Chapter 28: Charles and His Pranks

  

  Loving her is painful. But missing her is much more painful. - Anonymous



Chapter 28: Charles and His Pranks

Ella's Point of View



| 19 | 9 | 14 | 15 |

| 1 | 14 | 7 |

| 16 | 9 | 14 | 1 | 11 | 1 |

| 7 | 23 | 1 | 16 | 15 |

| 13 | 15 | 14 | 7 |

| 11 | 21 | 25 | 1 |


Tinitigan ko ang mga nakakabobong mga numbers na ito for about 5 minutes or so. I sighed heavily.

Paano ko naman masasagot ito? Nakita ko lang ang numbers parang sasabog na ang utak ko.

I sighed again. Naglakad na lang ako at humiga ulit sa higaan ko. Tinapon ko ang note na naglalaman ng question ni kuya sa kung saan. Ang note na magiging dahilan ng pagkakakulong ko rito.

I closed my eyes. I can only see black at the back of my lids. I tried emptying my mind. Plunged into plain nothingness.

Sana ganito nalang, 'yong walang pinoproblema. Walang iniisip.

Nagpagulong-gulong ako.

I felt the bed, it was like embracing me. Giving me the comfort I need. Saying it's okay.

Nakikita ko na ang sarili ko sa mga susunod na oras.

First. Hinding-hindi ko masasagutan ang code na ito. Kung code nga ang tawag dito.

Second. Not being able to answer these set of numbers means not being able to get myself out of this room. Makukulong ako!

Third. To state the obvious, mananatili akong nakakulong hanggang sa bumalik si kuya.

Nagpagulong-gulong ulit ako. Nakakafrustrate naman 'to.

And without intending to, I just remembered Clark with me here in this very room.

“Alam mo ate, ibang-iba ang mga kaklase ko kumpara sa mga kaklase ko sa dating school ko.” Nangunot ang noo ko sa sinabi ng bata.

“Una, they are way smarter compared sa mga kaklase ko noon. Pangalawa,” huminto ako sa ginagawa ko at umupo sa higaan kaharap si Clark.

“... they're not friendly. Gaya nga ng inaasahan ko ate. Mas masaya pa ngang kasama ang mga kalaro at kaklase ko noon eh.”

“Bago ka pa kasi kagaya ko dito sa Blue Moon High. Bayaan mo, Clark makakahanap ka rin ng mga kaibigan dito. Sa cuteness mong 'yan hindi ka makakahanap ng kaibigan?” Saad ko at ngumiti.

“Sana nga ate eh, pero hindi pa po ako tapos ate. Pangatlo,..” tumingin-tingin si Clark sa paligid as if may makakarinig ng sasabihin niya. To think na kaming dalawa lang naman ang nandito.

Umusog siya palapit sa akin. At pabulong na nagsalita, “Ate, 'yong mga classmates ko. Ang weird nilang lahat. Para silang mga robot. Para silang,... WALANG BUHAY.” Nangunot ang noo ko sa pagtataka. Nanindig din ang balahibo ko sa batok.

“Bakit mo naman nasabi yan?”

Tumingin ulit si Clark sa paligid. “Eh kasi ate, kahit minsan hindi ko sila narinig tumawa. Pag may sobrang nakakatawa ako lang ang humagalpak ng tawa tapos sila diretso parin ang tingin sa white board. Tapos pag nakikinig sila sa Teacher namin, they're almost not blinking. Para silang mga robot instructed to do one thing. Ang creepy po 'diba?”

Nakatitig lang ako sa bata habang nagsasalita ito. Posible nga kaya ang sinasabi ni Clark? Na ganoon talaga ang mga bata?

Pero baka naman imagination niya lang? Pero sa school na ito? Parang lahat posible.

Bumalik ako sa reyalidad nang may marinig akong vibration.

Hinanap ko ang pinagmulan ng tunog, and it was emanating from my g-tech device.

Nakita ko ang tatlong messages na natanggap ko. Ang latest message ay galing kay Vanessa.

Vanessa:
        Bruha! Okay ka na ba? Kamusta ka na?

Vanessa:
        Bruha! Si My super loves King Charles anjan ba? Pakikumusta ako sa kanya ha? Sabihin mo from his very own Queen Van.

Vanessa:
        Queen Van sabihin mo okay? Wag Vanessa, mas class kase at may dating kung Queen Van. Labya! Pagaling ka!

Napailing nalang ako sa nabasa. Talagang may gusto siya sa kuya ko. Itinukod ko ang kanang kamay ko sa bedside table. Nakatayo na kasi ako sa harap nito.

Sunod kong binasa ang message ni Kiara.

Kiara:
     Hi Ella. Miss ka na namin, wag kang magkulong jan sa kwarto ni King Charles ha? Tsaka, magkita tayo mamaya. Sabay ka saming maglunch. See ya :)

Sweet talaga nitong si Kiara.

I opened the last message. ITO ANG TALAGANG WALANG SWEETNESS SA KATAWAN!

Charles:
       Just in case you forgot, we need to talk. Unless you don't want some explanations.

“Explanations mo mukha mo!” Sigaw ko pa sa g-tech device ko. Binalik ko ito sa table at humiga.

Maya-maya lang ay nagvibrate ulit ang g-tech device ko. I forced myself up at umupo. Kinuha ko ang g-tech device. I rolled my eyes when I saw the name “King Charles Stern” na nagpop up sa screen.

Hindi naman ako ang nagsave ng number niya. Hindi ko nga alam kung paano ito nasave.

Pumunta ako sa contacts para iedit ang pangalan. Pinalitan ko ang pangalan niya, “WALANG MODONG KUYA"

I hit save. Pero ang ipinagtataka ko, ayaw nitong masave. Inulit ko ang pag-edit.

“NAKAKABADTRIP NA UNGGOY”

“UNGGOY”

“PANGET”

Ayaw talaga.

Nagvibrate na naman ang phone ko.

Charles:
       You can't change my name sis, I am the King Charles Stern of this school. At hindi ako panget.

Nangunot ang noo ko sa nabasa. Nagpalinga-linga ako sa paligid.

“At paano naman kaya nalaman ni kuya ang pinag-gagawa ko?” natanong ko nalang.

Charles:
       You have no idea what I can do.

“Naririnig niya rin ako?” tumingin ulit ako sa paligid.

Ang creepy naman.

Charles:
       Tictac! Tictac! Time is fast approaching! Move! Move! Move! Answer the code! Play the game! Good luck.

Pabagsak akong humiga. Haysh! Pag nasagot ko ba ang tinatawag niyang password bibigyan na niya talaga ako ng AWESOME, BRILLIANT, AMAZING explanation niya?!

Okay sige. Aasahan ko 'yan.

Hindi rin naman siguro masama ang umasa kahit minsan.

Bumangon ako. “Oh sige na! Sasagutin ko na! Ano ba 'yan. Kaya ko ba?”

“Asan na ba 'yong note?” Hinanap ko ang note at natagpuan ko ito sa ibaba ng higaan.

| 19 | 9 | 14 | 15 |

| 1 | 14 | 7 |

| 16 | 9 | 14 | 1 | 11 | 1 |

| 7 | 23 | 1 | 16 | 15 |

| 13 | 15 | 14 | 7 |

| 11 | 21 | 25 | 1 |

Tinitigan ko ito. Trying to look for something. Umaasa rin ako na baka gumana ang sinasabi nilang powers ko.

Kung bakit ba naman kasi ang bobo ko?

Naalala ko na naman ang sinabi ni max sa akin.

You are a threat to our boss, he wants you dead.”

Threat? Baka threat para sa kanila ang kabobohan ko? Baka nakakasama ang pagiging bobo ko sa society?

Sorry naman. Tss.

Tinitigan ko ulit ang note.

| 19 | 9 | 14 | 15 |

| 1 | 14 | 7 |

| 16 | 9 | 14 | 1 | 11 | 1 |

| 7 | 23 | 1 | 16 | 15 |

| 13 | 15 | 14 | 7 |

| 11 | 21 | 25 | 1 |

Set of numbers lang. Wala bang parang clue? Clue?

Unless meron...

Tumingin ako sa kung saan. Sa taas ng pinto, baka may nakadikit na ibang note.

Lumapit rin ako sa bedside table. Sa ilalim ng unan. Sa pinto ng refrigerator na kung saan may mga nakadikit na sticky note ng kailangan niyang pagkain.

Pero wala.

Binuksan ko ang refrigerator at baka nasa loob lang nito ang note. Lumuhod din ako at sinilip ang ilalim ng sofa at ilan pang upuan.

Pero wala.

I turned on the g-tech device at baka may iniwan si kuyang message na naglalaman ng clue.

I was frustrated and at the same time,... exhausted. Padabog kong tinapon ang sarili ko sa higaan, again.

Binasa ko ulit ang note na nasa kamay ko lang hanggang ngayon.

WALA. PARIN. AKONG. MAINTINDIHAN.

Paulit-ulit ko itong binasa pero wala talaga. Sa inis ko, tinapon ko ito kung saan.

Kung nandito lang sila Kiara, siguradong matutulungan nila ako.

Umupo ako at hinarap ang note na nasa tabi ko lang.

“Puro numbers ka. Siguro mathematics ka! Alam mo namang mahina ako sa ganito. Para ka ring pag-ibig eh no? Ang hirap mong intindihin.”

Tinuro ko ang note. “Naiintindihan mo ko? Ang hirap mo! Eh kung sana, hindi ka numbers. Hindi ka mathematics. Hindi sana ako mahihirapan sa'yo. Hindi sana ... ”

Natigilan ako sa napansin. I felt like my words got stuck in my throat. My heart started beating fast.

Mabilis akong gumapang at kinuha ang note.

Sa likod ng note ay ito ang nakasulat.

Hint:

Letter 'A' is on the top.
The sea is on three.
E, as in Ella is five,
When she won the mathematics festival.

Binasa ko ulit ang hint.

May nakukuha ako pero hindi pa sigurado.

Naalala ko ang techniques na tinuro sa akin ni Dorth.

Ate, makinig ka. Hindi madaling umintindi ng mensahe, lalo na ang poem.

Bawat poem kasi ay may nakatagong mensahe. Kung baga sa nawawalang bagay, kailangan mo pang gibain ang buong bahay kung kinakailangan para mahanap ang nawawalang bagay na 'yon.

Which means to say,... you really need to dig in.

Bumalik tayo sa poem, ang first basic technique ng pag-iintindi nito ay...

Read each and every line individually.

Okay, Ella. Read each and every line individually.

Binasa ko ang bawat linya nito at inintindi.

Letter 'A' is on the top.

Tumingin ako sa itaas, 'on the top' daw eh. Pero plain 'kaputian' lang ng kisame ang nakikita ko.

Wala akong nakikitang kahit isang A.

The sea is on three.

Nagpalinga-linga ako at wala namang dagat dito. At anong three?

E, as in Ella, is five,
When she won the mathematics festival.

Ako? Five years old ako nung nanalo sa Mathematics Festival. Ang galing ko naman ata?

Second step ate, you need to read between the lines. Kung baga hanapin mo kung anong meron, kung may mga salita bang ginamit para maging simbolo ng ibang bagay.

Read between the lines.

A is on the top. Ibig sabihin hindi talaga sa itaas. Baka pangalan 'tong A at top one siya sa school.

Next. The sea is on three. Ano 'to? Nasa number three ang sea?

Tumayo ako at nagpalakad-lakad.

Five years old ako noong nanalo daw ako sa Mathematics Festival.

Ano bang meron sa bawat linya?

Top one si A. Number three ang sea. At five naman ako.

Lumapit ako sa refrigerator at kumuha ng maiinom.

Puro numbers lang naman ang nandito. Umupo ako sa paanan ng higaan.

Binasa ko ang hint at bigla nalang natigilan sa napansin.

May mga numbers sa hint. At puro numbers din ang nasa code.

Biglang umalingaw-ngaw ang boses ni Dorth sa ulo ko.

Humanap ka ng mga salita na maaring ginamit bilang simbolo ng ibang bagay.

A is on top.

A is a letter... A.
Sea could stand as letter... C.
My name, Ella could stand as letter... E.

I started to feel a lump in my throat, swelling.

Letter A is on top. A is One.
Letter C is on three. C is Three.
Letter E is five, as in Five(5).

Mabilis kong kinuha ang notebook ko sa loob ng bag ko. Umupo ako sa couch at mabilis na sinulat ang mga letters in an alphabetical order.

I also wrote the number just right beside each letters that corresponds to their order, from one(1) to twenty-six(26).

Binalikan ko ang series of numbers at matagumpay kong nakuha ang nakatagong mensahe.

Ngumiti ako kahit na hindi ko maiaalis ang kaba ko sa loob.

Ang mensahe ay.

Sino ang pinaka gwapo mong kuya?

Lumapit ako sa pinto at tinipa ang sagot ko.

1-18-3-8 which means Arch.

Para sa akin kasi si kuya Arch pinakagwapo kong kuya. Kahit na bata palang ako nung nakita ko siya.

Tumunog ang parang buzz na sinasabing mali raw ang sagot ko.

Kinabahan ako. Napaisip ako. Gwapo rin si kuya Gally.

I typed 7-1-12-12-25 that means Gally. Para sa'kin gwapo rin ang kuya kong si Gally.

Tumunog ulit ang buzz. Naiinis na ako. Ano pa bang pwede?

Si kuya Charles?

Inimagine ko ang mukha niya.

O sige na, pagbigyan na.

I typed, 3-8-1-18-12-5-19.

Naghintay ako ng buzz. Pero wala akong narinig. The door opened as if like an elevator.

Sa oras na binuksan ko ang pinto, sumalubong sa akin ang lalake. I smiled diabolically. I don't have any choice but to fight back.

I looked stupid, having that dumbest smile in the world. Even my other subconscious got flabbergasted with me smiling, smiling to the man in front of me, to a stranger with a crappy black outfit.

Napaisip pa ako kung anong grupo ng Ninja Clan miyembro siya.

Tinaas ko ang kamay ko na aakalain mong susuko na. He stopped.

“Uhm excuse me, pero parang mali ka ata ng tinungong kwarto. Hindi rito ang party. Ang mabuti pa, hanapin mo nalang ang mga tulad mong nakasuot ng ninja-outfit-whatsoever na 'yan para mas maging madali ang buhay nating lahat. Nahirapan pa nga akong buksan ang pinto na 'to tapos---” my heart started pounding hard against my chest as I caught a glimpse of his right hand.

Mabilis ang pangyayari. Nakita ko kung paano gumalaw ang kanang kamay niya, may binunot siyang matulis sa kanyang likuran at ilang segundo lang ay pinalipad ito patungo sa akin.

Nandilat ang aking mata habang tinititigan ang paparating na kutsilyo. I sidestepped and saw it flew its way just inches away from my left shoulder.

Bumaon ang matulis na bagay sa pinto ng malaking kabinet ni kuya Charles.Tumingin ako sa lalaki. And as if on cue, he advanced his way, attacking me.

Naging abala ako sa pag-ilag sa bawat atake nito. Ngunit may mga bagay lang akong hindi maintindihan. Naging normal ang pagpintig ng puso ko. Na para bang naglalakad lamang ako.

And my body. I was strangely and easily dodging his attacks.

Nanggigigil siyang nagpalipad ng sipa sa akin. Umilag ako at sinuntok siya sa sikmura.

Napaatras siya at napahawak sa tiyan. I took the opportunity at agad siyang sinipa. I advanced and connected my elbow to his face.

He grunted in pain and seconds passed, I found him down, lying on the floor.

Lumuhod ako at inagaw sa kanya ang kutsilyong hawak.




***

A/N:

Sinong nakakuha sa code? Madali lang 'yon kaya hindi ko na gaanong inexplain. At alam kong matatalino kayo.

Sorry sa cliffhanger.

Kamusta ang update?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top