Chapter 26: An Attempt of Murder
Ella the Queen of BLACKOUT. LOL! Hahaha!
Natutuwa talaga ako pag nababasa ko ang comments niyo. So here's an update!
Love you all!
Enjoy!
Chapter 26: An Attempt of Murder
Ella's Point of View
Ginamit ko ang peripheral vision ko para humanap ng kung ano mang pwedeng gamiting panlaban sa kanya.
Ngunit wala akong nakita.
Mahigpit akong napahawak sa kumot.
“Sino ka ba?” kapansin-pansin ang takot na namumuo sa boses ko.
Para lang siyang bingi. Ngumiti siya na parang walang narinig.
Nakahood siya at ang tanging nakikita ko lang ay ang kanyang ngiti. Tumindig ang balahibo ko sa batok.
Itinaas niya ang kanyang kutsilyo na tila naghahandang itarak ito sa akin.
Agad kong itinapon sa kanya ang puting kumot ko.
Saktong bumalot sa kanyang katawan ang kumot, pati ang mukha niya ay natakpan.
Hindi ko na sinayang ang oportunidad kaya agad ko na siyang sinipa sa sikmura.
Dahil hindi pa gaanong bumabalik ang lakas ko, alam kong hindi gaanong malakas iyon.
Napaatras siya sa ginawa kong pagsipa.
Pinilit kong bumangon at bumaba sa hinihigaan ko. Ginamit ko ang natitira ko pang lakas para maglakad patungo sa bintana.
Noong narating ko ang bintana, agad ko itong binuksan. Sumalubong sa akin ang malamig na pagaspas ng simoy ng hangin.
Masyadong mataas kung tatalon ako.
Sa oras na lumingon ako sa likod ko, sumalubong sa akin ang kanyang kamao. Bago pa ito tumama sa akin, agad na akong umilag at sinuntok siya sa mukha.
I felt how hard my fist connected to his face. Masyadong sumakit ang kamay ko sa tigas ng mukha niya.
He lashed his knife but I manage to avoid it.
Sinuntok ko pa siya, ngunit wala paring epekto ito sa kanya.
Napaatras ako, halos mabingi na ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
Nagpalipad siya ng suntok. Agad akong yumuko kaya tumama ang kanyang kamao sa glass ng bintana. Ouch! Masakit 'yon!
Narinig ko pa ang konting pag crack ng bintana. Kung natamaan ako nun, siguradong basag ang mukha ko.
Tinadjakan ko siya sa tuhod, napahawak siya dito. Sinipa ko rin siya sa sikmura kaya siya napaatras.
I got a free time to run. Tumakbo ako. Ngunit ilang hakbang ko lang ay agad niyang inabot ang buhok ko at sinabunutan ito.
Napangiwi ako at sumigaw sa sobrang sakit ng pagkakasabunot niya.
Napahawak pa ko sa kanyang kamay para tanggalin ito.
He whispered in my ear. I can feel the heat of his breath against my neck. Mas lalo lang akong kinilabutan.
“Tatakas ka? . . . You can't. Lalong-lalo na sa oras na ito. Mahina ka!”
Humigpit ang pagkakasabunot niya sa akin. Napaluha nalang ako sa sobrang sakit.
Malakas niya akong tinulak kaya ako napasubsob sa sahig.
Napapikit ako dahil sa lakas ng impact ng pagtama ko sa sahig.
Mahapdi na rin ang tuhod at siko ko.
Pinilit ko ang sarili kong bumangon.
He advanced slowly, every step like a threat. I felt a lump burning inside my throat.
Tinignan ko siya ng masama.
Nakahandusay parin ako sa lapag.
Tumawa siya ng mahina.
“Don't give me that look.”
Para lang akong bingi, patuloy ko lang siyang tinitigan ng masama.
“Baka naman pinapatay mo na ako sa tingin mong 'yan. Oh my God! I'm afraid!” humagalpak siya ng tawa.
May deperensya sa utak ang isang 'to.
“Hindi ka natawa sa joke ko? Tumawa ka!” bigla niya akong sinipa sa sikmura.
Sumigaw ako at namulupot.
Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa sakit. Nahihilo na ako.
“Ella ... Ella ... Ella ... That's the name I've been hearing. I have heard a lot about you. Ang dami nilang nagsasabing malakas ka. Na kakaiba ka.” Naglakad siya nang paikot-ikot sa akin. Habang nagsasalita siya ay nag-isip ako ng paraan kung paano ako makakatakas.
“Talaga lang ha? Ang sikat ko pala. Sayang naman at hindi kayo lumapit sa akin at humingi ng autograph. ” I smirked. Nagbago ang ekspresyon niya, naiinis ito.
That was my intention to give me time to think of any way. But he managed to composed himself.
“Nagtataka nga ako eh, kung ano ba talaga ang meron sa'yo. Malakas ka ba talaga? Ang hina mo nga eh.” Sinipa niya ulit ako sa likod. Napakagat ako sa labi.
“Anyway, bago kita patayin. Gusto kong malaman mo ang dahilan.”
Lumapit siya sa akin at umupo sa harapan ko. Inalis niya ang kanyang hood kaya ko siya nakilala.
As expected, lalaki siya.
Pero hindi siya gwapo, ang PANGIT niya!
Hindi ko siya kilala pero pamilyar ang mukha niya.
“Kilala mo na ako, kaya hindi pwedeng hindi na kita patayin.” Ngumisi siya kaya mas lalo lang siyang pumangit.
“Now listen. Ella, YOU. ARE. A THREAT. TO. US. Specially to our boss. You see, he doesn't want you walking around, giving him a headache. Although I still don't understand why they are afraid of you....” nangunot ang noo ko, ano bang sinasabi niya? “You seemed shock, but yes---”
May biglang tumama sa ulo niya kaya siya natigil sa pagsasalita.
Gumulong sa harapan ko ang mansanas na siyang tumama sa kanyang ulo. Nagkasalubong ang kanyang kilay.
Pareho kaming napatingin sa kanyang likuran.
May maliit na batang nakayakap sa basket na punong-puno ng prutas.
“LAYUAN MO ANG ATE ELLA KO! KUNG AYAW MONG BUGBUGIN KITA SA MGA GULAY NA 'TO! I mean sa mga prutas na ito! Hmp!”
Clark!
Tumayo ang lalaki at lumapit kay Clark. Pipigilan ko na sana siya pero masyadong na akong mahina.
“Hindi! Huwag mo siyang idamay! CLARK! TAKBO!”
Patuloy lang sa pagtapon ng prutas si Clark. Ngunit wala itong epekto sa lalaki.
Imbes na tumakbo ay napapaatras lang ang bata.
Hanggang sa nakadikit na ang likod ni Clark sa mesa.
Hanggang sa nakalapit na siya kay Clark. Kinuha niya mula kay Clark ang basket at pagalit na tinapon ito sa bintana.
Nagkalat sa sahig ang mga prutas.
Akala ko matatakot na si Clark sa ginawang pagtapon ng lalaki. Pero nagkamali ako,...
“Wag kang mag-alala ate! Ililigtas kita!”
Paulit-ulit na sinuntok ni Clark ang bandang tiyan ng lalaki. Pero wala itong epekto sa lalaki.
“Huwag na huwag mo siyang hawakan! Kung ayaw mong ...”
Lumingon ang lalaki sa akin. At ngumisi ito.
“Kung ayaw mong ano? Bakit? Anong gagawin mo sa akin pag hinawakan ko bulilit na 'to?---”
Mahigpit niyang hinawakan si Clark sa kaliwang braso nito.
“Paano ba 'yan, Ella plus this kid is a big reward from the boss. I'll be praised by many. That would be great.” ngumisi siya na abot hanggang tenga.
Bakit ang hilig niyang ngumisi? Ang pangit niya!
“Anyway, I guess it's best to kill this kid first. Gusto kong panoorin mo kung paano ko patayin ang batang ito.” Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ng bata.
Napangiwi si Clark. “A-aray! Bitawan mo ko! Aray! Ateee!”
My eyes burned like a wildfire. I was eaten by adrenaline rush.
That's it!
Seconds have passed. Mabilis akong tumayo at tinapon sa lalaki ang kutsilyong kanina ko pa hawak.
Bumaon sa kanang braso ng lalaki ang kutsilyo.
Napasigaw siya at nabitawan niya si Clark.
“Clark takbo!”
“Yes ate,...” tumakbo si Clark at nagtago sa ilalim ng kama.
Patakbo kong nilapitan ang lalaki at sinipa ito. Tumama ang likod niya sa mesa na siyang naglikha ng malakas na ingay. Napangiwi siya.
While he was left astounded, I directly gave him a punch in his gut. Malakas ko rin siyang tinuhod sa sikmura.
Napapahiyaw siya sa bawat atake ko.
Napaluhod siya at namilipit sa sahig dahil sa sakit.
Umubo pa siya ng paulit-ulit. Habol ko ang hininga ko at tila naging tambol na ang puso ko dahil sa lakas ng tibok nito.
“Tama na, parang awa mo na.” napasmirk nalang ako sa pagmamakaawa niya.
Yumuko ako at mabilis na binunot ang kutsilyo. Napahiyaw siya at hinawakan ang dumudugong braso.
“You see, you can't kill me. Because I'm the one who KILLS!”
Itinutok ko sa kanya ang kutsilyo. I let the tip of the knife touch his neck.
“Lest you are wondering, kinuha ko ang kutsilyong ito sa'yo kanina noong nilapitan mo ako.”
I can see him shivering. His heartbeat pulsating fast.
“Can you see death? Can you feel death approaching? Reaching for you?” I smiled diabolically. His fear was growing even larger.
“P-patawarin mo ako, m-maawa ka, Ella. Pangako hindi na kita guguluhin. H-huwag mo akong patayin.” Tumulo ang luha niya, I saw how the drop of his tear dripped like a thick blood.
Ilang segundo lang, tila bumalik ako sa reyalidad.
“Ms. Ellizabeth? Open the door!”
“Ella? Ba't nakalock 'to? Buksan mo ang pinto!”
“Ano na bang nangyayari dyan sa loob?”
Napalingon kaming dalawa sa pinto. Maraming tao ang sumisigaw sa labas ng kwarto.
“Where's the goddamn key?!”
“Hurry!’’
Tinignan ko ulit ang lalaki. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa kutsilyo.
Tumingin ako sa nabukas na bintana. Naramdaman ko ang biglang pagpasok ng malamig na hangin.
“S-sige na. Tumakas ka, no one will know.”
Tila nagulat siya sa sinabi ko. Dahan-dahan siyang tumayo habang ako naman ay nakatutok parin ang kusilyo sa kanya. Just incase masiraan siya ng bait.
Paika-ika siyang naglakad patungo sa bintana. Umakyat siya rito.
Bago siya tumalon, lumingon siya sa akin.
He smiled. Not the smile I saw earlier, but a genuine one.
“Ella, alam ko na kung bakit special ka. It is because of your heart. Sana dumating ang panahon na makaganti ako sa'yo. I will not continue my mission. But I'm warning you na marami sila sa paaralang ito ang umaaligid sa'yo. Paalam.” he smiled again, saka siya tumalon.
The knife fell from my grip. And it clatterd against the floor. Naramdaman ko nalang ang mainit na likido sa pisngi ko.
Hindi ko pinansin ang ingay ng sigawan at katok sa labas.
Bigla kong naalala si Clark.
“Clark, lumabas ka na, wala na siya.”
Gumapang si Clark palabas mula sa ilalim ng kama.
Timingin-tingin siya sa paligid.
“Wala na po ba 'yong bad person ate?”
Ngumiti ako to give him comfort. Wala na, sige na lumabas ka na.
“Yehey,” kahit nasa ilalim pa siya ng kama, biglang tumayo si Clark kaya malakas siyang nauntog sa bakal.
“Aray ko po, mama ko.” Napahawak si Clark sa ulo niya at umiyak ng malakas.
“Naku naman, magdahan-dahan ka kasi Clark. Halika ka nga dito.” Nilapitan ko siya at kinarga habang umiiyak.
“Ssssshhhhh, tahan na.”
Napalingon ako sa pinto nang bigla itong bumukas.
Iniluwa nito ang isang doctor, dalawang nurse, si kuya Charles, Vanessa at Flynn.
Pumasok sila at sabay-sabay na nagtanong. Sinabi ko nalang na sa susunod na ako magpapaliwanag.
Naalala ko na lang ang lalaki.
Max, I don't know why but I can still remember you. Maximum Bane.
***
Can you still remember him? Max? Comment if you do.
kuya_mark
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top