Chapter 30: The Top Class Challenge
Tahimik at seryosong nagbabasa nang makapal na science book ang batang babae habang nakaupo ito sa sariling kama. Walang ingay ang maririnig sa malaking kwarto ng bata sapagkat nag-iisa lamang siya rito.
Hindi gaanong malaki ang kwarto, tama lang na magkasya ang isang kama, kabinet na nakapuwesto sa harapan ng kama, isang malaking bookshelf, bedside table, at study table kung saan nakatayo ang set ng computer at nakakakalat ang iilang papel na puno nang complicated calculations nang kung anu-ano.
Kontento na ang bata sa kanyang ginagawa, imbis na makipaglaro sa mga kababata tuwing bakasyon ay nagkukulong lamang ito sa kwarto at nagbabasa.
Naputol ang pagbabasa ng bata nang mapansin nito ang pagbukas ng pinto. Nag-angat siya ng mukha upang malaman kung sino ang taong pumasok sa kanyang kwarto.
"Hi daddy, may kelangan po ba kayo?" Ngiti-ngiting bati ng bata sa ama at bumalik na agad sa pagbabasa.
Nakita ng bata sa gilid ng mata nito na dahan-dahang lumapit sa kanya ang ama dala-dala sa kanang kamay ang isang baril. Hindi niya ito pinansin sapagkat wala naman siyang alam tungkol sa mga baril, puro science at math lang ang umiikot sa utak niya at mga iilang bagay.
Hindi nagulat o natakot man lang ang bata nang tinutukan siya ng baril ng kanyang ama. Nangunot lamang ang noo niya nang mapansing nanginginig ang kamay ng ama at pinagpapawisan pa ito nang husto.
Mas lumaki pa ang pagtataka ng batang babae nang mapansing lumuluha ang kanyang ama at namumula na rin ang mga mata nito dahil sa pagluha.
"I-I'm sorry anak. S-sorry." Saad ng ama, pansin ng bata ang bahagyang pagkabasag ng boses ng kanyang ama at hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng kamay nito. Nagtaka lamang siya dahil sa inasal ng kanyang ama.
"Natatakot po ba kayo na iwan ko kayo? Huwag po kayong mag-alala pa, mahal na mahal ko po kayo ni mama. Hindi ko po kayo iiwan. Hindi po ako sasama sa kanila." Lalo lang nanginig at umiyak ang ama dahil sa sinabi ng anak. Mas bumigat ang kanyang dinaramdam dahil sa konsensya. Umiwas na lamang siya ng tingin habang nakatutok pa rin ang baril sa noo ng bata, saka siya pumikit para ihanda ang sarili.
Sumunod ang tunog nang nakakabinging putok ng baril na siyang bumasag ng katahimikan sa loob ng kwarto.
Nagkalat ang pulang likido sa puting kama.
At saka binalot ng iyak ang kabuuan ng kwarto. Ang iyak ng pagsisisi.
*****
Ella 's POV
Nagising ako dahil sa narinig na sigaw. Si Vanessa 'yon! Nagkatinginan kami ni Kiara at mabilis na pinuntahan ang pinanggalingan ng sigaw.
Pagkabukas namin ng pinto, nadatnan namin ni Kiara si Vanessa na nagtatalon at sumisigaw sa saya. Anong meron sa babaeng 'to? Pero kitang-kita ko sa kanyang mukha at sa kanyang galaw na talagang masaya siya.
Nang mapansin niya kami ni Kiara na nagtataka ay biglaan niya kaming niyakap.
"Kyaaaaaaaahhhhhhhh!!! Ella, Kiara!" Masayang sigaw niya saka humiwalay sa pagkakayakap. Nagkatinginan lang kami ni Kiara dahil naguguluhan pa rin kami.
"Tignan niyo 'yung ring niyo!" Magiliw na saad ni Nessa na para bang nagbibigay siya nang magandang balita sa amin. Nakaramdam ako nang konting kaba sa kung anong malalaman ko.
Nang makita ko ang bagong anyo ng ring ko, biglaan kaming nagkatinginan ni Kiara. Ramdam kong paunti-unting gumuhit ang ngiti sa gilid ng labi ko at gayun din si Kiara. Ang naramdaman kong kaba kanina ay napalitan ng saya.
"Tiyaka ito pa!" Masayang sigaw ni Vanessa sabay itinaas mula sa likod ang tatlong kulay green na I.D. Lace.
"Kyaaaaaahhhhhhh!!!" We giggled then made a group hug. Sa wakas, naipasa namin ang Green cognitive brain color, yes!
Patuloy lang kaming nagcelebrate habang masaya at super excited na nag-uusap tungkol sa kung ano na ang mga pagbabago sa buhay namin ngayong nasa top class na kami ng cognitive. At hindi lang 'yan, from being an omega type ay na achieve namin ang Beta Class. Hindi ko alam kung paano nangyari ang mga ito dahil hindi naman kami nag-aral, pero bayaan na. Ang importante ay nasa top class na kami ng cognitive at nasa Beta Class na kami ng psychomotor.
Dahil sa ginawa naming ingay sa labas ng dorm ay nagising namin ang mga estudyanteng natutulog pa sa kabilang dorm, napagalitan pa tuloy kami. 5 am pa kasi ngayon. Ah basta! Masaya kami!
Sabi ni Vanessa, maaga siyang nagising at nung makita niya raw ang green ID lace niya ay sinigurado niyang green cognitive type na din kami kaya kinuha niya ang ID lace namin. Dahil ayaw niya kaming magising ay lumabas na lamang siya ng dorm at doon nagsisigaw sa saya. Idagdag pa na nalaman niyang beta class na kaming tatlo.
Hindi na kami bumalik sa pagtulog dahil sa elation na nararamdaman namin ngayon. Halos hindi rin matanggal ang mga ngiti sa aming mga labi. Ewan ko ba, habang tumatagal mas lalo akong napapamahal at nag-eenjoy sa iskwelahang ito.
We took our bath then prepared ourselves. After finishing our routine, including breakfast, dumiretso na kami sa faculty na hindi ko alam kung ano ang pangalan para kunin ang bagong schedule namin sa psychomotor at cognitive class.
First class namin ang cognitive which is 9 am. At dahil super excited kami, kahit mga around 8:30 am pa lang, ay dumiretso na kami sa Crest Compound. Sa Crest Compound daw kasi nakatayo ang building ng alpha, gold at green. Parang campus na rin ito ng top students. Masyadong malaki ang iskwelahang ito, kailangan ko talagang maglaan ng oras para libutin ang buong school.
Hindi gaanong malaki ang Crest Compound dahil iilan lang ang estudyante rito at tatlo lang ang building. May sarili silang cafeteria, gym at park.
Napanganga kaming tatlo nang makita namin ang kabuuan ng compound. Kahit sa malayo ay tanaw namin ang awesomeness nito. Dahil sa excitement ay mabilis kaming napatakbo papalapit sa building ng green class.
Dumiretso kami sa third floor, hindi na namin ginamit ang elevator para mas maenjoy namin ang paligid. May 10 floors kasi ang building at nasa third floor ang first class namin which is hydraulics. Hindi ko alam kung ano iyon. Hindi ko man lang naiisip kung papasa ba ako sa hydraulics na 'yan.
Huminto kaming tatlo sa harap ng pintuan, bukas ito, sa upper part nito ay may nakalagay na 304. 304 daw kasi ang room namin. Akala namin kaming tatlo ang unang makakarating sa room, pero may mga nauna na pala. Hindi lang pala matalino ang mga green type na 'to, mga early bird din.
Nagkatinginan kaming tatlo saka humugot ng malalim na hininga. Naghawak-hawak kami ng kamay at tuluyan nang pumasok. Nakakahiya kasing maglakad sa harap ng mga matatalinong tao, idagdag pa na baguhan lang kami. Kung makahawak naman kami ng kamay parang kung saan kami sasabak ng giyera.
Diretso lang ang tingin namin, napatahimik kasi silang lahat noong pumasok kami. Umupo kami sa bandang likuran at sinigurado naming magkakatabi kaming tatlo.
Kahit awkward ay magiliw parin nagsasalita si Vanessa kaya kinalaunan ay nadala na rin kami ni Kiara. Napansin ko ring nagpatuloy na sa pag-uusap ang mga kaklase namin. Pero mostly sa kanila ay nagbabasa nang makakapal na libro.
"Ella? Nessa? At tiyaka Kiara?" Napalingon kami sa babaeng mabilis na lumalapit sa amin. Nagulat din kami nang makilala namin ang babae.
"Kezia?" Napatayo kaming tatlo dahil sa biglaang saya. Niyakap kami ni Kezia, as in group hug.
"Mabuti naman at Green type na kayo." Ngiti-ngiting saad na Kezia saka umupo at humarap sa amin, umupo na rin kami. Napansin kong saglit na napatingin ang kaklase namin.
"Oo nga eh, nagulat nga kami kanina na biglaan na lang kaming naging Green type. Dream come true talaga Kez." Magiliw na sagot ni Vanessa tapos biglang nanggigil.
"Hindi nga namin alam kung bakit naging green at beta type kami."
"Well, Kiara dahil siguro sa experience niyo sa first mission at sa pagsolve natin ng case doon sa eroplano."
"At bonus pa dahil magkaklase tayo. Si Max ba dito rin? Ba't 'di mo siya kasama?"
"Naku Kiara, speaking of the punctual. Ayun, tulog pa. Magkatabi kami ng room pero wala akong pakialam sa kanya. Anyways, dahil magkaklase na tayo sabay na tayong mag-lunch sa ca---"
"Nandito na silaaaaaaa!!!" Naputol ang pagsasalita ni Kez dahil sa babaeng sumigaw. Kaya napalingon kaming apat sa pintuan.
Nagtaka ako kung bakit biglang nagliparan ang mga kaklase ko sa kanikanilang upuan saka tumahimik. 'Yung iba parang kinakabahan habang nakabantay sa pintuan, iyong iba naman ay parang kinikilig.
Sino ba ang hinihintay nila at bakit parang natatakot sila? Monster? Halimaw? May demonyong estudyante ba rito?
Umirap lang si Kezia na parang wala siyang pakialam sa paparating.
"Huwag niyong sabihin na pati kayo natatakot? Yes, they are kings and they are feared, but they're just humans like us."
"Kezia, you mean ang four kings ang paparating?" Tanong ni Vanessa na parang natatakot din. Ano bang meron sa four kings na 'yan at pati sina Kiara at Vanessa ay natatakot?
"Exactly, but don't be afraid."
"Pero nabasa ko na kinatatakutan daw sila sa school. Like, they must be respected dahil king sila." Mahinang sabi ni Kiara. Kailangan ba talagang ibulong?
"Yeah right, they are the kings pero ang sasama ng ugali nila. Si Charles lang 'yung kilala kong king na mabait at humble." Charles? Pareho pa sila ng pangalan ng kuya ko.
Tumahimik ang buong klase pagkapasok ng dalawang lalaki. Akala ko four? Bakit dalawa lang sila? At akala ko ba masasama sila? Wala naman sa itsura nila ang pagiging bad boy ah, ang gwapo nga nila eh.
Huminto ang dalawang lalaki sa harap at inilibot ang kanilang tingin. Bakit parang pamilyar sila? Nagkita na ba kami somewhere down the road?
Nang huminto ang tingin nila sa bandang inuupuan namin ay tila nagulat silang dalawa.
"Ella?!! Bakit ka nandito?!!" Magkakasabay at gulat na saad ng dalawang king. Bakit kilala nila ako? Napatingin din ang lahat sa akin.
"SH*T!!!" Bulyaw ng isa sabay suntok sa glass table na nasa harap niya. Nagcrack ang parteng sinuntok ng lalaki at klarong-klaro ang dugong lumalabas sa kamaong ginamit.
"HINDI KA PWEDE RITO!!! SINO ANG NAGPAPASOK SA'YO?!!!"
Makakalapit na sana ang lalaki sa akin kung hindi lang siya pinigilan ng kasama niya. Galit na galit siya sa akin at hindi ko alam kung bakit. Tumayo si Kezia para humarang. Napayuko nalang ako sa kinauupuan ko, sobra akong nahihiya dahil nakatingin na ang lahat sa akin.
Walang naimik sa mga kaklase ko, hindi nila magawang gumalaw. I started getting nervous so I pursed my lips to hide it.
"You're not supposed to be here," kalmang sabi ng lalaki. Mas natakot ako sa pagiging kalma niya. Tila nagbabanta.
"What on earth is your problem? KING? Is that how a king greet and welcome a new member of the family? For g*d's sake stop this! She's just innocent and---" Naputol si Kez sa kanyang pagsasalita dahil sa biglaang announcement ng speaker na nakadikit sa itaas ng white board.
"ATTENTION!"
"ATTENTION!"
"Kiara Lewis. Vanessa Steele. Cynthia Fords. Ellizabeth Ion Stern. Annabeth Chase. Flynn Collins. The six of you, please proceed to the crest compound."
Napatayo ang lahat ng mga estudyante sa room, pati kami nina Nessa at Kiara ay napatayo rin. Bakit kami tinatawag? Pati rin si Flynn.
"Sh*t!!! Bakit nangyari pa 'to?" Bulyaw ng lalaki kanina. "Hindi ka pwedeng pumunta doon. Hindi ka maaaring makapasok sa top class!" Nagulat ako dahil may bahid ng pag-aalala ang pagkakasabi niya.
"AGAIN!!!"
"Kiara Lewis. Vanessa Steele. Cynthia Fords. Ellizabeth Ion Stern. Annabeth Chase. Flynn Collins. The six of you, please proceed to the crest compound."
Nagmamadaling tumakbo palabas ang mga estudyante. Kaming anim nalang ang natitira sa room. Bakit bigla nalang silang umalis?
Maya-maya'y may tatlong lalaking naka-tuxedo ang biglang pumasok sa room. Nataranta ako dahil kahit labag sa kalooban ay lumabas na rin ng classroom si Kezia kasama ang dalawang lalaki kanina.
Lalabas na rin sana kami nina Kiara at Nessa pero pinigilan kami ng tatlong lalaking naka-tuxedo.
"Ladies, please. Follow us as smooth as possible." Sabi ng isang lalaki.
Hindi kami nakapalag at sa isang iglap, nalaman ko na lang na piniringan na kaming tatlo.
*****
Loid's POV
Sumasakit ang ulo ko habang pilit na iniintindi ang mga dokumentong nagkalat sa mesa ko. Ang mga dokumentong ito ay naglalaman ng mga impormasyong nakuha ko sa imbestigasyong aking ginawa.
I made some investigation tungkol kay Ellizabeth, ang estudyanteng nakasama ko sa mission sa Baryong Narra. Alam kong may kakaiba sa estudyante kong ito.
Omega siya pero nagawa niyang ihack ang g-tech device ni Claire setting it as a bomb. At ayun sa nakalap kong impormasyon, gustong patayin ng leader ng Miroku Clan si Ella.
Kinuha ko ang isang larawan ng lalaking puti ang buhok at tinitigan ito. Isa pa 'tong batang ito. Hindi ko alam kung ano ang motibo niya kung bakit niya sinusundan si Ella. Nakita ko siya sa eroplanong sinasakyan namin patungong Baryong Narra. Pati rin sa airport at restaurant.
Kinapa ko ang bulsa ko at saka inilabas ang isang pin na tinatawag na "Blue Pain". Alam kong may taong nagligtas kay Ella mula sa aso gamit ito.
May "Angampora" user din na nagligtas kay Ella sa gubat laban sa dalawang lalaki.
Sumasakit ang ulo ko dahil hindi ko parin nakokonekta ang mga impormasyon. May mga taong umaaligid na gustong patayin si Ella at meron namang nagpoprotekta sa kanya.
Ang Miroku Clan. Anong meron kay Ella na gusto nilang kunin ito? Nalaman kong galing sa mayamang pamilya si Ella pero imposible naman atang pera ang habol ng Miroku Clan sa kanya. Mayaman ang Miroku Clan.
Napag-alaman kong may apat na estudyante ang nagmamasid kay Ella dito sa school. These four spies are part of the 52-Deck cards family. Member sila ng family ng hearts, clubs, spades, at diamonds. Kung ganoon, posibleng isa sina Max at Kezia sa mga spies na ito.
Ibig sabihin, delikado ang buhay ni Ella sa paaralang ito. Chineck ko na ang files ni Ella, at normal naman siyang estudyante.
Kailangan kong balaan si Ella, hindi siya pwedeng makapasok sa top class. Hindi siya maaaring makapasa sa Crest Compound. I need to get her out of this school.
Nagmadali akong tumayo para puntahan si Ella, ngunit hindi ko pa nahahawakan ang door knob ay napatigil ako dahil sa narinig.
"ATTENTION!"
"ATTENTION!"
"Kiara Lewis. Vanessa Steele. Cynthia Fords. Ellizabeth Ion Stern. Annabeth Chase. Flynn Collins. The six of you, please proceed to the crest compound."
"What the?! Shit!!" Bulyaw ko sa sarili at nagmadaling lumabas. Sana umabot ako, sana mapigilan ko ang mangyayari.
*****
Ella's POV
I really don't know where they're taking us. They just guided us the way, para siguro hindi kami madapa. Hinawakan ko ang kamay ni Kiara para masiguro kong nandito siya sa tabi ko. Ang alam ko katabi niya si Vanessa.
Nakaramdam ako ng awa dahil nanlalamig at pinagpapawisan ang kamay ni Kiara. Maging ako man ay kinakabahan na rin. Ano ba kasing kailangan ng mga 'to at kailangan piringan pa kami?
Naglakad lang kami, ilang beses akong muntikang madapa. May dinaanan kaming hagdan pababa. Lumiko kami at mga hagdan na naman pababa. Hanggang sa tumigil kami. Naramdaman kong wala na ang tatlong lalaki sa gilid namin.
Nainip na ako kaya hinubad ko na ang mahigpit na piring sa mga mata ko. Ganun din ang ginawa nina Kiara at Vanessa. Noong una nahirapan akong mag-adjust. Pumikit ako at nakita ko ang mga blurry na ilaw sa likod ng eyelids ko.
Noong naka-adjust na ako, dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko.
"Ella? / Flynn?" Magkasabay naming banggit ni Flynn. Magkaharap kasi kami, madilim ang paligid pero naaaninagan ko parin ang mga kasama ko. Anim kaming lahat, ako, si Flynn, Kiara, Vanessa at dalawang babae. Bakit kami nandito?
"Bakit tayo nandito?" Tanong ni Vanessa sa amin.
"Hindi ko alam. Bigla nalang akong pinatawag saka may nagpiring sa akin." Sagot ng babae na 'di ko kilala.
Biglang nagbukas ang malakas at napakalaking ilaw sa harap namin. Masyado akong nasilawan kaya napatakip ako ng mata. Naaninagan ko na may babaeng nakatayo sa aming harapan. Anino lang ang nakikita ko pero sigurado akong babae siya.
At saka may babaeng nagsalita.
"Good Day students. To be an official member of the top class family, you need first to pass all the challenges. And I want you to know that you might get killed in these challenges. Good luck."
Challenges?
Hindi na kami nakapagreact dahil nagsimula na agad ang challenge.
* * WAKAS * *
* * * * *
You might get killed?
Kakayanin kaya nila Ella ang mga challenges?
Ano ang magiging buhay nila after ng first mission?
Sino ang hindi makakapasa sa challenge?
Abangan sa Volume 2 ng Blue Moon High :)
Hanggang dito na lang ang Volume 1.
Salamat at natapos na rin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top