Chapter 29: Miroku Clan
Ella's POV
"Ellizabeth?"
"Ms. Stern?"
"Ella..."
In the blink of an eye. And in a sound of a snap, I was taken aback. I jerk my head, then squint. I noticed that all my classmates are staring at me. Like they are seeing something weird. Am I acting odd?
And I realize that I am standing, all eyes on me.
Then it came. I felt something strange. Like something I have was lost in my grasp.
"Ms. Stern? Something wrong?"
Tumingin ulit ako sa paligid ko. Bakit nandito ako sa classroom?
Nakita ko sina Kiara at Vanessa sa left side ng armchair ko at si Flynn naman sa right side ko. Kagaya nang nakararami, binibigyan din nila ako ng tinging nagtataka. Nangunot ang noo ko.
Bakit ako nandito? Natulog lang ako sa van tapos pagkagising ko nandito na ako. First mission dapat namin doon sa Baryong Narra.
"Ella tinatawag ka ni sir Fuentes." Napalingon ako kay Vanessa nang magsalita siya.
"Ms. Ellizabeth? Are you okay? You're acting strange." Mabilis akong napalingon sa lalaking teacher daw namin. Hindi ko siya kilala.
"Umm. Yes sir I-I'm o-okay. What's the question again sir?" Sabi ko nalang kahit nagtataka parin. Nakaramdam na ako ng hiya dahil nakatingin ang lahat ng classmates ko sa akin.
Nangunot ang noo ni sir na siyang pinagtaka ko. Anong meron sa sinabi ko?
"I'm sorry? Ms. Stern ikaw ang nagtatanong sa akin. Binibigyan ko kayo ngayon ng time para makapagtanong ng mga bagay tungkol sa school. So, is that it? Is that your question?" Anong is that your question? Nagbigay ba ako ng tanong?
"Y-yes sir. That's my question," sabi ko na lang sa kabila ng pagtataka tapos ay umupo na.
"Okay ka lang?" Tinanguan ko lang si Flynn sa tanong niya saka ngumiti.
Naramdaman ko ring nakatitig sina Kiara at Vanessa sa akin kaya nilingon ko sila. Nag-aalala ang mga titig nila.
Maybe, I am really getting odd. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Pakiramdam ko rin na parang may nawawala sa akin.
Weird din dahil hindi ko kilala ang teacher ko kahit namumukhaan man lang. Sina Flynn, Kiara at Vanessa lang ang kilala ko rito.
Mabuti naman at hindi na nakatitig ang mga classmates ko sa akin. Bakit nga pala ako nakatayo? At may tanong pa ako kay sir. Pakiramdam ko rin parang galing ako sa pagkakatulog at nagising nalang bigla.
"Okay, ang tanong mo Ms. Stern ay kung bakit Blue Moon High ang pangalan ng school natin. Well, I guess everyone is interested to know the answer," usal ni sir habang pabalik-balik na naglalakad sa harapan.
Wait. What?! Iyon ang tanong ko?
"Now, Blue Moon High ang pangalan ng school na pinapasukan niyo ngayon dahil sa dalawang dahilan. First is because of the color blue, and second is because of the moon." Tumikhim si sir tapos nagpatuloy na agad.
"First is blue. As we all know Blue Moon High is a school for geniuses like all of you here," inilibot ni sir ang kanyang tingin.
Pansin kong seryosong nakikinig ang lahat ng mga classmates ko sa mga sinasabi ni sir. Na parang kailangan na kada salitang lumalabas sa bibig ni sir ay maabsorb nila.
Well, ano pa nga bang maasahan ko sa kanila? They are all geeks. Nakinig nalang din ako. Dahil tanong ko naman DAW ang sinasagot ni sir.
"Tinawag ang school na Blue Moon High because of the color blue. Blue is the color of the sky and ocean. It symbolizes trust, loyalty, WISDOM, confidence, truth and INTELLIGENCE. And it is also said that blue is beneficial to both MIND and body." Nag-pause si sir saka nagpatuloy.
"This school aims perfection to one's trust, loyalty, wisdom, confidence, truthfulness, and intelligence kaya tinawag na BLUE Moon High." Napansin kong halos magkakasabay kaming lahat na tumango.
"Second is the Moon. Well, the moon represents the realm between the conscious and the unconsciousness. It reflects inner knowledge, or the phases of man's condition on earth, since it controls the tides, the rains, the waters and the seasons." Tahimik lang kaming lahat habang nakikinig kay sir. Mukhang interesting naman ang topic kaya hindi ako inantok. Pero hindi ako gaanong nakapag-concentrate dahil sa mga iniisip ko.
"The moon also provides analogy for the stages of human development: the new moon is infancy, the cresent is youth and adolescence, the full moon is maturity, and the waning moon is the decline of life, or the sleep."
"In short, moon represents human brain or human's way of thinking. Kaya kung ikokonekta, ang Moon ay utak o pag-iisip at ang Blue ay ang mataas na lebel ng pag-iisip. Blue is intelligence and moon is brain. Kaya ang ibig sabihin ng Blue Moon ay GENIUSES."
"BLUE MOON HIGH. The school of GENIUSES." Madiin na pagkakasabi ni sir. So ganoon pala 'yun. Ang ibig sabihin pala ng Blue Moon ay genius. Kahit gulong-gulo parin ang isip ko sa mga nangyayari ay nagawa ko paring intindihin ang mga sinabi ni sir.
"So any questions?"
"Sir." Nagtaas ng kamay ang babae, tinanguan naman siya ni sir kaya tumayo siya.
"If blue represents the great level of intelligence, why do we have green cognitive brain color as the top of all? Tiyaka meron din po bang blue cognitive brain color?" Tanong ng babae na siyang nagpapukaw ng panibagong interest ng lahat.
May point din naman ang tanong ng babae, kung ang blue ang pinakamatalino sa lahat, eh bakit green ang nasa top?
Pasimple kong sinulyapan sina Kiara at Vanessa sa left side ko, parang naintriga rin sila. Si Flynn naman ay nakakunot ang noo.
"Well, you're right. Mas matalino ang taong may blue cognitive brain color kesa sa taong may green cognitive brain color dahil ang taong may blue CBC (cognitive brain color) ang pinakamatalino sa lahat. Pero wala pang nakukuhang estudyante na may Blue CBC ang school. At kung meron mang estudyante na may Blue CBC, sigurado akong naiiba siya."
Bakit parang may ibang meaning iyong pagkakasabi ni sir? Hindi ko alam pero, parang may diin 'yung pagkakasabi niya.
Ay! Ano ba naman 'yan. Kung anu-ano nalang ang pumapasok sa utak ko.
Nagpatuloy lang kami sa Q&A raw ni sir at nung magbell ay diretso na akong lumabas. Hindi ko na hinintay sina Kiara at Vanessa dahil gusto kong mapag-isa.
"Ella wait!" Nilingon ko sina Kiara at Vanessa na tumatakbo patungo sa akin. Pati rin si Flynn.
"We need to talk. There's something strange in you lately. Kukuha lang kami ni Kiara ng lunch natin sa canteen. Okay? Dumiretso ka na sa dorm. Bye Flynn." Tinanguan ko lang si Vanessa at dumiretso kaagad sila ni Kiara ng lakad paalis. Hinatid nalang namin sila ng tingin.
"Okay na ba 'yang sugat mo?" Napahawak ako sa sentido ko na may band-aid kung saan nakatingin si Flynn.
Bakit alam niyang may sugat ako? Tiyaka bakit hindi ko alam ito? Medyo masakit rin ang sugat ko, napano pala ako?
"Oo. Salamat." Tipid kong sagot saka ngumiti. Ginantihan niya lang ako ng nginiti saka nagsimulang maglakad kaya sinabayan ko nalang siya. Nasa hallway kami at maraming estudyante kaya sa may gilid kami dumaan.
We were just like that, silent. Until we parted our ways.
Wala rin naman kasi akong masabi dahil feeling ko wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid ko. Ni hindi ko nga alam na may sugat pala ako sa sentido. Nagpaalam lang kami sa isa't-isa tiyaka dumiretso na ako sa dorm.
Nakaupo lang ako sa higaan ko habang nakasandal sa headboard ang likod ko. Hinihintay ko pa sina Vanessa.
Napansin kaya nila ako? Pakiramdam ko kasi parang ang weird ko. Parang marami akong nakalimutan.
Hindi ko alam na may sugat ako sa sentido. At sa pagkakaalala ko ay natulog lang ako sa van noon kasama sina sir Loid dahil pupunta kami sa Baryong Narra. Tapos pagkagising ko ay nalaman ko nalang na nakatayo na ako sa classroom. Napahiya pa tuloy ako.
Ano 'yun? Naglalakad at nagsasalita ako nang tulog? Natuloy kaya ang first mission namin? Malamang hindi, pero sayang naman.
Ngunit pakiramdam ko parang nagkaroon ng first mission. Pero bakit wala akong maalala?
Para na tuloy sasabog ang utak ko kakaisip. Bakit pakiramdam ko may mga importanteng bagay akong nakalimutan?
I was lost in my remedy when the door slides open.
Pumasok sina Vanessa at Kiara at nilagay ang dalang pagkain sa mesa.
"So. Magpaliwanag ka, anong nagyari sa'yo kanina?" Tanong ni Vanessa sabay nag crossed arms. Umupo na rin silang dalawa sa kama ko.
"Ha? Anong ipapaliwanag ko? Meron ba?" Depensa ko sa sarili ko. Ayoko kasing idamay pa sila sa kung anong nangyayari sa akin.
"Ella. Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa. Bakit ang weird mo kanina? Nagtaas ka ng kamay tiyaka mo tinanong si sir Fuentes kung bakit Blue Moon High ang pangalan ng school. Then bigla kang natahimik, more like bigla kang natulala." Saad ni Kiara, napabuntong hininga na lang ako mukhang wala akong takas sa mga 'to.
"Tapos nung paulit-ulit kang tinawag ni sir bigla kang nagulat. Hindi ko alam pero nakikita ko sa mukha mo kanina ang pagtataka. Para bang nagtataka ka kung bakit ka nasa classroom. At parang wala ka ring alam kung bakit ka nakatayo. Tingin ko nga hindi mo kilala ang teacher natin. Ano bang nangyayari sa'yo? Naka drugs ka ba?" Tatawa sana ako sa huling tanong ni Vanessa pero mukhang seryoso sila.
Ganoon ba talaga ako kahalata kanina?
Tinitigan ko muna ang mga kaibigan ko bago nagsalita. "Okay. May tanong ako, diba may first mission tayo sa Baryong Narra? Anong nangyari? Hindi ba natuloy?"
"Nagbibiro ka ba? Ano bang klaseng tanong 'yan?" Usal ni Vanessa na tila hindi makapaniwala sa isang biro.
Marahan lang akong napailing dahil hindi ko talaga alam.
"You mean, you really don't know?" Tanong ni Kiara, kitang kita ko sa mga mata nila ang bahid ng pagtataka.
Nagkatinginan muna sila saka unang nagsalita si Vanessa. "Maraming nangyari sa first mission natin. Three days tayo doon, sa first day ay naligaw ka---"
"Ha? Naligaw ako? Seryoso?"
"Pati 'yan hindi mo alam? Please Ella huwag kang magbiro nang ganyan." Saad ni Kiara na tila nakikiusap.
"Mukha ba akong nagbibiro?"
Tumahimik sila saka nagpatuloy nalang si Vanessa. "Okay ipagpalagay nating hindi mo nga alam na naligaw ka. So naligaw ka nga kaya buong araw ka naming hinanap. Salamat naman at may tumulong sa'yo na Gab ang pangalan."
"May tumulong sa akin? Si Gab?" Napaisip ako dahil parang pamilyar ang pangalan. "Pinagtitripan niyo ba ako?" Tanong ko nalang, malay ko ba sa mga kasama ko.
"Kami? Eh ikaw nga itong grabe kung makapangtrip, sigurado ka bang wala ka talagang naaalala?" Nayayamot na sabi ni Vanessa.
"Eh ano bang natatandaan mo Ella?" Nag-aalalang tanong ni Kiara sa akin. Nakokonsensya na ako sa kanila, talagang hindi sila nagbibiro.
Humugot na lang ako nang malalim na hininga. "Sa pagkakatanda ko ay natulog ako sa van dahil pupunta tayo sa Baryong Narra, galing pa tayo sa mall noon eh. Tapos pagkagising ko, nakatayo na ako sa classroom. Hindi ko nga alam kung paano ako napunta doon."
Nagkatinginan ulit sila. Ramdam ko na talagang nag-aalala na sila para sa akin. "So lahat talaga ng nangyari simula nung nagpunta tayo sa Baryong Narra ay nabura sa alaala mo." Malungkot na saad ni Nessa habang tinititigan ako sa mata.
"Pero Ella, paano ka nagka-amnesia? Kahapon lang ay kakalabas lang natin sa infirmary. Tapos simula kanina ay nagka-amnesia ka. Hindi naman nabagok ang ulo mo para mag-cause ng amnesia."
"Bakit tayo napunta sa infirmary?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Kiara.
"Nahuli kasi kayo nina sir Loid at Flynn ng Miroku Clan, pero nagawa niyong makatakas. Kaya nagkaroon ng labanan sa gitna ng gubat. Nagtaka kaming lahat kung bakit nawawala kayong tatlo kaya kahit madilim ay hinanap namin kayo using g-tech device. Naabutan namin ang labanan kaya tumulong na rin kami kahit wala kaming alam sa pakikipaglaban." Pagkukuwento ni Kiara, dumagdag naman si Vanessa.
"Oo. Ang galing nga nina Max at Kezia sa pakikipaglaban laban, sobrang bilis ng mga galaw nila. Anyways, mas dumami pa ang mga kalaban. Akala nga namin hindi na kami makakaligtas dahil pinapalibutan na kaming lahat. Mabuti nalang dumating ang apat na "Jack" ng school. Namely the Jack of hearts, clubs, spades and diamonds. Kaya natalo namin silang lahat. Pero nakatakas ang leader ng Miroku Clan."
Nung matapos si Vanessa ay nagsalita na naman si Kiara.
"Nang matapos ang labanan, nahanap ka ni Flynn na nakasandal sa puno at wala ng malay. Kaya imbis na ipagpatuloy natin ang medical mission sa 3rd day natin ay bumalik na tayo dito at diretso sa infirmary. Nagtagal tayo ng dalawang araw doon, which means na anim na araw na ang lumipas simula nung first mission natin. At may narinig pa ako na hindi talaga medical mission ang pinunta natin sa Baryong Narra kung hindi maging isang bait or pawn. Mission daw kasi ng apat na Jacks ang hulihin ang leader ng Miroku Clan, pero nakatakas ito." Mahabang pagkukuwento ni Kiara. Hindi ko alam kung maaabsorb ko pa ang mga sinabi nila, masyadong mahina ang function ng utak ko.
Marami pa kaming napag-usapan na siyang nagpasakit lalo sa ulo ko. Bakit ba kasi nagka-amnesia ako kahit hindi ako nabagok? Sinabi ko sa kanila na isekreto lang namin ang tungkol dito, kahit kay Flynn.
Si sir Fuentes daw 'yung teacher namin sa red class, nakalimutan kong red CBC na pala ako. Imbis na mag-alala ako sa sitwasyon ko ngayon ay sumakit lang ang ulo ko.
Wala namang gaanong nangyari, pumasok lang kami sa next class namin hanggang sa gumabi na at nagdinner na kami.
Medyo natagalan pa bago ako dinalaw ng antok pero kinalaunan ay nakatulog na ako.
**KINABUKASAN**
"AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"
Napabalikwas kami ng bangon ni Kiara dahil sa narinig na sigaw ni Vanessa. Nakikita ko ang biglang pagdilat ng mga mata ni Kiara dahil sa takot. Natatakot at kinakabahan din ako sa narinig na sigaw. Tila mababasag na ang lalamunan ni Vanessa dahil sa lakas ng sigaw.
Mabilis kaming tumakbo ni Kiara patungo sa pinanggalingan ng sigaw.
* * * * *
Author's Note:
Anong nangyari kay Vanessa?
Bakit nagka-amnesia si Ella?
Bakit sa lahat ng alaala niya ay 'yong detalye pa ng first mission ang nabura?
Anong motibo ni Gab?
Hehe. 'Di ko pa alam kung kaylan ang next update. Announce ko lang sa followers ko. Please VOTE and COMMENT guys. Kahit VOTE lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top