Chapter 30: Aria Faith Gutierrez

Chapter 30: Aria Faith Gutierrez

Ella's Point of View


Nangunot ang noo ni Flynn sa sinabi ko.

“Can I help you?”

Lumingon kami ni Flynn sa counter. Dumaan din sa harap namin ang babae.

“Uhm, may itatanong lang po sana ako,” itinukod ko ang dalawang siko ko sa glass na counter.

“Anything... ano bang gusto mong malaman?”

Tumingin ako kay Flynn na nasa tabi ko. Binuksan ko ang sling bag ko at inilabas mula roon ang kutsilyo.

“Gusto ko lang po sanang malaman kung kilala niyo po ang may-ari nito, kapareho po kasi siya ng itsura sa dagger na binigay niyo kanina sa babae,” ipinakita ko sa kanya ang kutsilyo.

Kinuha niya ito mula sa akin at ininspekyon.

“Hindi ko siya kilala...” napabuntong hininga nalang ako dahil sa disappointment.

“Pero alam ko kung sino siya.”

Naguluhan ako sa sinabi niya, hindi niya kilala pero alam niya kung sino.

May kinuha sa likod ang lalake, mga nasa mid-thirties na siya, at bumalik na may dalang parang log book.

Nagkatinginan kami ni Flynn. Binuksan ng lalake ang log book at nag-scan. His eyes skimmed through leaves of pages.

Huminto siya sa isang page, at tinuro ang isang linya.

“C7-9HT,...” napatingin ako sa kutsilyo.
Ngayon ko lang napansin na may nakatatak sa handle.

C7-9HT

“Isa 'yang print," sabi ni Flynn, as if to answer my question.

“Here,...” inikot ng lalake ang logbook para iharap ito sa akin. Tinuro niya ang isang pangalan.

“Aria Faith Gutierrez... that's her name.”

Akala ko ba lalake ang may-ari?

I heard Flynn sighed.

Tumingin ako sa kanya. “Bakit?”

Hinarap niya sa akin ang G-tech device at pinakita ang message. “Pinapatawag ako ni sir Hodgewin,” disappointed niyang saad.

“Sige lumabas na tayo rito, may pupuntahan din kasi ako.”

Tumango si Flynn bilang sagot.

Nagpasalamat ako sa lalake at nginitian niya naman ako.

Tsaka kami lumabas ni Flynn.

Then we parted our ways.

***

“Excuse me? Pwedeng magtanong?” mahinang tanong ko sa babaeng katabi ko. Kailangan ko kasing hinaan ang boses ko, mahirap na at baka mapagalitan pa ako ng 'grim librarian' dito.

Tumigil siya sa pagsusulat at tinignan ako. “Itatanong ko lang sana kung kilala mo si Aria... Aria Faith Gutierrez? Katulad mo kasi siya, member din siya ng Crest Family. Nagbabakasakali kasi ako na kilala mo siya.”

Nakikita ko sa mata niya ang pagtataka. “You mean, you're not a member of the Top Class Family?”

“Ha? P-paano mo nalaman?”

Iniadjust niya ang suot niyang glasses. Para sa ibang tao, PANGET ANG NERD, pero ibang-iba ang babaeng ito. Ang ganda niya sa pagiging nerd.

“Just hearing you say 'katulad mo kasi siya'...” she emphasized, “... is enough to deduce that you're not a part of this family. Pangalawa,” tiningnan niya ang suot ko.

“I can't see your ID, your psychomotor ring and your affective necklace. Kaya hindi ko talaga masasabi na taga rito ka.”

Tumango nalang ako, pero wala akong nakuhang sagot sa kanya.

“And to answer your question... Hindi, hindi ko siya kilala. Sorry.”

Bumalik na lamang siya sa ginagawa. Nagpasalamat ako at tumayo.

Lumabas na ako ng Library Building ng Crest Compound at dumiretso sa Spades Mansion.

Iyon kasi ang second option ko. Ang magtanong-tanong sa lugar na iyon. Nalaman ko kasi na isang member ng Spades Deck si Aria.

“Excuse me?” Bungad ko, hinarangan ko ang daan niya bago siya makapasok sa Mansion.

“What?” nakataas na kilay niyang tanong. Ang taray naman ng isang 'to.

“Tatanungin ko lang sana kung kilala mo ba si---”

“Hind ko siya kilala,” pagputol niya sa akin.

“Si Aria Faith Gutierrez,” pagpapatuloy ko parin.

“Hindi ko nga siya kilala! Pwede ba? Padaanin mo 'ko? Hindi mo ba 'ko kilala? Baka gusto mong mamatay? I am the Jack of Spades, isa sa pinakamatalino at pinakamalakas na estudyante dito sa school na 'to,”  magkasalubong ang kilay nito.

Nakayuko ako at binigyan siya ng daan. Ayoko pa kasing mamatay.

Binangga niya pa ako. Kung Jack nga siya, mas malakas pa siya kay Max at Kezia. Ibig sabihin walang-wala ako sa kanya.

Pero Queen naman ang kapatid kong si Dorothy, di hamak naman na mas malakas pa ang kapatid ko kumpara sa kanya.

Humanda ka! Isusumbong kita kay Dorth, ipapa-Lechon kita ng buhay bruha ka! Dejoke.

Ano ba 'tong iniisip ko, nadedemonyo na ako.

Pumunta nalang ako sa cafeteria ng mga tulad kong omega.

Nagtungo ako sa bakanteng upuan at doon umupo dala-dala ang tubig na kinuha ko sa water dispenser.

Nakahalumbaba ako habang iniisip kung ano na ang gagawin ko.

Alam ko nga ang pangalan ng babae, at ano ngayon? Hindi ko naman siya mahanap.

Kaya nga hindi ako naghahanap ng FOREVER eh. Kasi ang HIRAP maghanap, NAKAKAPAGOD.

Tsaka hindi naman kasi hinahanap ang FOREVER eh. At isa pa,..

WALANG FOREVER!!!

Bumalik ako sa reyalidad nang may nadapa sa kaliwa ko. Lumipad ang mga papel na dala niya.

Mabilis akong tumayo at tinulungan siya. “S-salamat,...” ngumiti ako sa kanya at tinulungan siyang pulitin ang mga papel na nalaglag.

Binigay ko sa kanya ang papel. “Dito ka lang,” iniwan ko siya at nilapitan ang lalaking naging dahilan ng pagkadapa ng babae. Hinarang niya kasi 'intentionally' ang kanang paa niya kaya nadapa ang babae.

Mag-isa lang siya sa table niya habang nagbabasa ng kung anong libro. “Hoy, excuse me lang...” tinigil niya ang pagbabasa at malamig akong tiningnan sa mata.

I crossed my arms to look brave and tough. “Itatanong ko lang sana kung bakit mo 'yon ginawa. Nakita ng dalawang mata ko, wag mo nang ideny---”

“I won't deny it. I did it for amusement.”

“Aba! For AMUSEMENT? Masaya ba para sa'yo ang mangtrip ng ibang tao?...” he continued reading as if I'm not around which pissed me off.

Gwapo sana ang sama naman ang ugali.

“Magsorry ka sa kanya.”

“If you don't want to die, get out of my sight.” Malamig niyang pagbabanta.

Magsasalita na sana ako nang may humawak sa kaliwang braso ko.

“Tama na, hayaan mo nalang siya," pagpipigil ng babaeng nadapa kanina.

Nagbow pa siya sa lalaki, “Sorry po sa abala King Chris, pagpasensyahan mo na po ang kaibigan ko.”

“Tara na, pinagtitinginan na tayo ng tao.” Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang mga natatakot na estudyante.

“Ngayong alam mo na, na isa akong King. Umalis. Ka. Sa. Harap. Ko," saad niya ng hindi nakatingin sa akin.

Napakuyom nalang ang kamao ko. Ayokong mag-iskandalo, (which is ginawa ko na) kaya aatras ako.

Lumabas kaming dalawa ng babae sa cafeteria.

“Hindi mo na dapat ginawa 'yon...” hinarap ko siya. “P-pero salamat, ang lakas din ng loob mo. Ngayon lang kasi ako nakakita ng babae na kakalaban sa King.”

“Wala 'yon, tsaka lahat naman siguro gagawin 'yon.”

“Ikaw lang ang naglakas ng loob na kumalaban sa isa sa mga King dito.”

Hindi niya alam na hindi ko alam na King ang kinalaban ko.

“Kung King siya bakit nandito siya sa cafeteria ng Omega? Dapat dun siya sa Crest Compound. Gusto niya lang talagang magpasikat at manakot ng estudyante.”

Nagkibitbalikat lang siya sa sinabi ko.

“Kalimutan nalang natin 'yon. Ano nga palang pangalan mo?”

“Cheska..." ngumiti siya.

“Ako si---”

“Ellizabeth... kilala kita.”

Nagtataka akong nakipag-shakehands.

“Sige. Pasok na ako, malapit nang magsimula ang next subject ng schedule ko." Umalis na siya, hinatid ko na lamang siya ng tingin ko.

Buti pa siya may schedule. Ako wala. Kaya hindi ko alam ang next subject ko.

Naglakad nalang ako.

Pero teka? SCHEDULE?

***

“Hindi talaga pwede ang gusto mo iha, private ang schedules ng bawat estudyante. At hindi ko pwedeng basta-basta nalang ibigay sa kung sino ang schedule ng ibang estudyante.” Pagtanggi ni sir habang busy sa mga papel sa glass table niya.

“Pero sir, sige na naman po. Kailangan ko po kasi talaga ang schedule. Importante lang po talaga.”

Kanina ko pa pinakikiusapan si sir Zee, pero wala talaga. Ang tigas din ng professor na 'to. Ang hirap pakiusapan.

“I'm really sorry.”

“Sir, gagawin ko po ang lahat. Kahit ano po---”

“Kahit ano?” tanong niya. Napatigil siya sa ginagawa at tinitigan ako sa mata.

Binasa niya ang labi gamit ang sariling dila.

Nanindig ang balahibo ko sa braso.

“Ahh. Wala po. Hindi ko naman po talaga kailangan ang schedule," tumingin ako sa paligid. Kaming dalawa lang.

“Pwede naman nating pag-usapan 'yan iha." Ngumiti siya.

“S-sige po sir. A-aalis na po ako,” tumalikod ako at mabilis na naglakad. Ni hindi ako lumingon. Diretso lang ang tingin ko sa pinto sa labas. My escape from the living 'manyakis-professor'.

Sa oras na nakalabas ako, sumandal ako sa pinto at nag-sign of the cross.

“Lord, maraming maraming salamat po at inilayo niyo po ako sa masamang espiritu na namumuhay sa loob ng office na ito. Amen.”

“O Ella, ikaw pala 'yan...” bati sa akin ng bagong dating na lalake. Na parang matalik kaming magkaibigan.

Bigla kong naalala na kasabay ko rin pala siyang nagtake ng Top Class Challenge. Hindi ko lang maalala ang pangalan niya.

“I can see you still don't know me. Ako si Gab... I mean Kyler Gab. Anong ginagawa mo rito?”

“W-wala tumatambay lang."

Nagtaka siya sa sagot ko. Ang galing kasi ng sagot ko. May tumatambay ba sa labas ng office?

“Ikaw? Anong ginagawa mo rito?” tinitigan ko ang kulay puti niyang buhok.

Ang weird kasi ng feeling ko, pakiramdam ko may kilala pa akong may ganyang kulay rin ng buhok.

“Ibibigay ko lang 'tong mga printed schedules,” sabi niya habang pinapakita ang makakapal na papel.

“Schedules?... schedules ba ng students 'yan?”

“Oo, bakit?”

Nandilat ang mga singkit niyang mata nang hawakan ko siya sa magkabilang braso.

“Please, alam kong ngayon lang tayo nagkakilala pero please!!! Please lang, kailangan ko ng tulong mo!”

“Matagal mo na akong kilala.”

Binitawan ko siya.

“H-ha?”

“Wala. Ano bang maitutulong ko?”

“Kailangan kong makuha ang schedule ni Aria Faith Gutierrez. Please.”

Tila nagdalawang isip pa siya.

“Bawal kasi eh---”

“Please?”

Natahimik siya. Weighing his decision.

“Sige. Tutulungan kita.”

***

Hindi ko alam kung paano ginawa ni Kyler sa g-tech device niya ang pagkuha ng schedule. In-explain niya pa sa'kin pero wala naman akong naintindihan.

Nasa schedule ni Aria na 10:00am-12:00pm, sa Room 408 ng Green-Cognitive Building. Kaya heto ako ngayon, naghihintay sa labas ng room niya.

Malapit na rin mag twelve kaya ilang minuto nalang ang hihintayin ko.

Noong narinig kong mag ring ang school bell, hinanda ko ang sarili ko.

Lumabas ang mga estudyante. Actually mga thirteen(13) students lang sila. Sinalubong ko ang babaeng papunta sa direksyon ko.

“Excuse me,.." hinintay kong pagtaasan niya ako ng kilay. Pero imbis na kilay ang ibigay niya, binigyan niya ako ng ngiti.

“Bakit? Can I help you?"

“Uhm... si Aria? Pumasok ba siya? Gusto ko sana siyang kausapin eh.”

“Oo, pumasok siya. Actually andon siya oh...” tinuro niya ang babaeng kalalabas lang. “Aria, lika ka dito.”

Lumapit ang simple at magandang babae sa amin. “Gusto ka raw niyang makausap... Sige alis na ako.”

“Salamat,” sabi ko nung dumaan siya sa kanan ko. Nginitian niya ako.

“Ako si Ella. At---”

“Ikaw pala si Ella, as what I'm expecting,” pagputol niya sa akin. “Dala mo ba?”

“Anong dala?” takang tanong ko.

Tumingin siya sa paligid. “Yung matulis na bagay? Dala mo ba?”

“Ahh, teka lang...” mabilis kong kinuha ang kutsilyo at binigay ito sa kanya.

Ngumiti siya at may inabot na papel sa akin. Nakafold ito.

“Crush ko siya kaya pinagbigyan ko siya sa favor niya. Sige...” hinatid ko na lang siya ng tingin nung umalis siya.

Crush niya si kuya?

Tinignan ko ang papel na hawak ko.

Binuksan ko ito. Tila umusok ang ilong ko noong nabasa ko ang laman nito.

Where to... Where to... Where to...

A story about the hunter...

And the treasure.

I am the treasure...

A child is the key.

The top of the 'Heart of Academy'

Though shall see me.

***


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top