Chapter 23: Anino
Ella's POV
Under the heavy rain, I run, run as fast as I could.
Sobra nang dumidilim ang paligid. Natatakot man ay nagpatuloy parin ako sa pagtakbo. Dumagdag pa sa takot ko ang nakakasilaw na kidlat.
Kailangan kong makahanap ng masisilungan. Basang-basa na ako sa ulan. Gusto kong umiyak dahil sa umaahong emosyon sa dibdib ko.
Natatakot ako sa kidlat. Takot akong mapag-isa. Natatakot ako sa bagyo. Natatakot ako sa madilim na paligid ko.
Sinasabayan ng kabog ng dibdib ko ang tunog ng bawat yapak ko. Lalong lumalala ang kaba ko sa tuwing naririnig ko ang nakakabingi at nakakakilabot na kulog ng langit.
Halos mabaliw na ako sa kakatakbo. Hindi ko mapigilang ang mga luha ko.
Umiiyak ako dahil sa takot. Takot na baka isang iglap lang ay may sumalubong sa aking demonyo. Nanginginig na ako dahil sa pinaghalong takot at ginaw. Unti-unti na akong naghihina.
Hindi ko alam kung saan ako patungo. Hinahayaan ko lang ang sarili kong paa na hatakin at dalhin ako sa kung saan man. Pakiramdam ko lahat ng uri ng demonyo ay nakapaligid sa akin. Nakatingin lang. Nagmamatyag. Nagmamasid.
Huminto ako sa pagtakbo at napalingon sa isang sulok nang maramdaman kong may nakatitig sa akin.
Madilim ngunit nakikita ko ang anino niya. Nakatayo siya sa tabi ng malaking puno. Alam kong nakatitig siya sa akin. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, halos lumabas na ito.
Dahil sa kaba ay kumaripas ako ng takbo. Hindi pwede 'to. Hindi ko gusto ang nararamdaman kong takot. Kakaiba ito sa lahat.
Umiiyak parin ako habang mabilis na tumatakbo. Masyado ng sumasakit ang puso ko dahil sa kaba at pinaghalong emosyon. Kaba. Takot. Pagod. Ginaw. Pangamba.
Napahinto ako sa pagtakbo nang malaman kong nasa harapan ko na ang anino ng tao. Humakbang ito palapit sa akin. Sa bawat hakbang nito ay siya namang pag-atras ko.
Inilahad nito ang kamay na animoy kukunin ako.
Napatikom ako sa bibig ko. Ayokong maglabas ng kahit anong tunog. Patuloy lang ang pag-agos ng aking mga luha.
Hindi ko na kinaya kaya napatakbo na naman ako. Lumingon ako at nalaman kong wala na sa likod ko ang anino.
Kahit pa wala na ito, hindi parin mawala ang takot at kaba sa dibdib ko. Gayunpaman, nagpatuloy parin ako sa pagtakbo.
Sa di kalayuan ay may nakita akong malaking puno. At sa taas nito ay may nakatayong bahay. "Tree house?" usal ko sa sarili.
Biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa saya. Kumaripas ako ng takbo at diretsong umakyat sa taas.
Good thing na may hagdan kaya naging madali ang pag-akyat ko.
"T-tao po? H-hello? G-gusto ko lang ho s-sanang makisilong kahit sa-saglit lang." putol-putol kong sabi dahil nanginginig na ako sa ginaw. Kumatok ako ngunit walang sumagot.
"Tao po? P-please na-naman po oh. Maawa po k-kayo." kumatok na naman ako ngunit wala parin.
Ilang tawag at katok na ang ginawa ko ngunit wala paring sumagot. Baka walang tao?
Dahan-dahan kong tinulak ang pinto at bumukas ito. "Tanga ko naman, bukas naman pala." saad ko sa sarili.
Bahala na ngang mapagkamalan akong magnanakaw, kesa naman mamatay ako sa ginaw. Tutal hindi naman talaga ako magnanakaw.
Hindi ako nahirapang hanapin ang switch kaya nabuksan ko agad ang ilaw.
"Wooooowwwww. Ang ganda naman dito." sabi ko kahit wala naman talaga akong kausap. Halos magningning ang mga mata ko dahil sa nakita.
Simple lang kase ang parang living room na parang dining room. Pero sobrang ganda. Pinagsama kase ang living room at dining room. May mesa at may kitchen sa gilid. Hindi ko ma explain eh.
Puro antique kasi lahat ng gamit. Pati nga siguro itong mesa antique. Nakalimutan ko nga ang takot at ginaw ko dahil sa nakita.
Dahan-dahan akong lumakad habang inililibot ang aking paningin. Wooooooowwww ang ganda tologo. As in!
Hinanap ko ang kwarto at agad na pumasok rito para makapagpalit. Iisa lang ang kwarto at hindi rin ito nakalock kaya nakapasok ako ng walang kahirap-hirap.
Sa tingin ko babae ang nakatira rito kasi sobrang linis. At may nahanap pa akong underwear ng babae sa isang drawer. Makikigamit nalang ako, tutal mukhang 'di pa naman ito nagagamit.
Kaya lang wala akong mahanap na damit ng babae. Panglalake lang lahat ng 'to. Well, wala na akong choice kundi suotin 'to.
Bakla kaya ang nakatira rito? Kasi puro panglalake ang damit pero may underwear ng babae. Ay ewan.
Nakaramdam ako ng antok kaya nakapagdesisyon akong matulog na. Pinatay ko na muna ang lahat ng ilaw saka natulog.
May malaking kama naman dito kaya mukhang mapapasarap ang tulog ko. Wala akong breakfast, lunch tsaka dinner. Titiisin ko nalang ang gutom ko.
And then in just a snap, I feel asleep because of weariness.
* * * * *
Napagising ako dahil sa mainit na bagay na yumayakap sa akin. Mainit. Na bagay. Na yuma... Teka?... Bagay? Na yumayakap sa akin?
"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" napasigaw ako at napabalikwas ng bangon dahil sa nalaman.
"Hoy! Ano ba sorry! Akala ko unan ka. Sino ka?!"
Bakit may nakayakap sa akin?! Ano daw? Unan? At ginawa pa niya akong unan? "Aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh"
"Hoy! Tumahimik ka nga babae! Sino ka ba?!" napatigil ako sa pagsigaw, more like sa pagtili dahil sa nakita.
"Aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh" napasigaw na naman ako ng wala sa oras at agad pinikit at tinakpan ang mga mata ko. Naku naman, ang inosente kong mata.
Pano ba naman kasi, naka boxer shorts lang ang lalake. Oo, lalake ang yumakap sa akin.
"Ano bang problema mo?! Tumigil ka na nga! Ba't mo ba tinatakpan 'yang mata mo? Gwapo ako no." awat ng lalake sa akin.
"Oo gwapo ka pero magbihis ka?! Ayokong mabahiran ng masasamang elemento itong inosente kong pag-iisip. Please magbihis ka." saad ko habang nakatakip parin sa mata ko ang dalawa kong kamay.
Nag smirk lang ang lalake saka narinig kong binuksan nito ang kabinet at mabilis na nagbihis. "Oh ayan ok na." sabi ng lalake.
Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakatakip. Ngunit binalik ko rin agad ito.
"What now?!" tanong ng lalake dahil nakatakip parin ang mga mata ko.
"Put on your shirt. Please." saad ko.
"Tsk. Tsk. OA nito. Ayoko, hindi ako nakakatulog kapag may suot na shirt. Tsaka bakit ba kita susundin sa mga utos mo? Bahay ko 'to noh, ikaw na nga itong nanginvade ng bahay. Ikaw pa 'tong nang-uutos." reklamo ng lalake saka tumahimik.
Maya maya pa ay bigla itong nagsalita. "Ang sexy mo." napalingon ako dahil sa sinabi niya. Napansin kong nakatitig siya sa kung saan. At nalaman kong nakatitig siya legs ko.
Shete naman oh, nakalimutan ko naka t-shirt lang pala ako. Agad akong napatakbo sa kama at mabilis na tinakpan ang legs ko.
"Manyak!" sigaw ko sa kanya habang mahigpit na hinahawakan ang kumot.
"Manyak?" tanong ng lalake sa akin saka ngumiti ng nakakaloko. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin.
"H-hoy! A-anong gagawin mo? W-wait! 'Wag kang lalapit. M-malakas akong sumuntok! Kabarkada ko si Darna!" babala ko sa kanya. Pero no epek ito. Patuloy lang siya sa paghakbang palapit. Umiiwas ako ng tingin dahil naka topless lang siya.
Kahit gwapo man 'tong rerape sa akin, ayoko paring marape. Sino ba naman kasing babae ang gustong marape?
Nakasandal lang ako sa pader habang pinipigilan siya. Pero kahit anong sabihin ko, wa epek parin ito.
Gumapang siya sa kama habang nakangiti ng nakakaloko. Hanggang sa nasa itaas ko na siya. Nakatukod ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko.
Nag-iwas ako ng tingin. Ang awkward naman, nakatopless lang siya. May option pa naman ako para makatakas eh. Una, sipain ko 'yung pag-aari niya. Pangalawa, bibigyan ko siya ng malakas na sapak sa mukha. Tama 'yun.
Gagawin ko na sana ang plano ko nang maramdaman kong tumayo siya na may bitbit ng unan. "Ano ka ba miss, kukunin ko lang 'tong unan. Tsaka sa itsura kong 'to gagawin mo akong rapist?" pilyong tanong ng lalake habang tinuturo ang sarili niya.
Kumalma naman ako. At ewan ko lang ha. Bigla akong napangiti sa inasal ng lalake. Binawi ko naman kaagad ito at baka mapansin niya.
Humakbang siya patungong kabinet saka kumuha ng kumot. "Bukas ko nalang itatanong sayo kung bakit mo pinasok 'tong bahay ko. Bukas nalang din natin gagamutin 'yang mga sugat mo. Tsaka, mukhang mabait ka naman eh. Tingin ko rin hindi ka magnanakaw pero mukha kang rapist. Basta huwag mo lang akong pagsamantalahan habang natutulog ah." Aba't! Magrereact na sana ako pero diretso na siyang humiga sa sahig at natulog.
Kita mo 'tong lalakeng 'to. Mukha raw akong rapist?! Pero ang bilis naman niyang magtiwala, wala pang isang oras ang pagkikita namin pero pinayagan niya agad akong matulog sa sarili niyang kama. Pano nalang kung magnanakaw o mamamatay tao talaga ang pumasok sa bahay niya? Mabuti nalang hindi ako masamang tao.
Napansin niya rin ang gasgas ko sa noo. May mga gasgas rin ako sa siko saka sa palad ko. Saklap naman nito.
Sa tingin ko mabait naman 'tong lalakeng 'to, at pakiramdam ko rin ligtas ako sa kanya. May pagkachildish nga lang siya. At 'yung paraan ng pagsasalita niya masyadong isip bata.
Pero okey nalang din 'to. At least hindi siya kagaya ng iba na basta nalang palalayasin ang hihingi ng tulong. Hindi kaya siya natatakot sa akin? Hindi kaya siya nangangamba na baka sa pagtulog niya ay sakalin ko siya at patayin? Ay ano ba 'tong pumapasok sa isip ko. Dala narin siguro 'to ng gutom ko.
Tinitigan ko 'yung mukha niya. Medyo weird 'yung buhok niya. Kulay puti. Bakit color white? Nagpakulay kaya siya? Malamang nagpakulay siya.
Sa tingin ko rin magkasing edad lang kami. I can say it by his looks. Pero physical appearance is deceitful nga diba? Tsaka----
I was out in my remedy when he spoke. "Diba sabi ko pwede kang matulog dito, wag mo lang akong pagpantasyahan? Alam kong gwapo ako at maganda abs ko pero bukas mo na ako pagsamantalahan, hindi ka makakatulog niyan."
Nagsasalita siya pero nakapikit parin 'yung mata niya. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya. Abs in his face! Hmp! Makatulog na nga.
Pero paano ba ako makakatulog kung nakabukas 'yung ilaw? Bahala na nga 'to.
And with all those thousand tries in the deafening night, I slept.
* * * * *
Nanaginip ako. Umiiyak si mama. May isang bata sa loob ng glass tube, umiiyak rin ito. Kinakapa nito ang glass tube na parang naghahanap ng paraan para makalabas.
Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Gusto kong magsalita ngunit walang lumalabas na boses sa bibig ko. Nais kong lapitan ang mama ko ngunit hindi ako makagalaw.
Para akong isang istatwa, na walang magawa kundi panuorin lang ang mga nangyayari.
"Mamaaaaaaaaaa" nakakabingi ang iyak ng bata.
Umiiyak ito ngunit patuloy parin ito sa paghahanap ng paraan para makalabas sa glass tube.
"Mamaaaaaaaaaa" sumasakit ang dibdib ko sa tuwing naririnig ko ang iyak ng bata. Pakiramdam ko rin na kung gaano kasakit ang nararamdaman ng bata, doble iyon sa akin.
May mga tao akong nakikita sa paligid. Mga taong naka gloves. Mga naka laboratory gown. Para silang mga doktor oh scientists. Hindi ko alam.
Patuloy parin sa pag-iyak ang bata. Kakaiba ang iyak na ito, na animoy mabibiak na ang lalamunan ng bata ano mang oras. Parang unti-unting nababasag ang boses ng bata.
Nagtataka ako kung bakit patuloy lang sa pag-iyak si mama at hindi niya tinutulungan ang batang nakakulong.
Nakakaawa ang bata. Bakit parang wala lang ito sa mga tao sa paligid? May mga tumatawa, may mga nag-uusap, at may humahalakhak.
Napatakip ako sa tenga ko dahil paunti-unting lumalakas ang ingay. Iyak, tawa, pag-uusap at halakhak.
"Mamaaaa!!! Ano ba?! Tulungan niyo ang bata!" sigaw ko kay mama pero wala lang ito sa kanya.
"Mamaaaaaaaa" patuloy lang sa pag-iyak si mama.
"Mama tulungan mo siya!"
"Tulungan mo siya!"
"Tulungan mo siya!"
"Tulungan mo siya!................."
* * * * *
Thanks for reading.
Please vote.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top