Chapter 22: Her Files
Chapter 22: Her Files
Sabrina's Point of view
“Ms. Sab, aalis na kami. Hindi ka ba talaga sasabay?”
I lifted my head and saw two women standing near the doorway, staring at me with a friendly smile.
I shrugged and gave them a half smile.
Binalik ko agad ang atensyon ko sa nakabukas kong laptop.
“Ikaw bahala. Basta ang masasabi ko lang, magrelax ka muna. Huwag masyadong stress, sige ka tatanda ka nang maaga dyan,” sabi ni Mrs. Sanchez. Isa sa mga teacher ng paaralang ito.
Ngumiti lang ako sa sinabi niya.
“Oo nga naman Sab. At tsaka napapansin ko kanina mo pa tinititigan 'yang laptop mo. Ano ba kasi 'yang pinagkakaabalahan mo? Nahihirapan ka ba sa pinapaasikasong files ni Mr. Black?” Dagdag naman ni Ms. Cortez, hindi ko na pinansin ang sinabi niya at nagbigay nalang ng dismissive wave para paalisin na sila.
“Bahala ka na nga dyan. Sige na, alis na kami.” Paalam ni Mrs. Sanchez, hindi ko na sila tiningnan noong binuksan na nila ang pinto at umalis.
Napaisip ako sa sinabi ni Ms. Cortez, kanina pa ako dito sa loob ng faculty. Masyado kasi akong preoccupied. Hindi ko maintindihan, siguro dahil ito sa mga nakalap kong impormasyon.
Kanina pa ako dito sa desk ko, nakaharap sa nakabukas na laptop. Paulit-ulit kong binasa at inintindi ang mga files ng records ng batang babae.
Naiiba ang mga records ng batang ito, ibang-iba sa lahat.
Dahan-dahan akong nagscroll. Sa upper left corner, nakasulat ang pangalan niya.
Name: Ellizabeth Ion Stern
Tila tumigil ang oras. Matagal kong tinitigan ang pangalang iyon. At nabuo ang mabait at maamong mukha ng babae sa aking isipan.
Nagsimula akong maging curious tungkol sa kanya nang utusan ako ni Mr. Black na gumawa ng private files tungkol sa mga records ng batang ito, ni Ellizabeth.
Habang tumatagal ay mas lalo lang lumaki ang kuryosidad na meron ako.
I find her . . . unusual.
Lalo na nang nalaman ko na isa pala siya sa sasali sa Top Class Challenge. Alam ng lahat kung gaano kahirap ang challenge na ito. Buhay mo ang nakataya. Kaya hindi ordinaryong tao ang mga nabibilang sa Crest Family.
I compiled details, results and records as many as I could get. Magmula sa stage one, sa maze challenge at hanggang sa second stage that got her almost wasted.
Pero sa dami ng impormasyong nakalap ko, isang tanong lang ang talagang ayaw akong patahimikin.
Anong meron sa batang ito? Anong meron kay Ella?
I still don't quite get the way her mentality works. She looks normal, but I know that there's something in her that got Mr. Black interested.
Napatingin ako sa kaliwa ko nang mapansin ko ang marahang pagbukas ng pinto ng CR. At iniluwa nito ang napakagwapong nilalang na nang galing pa sa langit at nahulog sa lupa.
Napatingin ako sa kanya. Nakayuko siya habang ginugulo ang basa niyang buhok.
Wala siyang suot sa pang-itaas.
Tanaw ko ang mala-pandesal na bumubukol sa tiyan niya.
Napansin ko pa na naliligo siya ng pawis.
Napalunok ako.
“Dahan-dahan lang sa kakatitig, baka matunaw ako niyan.” Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.
Napansin kong nakanganga na pala ako.
Para akong binuhusan ng malamig na yelo. Syempre, may mainit bang yelo?
Mabilis akong nag-iwas ng tingin at nag-isip ng sasabihin para maipagtanggol ko ang sarili ko.
Pero pati sarili kong bibig, trinaydor ako. Walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko.
Haysh! Ano ba naman 'yan!
“Tahimik ka dyan? Huwag mong sabihin na nahihiya ka? Sabihin mo lang, ayos lang naman sakin na titigan mo ang katawan ko nang buong araw.” Saad ni Loid at ngumisi.
Hindi ko agad napansin na nasa harap ng desk ko na pala siya.
Tila umusok ang tenga at ilong ko dahil sa inis at hiya.
Anong akala niya sa sarili niya? Porket gwapo siya!
Eh ang pangit kaya ng katawan niya!
Sandali ko siyang tiningnan at saka ako umirap. Nagkunwari akong may inaasikaso sa laptop.
Tumawa pa siya dahil sa ginawa ko.
Gamit ang peripheral vision ko, nakita ko siyang lumakad palapit sa'kin.
Humakbang siya at tinukod ang dalawang kamay sa mesa ko. Kita ko sa peripheral vision ko ang naliligo sa pawis niyang katawan.
Bakit naman kasi pawis na pawis siya?
Anong ginawa niya sa loob ng comfort room at pinagpawisan siya nang husto?
Hala!
He snapped his fingers as if to get my attention.
“Hey!”
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagtitipa sa laptop kahit wala namang dapat itype.
He again snapped his fingers.
“Hey, Sab. Yohoo! Tao here.”
Tumigil ako sa pagtitipa at tumingin ng diretso
sa kanya.
“Pwede ba, Loid? Huwag mo akong istorbohin, kita mong busy ako dito.” sabi ko at umirap na naman.
Pero hindi parin siya tumigil sa pang-iinis sakin.
Napilitan akong tumayo at sinarado ang laptop ko. Kinuha ko ang puting folder na inihanda ko para kay Mr. Black.
Lumakad na ako para makalabas na sa faculty. Baka mamatay lang ako sa bwiset dito.
“Oh, aalis ka na?” Dinaanan ko lang siya at hindi binigyan ng kahit saglit na sulyap.
“Ito naman si Sab. Ang bilis mainis.”
“Che!” sabi ko at binuksan ang pinto.
“I love you too!” rinig kong pahabol na sigaw niya at sinarado ko na ang pinto.
Tumawa pa ang loko.
Napailing nalang ako at dumiretso ng lakad.
Hindi gaanong marami ang estudyante sa paligid. May iba nakatambay lang. Ang iba naman ay nakaharap sa mga makakapal na libro, na aakalain mong kakainin na nila ang libro sa sobrang focus.
Dumiretso na ako sa cafeteria, tutal wala rin naman akong ibang maisip na puntahan.
I ordered a hot coffee and took the nearest table.
Nilagay ko sa mesa ang puting folder na dala ko. At nilagay ko naman sa left side nito ang kape ko.
Tumingin ako sa paligid at saktong may isang babae na may dala-dalang tray ang papalapit sa table ko.
“Good afternoon Ms. Sab,” magalang na bati ng estudyante sa akin at nagbow pa kagaya ng nakasanayan.
I just gave her a nod and a half smile to greet her back. Then she walked passed me.
Hindi gaanong marami ang tao sa cafeteria sa ganitong oras, kaya okay lang para sa akin ang tumambay muna dito pansamantala.
I took a sip of my coffee and suddenly, my eyes caught the folder. It was inviting me again to open it.
Then I found myself opening the files.
I run my eyes through the copy.
Name: Ellizabeth Ion Stern
Sa unang basa ko pa lang sa pangalan niya ay may nabuo nang ideya sa utak ko.
Stern.
The great name Stern. The name that made a history.
Her mother is the woman I look up since I was studying here in Blue Moon High.
Gorgeous. Sharp mind. A warm heart. She is Ms. Bell.
I want to be like her. But of course that's beyond reality. I can't be.
And Ellizabeth's father. Mr. Newt.
Sobrang yaman ng pamilyang ito. But aside from them being wealthy, they have keep their feet on ground.
Tinitigan ko ang litrato ng ama niya. A fine face. Respectable. Broad shoulders. A good body figure.
Speaking of body figure, naalala ko ang nakatopless na si Loid.
Ang pawisan niyang katawan.
Napalunok ako.
Hays! Ano ba 'tong iniisip ko.
I took another sip of my coffee to get my grip back.
I flipped for the next page.
May apat siyang kapatid.
*Dorothy Ion Stern
*Charles Ion Stern
*Gally Ion Stern
*Albert Ion Stern
I squinted for a second, as if to gather my thoughts.
These four students are members of the Crest Family. And not just members but leaders.
The renowned Kings and a Queen.
Sumusunod sila sa yapak ng kanilang mga magulang.
I know that these are one of the reasons kung bakit ganito nalang ka interesado si Mr. Black kay Ellizabeth. But I just can't quite convince myself na ito lang ang dahilan.
I know that there are more.
Kung ano man ang meron kay Ellizabeth. Sisiguraduhin kong malalaman ko iyon.
“Ate, kelan ba natin pwedeng bisitahin si ate Ella? Mag-isa lang kasi siya doon. Baka matakot siya pagkagising niya.”
Marahan akong napalingon sa kaliwa ko. Sa isang table ay may batang lalake. Seven years old or so. Kasama nito ay isang babae.
I know her. She's Vanessa Steele.
Isa siya sa mga kaibigan ni Ellizabeth. And also a roommate. A bibliophile. An amazon.
Ngumiti si Vanessa at hinawakan ang kamay ng bata. Kapansin-pansin ang band-aid sa noo niya.
“Mamaya pagkatapos ng class natin okay? Tsaka kailangan pa kitang ihatid sa room mo. Akin na nga 'yong schedule mo. Dala mo ba?”
Mabilis namang kumilos ang bata at binuksan ang Sponge Bob bag niya.
Cute.
“Ito po ate oh.”
Binasa ni Vanessa ang schedule ni Clark.
Yes, I know the kid's name. Isa siya sa mga sumali sa Top Class Challenge.
In doing some digging, sinasali ko ang mga taong nakapaligid kay Ellizabeth.
“O, malapit na pala last subject mo. Lika ka na.”
Tumayo si Vanessa at tinulungan ang bata na isuot ang sariling bag nito.
“Sana matapos agad ang klase ko ate para mapuntahan ko na agad si ate Ella. Sigurado namiss na ako non.” Saad ng bata habang lumalabas sila ng cafeteria.
Hinatid ko na lamang sila ng tingin habang sila ay papalabas.
Naawa ako sa bata. Malakas parin ang tiwala niya na magigising na si Ella. Pero hanggang ngayon, alam kong hindi pa nito nagigising mula noong stage two.
For a minute I closed my eyes. I then took another sip.
Malamig na ang kape ko.
Ilang sandali lang ay biglang nagvibrate ang cellphone ko. I fished it out of my pocket.
I scrolled and read the message.
~~~
I need the files NOW!
from: Mr. Black
~~~
It took me a moment to gather my thoughts and . . . sighed.
Nahanap ko ang sarili na naglalakad patungo sa infirmary. Nakapagdesisyon kasi ako na bago pumunta sa opisina ni Mr. Black ay bibisitahin ko na muna si Ellizabeth.
Tumigil ako sa harap ng pintuan. This is her room.
Pumikit ako saglit at huminga ng malalim.
Hinawakan ko ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto.
Nakalikha ako nang mahinang tunog habang binubuksan ko ang pinto. Talo ko pa ang magnanakaw.
Ngunit napatigil ako nang makita ko ang lalaki.
Nakasideview siya sa akin.
Aatras na sana ako nang may mapansin.
Nakapamulsa siya. At ang dalawang mata'y seryosong nakatitig sa maamong mukha ng babae, si Ellizabeth. Na ngayon ay wala paring malay.
Hindi ako natakot na makita niya ako, because I know he can't. He's too preoccupied in the moment.
Masyado siyang seryoso habang nakatitig kay Ella. Malungkot ang mga mata niya.
Napangiti ako at mahinang sinarado ang pinto.
Tila narinig ko pa ang tunog ng puso ko.
Kilala ko ang lalaki.
He is Flynn.
* * *
Sino pa sa inyo ang nakakaalala kay Ms. Sab?
How about sir Loid? Natatandaan niyo pa ba siya?
I want to know what you're thinking.
So comment now. Usap tayo.
Anong masasabi niyo sa chapter na 'to?
Next week ulit ang update.
kuya_mark
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top