Chapter 23: She's Awake

Chapter 23: She's Awake


Vanessa's Point of view


“Pramis mo 'yan ate ha, pagkatapos ng class ko pupuntahan natin si ate Ella sa ha?”

Pag-uulit na naman ni Clark habang binabay-bay namin ang daan patungo sa classroom niya. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilang beses na niyang sinabi 'yan.

“Syempre naman, Clark, hindi pwedeng hindi natin puntahan si ate Ella mo mamaya. Basta pagbutihin mo pag-aaral mo ha. Para naman sumaya ang mga magulang mo.” Sabi ko at nginitian ang bata.

Nakahawak lang ako sa maliit at malambot na kamay ng bata habang naglalakad kami.

Napansin kong napatigil siya sa paglalakad.

“Wala na po akong mga magulang,” napasulyap ako sa kanya at napahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ng bata. Pero nabawi ko naman agad ito.

“Pinatay po ng bad guys si Lala. Binutas nila ang ulo ni Lala. Hindi ko rin po alam kung nasaan na ngayon sila nanay at tatay,” tumigil siya sa pagsasalita at inilibot ang tingin sa paligid. “At hindi ko rin po alam kung nasaang lugar ako ngayon.”

Lumuhod ako sa harapan ng bata. Ngumiti ako sa kanya to give him a comfort. At pinisil ko pa ang dalawang kamay nito.

Tila dinurog ang puso ko nang marinig ko ang mga katagang iyon sa kanya.

Napalunok ako, as if to carefully choose my words.

“Clark . . . huwag mong isipin na wala ka  ng mga magulang okay? Mali 'yon, huwag mong isipin 'yon. Busy lang siguro ang mga magulang mo sa trabaho nila para sa kinabukasan mo. At tsaka, . . . nandito naman kami eh. Nandito ako, si ate Kiara at si ate Ella mo. At nandyan pa si kuya Flynn mo.”

Seryoso lang sa pakikinig ang bata sa akin. Ano ba 'yan! Napepressure na ako nito, hindi ko alam kung tama ba ang mga sinasabi ko. Gusto ko lang namang pagaanin ang loob ng bata.

“Marami kami dito. At ang lugar na ito . . .” inilibot ko ang tingin ko sa paligid, “this is Blue Moon High. At nandito ka para mag-aral. Kaya pagbutihin mo ang pag-aaral mo para sumaya si ate Ella mo. Gusto mong pasayahin si ate Ella 'di ba?”

Tumango si Clark sa pagsang-ayon sa sinabi ko.

And at last, ngumiti na rin ang bata.

“Tara na ate, excited na akong pumunta sa classroom ko,” magiliw na sabi ng bata at tumakbo habang hila-hila ako.

Ayan, mas mabuting nakangiti kang bata ka, 'di bagay sayong malungkot.

Mas cute ka pag nakangiti.

Masyadong naging close si Ella at si Clark dahil sa mga stages na magkakasama silang dalawa. At halata naman sa bata na naging attached na siya kay Ella.

Pero totoo nga talaga kayang pinatay nila ang Lola ng bata?

Pero kung totoo nga, sino ang pumatay? At bakit nila papatayin ang lola nito?

Hindi ko rin alam kung paano napunta si Clark dito sa school na ito at agad na pinasali sa Top Class Challenge.

Nakarating na kami sa building ng batang kasing edad lang ni Clark. Umakyat lang kami ng isang floor at narating na namin ang classroom niya.

“Okay children, now I want you all to draw a triangle inscribed in a circle. Can you do that?”

Nagsisimula na pala ang class ni Clark, nalate pa ang bata dahil sa akin.

Tumigil sa pagsasalita ang teacher at tumingin sa amin na nakatayo lang sa doorway. Ngumiti siya to welcome us.

Mga nasa 24 na ang edad ng babae. Maganda siya, pero mas maganda ako, sabay flip sa hair.

“Good morning ma'am,” I greeted.

Paggalang sa mga nakatatanda. Dzuh!

Tumango naman si ma'am.

“Clark, pasok ka na.”

“Sige po ate, bye bye po.” Paalam ni Clark habang nagwewave pa ng kamay niya.

Pumasok na si Clark.

“Clark, please introduce yourself.” Sabi ng teacher sabay ngiti. Nanatili parin ako sa labas ng classroom.

“Hello everyone, my name is Clark Griffin.  I am 6 years old. Gusto ko kayong maging kaibigan lahat. Be good to me.” Ngiti-ngiting pagpapakilala ni Clark.

Tahimik lang ang mga bata, hindi man lang nila sinagot ng hi si Clark.

“Children, what to say pag may nag-hi? Say hello,” madiin na pagkakasabi ng teacher. Tila nahiya pa siya kasi walang galang ang mga students niya. Hindi man lang marunong mag-hi.

“Hello.” It came in a flat tone. Walang kabuhay-buhay ang pagkakasabi ng mga bata.

Napapout nalang si Clark at dumiretso na sa bakanteng upuan.

Ang weird naman ng mga bata.

Noong tumingin ako sa mga estudyante, doon ko lang narealize kung gaano sila kaweird.

May mga batang nakaglasses, with round frames na parang sa harry potter, their eyes are blank.

Walang kabuhay-buhay ang mga mukha nila. Para silang mga de-remote na robot na nakikinig sa mga instructions ng creator nila.

These kids are unusual kids. Shet!

Tumingin ako kay Clark at sakto namang nakatingin din siya sa akin.

Nagwave siya ng goodbye kaya nagpaalam na rin ako.

Habang naglalakad ay 'di mabura sa isip ko ang tanawing iyon. Bakit naman ganoon ang mga batang iyon?

Para silang robot. Teka? Baka naman robot talaga sila?

Nandilat ang mga mata ko. Napatigil pa ako sa paglalakad at napatikip sa bibig.

Then I realized.

My gosh! Ano ba 'tong utak ko.

Ang bobo ko na ha.

Ngayon ko lang nalaman ang bagay na ito dahil ngayon lang din ako nakapunta sa building kung saan nag-aaral ang mga bata.

Nakapagdesisyon ako na puntahan si Ella. Baka bumalik na ako sa katinuan ko pag nakita ko ang mukha ni Ella.

Wait! Ano namang konek?

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa labas ng kwarto niya.

Sa laki pa naman ng hakbang ko. Pangkabayo.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang marealize ko na wala pala akong dalang pagkain para kay Ella.

Ay! How thoughtful ko naman.

Spell sarcasm.

'Di bale na nga, hindi pa naman gumigising si Ella.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Pinasok ko ang ulo ko at nagulat nalang sa nakita.

Halos lumuwa na ang mata ko dahil sa nakita!

May lalaki, nakapamulsa at nakatalikod siya sa akin. Nakayuko siya.

Dahan-dahan siyang yumuko. Inilapit niya ang kanyang mukha kay Ella. Dahan-dahan.

Hahalikan niya si Ella!

Oh my gosh!

Oh my gosh!

Oh my gosh!

Hahalikan niya si Ella sa lips!

Sa lips! . . .

Sa lips! . . .

Sa lips! . . .

Ang tagal mo naman Flynn. Hello! May naghihintay dito!

Ayan na! Malapit na. Hahalikan na niya si Ella.

Hinalikan niya sa noo si Ella.

Ayy! Spell disappointed?

V-A-N-E-S-S-A

Pero kahit disappointed man. Mabilis ko paring sinara ang pinto, keeping as silent as possible.

Pumikit ako at huminga nang malalalim.

Ikaw Flynn ha.

Napansin kong uminit ang mukha ko.

Crush ko si Flynn pero kinikilig ako sa kanila ni Ella.

Matagal ko nang napapansin na may crush itong si Flynn kay Ella. Ewan lang kay Ella, tanga-tangahan pa naman 'yon. At ang slow pa. GOODNESS!

Kapag kinikilig ako kailangan kong bumugbog ng tao.

Tumakbo ako sa sobrang kilig. Habang sumisigaw sa loob ng utak ko.

At sa kamalas-malasan ko.

Nabangga ako sa poste. At natumba.

Dumilat ang mga mata ko into perfect sphere nang marealize ko kung sino ang nabangga ko.

Pakiramdam ko bakal ang dinadaganan ko ngayon.

Halos 2 inches nalang ang agwat ng mukha namin. Uminit ang mukha ko.

Naawkward na ako sa posisyon namin. Bale pinapaibabawan ko kasi siya.

Ramdam ko pa ang hininga niya. Na nagpatindig ng balahibo ko.

Napatitig ako sa mata ng lalake. Ang ganda nito. Pwede na akong mamatay sa kakatitig sa mga matang ito.

Bumalik ako sa reyalidad nang hinawakan niya ako sa magkabilang braso.

Mabilis akong tumayo. Ni hindi ko magawang tulungan siya sa pagtayo.

At ngayon lang ako nakaramdam ng hiya.

Tumayo siya at inayos ang suot niya. Tumingin ako sa ibang direksiyon. At napakagat nalang ako sa ibabang labi ko dahil sa hiya.

Hindi na ako nakapagpigil kaya agad na akong nagsalita.

“Sorry po talaga king Charles, I wasn't looking sa dinadaanan ko. ” mabilis na paumanhin ko sabay yuko.

“It's okay miss Vanessa,” I squinted because of curiosity. Bakit niya alam ang pangalan ko? Stalker ko siya?

He chuckled. “You're one of the top class challengers. Of course I will know,” sabi niya, as if reading my thoughts.

Ahh kaya pala. Akala ko naman, sayang!

Pero ang gwapo talaga niya sa malapitan.

Magsasalita na sana ako nang may marinig akong sumigaw.

“Vanessa! Hey Van!”

Sabay kami ni King Charles na lumingon sa lalaking sumigaw.

It's Flynn. He came rushing towards us.

Ano namang problema ng isang 'to?

Pero wow ha, dalawang gwapong nilalang ang kasama ko ngayon, (and the bitch is grinning).

“Bakit Flynn?” tanong ko sa gwapong mukha ni Flynn. Medyo hinihingal pa siya.

“It's about Ella. Come quickly," naglalakad na kami patungo patungo sa kwarto ni Ella. “And call the others.”

Napatingin pa ako kay King Charles nang napansin kong sumabay pala siya sa amin ni Flynn.

“She's awake. Ella's awake.” Sabi pa ni king Charles sa sarili pero rinig ko ito.

* * *

Noong pumasok kami, ay nandoon na ang doctor katabi ni Ella. Hindi niya na muna kami pinalapit kay Ella.

Tinawagan ko na agad si Kiara para balitaan siya. At noong una ay napaisip pa ako sa sinabi ni Flynn. Sinong others pa ba ang tinutukoy niya?

At napansin ko pang may kausap si king Charles.

“Ella's awake. Come . . . and fast.” Iyon lang ang narinig ng tsismosa kong tenga.

Pero sino naman kaya ang tinawagan ni king Charles at pinapapunta niya pa ang mga ito dito?

At close ba sila ni Ella?

Hindi kaya?

Oh my gosh! Baka crush niya si Ella?

Una si Flynn, tapos si king Charles?

No way! No freaking-carabao way!

Ang haba ng buhok ni Ella.

Nakaupo lang kami ni Flynn sa couch, habang si king Charles naman ay nakatayo lang at seryosong nakatitig kay Ella. Close nga talaga siguro sila.

Gising na talaga si Ella. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasadan siya na kinakausap ng doctor.

Mahina lang ang pag-uusap nila. Sa sobrang hina nga ay 'di na siya marinig ng radar ko.

Napatayo ako nang biglang bumukas ang pinto.

Pero ang taong pumasok ay hindi 'yong ineexpect kong darating. Nagulat pa ako nang makilala ko sila. Pero hindi ko pinahalata ito.

Isang babae at isang lalaki ang dumating. Si queen Dorothy at si king Gally. Shet!

Bakit nandito sila? Bakit nandito ang kings at queen?

“Hello po Queen Dorothy, hello rin po King Gally." Bati ko sa kanila at umupo. Tinanguan naman nila ako. Napansin kong wala lang ito kay Flynn.

Hindi ba siya affected na nandito ang kings and queen?

Lumapit ang dalawang bagong dating kay king Charles.

Walang sabi-sabi ay lumabas ng kwarto ang doctor. Malalim ang iniisip niya.

Nagkatinginan si king Charles, king Gally at queen Dorothy.

Hindi na ako nakapagpigil kaya mabilis na akong tumayo at nilapitan si Ella.

“Ella, mabuti naman at gising ka na. Alam mo bang pinag-alala mo kaming lahat? At alam mo rin ba na ang daming nangyari habang tulog ka?” Nakatingin lang si Ella sa akin habang nagsasalita ako. “Tsaka si Clark, miss na miss ka na nun. Alam mo bang gustong-gusto niya na minu-minuto siyang nakabantay sa'yo? Pero may klase pa kase ang batang 'yon kaya wala siya . . .”

Napasarap ako sa pagsasalita kahit na may mga taong 'di ko naman gaanong kilala dito sa room.

Ngunit napatigil ako nang magsalita si Ella. Tinitigan niya ako as if I am a stranger to her.

“Sino ka?”


* * *


Amnesia na naman ba ito?

What do you think?

I wanna know what you're thinking. Each one of you reading this.

So comment.

kuya_mark

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top