Chapter 24: An Aftermath
Chapter 24: An Aftermath
Ella's Point of View
"Alam mo, kung tayo-tayo lang ang nandito kanina pa kita binatukan, bitch ka!" Nandidilat na ang mata niya habang nagsasalita. Umirap pa siya sa akin at nag-cross arms.
Tinignan ko lang siya, I squinted because of the itch inside my head.
Patuloy pa rin siya sa pagtatalak. Parang manok.
Tumingin ako sa paligid. Ang puting kisame, ang puting lapag, pati na rin ang pader. May mga prutas na nakalagay sa itaas ng mesa na katabi lang ng hinihigaan ko.
Tinitigan ko ang prutas, tila kumikislap ito. Tinatawag ako nito. Sinasabing 'halika kainin mo ako'.
Napalunok ako sa nanunuyo kong lalamunan habang tinititigan ang prutas.
Prutas . . .
Prutas . . .
Prutas . . .
"Hoy Ella, ano bang problema mo? Kanina pa kita kinakausap dito pero tahimik ka lang. My gosh! Masisira ang make-up ko nang dahil sa'yo." Sermon niya ngunit tinitigan ko parin siya.
"Bakit ako nandito?" Tanong ko ulit.
Walang sumagot sa tanong ko.
"I mean bakit na naman ako nandito? Ospital ba 'to?" Tinaasan lang ako ng kilay ni Vanessa.
"Infirmary 'to, nandito ka dahil sa nangyari sa simulation test mo." Nangunot ang noo ko, anong simulation test?
Tila napansin naman ito ni Vanessa.
"Huwag mong sabihin na hindi mo alam." Marahan lang akong umiling.
Napansin kong nagbago ang ekspresyon ni Vanessa. Naaawa ito.
Umupo siya sa gilid ng higaan ko at hinawakan ang kanang kamay ko.
"Normal lang 'yan, kakagising mo lang kasi. Makikita mo mamaya, maaalala mo na ang lahat." Gusto kong ngumiti pero pilit kong tinago iyon.
May lightbulb namang lumabas sa utak ko.
Bright idea!
"Miss? Ano nga pangalan mo? Kanina ka pa kasi nagsasalita pero 'di ka man lang nagpakilala," tanong ko kay Vanessa. Nagbago ang kanyang ekpresyon.
Napatakip pa siya sa kanyang bibig at tila naiiyak na ito.
Pffft.
Gusto ko nang humagalpak ng tawa dahil sa mukha ni Vanessa.
Imagine this. May sobrang maganda kang bestfriend. Pero pumapangit pag umiiyak.
Hindi na siya nakapagpigil, mahigpit akong niyakap ni Vanessa kahit nakahiga pa ako.
Ngumiti ako ng lihim. Nakakatawa pala itong si Vanessa.
And for the first time, tiningnan ko ang iba pang tao sa loob ng tao.
Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa oras na nakilala ko sila.
"BAKIT KAYO NANDITO?! PAANO?"
Mabilis na humiwalay si Vanessa mula sa pagkakayakap sa akin dahil sa lakas ng boses ko. Kahit 'di ko man siya tignan, alam kong nagulat siya sa pagsigaw ko.
"Kuya Charles, Dorth . . . p-paano?" nahihirapan ako sa pagbuo ng tamang salita. Nang tamang tanong. Marami akong gustong itanong pero iyon lang ang lumabas sa bibig ko.
Ngumiti lang si kuya Charles at Dorothy. Ngunit hindi ang ngiting masaya, na nagpapagaan ng loob. Parang nagsasabi lang sila ng 'hi' sa akin.
Tiningnan ko si Vanessa.
"Vanessa, ikaw ba ang nagpapunta sa kanila dito?"
Napatayo si Vanessa at umiling. She frowned, "Wait! Tinawag mo kong Vanessa. Narinig kita, tinawag mo ko sa pangalan ko Ella. Oh my gosh Ella, ginu-good-time mo lang ako."
Napapahid si Vanessa sa kanyang luha. "Alam mo, Ella. Kahit naiinis ako sa'yo masaya pa'rin akong malaman na wala kang amnesia. Akala ko kasi tuluyan mo na kaming nakalimutan. A-akala ko---" umiiyak si Vanessa habang nagsasalita.
"Ang OA mo rin Ness, JOKE ko lang 'yon, ano." Sabi ko pa at tumawa nang mahina. Napatingin ulit ako kay kuya Charles at Dorothy. Sinusuri kung totoo nga talaga sila.
Baka naman kasi mannequin lang sila galing mall at nilagay dito para may magbantay sa'kin.
Niyakap ulit ako ni Vanessa at may binulong sa'kin.
"Shet ka talaga, Ella. Marunong ka nang magbiro ah. Napaiyak pa ako, nasira tuloy make-up ko. Ang pangit ko na, major turn off kay king Charles . . . speaking of the damn handsome. " mabilis na humiwalay si Vanessa mula sa pagkakayakap sa akin.
Napatingin siya sa likuran niya at humarap ulit sa akin. This time, pabulong na ang pagkakasabi niya.
"Anong kuya Charles? Bakit mo siya tinawag na kuya? Kung makakuya ka naman kasi parang close kayo." Tumingin ulit siya kay kuya Charles na ngayon ay nakaupo na sa sofa katabi ni Dorth at ng isang lalaki. Nandoon din si Flynn.
Nginitian niya ako na nagpagaan ng loob ko. Ginantihan ko rin siya ng ngiti.
"Masaya ako Nessa," tipid kong sabi.
Umayos siya ng upo sa gilid ng hinihigaan ko.
"Aba dapat lang, nandito kaya ang sobrang ganda mong bestfriend. Pero masaya ka ba dahil super OVERLOADED sa gwapo ang kwarto mo ngayon? Nandito si Flynn, si king Gally at king Charles of course! --- pero ano ba! Hindi mo pa ako sinasagot, bakit mo siya tinawag na kuya?"
King Charles? Bakit niya naman tinawag na king si kuya? Dahil ba nagagwapuhan siya dito?
"King?" tanong ko pa.
"King of course, bakit? Ano bang gusto mong itawag ko sa kanya? Not addressing him as KING is a form of disrespect."
Napatingin ako kay kuya Charles at kay Dorothy nang tumayo sila. Kasama na rin ang isang lalaki na tinawag ni Vanessa na king Gally.
Tinitigan ko si kuya Charles at Dorothy habang naglalakad sila palapit sa akin.
Gumagalaw sila, which means hindi sila mannequin.
Nakangiti sila kanina, which only means tao sila. Tao sila. Tao!
Alam na nila na nandito ako sa Blue Moon High, na mali ang pinasukan kong school. Nandito sila para sunduin ako, makakauwi na ako!
Pero kung uuwi ako, paano na sila Vanessa? Si Kiara?
"I'm glad you're awake." Saad ni kuya Charles at ngumiti.
"We are," madiin na pagkakasabi ni Dorth sa we.
Ngumiti ako, "na miss ko kayo."
Napansin ko si Vanessa na nagpalipat-lipat ng tingin sa akin at sa tatlong taong nakatayo.
"What's the meaning of this? Ano nang nangyayari sa mundo? Ella please enlighten me. Napapansin ko ang OA ko na ha." Sabat pa ni Vanessa.
"Vanessa, meet my kuya Charles and my little sis, Dorothy." Nakangiti ko pang sabi.
Nandilat ang mga mata ni Vanessa na parang bola ng soccer.
"Kuya as in kapatid? And sister as in kapatid din? For real?"
Gusto ko nang matawa dahil sa reaksyon niya pero pinigilan ko ang sarili ko.
"I suppose the likes of you cannot be convinced easily. I can present to you our birth certificate If you want me to." Sumulyap sa akin si kuya. Ano bang trip niya?
"To formally introduce ourselves, which we don't usually do . . . Hello to you, Vanessa. I am King Charles Ion Stern, ako ang kuya ni Ella. We have grown to maturity under the same house, fed by the same parents. And we have the same blood running through our veins."
Napanganga si Vanessa sa sinabi ni kuya.
"Dorothy Ion Stern, her sister."
Tumikhim ang isa pang lalaki.
"Gally Ion Stern, kuya rin ni Ellizabeth." Nangunot ang noo ko dahil sa huling pagpapakilala ng lalaki. Gally Ion Stern? Seryoso ba siya sa sinabi niya?
Pero baka kapareho lang sila ng pangalan ni kuya Gally ko. At ginaya lang niya ang apilido ko para pagtripan si Vanessa.
Napakamot si Vanessa. “Sinabi ko nga eh, magkapatid kayo. Hehe.”
Lumapit si Vanessa sa akin tsaka may ibinulong. “Ella, we have things to discuss. Shut up nalang muna ako.”
Pagkatapos niyang sabihin 'yon, dali-dali siyang nagbow sa harapan ng mga kapatid ko at lumabas.
Kuya Charles chuckled as the door slammed shut behind Vanessa. Napansin niyang nakaupo pa si Flynn sa sofa.
“Ah Flynn, can you please leave us for a moment?---”
“Yes, okay...” agad na pagputol ni Flynn kay kuya Charles.
Bakit kilala niya si Flynn?
Tinanguan ako ni Flynn bago ito lumabas ng pinto. Parang ayoko na umalis siya, pero ano bang magagawa ko?
“Your boyfriend's cute. I like him,” sabi ni Dorothy noong sinara na ni Flynn ang pinto.
Nginitian ako ni Dorothy na siyang ipinagtaka ko. Napansin niya sigurong nangunot ang noo ko kaya siya nag-cross arms.
Umirap pa siya. This is the original Dorothy. Great.
Nakapagtataka kasi dahil nginitian niya ako.
Sumunod ang awkward na katahimikan.
Wala sigurong planong magsalita ang tatlong 'to. So I decided to break the ice.
“I have a lot of things to say and to ask, pero isa lang muna sa ngayon . . . Uhm, namiss ko kayo, kumusta na?”
Nagkatinginan lang sila, nakalimutan na ba nila kung paano ang magsalita?
“Paano niyo nalaman na mali ang school na napasok ko? May nagsabi ba sa inyo? O nalaman niyo dahil na-ospital ako? Tsaka ano bang nangyari sa akin? Ba't wala akong maalala?”
Nagkatinginan ulit silang tatlo. Napansin kong nagbago ang ekspresyon ni kuya Charles. Tila nagagalit ito. But he manage to control it.
“Wala ka talagang naaalala, Ella? About how you came here? The simulation test? The CREST challenge?” His face looked worried.
And what about the simulation test? Crest challenge?
Naalala ko iyon 'yong challenge na dapat sinalihan namin nila Kiara. Nasa room kami noon nang biglang may nag-announce na kasali raw kami sa Top Class Challenge.
Tapos? 'Iyon na? Napunta na ako sa ospital na 'to? Ba't wala akong maalala? Ang weak ko naman.
“Crest Challenge, iyon dapat ang sinalihan namin ng mga kaibigan ko dito sa school na 'to kuya. Pero kuya Charles, pa'no mo nalaman na may Crest Challenge? May nagsabi ba sa inyo? Tsaka, anong simulation test?”
Nagkatinginan ulit sila, staring show ba ito? Aba kanina pa sila.
Umupo si kuya Charles sa gilid ng hinihigaan ko, hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito.
“I suppose this isn't the right time para ipaliwanag sa'yo ang mga bagay-bagay. You need a rest, my little sis.---”
“Pero...”
“Oops! No but's, sis. Magpagaling ka muna---”
“Pero magaling na ako." Saad ko at mabilis na bumangon.
Mabilis akong napahawak sa sentido ko nang makaramdam ako ng sakit sa ulo. Mabilis akong hinawakan sa magkabilang balikat ni kuya at pinahiga.
I heard him chuckled. “Silly as ever.” Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti. “REST, Ella.”
Napairap nalang ako.
“Edi rest kung REST, hmmp. Anyway, asan na si mama? Si papa? Kayo lang ba ang nagpunta dito?”
“Again, no questions for now. Sasagutin naman namin ang lahat ng tanong mo bukas eh.”
“Bahala nga kayo dyan.” Sabi ko nalang.
Narinig kong unti-unting bumukas ang pinto.
At iniluwa nito ang SUPER cute na batang lalaki. Kasing taas lang niya ang parte kung saan ang doorknob. Kaya medyo nakataas ang balikat niya.
Pansin ko pa na nabibigatan siya sa GIANT spongebob bag niya.
Inilibot niya ang kanyang tingin at noong nagtama ang mata naming dalawa. Biglang namula ang kanyang pisngi at nandilat ang mata niya.
Mabilis siyang tumakbo patungo sa akin. Para yakapin ako.
“ATE ELLAAAAAAAAA!!!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top