Chapter 25: Mga Matang Nagmamasid
Ella's POV
Tahimik lang kaming naglalakad ni Gab. Habang naglalakad ay sinusubukan kong ifamiliarize ang daan dito sa masukal na gubat. Medyo maputik din ang daan dahil sa ulan kagabi.
At medyo mainit na rin dahil alas-diyes na ng umaga. Ang sarap ng hangin, ngayon ko lang din na appreciate ang kagandahan ng gubat.
Hindi ko naman kasi maaapreciate ang kagandahan ng gubat kahapon dahil sa naliligaw ako. Ngunit ngayon, talagang pansin ko ang koneksyong taglay ng mga nakikita ko. Mapa hayop man ito, mapapuno o halaman.
Nakakarelax ang paligid. Ramdam ko ang intensity ng kulay ng bawat puno at halaman. Masarap rin sa pandinig ang mga mumunting huni ng mga ibon.
Binigyan ko ng sulyap si Gab at nakikita ko sa mukha niya ang tranquility.
"Gab may tanong ako, pero huwag ka sanang maoofend ah." pagbubukas ko ng usapan.
"Ano 'yun?" nakatanaw lang siya sa daan habang patuloy lang sa paglalakad.
"Bakit ba puti 'yang buhok mo? Nagpakulay ka ba?" medyo na weirduhan ata siya sa tanong ko. Curious lang naman kasi ako eh.
"Ah ito? Normal na kulay na 'to ng buhok ko." sagot niya habang hinahawakan ang buhok niya.
Tumango nalang ako bilang sagot. "Saang school ka naman nag-aaral?" tanong ko ulit. Ayaw ko naman kasing maglakad na walang imikan.
"Hindi na ako nag-aaral." nangunot naman ang noo ko dahil sa sagot niya. Seriously? Hindi na siya nag-aaral? Mabuti pa siya wala ng haharaping sakit sa ulo. Ako, hindi lang sakit sa ulo ang haharapin ko sa Blue Moon High. Sakit sa tiyan at sa buong katawan.
"Ikaw? Saan ka nag-aaral?" tanong ni Gab habang seryoso akong tinititigan.
"Sa BM High."
"BM what?"
"Sa Blue Moon High. Kakatransfer ko lang this school year." paglilinaw ko. Napashare na naman ako sa kanya.
"You mean start na ng class? Hindi ba vacation niyo pa?"
"Most of the schools ay vacation pa ngayon. Pero kakaiba kasi 'yung napasukan kong school, accidentally. Wala silang sinasayang na oras." biglang rumehistro ang pagtataka sa mukha ni Gab.
"Accidentally?" tanong niya. Bibig ko naman oh, bakit ko ba nasabi pati 'yun?
"W-wala. Amm. So, mag-isa ka lang bang nakatira 'dun sa tree house mo? Ang ganda 'nun ah." pag-iiba ko agad ng usapan. Sana naman tumalab.
"Ha? Salamat. Oo. Mag-isa lang ako 'dun. Nagbabakasyon lang 'din kasi ako." salamat at sinabayan niya ang tanong ko. Muntik na ako 'dun ah.
Marami pa kaming napag-usapan habang naglalakad. Mga kaunting bagay lang naman. Hanggang sa 'di ko namalayan na nakarating na pala kami sa baryong Narra.
Mula dito ay tanaw ko na ang mga mga bahay. Naririnig ko rin ang mga tawanan, sigawan, at mga naglalarong bata.
"Maraming salamat talaga Gab. Utang ko sayo ang buhay ko. Kung 'di dahil sayo baka nalunod na ako sa baha kagabi. Nilabhan mo pa 'tong damit ko. Sana... Sana magkita tayo ulit." ngumiti si Gab sa naging saad ko.
"Okey lang 'yun. At least naman may nakilala akong tulad mo. Tsaka, ako rin. Nararamdaman kong magkikita pa tayo." ginantihan ko ang ngiting binigay ni Gab sa akin. Sana nga.
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Alam ko na hindi pa umalis si Gab. 'Di pa ako nakakalayo ay biglang nagsalita ito.
"Ingatan mo ang kutsilyong 'yan. Importante 'yan sa akin." napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig. Hinarap ko siya kaya lang nakatalikod na ito at humahakbang na palayo.
"I will... I will Gab." - sa isip isip ko saka nagpatuloy sa paglalakad.
* * * * *
Dumiretso ako sa bahay ni Aling Doleng para ilagay sa bag ko itong kutsilyong kinuha ko kay Gab. Nagbabasakali rin kasi ako na baka nandoon lang ang mga kasama ko.
Pagpasok ko sa bahay, wala ang mga kasama ko ngunit nadatnan ko si aling Doleng na nagluluto.
"Amm. Magandang araw po aling Doleng." saad ko. Nagulat si aling Doleng sa presensya ko kaya mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ng mahigpit ang dalawa kong kamay.
"Diyos ko saan ka ba nagpupunta bata ka? Alalang-alala na kaming lahat sayo. Kahapon ka pa pinaghahanap ng mga kaklase mo kasama si sir Loid niyo. Bakit ka ba nawala? Sandali lang kitang iniwan kahapon tapos pag balik ko wala ka na." sunod sunod na sabi ni aling Doleng.
Nakikita ko sa mga mata nito na talagang nag-alala sila. Naku naman oh. Kahapon pa pala nila ako pinaghahanap. Sakit sa ulo lang ang binigay ko sa kanila.
"Pasensya na po talaga. May tiningnan lang ho kasi ako tapos 'di ko namalayan na lumalayo na po pala ako sa baryo. Kaya po ako naligaw. Pero may tumulong naman po sa akin kaya naka uwi na ako." pagpapaliwanag ko. Naku naman oh, nagsinungaling na naman ako.
Wala naman akong magagawa kundi ang magsinungaling. Hindi ko rin puwedeng sabihin sa kanya ang buong storya dahil ayokong mag-alala pa siya.
"Salamat naman kung ganun iha. Baka kung ano pa ang nangyari sa'yo kapag nagkataon."
"Saan nga po pala sila?" tanong ko naman sa matanda.
"Gaya nga ng sinabi ko, hanggang ngayon pinaghahanap ka pa nila." hanggang ngayon? Kawawa naman sila, 'di parin tumitigil sa paghahanap.
"May dalawang babae ang nagpaiwan sa clinic para kahit papaano, magampanan parin ninyo ang medical mission. Hindi ko nga lang alam ang pangalan nila. Nahihirapan narin kasi akong magmemorya ng pangalan iha." tumango ako sa sinabi ni aling Doleng. Mabuti naman at may nagpaiwan. Malaking perwisyo talaga kung silang lahat ang naghanap.
"Thank you po. Punta lang po akong kwarto." bigay paalam ko kay aling Doleng saka dumiretso sa kwarto.
Kinuha ko sa loob ng bag ko ang g-tech device ko. Dapat kasi hindi ko iniwan 'to. Hindi pa sana ako naligaw kung dinala ko 'to kahapon dahil madali ko namang macocontact sina sir Loid gamit ito.
Magsusuklay na sana ako kaso hindi ko mahanap ang suklay. Alam kong nandito lang 'yun sa bag ko eh.
Tumigil na ako sa paghahanap at ginamit ko nalang ang daliri ko para kahit papaano ay maiayos ko ang aking buhok.
Nasa likurang bulsa ko parin ang kutsilyo ni Gab. Tinamad na akong ipasok ito sa bag ko.
Pagkalabas ko ng kwarto, nadatnan ko si Kiara na umiinom ng tubig. Biglang nanlaki ang mata niya.
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!" sigaw niya at sumunod ang tunog ng nabasag na baso.
Sinugod niya ako at mahigpit akong niyakap. At hindi niya man lang pinansin ang nabasag na basong ininuman niya.
"Ella...We were sick worrying about you! Day and night, we kept on looking for you but we just can't find you!"malungkot na saad ni Kiara. Pero may bahid rin itong saya. "Wag mo nang gagawin 'yun ah!" dagdag pa ni Kiara habang yakap-yakap parin ako.
Nakayuko si Kiara habang humihiwalay ako sa yakap niya. At ayun, nalaman kong umiiyak siya.
"Kiara, sorry huwag ka nang umiyak. Sorry talaga. Nandito na naman ako oh. Buong-buo." pagpipigil ko sa kanya. Nakokonsensya kasi ako eh. Buong araw at gabi pala talaga nila akong hinanap.
Tumango lang si Kiara habang nagpapahid ng luha niya. Para siyang bata kung titignan.
"Oh. Binasag mo pa 'tong baso mo. Kawawa naman si aling Doleng nito." sabi ko saka lumuhod para pulutin ang nagkapira-pirasong baso.
Lumuhod rin si Kiara habang nagpapahid parin ng luha niya. Kahit hindi ko man makita, alam kong nakasulyap siya sa mukha ko.
"T-teka. Napano 'yang noo mo? Ba't may gasgas?" naiintrigang tanong ni Kiara. Ito na nga bang sinasabi ko, magiging storyteller na naman ako nito.
Napatingin ako sa kanya saka tumayo para itapon sa trash bin ang nabasag na baso. Pagkatapos, dumiretso na ako ng upo kaya sumunod naman si Kiara. Humugot muna ako ng malalim na hininga saka nagsimulang magsalita.
Ikinuwento ko kay Kiara lahat ng nangyari sa akin. Simula nung hinabol ko ang lalaki sa likod ng puno, na naging rason pa para maligaw ako, hanggang sa gabing umuulan at nung nahanap ko ang tree house ni Gab.
Tumatango lang si Kiara habang nagkukuwento ako. At napasinghap pa siya sa parte ng kuwento ko na hinabol ako ng aso at pati 'yung may nakabangga akong dalawang lalake. Hindi ko na sinabi sa kanya 'yung parte na may nakita akong anino, baka kasi matakot pa siya.
"Mabuti naman at may nahanap kang tree house." pagkukomento ni Kiara sa huling sinabi ko. Tumango lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon.
"Kaya sa susunod, huwag mo nang sundin ang curiosity mo. Naligaw ka pa tuloy. Pero ano 'yung sinabi mo na may nahanap kang lalake? Ilan nga ba 'yun? Dalawa?" puno ng kuryosidad na tanong ni Kiara.
Tumango ako habang sumasagot. "Oo. Dalawa, bakit?"
"Para kasing tumutugma ang mga nangyari sayo kahapon sa nahanap namin kagabi eh." bigla namang nangunot ang noo ko sa naging pahayag ni Kiara. Nakikita ko rin sa mukha ni Kiara na nag-iisip siya. Parang may mga bagay siyang ikinokonekta.
"Tapos 'di ba may humabol na aso sa'yo? Paano ka nakatakas? Namatay ba 'yung aso?"
"Oo. Pero 'di ako ang pumatay ah. Akala ko nga kakainin na ako ng asong 'yun pero nagtaka nalang ako nang bigla nalang itong nawalan ng malay. Or worse ay namatay." pagpapaliwanag ko na dumagdag pa sa namumuong curiosity ni Kiara.
"Kagabi kasi may nahanap kaming aso at under paralysis ito. Baka kasi iisa lang ang asong humabol sayo at ang asong nahanap namin kagabi." saad ni Kiara na nakapaglikha ng curiosity sa utak ko.
"Posible. Pero ewan ko rin. Baka naman kasi iba ang asong nakita niyo sa humabol sa akin."
"Ewan ko rin eh. Pero hindi ba Ella, sinabi mo rin na may nagligtas sa'yo laban sa dalawang lalakeng nakabangga mo kahapon?" tumango lang ako bilang sagot kay Kiara.
"Ilan ba sila?"
"Nag-iisa lang ang taong tumulong sa akin kahapon eh. Pero hindi rin ako sure dahil nawalan na ako ng malay afterwards. Baka naman kasi may dumating." lalong lumawak ang curiosity ni Kiara dahil sa sagot ko.
"That's the thing eh. Namatay ang asong humabol sa'yo. Namatay rin 'yung nahanap namin kagabi. May nakabangga kang dalawang lalaki saka may nagligtas sayong nag-iisang lalaki. Tapos may nadatnan naman kaming dalawang lalaki which are paralyzed." huh? May nadatnan silang dalawang paralyzed na lalaki? Hindi kaya sila rin 'yung mga lalaking nakabangga ko kahapon?
"Nadatnan namin ang dalawang lalaki at paralyzed ang mga ito. Tinulungan sila ni sir Loid kaya bumalik sila sa dati. Kaya lang sinabi nila na iisang lalake lang ang nakapagparalyze sa kanila." iisang lalake? Baka siya 'yung tumulong sa akin.
"At nakakakilabot pa dahil sabi nina Max at Kezia, isang bullshido o angampora user daw ang umatake sa dalawang lalaki." bullshido? Angampora? Ano naman 'yun?
"Posible daw na isang master ng martial art ang nakabangga ng dalawang lalaki." dagdag pa ni Kiara.
"Hindi naman siguro iisa ang lalaking 'yun sa lalaking nagligtas sa akin. Mukhang mabait naman kasi 'yung tumulong sa akin eh." saad ko pa.
"Hindi rin tayo nakakasiguro Ella, lalo pa't tumutugma ang mga pangyayari." tumango nalang din ako sa naging saad ni Kiara. Napaka curious naman ng batang 'to.
"Hmm. Tinanong niyo ba 'yung lalake kung may nakita silang babae?" tanong ko pa.
"Oo. Pero sabi nila wala raw silang nakitang babae sa gubat." tumango ako sa sagot niya. O diba? Baka hindi talaga iisa ang dalawang lalakeng humabol sa akin sa nadatnan nila.
"Pero ano bang itsura ng aso? Malaki ba? Itim ba 'yung kulay?" tanong ko pa.
Napaisip naman si Kiara.
"Oo. Malaki ang aso at itim ang balaho nito. Sabi ni Flynn isang Great Dane daw ang asong iyon. And that Great Dane is a large German breed of domestic dog which is known for its giant size. Sa pagkakarinig ko rin Sol ang pangalan ng aso. At ang dalawang lalaki 'din ang may-ari ng aso. Nakatakas raw ito kaya hinanap nila sa gubat."
"Sol?" nagtaka ako. Sol rin 'yung hinahanap ng dalawang lalake kahapon. Ibig sabihin iisa lang ang taong nagparalyze at nagligtas sa akin. Pero ibig sabihin rin nito, isang master ng martial art ang nagligtas sa akin. Buti nga sa mga lalaking 'yun. Naparalyze sila. Muntik pa akong magahasa.
"Oo. Sol, bakit?" sasagot na sana ako kay Kiara nang dumating sina Vanessa.
Kaya ayun, napakwento na naman ako ng buong storya sa kanila, nakakapagod nga eh. Sumakit 'yung baba ko. At dahil may detective way of thinking itong sina Kezia, nasabi nilang iisa lang ang lalaking nagparalyze at ang lalaking nagligtas sa akin. Mabuti nalang daw at may nagligtas sa aking lalaki.
Grabe din ang panenermon ni Vanessa sa akin. Natawa nalang ang lahat sa inasal niya.
Bumalik sila rito sa bahay ni aling Doleng para kumain ng lunch at plano pa nilang bumalik agad sa gubat para hanapin ako. Mabuti nalang daw at nakabalik na ako, kung hindi baka lalo raw silang kabahan. Nakakakonsensya talaga sila. Ganoon pala talaga sila nangamba.
Pagkatapos ng mahabang usapan namin, umupo na kami sa harap ng mesa para makapaglunch.
"Asan ba si sir Loid?" tanong ni Kiara.
"Nasa labas lang 'yun kanina eh. Hintayin nalang natin siya." sagot ni Max kaya tumango si Kiara.
"Tatawagin ko nalang siya." pagvo-volunteer ko. Tumango naman silang lahat. Nag-volunteer na ako kasi alam kong ayaw nilang kumain ng hindi magkakasabay.
Nahanap ko si sir Loid sa labas ng bahay ngunit may kausap ito sa telepono. Nakatalikod siya sa akin kaya alam kong 'di niya napapansin ang presensya ko.
"Anong ibig ninyong sabihin?.. What?! A bait?!.. Sh*t!!! Bakit 'di niyo sinabi agad?! Delikado ang mga estudyante ko!!! Bakit 'di niyo ginamit ang Four Kings?! O ang 4 Queens!? Sana pina--- hello? sh*t! Binabaan ako." sabi ni sir saka napailing. Hindi ko alam kung bakit parang galit siya. Bahagya rin niyang hinilot ang sentido niya.
Tsaka anong ibig sabihin ni sir na delikado ang estudyante niya? Kami ba ang tinutukoy niya?
Bahagyang nagulat si sir Loid sa kanyang paglingon dahil sa presensya ko.
"Oh. Ella kanina ka pa?" tanong niya habang nilalapitan ako. Biglang nagbago ang boses niya. Parang meron siyang tinatago. Feel ko lang naman.
"Hindi ho. Kararating ko lang. Ipapaalam ko lang sana sa inyo na kakain na." sagot ko pa.
Nagulat ako nang marahang hinawakan ni sir Loid ang magkabilang braso ko saka nagsalita ng mahina. Parang bulong lang ito.
"Ella makinig ka." Nagpalinga linga muna siya bago nagpatuloy.
"May mga umaaligid sa atin dito sa baryo. Delikado tayo dito. Mamaya ko nalang ipapaliwanag sa inyo ang lahat."
* * * * *
Author's Note:
Salamat sa pagbabasa. This Friday or Saturday siguro ang next update. Hehe
Please vote.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top