Chapter 29: Another Stupid Game
Chapter 29: Another Stupid Game
Ella's Point of View
Nanginginig ko itong itinutok sa kanya. Beads of sweat began dripping its way down to the face of the floor.
I started heaving.
Seconds later, I spaced out.
Nakikita ko ang pangyayari kung paano ko paulit-ulit na pinagsasaksak ang tiyan at leeg ng lalaki.
Tumalsik sa akin ang presko at pulang likido.
Nakita ng sarili kong mata ang pagkalat ng dugo sa sahig. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang tanawing iyon.
I snapped into reality when I heard the man utter a word. Mas nilapit ko ang dulo ng patalim sa leeg niya.
I was shaking, not because I'm scared but because of the image that played into my mind.
Ilang galaw lang ng taong ito at maari ko siyang mapatay, at iyon ang ikinatatakutan ko!
Natatakot ako sa sarili ko!
“Maawa ka, huwag. Huwag mo akong patayin---” pagmamakaawa nito.
It felt like my voice was caught by my throat. Not being able to speak. But I pushed myself to voice out a word. “Sino ka? Bakit mo 'to ginagawa? Bakit gusto mo kong patayin? Sino ang amo mo?”
Hinintay ko siyang sumagot pero wala akong natanggap.
“Magsalita ka!---” tila natakot siya sa ginawa kong pagsigaw kaya siya nagsalita.
“Napag-utusan lang ako---”
“Sinong nag-utos sa'yo?”
“Eh hindi ko naman kasi alam na ganito pala kalakas ang kapatid ni King Charles---” tila nabingi ako sa kanyang sinabi.
“Si kuya? Si Charles Stern ba ang tinutukoy mo? Siya ba nag-utos sayo?! Ha?!”
“Aray!” - namulat ako sa kanyang pagsigaw. A small amount of blood from his neck dripped down to the floor. I saw its small bead, staring back at me. As if accusing me.
Huli na nang malaman kong nadaplisan ko pala ang leeg niya gamit ang kutsilyo. Nanlaki ang mata ko. Napaatras ako at binitawan ang patalim. It slipped from my fingers and clattered down with a sound "clunk".
"Sorry," nasabi ko.
Nag-iwas ako ng tingin. Dahan-dahan siyang tumayo. At nakahawak pa siya sa balakang niya. Hindi ko parin siya nakilala dahil nakasuot parin siya ng parang mask niya.
Nagpagpag siya as if na may dumi siya. “Hindi ko alam na ganito pala kalakas ang Ella na sinasabi nila.”
Pinagmasdan ko lang siyang nakatayo sa harap.
Aalis na sana siya ngunit bigla siyang natigilan. “Mag-iingat ka," pabulong na saad nito.
And with that, he was gone. The door left open behind him.
I felt a pang of dizziness whirling my mind. Hindi parin ako makapaniwala sa nalaman ko.
Gusto akong ipapatay ni kuya Charles!
But it might be a joke, right? He must be joking, right? He has to be.
Lumitaw sa isipan ko ang pilyong mukha ni kuya Charles. Smiling, teasing, mocking... He can't be.
Ano bang meron sa akin at gusto nila akong mamatay? Pag patay na ba ako matatahimik na sila? Will that make them happy? Will that satisfy them?
Bakit pa ako binigyan ng buhay ng panginoon kung marami rin namang gustong pumatay sa akin? Naramdaman ko ang mainit na likido na dumaloy sa pisngi ko.
Kahit nanghihina dahil sa nararamdaman, tumayo parin ako at natagpuan ang sarili na nakatayo sa harap ng bintana.
Sa harap ko bago ang bintana ay ang bedside table.
Naligaw ulit sa isip ko ang mukha ni kuya Charles.
Siya ang kuya na lage kong kakampi kapag pinapagalitan ako ng mama.
Kahit na ako ang may kasalanan. Pinagtatakpan niya ako.
Okay lang pagalitan niya ako basta hindi lang ako mapagalitan ni mama.
Lage siyang may regalo sa birthday ko.
Siya ang lage kong kausap at kalaro sa bahay.
Tinitiis niya ang pagtuturo sa akin gaano man kahina ang utak ko.
Ella, lagi mong tatandaan na kahit ilang beses man kitang awayin o asarin, mahal ka ng kuya. Ako ang magiging superhero mo.
Sumilay ang matamis niyang ngiti na nakapagpapagaan sa kalooban ko.
Biglang uminit ang mga mata ko.
Di ko mapigilan ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko.
Kuya, mahal na mahal din kita. Pero bakit mo nagawa sa---
“H-hindi...” umiling ako. “Hindi... m-mahal ako ng kuya Charles ko. Hinding-hindi niya magagawa sa'kin 'to.”
Rinig na rinig ko kung paano nabiak ang boses ko. “Hindi niya kayang ipahamak ako. Kapatid niya ako. Walang kuya ang gustong ipahamak ang kapatid niya. May iba pang dahilan. Sinisiraan lang nila ang kuya ko.”
Patuloy paring umagos ang aking luha. “At, Ella, tandaan mo. May binitawang pangako ang kuya mo. Yan ang pinanghahawakan ko.”
Tumigil na ako sa pag-iyak. Hihiga na sana ulit ako sa kama nang may mapansin ang mata ko.
Ang patalim na tinapon ng lalake kanina. Nakabaon parin sa pinto ng kabinet.
Lumapit ako dito at binunot ang nakabaong kutsilyo. Hindi ang itsura ng patalim ang nakapagpukaw ng atensiyon ko kundi ang papel na nakasabit sa tip nito.
Binasa ko ang nakasulat dito.
Mahal kong kapatid, hanapin mo ang may-ari nito.
Imbes na mainis ay gumuhit ang ngiti sa aking labi. Mahal kong kapatid.
Nakikipaglaro lang si kuya. Iyon lang 'yon.
I stood and fixed myself. Para na kasi akong witch sa itsura ko.
Ngumiti ako sa harap ng salamin. Okay na ako. I took the sling bag and slung it in my shoulder. Then I put in the knife.
Saka ako lumabas ng room ni kuya. Sinara ko ito at dumiretso sa labas ng Spades Mansion.
Hahanapin ko ang may-ari ng kutsilyong ito.
Eh di ba tinakbuhan na ako nun? Ba't ko pa hahanapin?
Pag tinakbuhan ba kayo ng tao hahabulin niyo parin?
Nasa hallway ako ng Library Building nang makita ko sa 'di kalayuan si Flynn.
Mga sampung metro ang pagitan naming dalawa. Nakasabit sa kaliwang balikat niya ang itim na bag habang naglalakad. Nakapamulsa pa siya na siyang lagi niyang ginagawa.
“Flynn, san punta mo?” tanong ko noong lumiit na ang agwat namin. Tila ngayon niya lang ako napansin o nakita.
“Oh Ella, wala... I mean wala lang, naglalakad-lakad lang. Ikaw?”
Medyo marami ang tao sa library, hindi ko nga gaanong narinig ang boses ni Flynn pero naintindihan ko parin naman. May ibang estudyante pa na aksidenteng nababangga kami.
“Pareho lang tayo, wala kasi akong ibang mapuntahan. I mean may gagawin kasi ako, hindi ko pa nga lang alam kung saan ako dapat unang pumunta.”
“Ano pala 'yang pinagkakaabalahan mo?”
Napaisip tuloy ako. Kailangan kong mahanap ang may-ari ng kutsilyong 'to pero wala akong kaideideya kung anong unang dapat gawin.
Ilalabas ko na sana ang kutsilyo sa sling back ngunit napatigil ako nang maalala ang binasang content ng handbook.
Bawal ipaalam sa iba bilang member ng House of Spade na may patalim ka.
Sakto naman dahil ilang hakbang lang ang layo ng banyo mula sa kinatatayuan namin ni Flynn.
Hinawakan ko ang kanang balikat niya, na siyang ikinalaki ng mata niya, saka ko siya hinila.
Binuksan ko ang pinto ng CR.
Nagpalinga-linga si Flynn. “E-ella anong ginagawa mo?”
Hindi ko siya pinansin at tinangay siya sa loob ng cubicle.
“E-ella ano 'to.” tila nag-echo ang boses ni Flynn.
Binitiwan ko siya at hinarap. Tinignan ko siya sa mata at mas lumapit pa ako ng konti.
Matangkad si Flynn, hanggang balikat niya lang ako kaya ang sakit sa leeg.
Umatras siya habang nandidilat ang mata. Nakadikit na ang likod niya sa pinto ng cubicle sa kakaatras.
“Paano tayo makakapag-usap ng matino kung atras ka nang atras?” umirap ako. “Ganito, hihinaan ko lang ang boses at baka may makarinig sa'tin.” Dilat parin ang singkit niyang mata.
Mahina ko siyang sinuntok sa braso. “Hoy! Ano bang problema mo? Ganito, I need your help... may pinapahanap kasing tao si kuya at hindi ko siya kayang hanapin. I mean, wala akong kaideideya kung saan ako maghahanap. Kaya kailangan ko ang tulong mo. At hindi ko 'to pwedeng sabihin sa iba ka---”
Natigil ako sa pagsasalita nang biglang malakas na bumukas ang pinto. Tila natulak si Flynn ng pinto kaya siya napaabante at naging dahilan para mapaatras ako.
Nakita ko ang mukha ng babaeng nagbukas ng pinto. Napatuptop siya sa kanyang bibig habang bumibilog ang mata.
“Ano ba 'yan eeeewww! Dito pa sa CR naisipang magtukaan. Get a room! Wala ba kayong pride?”
Tinignan lang namin ni Flynn ang babae noong ito ay umalis.
Then something hit me. Napatakip ako ng bibig.
Nandidilat ang mata kong tinignan si Flynn.
“Flynn, CR to ng mga babae.”
“Oo.”
“Lalake ka."
“Oo."
“At babae ako.”
“Oo.”
“Nandito tayong dalawa. Magkasama sa iisang cubicle. ”
“Isang MALAKING OO!” inis na usal ni Flynn.
“Lagot ako, hindi pwedeng malaman ng mga kapatid ko 'to.”
Walang alinlangan kong hinila si Flynn palabas ng CR. Paglabas namin, maraming tao ang hindi makapaniwala nang makita kaming magkasabay na lumabas ng comfort room.
My heart started beating fast as if in a triathlon. Mabilis kaming tumakbo ni Flynn palabas ng Library Building. It almost took us half of an hour running through mazes of hallways just to get out of this building and to get out of the peoples' sight.
Kahit pa nakalabas na kami ng Library Building ay patuloy parin kami sa pagtakbo. Ang nasa isip lang namin ngayon ay ang makawala sa mga mata nila.
Ilang sandali pa ay mismong paa ko na ang sumuko sa akin.
Paa nga sumusuko, tao pa kaya?
“Ayoko na, Flynn. Pagod na 'ko.”
Flynn stopped running as he glanced back.
I heaved heavily. Itinukod ko ang dalawa kong kamay sa tuhod ko para sa support.
Lumapit siya sa akin. Dahil sa sinag ng araw ay klarong-klaro ko ang mga butil ng pawis sa noo niya. Just like me, he's also breathing heavily.
Pinahid ko ang likod ng palad ko sa pawis na nasa noo ko.
Naglakad nalang kami, walang kasiguraduhan kung saan man ang pupuntahan.
Ilang sandali ng paglalakad namin ay may natanaw ako na nakapagkunot ng aking noo.
“Flynn, ano ba 'yon?” tanong ko sabay turo sa malaking building.
“Yan? Mall 'yan."
“SA LOOB NG SCHOOL?!” pasigaw kong tanong.
“Bat ka ba sumisigaw?!" naiinis niyang tanong.
“Sigurado kang Mall 'yan?"
“Oo," nakasalubong niyang kilay na sagot.
“Anong pang hinihintay natin, TARA NA!!!”
Hinablot ko ang kamay niya at tinangay siya. Napailing pa siya. As if going to a mall is a really, really, really bad idea. “Bahala na nga,” narinig kong bulong niya.
Narating agad namin ang harap ng Mall dahil sa bilis ng aming pagtakbo. Tumakbo kami papasok ng Mall.
Kadalasan ay estudyante ng Blue Moon High ang nakikita ko sa paligid. May nakikita rin naman akong teachers, pero konti lang.
“At dahil gutom na gutom na tayo sa layo ng tinakbo natin, kailangan natin ng ice cream.”
“Gutom tapos ice cream?”
“Oo. Tara,” umuna na akong maglakad para maghanap ng ice cream house. Sumunod lang si Flynn.
“Hindi mo ba alam na nakakapagcause ng heart disease ang ice cream?” tanong niya. Magkasabay na kaming naglalakad.
“Hindi," tipid kong sagot at naging busy sa paghahanap ng ice cream.
“...you'll see triglycerides...”
“Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo?”
“Blood fats---,"
Halos sumabog ang puso ko dahil sa saya nang makita ko ang ice cream house.
“Tara na rito, Flynn.”
Pumasok kami at dumiretso sa counter. Walang gaanong tao. Dalawang table lang ang occupied.
“French Coffee Oval 'yong sa'kin," nauna na akong umupo sa pinakadulo. Hindi naman nagtagal, ay dumating na si Flynn with our ice cream.
Agad na akong umatake. Alam kong ang dumi na ng gilid ng labi ko pero mamaya ko na 'yan poproblemahin.
Noong nakalahati na ako sa ice cream ko, naubos na ni Flynn ang kanya.
“Sabi mo ayaw mo ng ice cream, pero ang bilis mong natapos.” Sabi ko habang ninanamnam ang lamig ng ice cream sa lalamunan ko.
Feeling ko talaga nasa heaven ako pag kumakain ako ng ice cream.
“Bilisan mo na dyan,” sabi niya habang tinitignan ang lalake sa counter.
“Sandali lang, kalahati pa 'to no.”
Nakita kong lumabas ang lalake sa counter niya at naglakad sa direksyon patungo sa amin.
“Sir, ma'am, sorry po sa istorbo. Pero pwede ko na bang hiramin ang Blue Card niyo?" Narinig kong tanong ng lalake. Hinayaan kong si Flynn na ang kumausap at nagpatuloy lang ako sa pagkain.
“Ahh, sandali lang po.”
Napansin kong tumingin si Flynn sa direksyon ko kaya ako napalingon sa likuran ko.
“Ano?”
“Ang Blue Card mo, dala mo ba?” pabulong niyang tanong.
Nangunot ang noo ko sa tanong ni Flynn.
“Anong Blue Card? Parang passbook ba 'yan?”
Napapikit nalang si Flynn as if nagpipigil sa inis.
“Hindi mo nga alam.”
“Bakit ba?” tanong ko at sumubo ng isang scoop.
Tumingin siya sa lalaki.
“Kailangan nating bayaran 'tong ice cream na kinain natin.”
“Hindi ba 'to libre?” kunot-noo kong tanong.
Umiling si Flynn.
Patay!
Tumingin ako sa lalaki na nakatayo lang dalawang hakbang mula sa mesa namin.
“On the count of three,” mahinang sabi niya. Tumango ako nang dahan-dahan.
“Three!!!”
Nagulat ako at tumakbo.
“Ha? Diba One pa?!” tanong ko habang tumatakbo.
“Takbo na!”
“Hoy! Itong mga batang 'to. Bumalik kayo! Ang bayad niyo oyy!!!”
***
“Sayang naman 'yong ice cream ko. Hindi ko naubos!”
“Inaalala mo pa ang ice cream mo, mabuti nakatakas tayo,” asik ni Flynn. Tumahimik na lang ako.
Nandito parin kami sa loob ng Mall pero malayo na sa Ice Cream House.
“Ano ba kasi 'yong Blue Card?” naitanong ko nalang. Palakad-lakad lang kaming dalawa ni Flynn.
Inaya niya akong lumabas na pero 'di ako pumayag.
“Yan ang binibigay sa mga taga Crest Compound. Gagamitin natin 'yon bilang credit card para kung may gusto tayong bilhin dito, mabibili natin. Wala akong planong bumili kaya 'di ko dinala.”
“Eh hindi naman ako member ng Crest Compound, pa'no ako magkakaroon ng Blue Card?”
Tumingin siya sakin saglit at binalik ulit ang mata sa daan.
“Hindi mo pa ba nakikita ang results mo?”
Nangunot naman ang noo ko. “Anong results?”
“Results mo sa Top Class Challenge.”
“Ahh. May results pala? Hindi ko pa nakikita.” Pumasok kami sa may nakalagay na:
Spades W-Department
“Kunin mo nalang sa Faculty.”
Kung pumasa ako sa Challenge. Mananatili ako sa school. Pero kung hindi naman.
Aalis ako dito.
Maiiwan ko sila.
Ang mga kaibigan ko.
Kinabahan ako sa maaaring maging resulta.
“Ano 'yang mukha mo?” ngumuso siya para kunwari tinuturo ang mukha ko. “Ba't bigla kang nalungkot?”
“W-wala, anong nalungkot?”
Tumigil kami sa isang counter.
May estudyante sa counter. May binigay na parang dagger sa kanya ang lalaki na nagsisilbing parang cashier.
Kunot noo akong lumapit, parang pamilyar kasi ang kutsilyo.
Doon ko lang napagtanto na kapareho pala ito ng kutsilyong nasa sling bag ko. 'Yong tinapon sa akin ng lalaki na muntikan na akong mapatay.
Mas lumapit pa ako at sinilip ang kung anong sinulat ng babae sa parang slam book.
Sinulat niya ang pangalan niya, edad at date kung kelan niya binili ang dagger.
Binitawan ng babae ang ballpen. Kinuha niya sa wallet ang parang card na kulay blue at inabot ito sa lalake.
“Ano 'yang tinitignan mo?” tanong ni Flynn na ngayon ay nasa tabi ko na. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya.
“F-Flynn... alam ko na kung paano ko magagawa ang task ni kuya.”
***
Ano sa tingin niyo ang gagawin ni Ella para magawa niya ang task ni Charles?
Anong masasabi niyo sa update? Boring? Mahaba? Bitin?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top