Chapter 28: Perfect Throw

Salamat at naka update si kuya niyo. Hehe. Napaisip kasi ako na burahin ang Blue Moon High at tumigil na sa pagsusulat. Hindi ko alam kung ano ang elementong sumanib sa akin at kung bakit naisip ko 'yon. Nyways, bayaan niyo na ako. Magbasa na lang kayo.

* * * * *

Ella's POV

Nakatitig lang sa aming tatlo ang taong giant. Tumigil kami nina sir Loid at Flynn sa paglinga-linga dahil baka mahalata nito na naghahanap kami ng paraang makatakas.

Akala ko habangbuhay na niya kaming tititigan. Pero maya-maya pa ay marahan itong napapikit. Tapos pinilit na naman nitong dumilat.

Sa pagdilat niya ay unti-unti na namang pumikit ang kanyang mga mata, tapos pilit na naman niyang binuka ito.

Nagkatinginan kaming tatlo nina sir Loid dahil sa naobserbahan. Sobra nang inaantok ang nagbabantay sa amin.

Marahan na namang napapikit ang nagbabantay sa amin. Naghintay ako nang ilang sandali. Hindi na ito nagmumulat ng mata. Siguro'y nakatulog na ito habang nakaupo.

I then took my opportunity.

Nakatingin ako sa taong nagbabantay sa amin habang kinakapa ang bulsa sa aking likod. Naninigurado lang ako at baka bigla siyang magising.

Nahanap ko ang kutsilyong ninakaw ko kay Gab noong nag-practice kami ng throwing knives. "Thanks Gab." - sa isip isip ko.

Dahil may kalakihan ang nakatali sa kamay ko, medyo natagalan pa ako bago ko ito naputol.

Napansin ko sa gilid ng aking mata na nabuhayan ng pag-asa sina sir at Flynn nang makita nila ako

Taimtim lang naming pinagmasdan ang nakabantay at baka magising pa ito.

Natataranta ko namang pinakawalan si Flynn sa tali nang makawala ako.

Napalunok ako. Sobra akong natataranta at nanginginig dahil sa pinaghalong emosyon. Tagak-tak na rin ang pawis ko.

Bumibilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa excitement at saya na sa wakas makakatakas na rin kami.

Nang matapos kong kalagan si Flynn, mabilis naman niyang pinutol ang nakatali sa mga kamay at paa ni sir Loid.

Sinenyasan kami ni sir Loid na huwag gumawa ng ingay habang tumatayo. Dahan-dahang sinauli ni Flynn ang kutsilyo sa akin. Naramdaman ko pa ang pagdampi ng mainit niyang daliri sa palad ko.

Nakatayo lang kami ni Flynn habang maingat na lumalakad si sir patungo sa lalaking nakabantay sa amin. Kahit maingat man si sir Loid ay naririnig pa rin namin ang pag "creek" ng lapag sa bawat yapak niya.

Napatakip ako ng bibig nang mabutas ang inapakan ni sir Loid. Nakalikha ito nang malakas na ingay na naging dahilan para magising ang lalaking nakabantay.

Lagot na!

Tumayo ang lalaki at akmang itinutok ang baril sa amin. Sa pagtutok niya ng baril ay mabilis namang tumakbo si sir Loid patungo sa kanya.

Tumalon si sir Loid sa ere at habang hindi pa siya bumabagsak sa lapag ay mabilis at malakas niyang sinipa ang hawak na baril ng lalaki.

Tumilapon ang malaking baril sa bandang pintuan. Masyadong mabilis ang pangyayari na hindi agad nakapagreact ang malaking lalaki.

Bumagsak na ng tuluyan si sir Loid sa lapag. Mabilis naman niyang inikot ang sarili saka sinipa ang binti ng malaking lalaki.

Na out of balance ito at bumagsak ang likod sa sahig. Lumikha nang napakalakas na ingay ang pagbagsak nito. Tila isa siyang sasakyan na tumilapon sa sahig.

Wala kaming nagawa ni Flynn dahil sa bilis ng pangyayari. Dama ko ang kaba at dugong dumadaloy sa aking katawan.

Hindi ko namalayan na nakatayo na pala si sir Loid at mabilis siyang nakalapit sa nakahandusay na lalaki. Sinaksak ni sir Loid ang leeg ng lalaki gamit ang dalawa niyang daliri. At sa isang kisapmata ay nawalan na ito ng malay.

Nagkatinginan kami ni Flynn, ngayon lamang namin nasaksihan ang paraan ng pakikipaglaban ni sir. Halos hindi masabayan ng dalawa naming mata.

"Don't worry, pinatulog ko lang siya. Let's get going. Alam kong may nakarinig sa ingay," saad ni sir Loid saka nagsimulang humakbang patungo sa pinto. Hindi pa lamang siya nakakalapit sa pinto ay bigla itong bumukas at may pumasok na lalaki.

Hahakbang na sana si sir Loid patungo sa bagong dating na lalaki ngunit mabilis kaagad itong nakatutok ng baril sa kanya.

Walang nagawa si sir Loid, dahan-dahan na lamang niyang itinataas sa ere ang dalawa niyang kamay tanda ng pagsuko.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at paunti-unti akong kinakain ng adrenaline rush.

Marahan na ring nag-angat ng kamay si Flynn ngunit nakatayo lang ako, hindi ko magawang igalaw ang sarili ko. Tila naging istatwa ako.

"Ikaw! Itaas mo ang mga kamay mo kung ayaw mong basagin ko ang ulo nito!" Asik ng lalaki sa akin habang tinututok parin ang kanyang baril kay sir Loid.

Hindi pwede 'to, kailangan naming makatakas.

Napaisip ako saka mabilis kong hinablot ang kutsilyo mula sa likurang bulsa ko at tinapon ito sa ere.

Sa isang iglap lang ay nagsisigaw na ang lalaki dahil sa hapdi at sakit. At dahil na rin siguro sa nakitang dugo na tumutulo sa kanyang palad.

Halos humina ang galaw ng pagbagsak ng baril sa lapag.

Tumama ang kutsilyong tinapon ko sa kanyang palad at bumaon ito sa pader. Tila pinako ang kanyang kamay sa pader.

Napatingin si sir Loid sa akin at tila namangha. Mabilis siyang lumapit sa lalaki at malakas itong sinuntok.

Dahil sa lakas ng impact ng pagkakasuntok ni sir Loid ay nauntog ang lalaki at diretso itong nakatulog ng nakaluhod.

Binunot ni sir ang kutsilyong bumaon sa pader at sa kamay ng lalaki kaya diretsong napahandusay ang lalaki sa lapag.

Nagkatinginan kami ni Flynn bago sumunod kay sir sa labas ng kwarto.

Maingat kaming naglalakad saka mabilis na nagtatago kapag may naririnig kaming dumarating. Tingin ko bahay itong napuntahan namin. Isang malaking bahay.

Nang makarating kami sa dining room ay may mga nag-iinumang lalaki kaya nagtago na naman kami sa likod ng sofa.

Nakita namin sa mesa kung saan nag-iinuman ang mga lalaki ang tatlong g-tech devices. Sinundan ko ng tingin si sir Loid habang dahan-dahan itong tumayo saka mabilis na nilapitan ang limang lalaki.

Ramdam ko ang malakas na pintig ng puso ko. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mga tunog ng suntok at basag ng bote.

Maya maya pa ay biglang lumitaw si sir Loid sa harap namin ni Flynn at isa-isang binigay ang aming g-tech device. Kinuha ko 'yung sa akin at kinuha naman ni Flynn ang kanya.

Hindi kami nahirapang hanapin ang back door kaya mabilis kaming nakalabas sa malaking bahay. Halos hindi matanggal ang pinaghalong kaba at saya sa mukha ko sa mga oras na ito. Hindi ako makapaniwalang nakatakas kami.

"Okey. Dito tayo dadaan pabalik. Basta, huwag kayong humiwalay at sumusunod lang kayo sa'kin," saad ni sir habang tumatakbo at may kung anong ginagawa sa kanyang device. Tina-track niya siguro ang bahay ni aling Doleng.

Sobrang dilim at ang mga yapak lang ng paa namin ang naririnig ko. Kahit nauuhaw ay napalunok na lang ako. Damang-dama ko ang pagod sa buo kong katawan at gaya ng mga kasama ko, pawisan na rin ako.

Kahit gaano man sila kabilis ay sinabayan ko sila. Pang ilang beses na rin akong nadapa pero palagi akong tinutulungan ni Flynn na makabangon.

Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa tumigil si sir Loid at tinaas niya ang kanyang kanang kamay, sinyales na tumigil rin kami.

Nagtataka man ay huminto kami ni Flynn at pinakiramdaman ang paligid. Madilim pero lumilitaw pa rin ang anino ng mga puno dahil sa ilaw ng buwan. Rinig ko rin ang bilis at lakas ng pintig ng puso ko sa mga oras na ito.

Bakit kami huminto? Ano ba ang iniisip ni sir Loid? Nagsimula akong kabahan nang nagpalinga-linga si sir Loid, tila may nararamdaman siyang presensya.

"Bakit po tayo huminto sir?" mahinang tanong ko ngunit "Ssssssshhhhhhh" lang ang sinagot niya.

Bahagya kaming nagkatinginan ni Flynn dahil sa inasal ni sir Loid. Madilim man ay nakikita ko pa rin sa mga mata ni Flynn ang kaba at pagtataka.

Mabilis kaming napalingon sa kanan nang may marinig kaming kaluskos. Sumunod naman ang mga yapak ng paa.

Maya maya pa'y may nakita akong aninong humahakbang patungo sa amin. Meron namang isang aninong papunta rin sa amin. At may isa pa at isa pa.

Napaatras ako hanggang sa mabangga ko ang likod nina Flynn at sir Loid. At nalaman ko nalang na pinapalibutan na kami nang labing-tatlong lalaki.

Naka all-black silang lahat. Sila nga talaga ang mga lalaking nakikita ko nitong mga nakaraang mga araw.

Pinakiramdaman ko lang ang mga kasama ko, humuhugot ako ng lakas ng loob sa kanila. Kaya namin 'to, kahit tatlo lang kami. Ngunit napalunok na lang ako sa naisip dahil bigla akong naduwag at nakaramdam ng takot.

"At ano ang pinaplano niyo? Tatakas kayo at babalik sa bahay ng matanda?" singhal ng lalaking matangkad at may kalakihan ang katawan. Sa tingin ko magkapareho lang sila ni sir Loid kung pag-uusapan ang edad. Siya siguro ang leader.

"Wala na kayong babalikan sirrrrr, dahil bihag na namin ang apat niyo pang estudyante."

Sina Kiara!

Imbis na matakot ay nakuyom ko na lang ang dalawa kong kamao.

Aatake na sana ang isang lalaki nang binalaan siya ng parang leader nila. "Ops! Akin ang isang 'to. Kayo na ang bahala sa dalawang istudyante." sabi niya at mabilis na umatake kay sir Loid. Hindi naman nagdalawang isip si sir na atakihin din ito.

Masyadong mabilis ang galaw ng dalawa na hindi na ito masabayan ng mga mata ko. Magka-match rin ang laban nila. Kada atake ng isa ay naiilagan naman ng isa.

Hindi ko na alam ang nangyayari kay sir Loid. Ang alam ko lang, kaming dalawa nalang ni Flynn ang magka back-to-back. Naririnig ko na lamang ang nangyayaring labanan sa pagitan nina sir at ng kanyang kasangga.

"Ella. Dito ka lang sa likod ko." bulong ni Flynn kahit 'di ako nakaharap sa kanya. Tumango nalang ako kaya medyo nabangga ko pa ang ulo niya.

Napalunok ako nang sabay na umatake ang dalawang lalaki sa amin.

Sinalubong ko ng sipa sa tiyan ang lalaki ngunit nailagan niya ito. Akma niya akong susuntukin ngunit iniwas ko kaagad sa kaliwa ang ulo ko at sabay na siniko ang kanang sentido niya.

Napaatras ang lalaki habang hawak-hawak ang ulo niya. Alam kong hindi malakas iyon, pero sapat na para masaktan ko siya. Napansin ko si Flynn na pinalilibutan na ng mga lalaki at nagpatuloy lang siya sa pakikipaglaban.

Tutulong sana ako ngunit hinarangan kaagad ako ng tatlong lalaki. Sinipa ko ang paparating na lalaki ngunit nasalo niya agad ang paa ko at mapangahas akong tinulak.

Hindi ko naiwasang mapatumba dahil sa lakas ng pagkakatulak niya. Mabilis akong bumangon ngunit sa pagbangon ko ay sinikmuraan kaagad ako ng isa pang lalaki. Napaimpit ako dahil sa sakit.

Ramdam ko ang sakit na dumadaloy sa buong katawan ko. Para akong mamamatay dahil sa sakit. At sumuka pa ako ng dugo. Napapikit na lamang ako dahil sa nararamdaman.

Habang nakaluhod ay hinawakan ako ng dalawang lalaki sa magkabilang braso at pilit na pinatayo. Kahit nanghihina ay mabilis kong dinukot ang kutsilyo sa likurang bulsa ko at isa-isa kong sinaksak ang kamay ng dalawang lalaking nakahawak sa akin.

Napaungol sila at lumayo habang hawak-hawak ang kanilang kamay na binabaha ng dugo.

Wala sa sarili kong tinungo ang lalaking sinikmurahan ako. I deadly glared at him. Tingin ko ay para akong mamamatay tao sa tinging binibigay ko sa lalaki.

Napaatras ang lalaki na tila natakot at kinilabutan sa itsura kong may dalang patalim. Naririnig ko sa paligid ang labanan. Ngunit tinuon ko lang ang pansin ko sa lalaking nasa harap ko.

Binawi nito ang takot at sinipa ako. Sinalo ko ang binti niya at sinaksak ito. Napasigaw ang lalaki dahil sa sakit. Hindi ako nakuntento at sinaksak ko pa ng mabilis ang binti niya ng dalawang beses.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang may makita na naman akong tumutulong dugo.

Na out of balance ang lalaki at natumba. Dahan-dahan akong humakbang patungo sa lalaki, like a murderer with a thirst of blood.

Napapaatras ang lalaki sa tuwing humahakbang ako. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa akin at sa duguang patalim na hawak ko. Kitang-kita ko sa mukha niya ang takot at kaba.

Gumuhit ang ngiti sa gilid ng labi ko dahil sa nakikitang takot na rumehistro sa mukha ng lalaki. Hinawakan ko ang handle ng kutsilyo sa dalawang kamay ko.

Itinaas ko nang dahan-dahan ang kutsilyo at hinanda ko ito para isaksak sa lalaki. Dumilat ang mata ng lalaki dahil sa takot sa akin. Ako naman ay ngumiti lang. Pansin ko ang dugong pumapatak sa dulo ng patalim ko at mas ginanahan pa akong pumatay dahil sa mga dugong ito.

Isasaksak ko na sana ang patalim nang may biglang sumigaw.

"ELLA HUWAG!!!"

Nagising ako sa realidad dahil sa sigaw ni Flynn. Napadilat ako dahil sa gulat at mabilis kong binitawan ang kutsilyo.

Tumilapon ang kutsilyo sa lupa. Atras ako ng atras habang pilit kong pinapahid ang palad ko sa aking damit. Gusto kong matanggal ang dugo. Gusto kong alisin ito.

Halos mabaliw na ako dahil sa sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung bakit ako duguan. Nagsimula akong manginig.

Nakita ko si Flynn na pinapalibutan ng kaaway. Si sir Loid naman ay hindi parin tapos sa labanan. Dahil sa gulo ng pag-iisip ko ay nagpatuloy lang ako sa pag-atras hanggang sa may humila sa likod ko.

"ELLAAAAAAAAAAA!!!"

"HUWAG NIYO SIYANG GAGALAWIN!!!" Binasag ng sigaw ni Flynn ang paligid. Patuloy parin akong hinihila ng isang lalaki. Wala akong magawa kung hindi ang magtakip ng tenga dahil paulit-ulit ko paring naririnig ang sigaw ni Flynn sa utak ko. Halos mabaliw na ako dahil ayaw parin nitong mawala.

Nakita kong susunod sana si Flynn ngunit hinarangan na kaagad siya ng mga lalaki.

Hindi ko na alam kung saan na ako dinala ng lalaki hanggang sa marahas niya akong tinulak kaya napatapon ako sa lupa. Umatras ako nang makita kong may dala itong patalim.

Halos mangiyak-ngiyak na ako habang pagapang na umaatras. Hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan ang sarili ko. Pakiramdam ko'y sasabog na ang ulo ko dahil sa pagkalito.

Ngumisi ang lalaki at dahan-dahan itong humakbang patungo sa akin. Itinutok niya ang kutsilyo na tila gustong-gusto niya akong patayin. Nakikita ko sa kanyang mukha at mga mata na nais niyang pumatay.

Pumikit ako at nagpatuloy lang sa paggapang. Umiiyak ako dahil sa nadaramang takot at pangamba. Takot na mamatay.

Sumulyap ako sa taong gustong pumatay sa akin at nagulat ako! Pabagsak itong lumuhod. Nandilat ang mga mata niya na tila nagtataka.

Bigla siyang sumuka ng dugo habang dilat parin ang mga mata. Hanggang sa paunti-unti siyang napapikit at tuluyang napahandusay sa lupa.

Sa harap ko, ay may isang lalaking nakayuko. Siya ang nagligtas sa akin. Unti-unti siyang nag-angat ng ulo na siyang ikinagulat ko.

"Gab?!"

Kahit gulat man ay mabilis akong bumangon saka niyakap si Gab. At doon na ako nag-iiyak. Mahigpit ko siyang niyakap ngunit humiwalay siya sa yakap ko.

"Gab? Thank you," mangiyak-ngiyak kong sabi. Hindi ko gaanong nakikita si Gab dahil nakayuko ito.

Marahan siyang nag-angat ng mukha at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

Nandilat ang mga mata ko dahil sa nakita. Gusto kong lumayo ngunit mahigpit niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi. Nagpatuloy ang naputol kong luha. Nanghihina ako dahil sa nakikita ko. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa.

Hindi ito ang Gab na kilala ko. Hindi ito ang isip bata na si Gabriel.

Ngumisi siya na siyang nagpatindig ng balahibo ko sa batok. Mas humigpit ang hawak niya sa pisngi ko at madiin niya akong hinalikan sa labi.

Nagpumiglas ako sa abot ng aking makakaya. Sinuntok ko siya ngunit hindi siya natinag. Pilit niyang binubukas ang bibig ko ngunit ayaw ko.

Sinuntok niya ang tiyan ko kaya ako napasinghap at naibukas ko ang bibig ko. Nakaramdam ako ng kakaibang lasa, na parang may pinasok siyang kung ano mang pill sa bibig ko.





And then, I was lost in thought.

* * * * *

A/N:

Pasensya na at matagal ang update.

Please VOTE and comment. Mahalaga kasi iyon sa akin. Kahit vote lang, haha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top