Chapter 3: Stage 2.1

Dedicated ang chapter na ito sa kapatid kong si _AteApple_

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Loid's POV

Wala akong nagawa kaya nagpatuloy na lamang ako sa panonood.

Narinig ko si Vanessa na tinawag sina Flynn at Kiara. Pati na rin ang dalawang babae at ang lalaking puti ang buhok. Bakit parang pamilyar ang lalaking puti ang buhok?

Maya-maya pa'y bumuo sila ng isang bilog. Pinapalibutan na sila ng maraming estudyante. Mukhang alam ko na ang plano nila.

Sumulong ang isang lalake kay Flynn kaya sinalubong nila ito ng suntok at sipa. Mabilis na nakatulog ang lalaking umatake.

Sabay-sabay na umatake ang mga kalaban kaya nagmistulang war zone ang paligid. Nagdaan ang ilang minuto at nagpatuloy lang ang labanan at nagpatuloy rin sa pagdami ang mga kaaway.

Halos maistatwa ako sa aking nakikita dahil unti-unti nang natatalo sina Vanessa. Dahil hindi ko kinaya ay nag-iwas ako ng tingin dahilan para makita ang isang screen.

Sa isang screen, nakikita ko si Ella at Clark na inihiga sa sahig. Pamilyar sa akin ang lugar at maya-maya pa'y nakilala ko ito. Dahil sa galit ay mabilis kong pinasok ang opisina ni Black.

"Explain! Why did you put those two out of that maze?!" Galit kong tanong sa kanya, ngunit mas lalong lumala ang galit ko dahil sa sagot niya.

"Loid. You're not the one who's holding the controller. It's me. Hindi ko papayagang basta-basta nalang ibalik si Ella at ang bata sa pamilya nila."

"But they're already eliminated!"

"No. Loid. No. They are considered as eliminated only if they're."



"DEAD!"

Vanessa's POV

Habang tumatagal, lalong dumarami ang mga estudyanteng makakalaban namin. Isa lang ang solusyon para pumasa kami sa stage one, kailangan lang naming talunin ang lahat ng ito sa tamang oras.

Umiilag ako sa mga atake sa akin at sinasabayan ko ito ng suntok at sipa. Habang lumalaban ay sinusubukan kong tingnan ang kalagayan ng mga kasama ko.

Ibang Kiara na ang nakikita ko ngayon dahil sa mga dugong nagkalat sa mukha at damit niya. Masyadong mabilis ang galaw niya at ang bawat taong sumalubong ay napapatumba.

May nagpalipad ng suntok patungo sa mukha ko. Maagap ko namang sinalo ang kamao niya at buong lakas ko itong hinila palapit sa akin saka ko siya tinuhod sa tiyan.

Napaatras siya dahil sa impact ng pagsipa ko habang hawak ang tiyan niya. Hindi ako nagsayang ng oras kaya mabilis akong tumalon sa ere at sinipa ang babae sa kanyang baba.

Ramdam ko ang impact ng pagtama ng paa ko sa baba niya. Paatras na tumilapon ang babae sa lapag at kitang-kita ko rin ang pagtama ng likurang parte ng ulo niya sa sementong sahig.

Nakaramdam ako ng presensya kaya paikot kong sinipa ang kanang pisngi ng babaeng nasa likod ko. Malakas na tumama ang takong ng sapatos ko sa pisngi niya. Napahandusay siya sa sahig habang nagsisigaw sa sakit.

"Sorry talaga miss ah, hindi ko sinasadya," sarkastiko kong saad saka malakas na sinipa ang tiyan ng babae. The girl gasped then spit out her own blood.

Nakaramdam na naman ako ng presensya sa likod ko kaya agad akong umikot. Magkasabay na sumipa ang dalawang babae sa akin kaya maagap kong sinalo sa magkabilang kamay ang kanilang paa.

Hindi sila nagsayang ng oras at ekspertong humugot ng suntok patungo sa mukha ko. Para makaiwas, binitawan ko ang kanilang paa. I then bend my body and steadied both my palms to the ground.

Dahil sa pagbend ko, imbes na mukha ko ang masuntok, hangin lang ang nasuntok nila. Noong binawi nila ang kanilang kamao, agad akong bumalik sa pagkakatayo at sinalubong sila ng sapak sa mukha.

Ramdam ko ang malutong na pagtama ng kamao ko sa ilong nila. Dahil distracted sila sa sakit, I quickly took my opportunity. Mabilis akong umikot at sinipa ang babaeng nasa kanan. Malakas na tumama ang paa ko sa kaliwang pisngi ng babae.

Napaungol lamang siya sa sakit at diretsong nawalan ng malay sa sahig. Alam ko kung gaano kagrabe ang impact ng pagsipa ko sa babae dahil masakit na ang kanang paa ko. Rinig ko rin ang malakas na pagtama ng ulo niya sa sahig.

Naririnig ko sa paligid ang mga ungol, impit at sigaw na gawa ng labanan. Lumipat ang atensiyon ko sa babaeng nagsisigaw palapit sa akin.

She swung her leg aiming to kick me right on my side. Yumuko ako kaya dumaan lang sa likod ko ang kanyang binti. Sa isang kurap lang ay nabawi ko ang aking pagkakatayo. Agad kong siniko ang babae sa mukha.

Napahiyaw ang babae sa sakit. Tuluyang tumulo ang dugo mula sa kanyang ilong. Tingin ko rin ay nabali ko ang kanyang ilong.

Kahit naaawa ay buong lakas ko paring tinuhod ang tiyan niya. Napasuka siya ng dugo at ang iba ay dumiretso sa akin.

"Eeeeeewwwww. Sinukahan mo pa ako ng dugo," maarte kong sabi sa babaeng napapaatras habang hinahawakan ang tiyan.

Hindi ako nagsayang ng oras, tumalon ako sa ere patungo sa babae at sabay na isinipa ang dalawang paa sa kanyang dibdib.

"Aaaaarrrrgggghhhh," impit ng babae. Masyadong malakas iyon na kung sino man ang makarinig ay mararamdaman din ang sakit. Pati ako'y napangiwi dahil ramdam ko sa ilalim ng paa ko ang impact.

Binalot ng amoy ng pawis ang paligid. Malalalim na rin ang mga hiningang hinuhugot ko dahil sa pagod.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Masyado paring marami ang kalaban. Mauubos kaya namin ito?

Ella's POV

Something cool and hard pressed against my body. The ground.

Whispers in the dark. That was what I heard when I began returning to consciousness. I couldn't see anything. Just a sea of black stretching to the horizon. And I wondered if this is the afterlife, if the afterlife was just a crappy room of blackness.

Noong naka-adjust na ako sa paningin ko, narealize kong hindi naman talaga madilim dahil may mga torch sa magkabilang wall ng hallway. Ewan, hindi ako sure kung hallway ba talaga ito.

"Mabuti naman at gising ka na ate."

Parang tatalon palabas ang puso ko dahil sa gulat. Tumayo rin ang mga balahibo ko sa batok.

"Ate," nag-eecho ang boses ng bata sa paligid na siyang nagpalala ng takot ko. Nagsimulang tumibok ng malakas ang puso ko dahil sa kaba. Tumulo rin ang pawis ko sa noo.

Nanlamig ako nang hinawakan ng isang kamay ang kanang braso ko. Napalunok ako. Dahan-dahan akong lumingon sa tabi ko.

"Hoooooyyyyyy!"

"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!" Sigaw ko habang tinatakpan ang mukha ko.

"Aray ko naman ate. Mababasag na ang eardrums ko sa lakas ng sigaw mo."

Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakatakip at nakilala ko ang bata.

"Clark?!" Pasigaw kong saad sa bata.

"Yes ate?" Ngiti-ngiting sagot ng bata.

*PAK!*

"Aray! Ate naman eh! Ba't mo 'ko binatukan?" Reklamo ni Clark habang hinihimas ang ulo, nagpout pa ito.

"Eh bakit ka ba kasi nananakot?!" Sigaw ko sabay irap sa bata.

"Nananakot?! Ako?!" Tanong niya habang tinuturo ang sarili. Nandilat pa ang singkit na mata nito.

"Ewan ko sa'yong bata ka! Ang cute mo! "

"Bakit nga pala tayo nandito ate? At paano tayo napunta rito?" Nagpalinga-linga si Clark para suriin ang madilim na paligid.

Nagpalinga-linga rin ako at natamaan ng mga mata ko ang isang bagay sa likod ni Clark.

"Clark, sa likod mo."

"Ha? Asan?" Tanong niya saka lumingon sa likod.

"Ito ba ate?" Kinuha ni Clark ang papel mula sa pagkakadikit nito sa sementong pader.

Mabilis kong kinuha ang papel at agad na binasa ang nakasulat dito. Madilim pero may konting source naman ng ilaw kaya nakikita ko pa rin ang mga letra.

Kahit expected ko na ang mababasa ko, nagsimula pa rin akong kabahan.

You have to answer these two questions to solve and get out of the MAZE...


*****

Author's Note:

Eliminated na nga ba si Clark at Ella?

Bakit sila tinapon sa isang MAZE?

Anong magagawa ng two questions para ma-solve at makatakas sila sa MAZE?

Abangan...

Please vote and comment.

Promote na rin ako sa story ng ate kong si _AteApple_

I'm His Stalker ang title ng story niya. Please read it kung may time kayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top