Chapter 26: Blackout

Ella's POV

The man is still in his silhouette image. A couple of minutes have passed but he's still hiding behind the gigantic trees' shadows, tailing us.

Kanina pa nag-uusap at tumatawa ang mga kasama ko habang naglalakad kami pabalik ng baryo. Katatapos lang lang rin naming maligo sa ilog.

Pagkatapos kasi naming kuamin ng lunch, nag-aya si Vanessa na maligo raw kami sa ilog, kaya ayun napaligo kami. Hindi nakasama si sir Loid sa ilog dahil may gagawin pa raw siya sa clinic.

'Nung nagpaalam kami sa kanya na maliligo kami ng ilog, hindi niya kami pinayagan dahil delikado raw. Pero talagang nagpumilit sina Max at Vanessa kaya wala na siyang nagawa at pumayag nalang.

Nasa unahan sina Max at Kezia. Nakasunod naman sa kanila sina Kezia at Nessa sa paglalakad. Tapos kami naman ni Flynn ang sa hulihan.

Habang naglalakad ay pasimple kong sinusulyapan sa gilid ng mata ko ang lalakeng nakasunod sa amin. Kanina pa siya nakasunod sa amin pero 'di ko pinaalam sa mga kasama ko at baka kung anong gawin nila.

Nagtatago lang ang lalake sa bawat punong nadadaanan niya. Hindi ko nga alam kung bakit kinakabahan ako. Dahil kung aatakihin niya man kami, nag-iisa lang siya at anim kami. Siguro naman hindi siya maglalakas loob na atakihin kami dahil 6 VS. 1 talaga ang mangyayari.

Patuloy lang kami sa paglalakad habang patuloy lang din sa simpleng pag-uusap ang mga kasama ko. Tahimik lang kami ni Flynn. Masyado kasi akong nadidistract sa lalakeng kanina pa sumusunod sa amin.

Bakit ba, simula 'nung dumating kami dito palagi na kaming sinusundan ng lalakeng naka itim? Ito nga ba siguro 'yung sinabi ni sir kanina?

May mga umaaligid sa atin dito sa baryo. Delikado tayo dito. Mamaya ko nalang ipapaliwanag sa inyo ang lahat.

Kaya siguro ayaw niya kaming payagang maligo sa ilog dahil totoo ngang may umaaligid sa amin. Pero bakit naman? Wala naman kaming ginawa sa mga tao rito, tumutulong pa nga kami sa kanila.

"Ella. May sasabihin ako." nilingon ko si Flynn nang marinig ang mahinang saad niya.

"Huwag mo 'kong tignan." nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. May gusto siyang sabihin pero ayaw niya akong tumingin sa kanya. Tapos bumubulong lang siya. Eh puwede naman niyang lakasan ang boses niya. May pagkasira pala 'tong si Flynn. Nahawa siguro kakasama kay Max.

"Ella. Makinig ka may sasabihin ako." hindi ko siya pinansin. Tinuon ko lang ang tingin ko sa daan at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ella..." 'di ko parin pinansin ang bulong niya at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Ella..."

"Ella naman..."

"Ella." hindi ko parin siya pinansin.

Nagulat ako nang bigla niya akong inakbayan. Hindi niya ako hinila, idinikit lang niya ang katawan niya sa katawan ko. Kaya naramdaman ko ang sobrang pag-init ng pisngi ko dahil masyado na kaming magkadikit.

"Ella pasensya na, masyado kasing matigas ang ulo mo kaya ginawa ko 'to. Gusto ko lang sanang ipaalala sa'yo na may sumusunod sa ating lalaki. At alam ko rin na alam mo ang tungkol dito."

Nag-init ang pisngi ko dahil sa bulong ni Flynn sa tenga ko. Naramdaman ko ang init ng hininga niya sa gilid ng leeg ko.

Hindi ako lumingon. Nagpatuloy parin kami sa paglalakad habang nakaakbay siya at bumubulong sa akin. "Pinapaalala ko lang sa'yo na huwag mong ulitin ang ginawa mo kahapon."

"Hoy! Oy! Oy! Ano 'yan? Bawal ang SPG dito! Kung gusto niyo 'dun kayo sa masukal na parte ng gubat!" mabilis kaming naghiwalay ni Flynn dahil sa pabirong sigaw ni Vanessa.

Shete naman 'to oh, nakakahiya. Bakit naman kasi lumingon pa si Vanessa? At bakit naman kasi ginawa pa iyon ni Flynn?

Nakayuko ako habang patuloy lang sa paglalakad. Kahit 'di ko man tingnan ang mga kaibigan ko, alam kong nakangiti sila ng nakakaloko. Except nalang siguro kay Kezia, alam kong hindi siya marunong manukso.

"Ikaw Flynn ah. Nakakabakla ang magblush kaya huwag kang magblush dyan." napaangat ako ng ulo dahil sa sinabi ni Kezia. Like seriously? Akala ko hindi siya marunong manukso pero siya pa ang nanukso. Nahawa na talaga siya kina Vanessa.

Pero teka, nagblush si Flynn? Gusto ko sana siyang tignan pero naiilang ako. Cute kasi para sakin 'yung lalaking naka-eyeglass tapos nagbablush.

* * * * *

Hindi nagtagal, nawala na ang ilang ko. At nakabalik na rin kami sa baryo. Mabuti nalang tumigil na 'yung lalaki sa pagsunod sa amin.

Naligo kami ulit sa banyo at baka kasi raw manibago ang balat namin sa tubig-ilog. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa clinic para gawin 'yung mga task namin.

Naging mabuti naman ang daloy ng medical mission namin. May mga nagpakuha ng blood pressure, nagpa check-up at iba pa na ginagawa sa medical mission. Naging isa rin ako sa mga pasyente dahil sa mga sugat na nakuha ko kahapon. Pinagtulungan nina Vanessa at Kiara ang panggagamot sa mga sugat ko.

Sa pagkagat ng dilim ay bumalik na kami sa bahay ni aling Doleng para kumain ng hapunan. Ikalawang gabi na namin dito sa baryong Narra. At bukas ang panghuling araw. Ang malas ko nga lang kasi naligaw ako sa first day ko rito.

As usual naging magiliw ang gabi habang kumakain kami dahil sa pamumuno ni Max. Masyado kasi siyang maingay. Nagsumbong pa sila kay sir Loid tungkol sa nangyari sa amin kanina ni Flynn. Mga bully talaga 'tong mga kaibigan ko. Pero natawa nalang ako sa kanila. Ewan ko ba, imbis na mahiya ay natawa ako. Pati nga si Flynn tumawa na rin.

Mag-aalas-nuwebe na, pagkatapos naming maghapunan ay tumambay muna kami sa balkonahe. Nag-uusap lang kami ng kung anu-anong bagay hanggang sa dumating si sir Loid.

"Punta lang akong clinic. Wala ng aalis dito sa inyo ah. Maliwanag?"

"Opo sir." sagot namin sa kanya. Para kaming mga bata, sabay-sabay pa kaming sumagot. Masyadong napalakas ang boses namin na siyang sumira sa katahimikan ng gabi.

Tinanguan lang kami ni sir saka siya umalis. Tumahimik lang din kami at hinatid namin siya ng tingin habang lumalabas ito.

"You know guys, sir Loid is acting kind of strange lately. I know there's something that's bugging him but I just don't know what. Something..." biglang saad ni Kezia habang nag-iisip ito.

"Pansin mo rin?" tanong naman ni Max kay Kez. Tumango lang ito at nag-iisip parin.

Magkaharap ang upuan namin. Katabi ko si Kiara at Vanessa, bale napapagitnaan namin ni Vanessa si Kiara. Tapos sa harap naman namin, napapagitnaan nina Flynn at Max si Kezia.

"You know, I guess it all started last night. Remember when sir Loid took the "Blue Pain?" After taking that blue pain he got quite distracted. And I don't know, like he was lost in thought thinking about that blue pain." usal ni Kiara. Nakikita ko, hindi lang sa mukha niya kung hindi pati na rin sa mga mukha ng kasama ko ang kuryosidad.

"Ano ba 'yang Blue Pain na 'yan?" tanong ko pa, masyado kasi akong nakucurious.

"Hindi rin namin alam eh. Tinanong ko si sir pero 'di niya ako sinasagot. Parang may tinatago siya." sagot ni Vanessa sa akin. May tinatago si sir? Teka, ako lang ba ang sinabihan niya na delikado kami rito?

"Naging overprotective din siya mula kagabi." dagdag pa ni Flynn. Hindi ko alam kung bakit, medyo kinakabahan ako. Masyado na kasing tahimik ang paligid tapos ganito pa ang pinag-uusapan namin. Idagdag pa na gabi na at nagbubulungan lang kami.

Bakas sa mukha naming lahat ang pagtataka. "Oo. Naging overprotective siya. Kanina 'nung nagpaalam tayo sa kanya ay hindi niya sana tayo pinayagan. Nakita ko rin sa mga mata niya na seryoso siya sa sinabi niyang delikado ang maligo sa ilog." pagsang-ayon ni Max kay Flynn. Mas lalo lang umangat ang kuryosidad ng bawat isa. Gusto kong sabihin sa kanila 'yung sinabi ni sir sa akin kanina, ngunit binubulong ng subconscious ko na huwag.

Nagkatinginan lang kaming lahat na puno ng pagtataka. Ni isa man sa amin ay hindi umiimik. Parang nag-uusap lang kaming lahat gamit ang pag-iisip.

Ramdam na ramdam ko rin ang pagpintig ng puso ko. Hindi naman ako natatakot pero bakit ako kinakabahan?

"CR lang ako." paalam ko saka tumayo. Tumango lang sila saka nagpatuloy na naman sa pag-uusap. Ewan ko, naiihi na tuloy ako sa kakaisip. Madilim na sa labas, mabuti nalang dala ko 'tong g-tech device ko.

Pagkatapos kong magCR, hindi muna ako dumiretso sa balkonahe dahil naisipan kong magpahangin nalang muna rito sa labas.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kadiliman, napakaganda nito. Masarap din sa pandinig ang himig ng gabi.

Noong nakaramdam na ako ng ginaw ay nagsimula na akong maglakad pabalik sa balkonahe. Ngunit napatigil ako sa aking paglalakad nang masagip ng mga mata ko si sir Loid sa 'di kalayuan. Nakikita ko siya pero alam kong hindi niya ako nakikita dahil nasa ilalim ako ng dilim.

Nagpalinga-linga si sir saka mabilis na naglakad paalis. Teka? Bakit parang suspicious 'yung galaw ni sir? Maya maya pa ay tumakbo na si sir.

Lumakas ang tibok ng puso ko. At sa isang iglap lang, nalaman ko na sinusundan ko na pala si sir.

Gusto kong tumigil sa pagsunod at bumalik na lang sa balkonahe. Pero nagpatuloy parin ako sa pagtakbo. Gusto ko sanang gamitin ang g-tech device ko para may ilaw ako sa daan, ngunit hindi ko ito ginamit dahil baka mahuli niya akong sumusunod sa kanya.

Maraming beses na akong muntikang madapa dahil sa mga bato at kahoy na nadadaanan ko. Medyo sumasakit na ang paa ko. Unti-unti na rin akong nanghihina dahil sa mabilis na pagtakbo.

Napatigil si sir sa pagtakbo kaya mabilis akong napatago sa likod ng kahoy. Sobrang sakit ng dibdib ko dahil sa kaba. Napalunok ako at humugot ng malalim na hininga para mapakalma ang sarili ko.

Lalong lumalakas ang kabog ng puso ko habang maingat kong sinilip si sir. Nagtatago rin siya sa likod ng puno. Bakit siya nagtatago?

Maya maya pa ay may dalawang lalaking naglalakad patungo sa punong tinataguan ni sir.

Bakit parang may hinahanap ang dalawang lalaki?

"Sigurado ka ba sa nakita mo?"

"Oo sigurado ako. Kanina niya pa tayo sinusundan."

Si sir Loid ba tinutukoy nila?

"Oh eh asan na?"

Dumilat ang mata ko dahil sa kaba. Lumapit ang lalaki sa punong tinataguan ni sir. Dahan dahang sumandal si sir sa puno habang paunti-unting inilalabas ang isang kutsilyo.

Halos mabingi na ako sa kaba, tagaktak na rin ang pawis ko dahil sa kaba at takot. Takot sa maaaring mangyari.

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang lumakad ang lalaki nang konti. Si sir Loid ngayon ay nasa likod na ng lalaki. Nagpalinga-linga ang lalaki, hindi niya alam na nasa likod niya si sir Loid habang inihahanda ni sir ang patalim.

Napalunok ako, puno ng pawis, habang pinapanood ko ang nangyayari.

"Pinagloloko mo ako. Wala naman eh." asik ng lalaki. Napaatras si sir Loid at dahan dahang sumandal sa katawan ng puno nang umikot ang lalaki.

Parang nabunutan ng tinik ang aking puso nang dumiretso lang ito ng lakad at dinaanan lang si sir. Hindi niya napansin ang presensya ni sir sa ilalim ng dilim.

Naghintay pa si sir ng ilang katahimikan para masiguradong wala na ang dalawang lalaki. Hindi ko narin nakita ang dalawang lalaki.

Sumilip si sir sa kanang bahagi ng puno. Ramdam ko ang kaba. Hindi ko maintindihan kung bakit parang huminto ang oras. Biglang bumagal ang takbo ng oras. Bumagal rin ang galaw niya na nakapagsikip ng aking puso.

Nandilat ang aking mga mata nang may biglang nagpalo ng malaking bato sa likurang parte ng ulo ni sir.

Napatakip ako ng bibig, dahil bilis ng pangyayari, para mapigilan ang ingay na nagbabantang lumabas.

Sa isang iglap, sa isang kisap mata, sa ilalim ng gabi, bumagsak sa lupa...

si sir Loid.

"Akala mo maloloko mo kami ah."

My knees trembled wearily. My heart kept on pulsating, pounding my chest. I was wide-eyed because of being shocked.

Dahan dahan akong napaatras hanggang sa may naapakan akong sanga. At lumikha ito ng malakas na ingay.

"May tao?"

"Ha?"

Nahuli nila akong nagtatago. Hindi ako nagdalawang isip na tumakbo.

Ramdam ko ang pagod, kaba, pagkalito at takot. Sumasakit na ang aking tuhod. Puno ng galos ang aking mga binti.

Sinasabayan ko ng lakas ng takbo ang lakas ng tibok ng aking puso. Sobra na akong natataranta. Kahit 'di man ako lumingon, alam kong nakasunod lang sila. Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo.

Maya maya pa'y hindi ko na narinig ang ingay ng sumusunod sa akin. Ngunit 'di ako nagpatinag at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Baka nakasunod lang sila.

Sa pagtakbo ko, may humila sa akin. Hindi ako nakapalag dahil sa bilis ng pangyayari, mabilis niya akong isinandal sa puno. Inipit niya ako gamit ang sarili niyang katawan sabay takip sa bibig ko. Napapikit ako dahil hindi ako makagalaw.

"Sssssshhhhhh"

Umagos na ang luha ko dahil sa takot at sa bilis ng pangyayari. Napatingin ako sa humila sa akin.

Flynn???

Ngumiti siya ng marahan para mapakalma ako saka dahan dahan niyang tinanggal ang kamay sa bibig ko.

Narealize ko na sobrang magkadikit ang katawan namin. Ramdam ko ang tibok ng kanyang puso. Kinakabahan rin siya.

Maliit ang agwat ng aming mga mukha. 2 inches lang ang distansya nito. Tinitigan niya lang ako. Ramdam ko ang mainit na hininga niya at naaamoy ko rin ang bango nito. Nakita kong napalunok si Flynn.

Magkasabay ang pagtibok ng aming puso. Tila iisa lamang ito. Magsasalita sana ako dahil medyo naiilang na ako nang may bigla akong narinig. Mga yapak ng paa.

"Bilisan mo, alam kong dito tumakbo 'yun."

Magkatitigan lang kami ni Flynn habang pinakikinggan ang mga yapak ng paa.

Maraming yapak ng paa ang narinig ko.
Bakit parang ang dami nila?

Maya maya pa ay unti-unti nang nawawala at humihina ang tunog hanggang nawala na talaga ito sa pandinig ko.

Naghintay muna ako ng ilang oras saka nag salita. "W-wala na sila."

Tumitig si Flynn sa akin saka unti-unting humiwalay sa pagkakaipit sa akin. Nakatitig parin siya at napatitig rin ako sa mukha niya.

Nagulantang ako nang maaninagan ko sa likod ni Flynn ang isang lalaki. Flynn!

Itinaas ng lalaki ang dala nitong bat at mabilis na pinalo sa likurang parte ng ulo ni Flynn.

Nandilat ang mga mata ni Flynn sa gulat at dahan dahan itong napapikit. Sa isang iglap, nakahandusay na siya sa lupa.

"Flyyyyyyyyyyyyynnnnnnnnnn!!!" sigaw ko dahil sa bilis ng pangyayari. Napaluhod ako at hinawakan ang mukha ni Flynn.

Nagpipigil akong umiyak ngunit tuluyan nang umagos ang aking mga luha nang mabahiran ng dugo ni Flynn ang aking palad.

Lumuluha, ngunit galit akong nag-angat ng mukha. Kasabay ng pag-angat ko ang pagtama ng bat sa aking sentido.

Napahandusay ako sa lupa. Unti-unting nanlalabo ang paningin. Hanggang sa...

**Blackout**

Author's Note:

Thanks for reading.

Please vote po.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top