Chapter 24: Gabriel
Ella's POV
"Tulungan mo siya."
"Tulungan mo siya."
"Hoy! Gumising ka nga."
"Tulungan mo siya."
"Ha? Sinong tutulungan ko? Hoy!"
Nagising ako dahil sa malakas na pagyugyog sa akin. Pagmulat ko, bumungad sa akin ang pawisan na katawan ng lalake.
Sa pagkagulat ay napabalikwas ako ng bangon at lumayo sa kanya. Kinusot ko ang dalawa kong mata para mawala ang antok ko.
"Nakakasakit ka ah. Para mo na ring sinabi na ampanget ko." sabi niya saka ng pout. Bakla ba siya? Kung makapout.
"Ah. Hindi, ahm." sagot ko. Wala akong maisip na pwedeng sabihin eh.
"Ginising kita kasi kanina kapa nanginginig. Mainit ka rin, kaya sa tingin ko nilalagnat ka. Para karing binabangungot. Paulit-ulit mong sibasabi "Tulungan mo siya, tulungan mo siya. Eh sinong tutulungan ko? Adik ka?" mapagbirong sabi niya saka tumayo. Bigla namang nangunot ang noo ko sa naging saad ng lalake.
"Sinabi ko 'yun?" he just nodded.
Well, bumalik nalang ako sa kama at umupo.
Ano ba kasi 'yung panaginip ko? Nakakainis talaga ang ganitong klase ng panaginip. 'Yung tipong, it's already at the bottom of your tounge but you still can't say it. Grrrr.
"Heto nga pala. Pasensya kana kung ito lang maibibigay ko sayo." inilapag ng lalake sa kama ang tray na may lamang cup noodles, glass of milk, tubig at saka isang tablet ng gamot.
"'Yan lang kasi ang maihahanda ko sa mabilis na oras. Nakalimutan ko rin kasing itanong sayo kagabi kung kumain kana." sabi niya sabay napakamot sa batok.
"Thank you." sabi ko sabay ngiti. "Ano kaba okey na 'to para sa akin noh. Mara mi na 'to." kinuha ko ang cup noodles saka sinimulang kainin ito. Sobra na pala talaga akong nagugutom.
"Sige. Kung may kailangan ka nasa labas lang ako." lalabas na sana siya ng kwarto kaya tinanong ko na siya. "Ano nga palang pangalan mo? Ellizabeth name ko, pwede mo 'kong tawaging Ella." sabi ko kahit puno pa ng noodles ang bibig ko. Kasi naman, kagabi pa kami nag-uusap pero 'di parin namin kilala ang isa't-isa.
"Ella? Bakit parang? Pero impossible naman ata." sabi niya sa sarili.
"Ha? Bakit? Anong imposible?" tanong ko, ano namang imposible sa pangalan ko?
"Ha? Ah. Wala. Hehe. Gabriel pangalan ko, pero tawagin mo nalang akong Gab. Hehe." sagot ni Gab daw. Tumango naman ako. Siya naman ay umalis na rin.
Dahil sa gutom ko, tinuon ko nalang ang pansin ko sa pagkain. Naisip ko pa na baka may lason itong noodles. Pero mukhang mabait naman si Gab eh.
* * * * *
Nagsimula ng magpenetrate ang sinag ng araw sa loob ng kwarto. Chineck ko ang wrist watch ko at nalaman kong 7:21 AM na pala.
Kakatapos ko lang din namang kumain kaya tumayo na ako at naghanap ng shorts na pwede kong gamitin.
Sa paghahanap ko ay nasagip ng mga mata ko ang isang shirt at shorts na naka hanger sa pinto ng kabinet. "Shirt ko 'to, tsaka shorts ko rin ito." bulong ko sa sarili ko.
Ang bango naman. Sobrang bait talaga nitong si Gab. Pinaglabhan pa ang taong kagaya ko na 'di niya kilala. Napangiti nalang ako sa naisip saka nagbihis.
Naabutan ko si Gab sa labas ng Tree House na naglalaro. Parang dartgames 'yung nilalaro niya, hindi ko alam eh. Basta may dart board sa puno at tinatarget niya ito. Ang kaibahan nga lang ay tinatarget niya ang dart board gamit ang maliliit na kutsilyo.
Mukhang 'di ako napapansin ni Gab kasi naka piring 'yung mata niya. Lumapit ako pero 'di gaanong malapit sa kanya.
Mga 20 feet siguro 'yung layo ni Gab sa dart board. At nakatayo siya sa harap ng lamesa kung saan may set ng iba't-ibang maliliit na kutsilyo.
Pinapanood ko lang si Gab habang kinukuha niya ang isang kutsilyo.
Sa pagkurap ko, pinalipad niya sa ere ang kutsilyo at sumapul ito sa dart board.
Woooooowwww - sabi ko sa utak ko. Paano niya nagawa 'yun? Nakapiring ang mga mata niya pero nagawa niya paring isapul ang kutsilyo sa mismong gitna ng dart board.
Kumuha na naman ng isa pang kutsilyo si Gab. Hinintay ko siyang itapon ang kutsilyo. Ngunit imbis na itapon ay inilahad niya ito sa akin at nagsalita. "Gusto mong subukan?"
Bakit niya alam na nandito ako? May sixth sense siya?
Tinanggal ni Gab ang piring sa mga mata niya saka nagsalita ulit. "Halika, baka gusto mong itry? Madali lang naman 'to."
"Hindi na. Wala akong alam sa mga ganyan eh. Ikaw nalang." pagtanggi ko sabay ngiti.
"Halika na nga dito. Huwag ng mahiya. Tuturuan naman kita eh." wala na akong nagawa kundi pagbigyan siya. Tutal gusto ko rin naman kasing matuto. Naaalala ko kasi 'yung binigay na test ni kuya Charles sa 'kin.
"Unahin muna natin 'yung grip. Maraming klase 'yung paraan ng grip sa kutsilyo. Pero gagamitin natin ang "pinch grip" dahil madali lang 'yun."
"Ganito ah. Just pinch the tip of the tip of the knife between your thumb and the second knuckle of your index finger. Tapos i-curl mo 'yung tatlo mo pang daliri." sinunod ko lang ang sinabi ni Max at nagawa ko naman ito. Hindi kaya mahiwa ko ang daliri ko nito? Huwag naman sana.
"Ayan. I-relax mo 'yung katawan mo. Tumayo ka ng matuwid hanggang sa maging comfortable ka. Tapos itapon mo ang kutsilyo as hard as you can." sinunod ko lahat ng sinabi ni Gab hanggang sa handa na ako sa pagtapon ng kutsilyo.
Nagconcentrate ako kuno, then I sighted the center spot of the dart board. Pagkatapos kong itutok ang kutsilyo ay malakas ko itong tinapon sa ere.
Imbis na umikot sa ere ang kutsilyo ay nagpatambling tambling lang ito sa lupa. Ayan. Nahiya naman ako.
"Sabi ko sayo diba? Hindi ako marunong." reklamo ko saka nag crossed arms.
"Kaya nga tuturuan kita diba? Tiyaka, wala namang taong matututo agad sa isang turo lang. There is always a first time for everything. And one must first learn how to walk before learning how to run." saad ni Gab. Wooow hah? Hugot 'yun.
I just rolled my eyes then tried again. Again. And again. And again. And again. Baka naubos ko na lahat ng ulit pero wala paring nangyayari.
Si Gab naman ay nakabantay lang habang patuloy lang sa panenermon sa akin.
Siya kaya rito sa sitwasyon ko? At ako ang manermon sa kanya?
Gusto ko ng sumuko pero sinasabi ng subconscious ko na magpatuloy lang ako.
Ninanais ko rin naman kasing matuto nitong throwing knives na 'to para naman may konting alam ako. Pero wala talagang akong improvement o kahit katiting na progress man lang.
"Alam mo. Medyo mali kasi 'yung paraan ng pagkakasight mo sa dart board eh." biglang saad ni Gab kaya naiirita akong napalingon sa kanya.
"Ganito ah. Nakahawak ka na ba ng hammer?" tanong niya sa akin.
"Oo naman. Marami kami sa bahay niyan noh."
"Okay. Bago mo itapon ang kutsilyo, titigan mo na muna ang target mo. Grip your knife, raise it and then throw it as if you are about to hammer a nail into a wall at eye level in front of you. Get that?" aniya Gab. Hmp! Nagpa english english pa eh pwede namang magtagalog.
Inisip ko ang lahat ng instructions na binigay ni Gab saka ko ini-apply ang lahat ng iyon.
I threw the knife as fast and as hard as I can thinking that I'm hammering a nail.
Hindi sumapol sa gitna ang kutsilyo pero natamaan ko parin ang dartboard. And the knife dig deep in the dart board.
Ang saya ko. Pakiramdam ko great achievement ito para sa akin. Hindi ko mapigilang ngumiti ng malapad dahil sa kaunting saya.
"Nakita mo 'yun Gab? Ang galing ko. Ang ga--- Gab?" saan nagpunta 'yun?
Nagpalinga linga ako at nakita ko siya sa gilid na puno. Nakatalikod siya sa akin. Kakausapin ko na sana si Gab pero narinig kong may kausap siya sa cellphone.
Aalis na lang ako dahil ayoko namang makinig sa kanya. Baka sabihin niya nag-e-eavesdrop ako.
"Oo, sorry nga... Hindi ko naman alam na siya 'yung Ellang tinutukoy niyo..." huh? Ella? Bakit parang narinig ko pangalan ko? Hindi ako sure dahil medyo sira na rin itong pandinig ko.
"Tinuturuan ko pa siya... Sigurado ba kayong siya ito? Parang ang hina naman ng utak..." ako ba tinutukoy niya? Pero imposible naman atang ako. Bakit naman ako pag-uusapan ng mga taong 'di ko pa kilala? Makaalis na nga, nagiging tsismosa na tuloy ako.
"Mamaya... Oo---?"
Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ni Gab dahil umalis na talaga ako.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalaro ng dart board. Kumuha ako ng tatlong kutsilyo at sunod-sunod ko itong itinapon sa ere.
Magkakasunod na sumapol sa dart board ang tatlong kutsilyo, pero hindi parin ito sumapol sa mismong gitna ng dartboard.
Hindi na ako gaanong nakaramdam ng tuwa sa nagawa ko. Dahil siguro ito sa iniisip ko. Tama nga kaya ang narinig ko kanina? Sinabi niya ba talagang Ella? Ako nga ba ta--
"Galing mo ah!"
Ay kabayo!
"Saan ka ba nanggaling?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na pinahalata sa kanya na nagulat ako.
"Ha? Ah. Nag CR lang ako. Hehe." napakamot naman siya sa batok niya. Nag CR pala ah. Nagsisinungaling siya. May tinatago siya sa akin. Bakit siya nagsisinungaling? Sino kaya 'yung kausap niya kanina?
"Siya nga pala Ella. Bakit mo nga pala pinasok ang bahay ko kagabi?" tanong ni Gab saka umupo sa mesa. Sinisipa sipa niya pa na parang bata ang dalawang paa sa ere.
Sasabihin ko nalang sa kanya ang totoo. Wala naman sigurong masama.
"Kahapon kasi ng umaga, may nakita akong lalaki na nagmamasid sa akin."
"Lalaki?" sabat agad ni Gab.
"Oo. Ewan ko, basta nakatingin siya sa akin habang nagtatago sa malaking puno. Tapos, bigla nalang siyang tumakbo paalis. Medyo na curious naman ako kaya sinundan ko siya."
"At naligaw ka?" pagbibigay konklusyon ni Gab sa sinabi ko.
"Oo." umupo na rin ako sa mesa. "Naligaw ako tapos may humabol sa aking aso." bigla naman siyang napatawa ng malakas.
"What? Hinabol ka ng aso? O eh bakit buo kapa ngayon?" saad ni Gab habang natatawa parin.
"Patapusin mo nga muna ako." inirapan ko naman siya. "Hinabol ako ng malaking aso, akala ko nga mamamatay na ako. Pero imbis na ako ang mamatay, biglang nawalan ng malay ang aso. Feeling ko nga namatay na 'yun."
Ngunot naman ang noo ni Gab. Hindi ko pinansin iyon at nagpatuloy lang ako sa pagsasalita.
"Inabot ako ng gabi sa masukal na gubat na 'to hanggang sa dumating ang malakas na ulan. Hindi ko nga alam kung matatawag pa 'yung ulan. Sobrang kumikidlat at masyadong malakas ang kulog. Tumakbo ako and luckily, nahanap ko 'tong tree house mo." pagtatapos ko sa kwento ko. Hindi ko na sinali 'yung dalawang lalaki na humarang sa akin at pati yung aninong nakita ko sa daan habang umuulan.
Ayoko rin sa mga alaalang iyon. Baka kasi umiyak pa ako pag ikinuwento ko sa kanya 'yun. Maalala ko lang ang pangyayari kagabi, tumatayo na agad ang mga balahibo ko sa batok.
Tumango tango lang si Gab habang inaabsorb lahat ng sinabi ko. "I see. Kaya pala may mga galos ka sa binti't braso mo. Lika sa taas, gamutin natin 'yang mga sugat mo." aniya Gab at akmang aakyat ng tree house.
"Ah hindi na Gab. Sobra na 'yung tulong na binigay mo sa 'kin. Mag-aalas-diyes na rin kasi eh." saad ko habang tinitingnan ang wrist watch ko.
"Hihingi lang sana ako ng isa pang favor."
"Sure. Ano 'yun?"
"Pwede mo ba akong ihatid pabalik sa baryo? Baka kasi maligaw na naman ako eh." paki-usap ko sa kanya. Sana naman pumayag siya, ayoko ng maligaw pa ulit. Baka nag-aalala na 'yung mga kasama ko.
"Sige. Hatid kita. Bihis muna ako sa taas." paalam niya saka umakyat sa taas. Yes! Mabuti naman pumayag itong si Gab.
Wala sa sarili kong kinuha ang isang kutsilyo at diretsong pinalipad ito sa ere. Nagulat ako nang tumama ito sa mismong gitna ng dart board.
Dahil sa saya ko. Lumapit ako sa dart board saka ko binunot ang kutsilyong tumama sa gitna ng dart board.
Tumingin ako sa tree house at baka mahuli ako ni Gab.
Nanakawin ko na lang 'to. Tutal, marami namang kutsilyo si Gab. Baka maging lucky charm ko pa 'to.
* * * * *
Please VOTE po kung okay lang ang chapter na ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top