumango. “Hindi talaga ako marunong umakto.”
“You got it right! You really suck in acting,” dagdag ko pa. Hindi ko maiwasang tumawa. Ilang segundo lang ay tumawa na rin si Kuya. At nagtawanan na kami kahit wala naman talagang nakakatawa.
Bigla kaming natahimik. Bumalik sa pagkaseryoso ang mukha niya. “Anong gusto mong unang malaman?”
Tumingin ako sa ibaba at nag-isip. “Ang Top Class Challenge,..” tumingin ako kay kuya na nakatanaw na sa makakakapal na puting ulap. “Gusto kong malaman ang nangyari sa Top Class Challenge.”
Unti-unting tumango si kuya. “Ano ba ang huli mong naalala?”
Napaisip pa ako. “Piniringan kami ng mga kaibigan ko, at dinala kami sa parang gymnasium. Tapos may nag-announce na kasali raw kami sa Challenge. Dumating si Clark na nagsisigaw, at pati si Kyle. Saka nagsimula, bumukas ang apat na pinto...” napatigil ako sa pagsasalita.
Napatingin si kuya sa akin. “Tapos, tapos... bumukas nga ang pinto,” nangunot ang noo ko. “Tapos bumukas nga ang pinto...”
Napapikit ako, pilit kong inaalala. Alam niyo 'yong feeling na nasa dulo na ng dila mo ang gusto mong sabihin pero ayaw talagang lumabas?
“Huwag mo nang pilitin,” napadilat ako.
“Ha?”
“Kung ayaw, 'wag mo nang pilitin,” he crossed his arms. Diretso siyang tumingin sa ulap. “Naiintindihan kita,.. naiintindihan ko kung bakit wala kang maala sa stage one(1), sa Crank's Maze at sa simulation test.”
Nangunot lang ang noo ko dahil wala naman akong naintindihan sa mga binanggit niya. “Ano ba 'yang mga maze, simulation test na 'yan?”
“Those are stages or tests. At pinasa mo ang lahat ng 'yon,” ngumiti siya na parang may naalala. “Kaya kahit alalang-alala ako, sobrang saya ko parin dahil sa galing mo. You give those Cranks a good kick on their butts which they deserve.”
“Cranks?” saglit lang siyang tumingin sa akin at ngumiti.
“At ang simulation test mo. It was spectacular. It was about facing your fear. Pero may kakaiba sa results mo, compared sa iba. You became that demon and killed everyone inside your mind.”
Nandilat naman ang mata ko. “Wait kuya, demon? Ako demon?” tumawa lang siya sa reaksyon ko at 'di ako pinansin.
“Mabuti nalang naunahan ko sila. Dinelete ko ang file and boom! Kung 'di ko nabura ang file ng simulation test mo baka nalaman na nila kung ano ang meron sa'yo.”
Dahan-dahan akong tumango nang unti-unting bumalik ang konting alaala ko sa nangyari sa akin sa Challenge. Pero, blurry parin talaga ang iba. “K-kuya, natatandaan ko na ang iba! Natatandaan ko na!”
Nangunot ang noo niya. “Natatandaan mo na kahit kakasabi ko lang?” tumango ako, napaisip naman siya nang malalim.
“Pero kuya, kung nangyari nga ang lahat ng 'yon, bakit nawala? I mean bakit nakalimutan ko?”
“Binura ang alaala mo, Ella.”
“Binura? Sinong nagbura?” kunot noo kong tanong.
Medyo natagalan pa bago siya sumagot. “Napapansin mo, nakalimutan mo ang nangyari mula sa stage one hanggang sa simulation test. Which is kinda suspicious, dahil sa lahat ng memorya mo ang memory ng Challenge mo ang piniling burahin.”
Bigla kong naisip ang first mission ko kasama sina Flynn. “Kuya, hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaamnesia ako.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Kasi minsan na rin akong nagka-amnesia. Nakalimutan ko ang lahat ng detalye ng mission ko simula ng pangyayari sa mission namin hanggang sa natapos ito.”
Nagkasalubong ang kilay ni kuya na tila nag-iisip. “Ano raw nangyari sa mission niyo?” tanong niya.
“Gaya ng sabi ko, wala kong matandaan. Pero ang sabi sa'kin nina Kiara, may nasolve daw kaming murder case sa eroplano. Tapos naligaw daw ako sa baryong Narra ba 'yon? Oo, tapos about din d'on sa Miroku Clan daw na---”
“Miroku Clan?" biglang pagputol ni kuya.
“Oo, bakit? May alam ka ba tungkol sa grupo nila?”
Umiling siya. “Wala naman.” Natahimik si kuya at nag-isip. “Yon ang pinili niyang burahin sa'yo. Ang alaala mo sa mission mo, ang memorya mo sa Challenges... They're trying to do it again.”
“Ha? Anong they're trying to do it again? Tsaka bakit may gustong pumatay sa akin? Pakiramdam ko tuloy may kung ano sa akin na gusto nilang makuha.”
Tinitigan ako ni kuya. “Tama ka, Ella. May special sa'yo. At 'yon ang talino mo," tinaasan ko siya ng kilay. “Maniwala ka man o hindi, ikaw ang pinakamatalino sa ating magkakapatid... at pinakamalakas.”
“Okay, sabihin natin na naniniwala ako sa'yo. Na matalino nga ako. Pero, asan na? Bakit 'di ko makita? Bakit 'di ko maramdaman? Sumasakit ang ulo ko pag nagbabasa ako ng lessons.”
Nilapitan ako ni kuya. Dahan-dahan niyang tinaas ang kamay niya mula sa bulsa at tinuro ang left temple ko. “Dito. Nandito ang talino mo. May bumabara nga lang.”
“Bumabara?” hindi niya ako sinagot. Umikot siya at naglakad patungo sa pinto.
“Espesyal ang utak mo, Ella kaya gusto ka nilang ipahamak," naglakad ako nang mabilis to catch up. “Huwag kang mag-aalala. Nandito na ako. I will be your hero. I will protect you. At tutulungan din kita para labanan ang bumabara sa utak mo.”
Hindi ko na kinulit si kuya kung ano man ang tungkol sa bumabara sa utak ko. Dahil sobra kong na appreciate ang sinabi niya, aasahan ko 'yan kuya.
Mahirap mang paniwalaan pero kailangan ko lang pagkatiwalaan ang sinabi ni kuya, na matalino ako. O higit pa sa inaakala ko, at 'yon ang dahilan ng mga taong gustong pumatay sa akin.
Naalala ko nalang ang sinabi sa'kin ni Max. “You are a threat to our boss.”
Ano naman kaya ang bumabara sa utak ko at threat na 'yon para sa kanila?
Noong nakalabas na kami ng library building ay biglang nagtanong si kuya. “Nga pala, Ella. Paano ka pala nakapasok dito? 'Di ba hinatid ka ni manong?”
Napakamot nalang ako sa ulo. Tiningnan niya ako na parang naghihintay ng sagot. Kaya wala na akong ibang choice para sabihin sa kanya. And again, naging storyteller na naman ako sa story na 'The Adventure of Miss Ellizabeth, The Last Airbender.'
Tumawa lang siya sa kwento ko at inakbayan. “Tadhana na mismo ang nagdala sa'yo rito. And I'm happy about that. Basta 'wag na muna nating ipaalam kay mama 'to, at baka ipalipat ka niya.” Tumango na naman ako.
May karamihan din ang tao sa hallway na dinadaanan namin ni kuya. Ang weird nga lang dahil noong nakita nila si kuya, tumabi sila at nag-give way sa daan.
“Sino ba siya? Ba't nakaakbay si King sa kanya?”
“Napatawa pa niya si King..”
“Ang sweet ni King sa kanya.”
“Girlfriend ba siya?"
“Maganda naman siya para maging girlfriend.”
“Kilala ko siya, si... si Ellizabeth!”
Napabuntong hininga nalang ako. Napasulyap si kuya habang nakaakbay parin. “Again, don't mind them. Naiinggit lang sila dahil gwapo ang kasama mo,” sabi niya sabay wink.
“Ang presko nito... Tsaka hindi ba nila nahahalata na magkapatid tayo?” ngumiti lang siya.
“Panget mo kasi, tapos ako. Ang gwapo.”
“Che!” tumingin ako sa paligid, pamilyar kasi sa akin ang building.
“Saan ba tayo pupunta kuya?” inilibot ko na naman ang mata ko sa paligid. “Hindi ba DC 'to?”
Sinagot niya ako nang diretso parin ang tingin sa daan. “Yeah,” tipid niyang sagot.
Inakyat namin ang fourth floor. “Anong gagawin natin dito?"
Hindi niya ako agad sinagot. Inalis na niya ang pagkakaakabay sa akin at binuksan ang pinto. “We'll get your classifications.”
“Classifications?" lumingon siya.
“Your ID, the necklace, the ring," he answered then pushed open the door.
“Teka kuya, ibig sabihin ba nito pumasa ako sa challenge? ”
“As what I've said. You did a good job. Pumasa ka," sagot niya at pumasok na nga kami.
***
“Not bad sis," komento ni kuya. Patalikod na naglalakad si kuya habang pinagmamasdan akong suot ang bagong ID ko, ring at necklace.
Gold na ang necklace ko. May marka na ring A ang ring ko na sumisimbolo bilang Alpha. At kulay Green na ang ID ko.
“You are type Green-C in cognitive. Alpha-C at Gold-A. Your affective is way stronger than I thought," ngumiti na rin ako. Tumabi na ulit si kuya sa akin.
Natapos na naming pasukin ang tatlong room. May pang-apat pa, hindi ko nga lang alam kung anong meron sa pang-apat.
“Hindi pa ba tayo tapos kuya? Ano pang gagawin natin dito?
“You'll see.” Binuksan ni kuya ang pinto at pinasok namin ito. Sinalubong kami ng babae, at nagulat pa ako dahil kilala ko siya.
“Good afternoon po miss Sabrina,” bati ko at nagbow. Ngumiti siya at bumati rin sa akin. Si kuya naman ay nakita ko na naman na nagtitingin-tingin sa set ng computers.
Inilibot ko ang tingin ko, may nakikita na naman akong malaking glass of tube kapareho nung pinasok ko noong bago pa ako sa school na 'to.
“Ms. Ellizabeth, please get inside," pumasok na ako sa glass tube. Noong pumwesto na ako sa loob. The transparent door swung shut, as if in an elevator, but in an arc way.
“Just feel comfortable, this won't hurt,” paalala ni ma'am sa akin. Huminga lang ako para irelax ang sarili ko.
Nagsimulang magtipa si ma'am, tinitignan ko lang ang bilis ng galaw ng mga daliri niya. Habang si kuya Charles naman ay nasa likod niya na sumisilip lang sa kung anong tinatype ni ma'am. Humikab bigla si kuya, napangiti nalang ako.
May blue light ang biglang lumabas sa bandang paa ko. It went all the way up, as if scanning me.
“Scanning...” rinig kong sabi ng boses computer na babae.
Noong umabot na sa bandang tiyan ko ang kulay asul na ilaw ay biglang nangunot ang noo ni ma'am. Mapapansin ang pagrurush sa mga galaw niya. Naririnig pa siyang bumubulong sa sarili ng “no” “can't be".
“Bakit blue ang scanning laser?" narinig kong tanong niya sa sarili. Tinignan ko si kuya, nakikita ko rin ang pagkalito sa mata niya.
“Error! Error! Virus detected! Error!...” pumintig nang malakas ang puso ko. Anong virus?
Nakita ko si kuya na nagtitipa sa ibang computer.
“Blue Cognitive. Demon Fox. Perish... Error! Error!”
Nagsimulang magpatay sindi ang ilaw.
Ano bang nangyayari?
“Shit!" mura ni ma'am at bigla nalang tumigil ang lahat.
Lights are off. Computers are shutdown.
At nandoon kaming tatlo. Nakatayong tahimik sa madilim na kwarto.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top