Chapter 22: Blue Pain
Vanessa's POV
Napasinghap ako nang makitang gumalaw ang lalakeng kanina lang ay walang malay o mas tamang sabihin na paralyzed.
Nakikita ko sa peripheral vision ko na maging sina Flynn at Kiara man ay nagulat rin sa nangyari. Sino naman kasi ang hindi magugulat? Kanina lang ay paralyzed at dilat ang mata nitong lalake at ngayon gumagalaw na.
Sumulyap ako kina Max at Kezia, sa tingin ko nagulat rin sila pero kumpara sa amin nila Kiara, nabawi kaagad nila ang kanilang pagkagulat. Mukhang sanay na talaga sila sa mga bagay na katulad nito.
Lumapit si sir Loid sa isa pang lalake at ginawa 'yung kanina lang na ginawa niya sa unang lalake. Nagising narin ito.
It woke with a start and then it gasped. A long and a thrashing gasped. Kumurap kurap ito, na parang hindi siya makapaniwalang nakakagalaw na siya sa kabila ng pagkaparalyzed niya.
Tiningnan niya ang kasamang lalake na ngayon ay nakabangon na.
After those, we then settled. Bumalik kami nila Flynn at Kiara sa aming pagkakaupo. Sina Max and Kezia naman ay nakahanap ng malaking kahoy at dito umupo. Tapos si sir Loid naman ay umupo rin sa isang di gaanong malaking bato, ngunit tama lang ito sa kanya.
"Salamat." saad ng isang lalake habang hinihilot ang kaliwang braso niya. Mukhang malala talaga ang inabot nila sa kaaway.
Sir Loid just nodded then started asking."Ayos lang 'yun. Mga pre, gusto sana naming malaman ang nangyari. Nakita kasi kayo ng tatlong istudyante ko na nakahandusay dito at nalaman nilang paralyzed kayo. Kaya..."
Nagkatitigan ang dalawang lalake. About one minute siguro 'yung titigan nila. Sinusulyapan rin nila kami pero binabawi nila agad tapos nagkatitigan na naman sila.
Ewan ko ha, medyo suspicious naman kasi 'yung titigan nila. Para silang nag-uusap at 'di nila alam kung sasabihin ba nila sa amin ang totoo o hindi.
Akala ko hindi na sila magsasalita at habang buhay nalang silang magtititigan. "May nakabangga kami." biglang sabi nung isang lalake.
Again, sir just nodded. Like he was already expecting the answer.
"Bago po ang lahat magpakilala po muna tayong lahat, medyo mali naman kasi kung mag-uusap tayo pero 'di natin kilala ang isa't isa." biglang sabat ni Kezia. Kaya nagpakilala naman kaming lahat.
"My name's Gray." pagpapakilala ni Gray daw. "Ako si Dante." dagdag naman nung Dante raw. Gray? Dante? Parang 'di naman ata match if in terms sa generation.
Pero bakit ko ba pinakikialaman pati pangalan nila? Tingin ko nasa mid twenties 'tong mga 'to.
"As I was expecting, may nakabangga kayo. Ilan ba sila? Tatlo? Lima? Babae? Lalake?" sunod-sunod na tanong ni sir.
"Lalake." tumingin si Gray kay Dante bago nagpatuloy. "At nag-iisa lang siya." bahagya akong nagulat. I mean, hindi lang pala ako kaming lahat. One versus two?
Nakikita ko kasi sa itsura nila Kezia na nagulat sila. Si sir Loid naman ay parang wala lang, tumango-tango lang siya.
"Hindi na namin itatanong kung bakit napaaway kayo sa nag-iisang taong 'yun. Nasasainyo na 'yun kung sasabihin niyo sa'min. Marahil ay isang "bullshido" or a "touch of death" user ang umatake sa inyo." bahagyang nangunot ang noo ko sa narinig. Ito nanaman ang bullshido na 'yan.
"Alam ko bilang isa sa members ng spades ay 'di pa kayo ganap na tinuruan ng bullshido or "touch of death" dahil prohibited ang uri ng martial arts na 'yun." sabi ni sir kay Max kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"Yes sir, pero tinuruan na po kami ng mga konting bagay tungkol 'dun." sagot ni Max. "Diba Kez?"
"Hmm. Oo tinuruan na po kami ng kaunting bagay tungkol 'dun. Amm. 'yung nakaaway niyo po ba ay parang, umaatake sa hangin pero kahit sa hangin lang ito umaatake, may epekto ito sa inyo?" biglang tanong ni Kezia kina Gray at Dante. Nagkatinginan lang din ang mga ito saka tumango.
Ha? Umaatake sa hangin? Ano 'yun? Magic? Parang sa TV ko lang 'yun narinig ah.
Kezia nodded then continued. "In dojos all around the world po kasi, maraming mga martial arts masters ang gumagamit ng mysterious forms of attacks." kumuha si Kezia ng stick sa gilid niya at sinulat sa lupa ang "Dim Mak" at "Kyusho Jitsu".
"The Dim Mak and Kyusho Jitsu are just some of the secret techniques used by some of the masters. They also call these techniques as "Bullshido." sumulyap si Kezia kina Gray at Dante saka nagpatuloy.
"Using these techniques, one can kill or render an attacker unconscious o sabihin nalang natin na nakakapagparalyze sila with just a single touch or with no touch at all. Kaya kayo na paralyze."
Natahimik kami sa sinabi ni Kezia. Nagkatinginan rin kami nina Kiara at Flynn, pati sila ay parang hindi makapaniwala.
Meron ba talagang ganon? Nakakapagparalyzed ang isang tao with just a single touch?
"Gaya nga po ng sinabi ni sir Loid. Pwede rin pong Angampora user 'yung nakabangga niyo."
"Angamopra user?" biglang tanong ni Dante sa sinabi ni Max.
"Angampora is also a form of martial art that combines combat techniques, self-defense, sport, exercise and meditation." Max cleared his throat then continued talking.
"May two types po ang Angampora, first is the namesake "angam" which incorporates hand-to-hand fighting. Second po is "illangam" which involves the use of weapons like, "ethunu kaduwa", staves, knives, swords at marami pa." tumingin si Max kina Dante at Gray saka nagpatuloy.
Seryoso rin kaming lahat sa pakikinig kay Max. Para kaming nasa martial arts training. Bakit ang rami nilang alam?
"Sa "Angampora", gumagamit sila ng striking and grappling techniques. At gumagamit rin sila ng pressure points attacks like sa batok niyo para maparalyze kayo." napahawak bigla sina Gray at Dante sa kanilang batok.
Ganon pala 'yun? Inaatake nila ang pressure points para maparalyze ang kaaway? Kaya pala parang priness ni sir Loid ang batok nina Gray at Dante para mawala ang pagkaparalyze nila.
"So ayun. Pasensya na po kung parang teacher ako kung umakto." sabi ni Max saka napakamot sa batok.
"Bakit nga po pala kayo napadpad sa masukal na gubat na 'to?" biglang naitanong ni Kez sa dalawang lalake.
Nagkatinginan na muna ang dalawa saka nagsalita si Gray. "Hinahanap lang namin 'yung aso naming si Sol. At may biglang humarang sa daan namin tapos 'yun." bigla namang nangunot ang noo ko.
Aso? May hinahanap silang aso? Tapos Sol ang pangalan? Weird naman ng pangalan ng aso.
"Kayo? Bakit ba kayo napadpad rito? Gabi na." pag-iiba agad ni Dante sa usapan.
"Hinahanap namin ang istudyante ko. Babae. Kaninang umaga pa siya nawawala. Baka naman may nadaan o may nakita kayo?" tanong ni sir Loid.
"Wala! I mean, w-wala. Wala kaming nakita o nadatnang babae. D-diba Gray?"
"O-oo w-wala! Talagang wala kaming nakitang babae. H-hindi nga rin namin nahanap ang aso naming si Sol eh." dagdag naman ni Gray. Ewan ko lang ah. I smell something fishy in here. Parang 'di sila nagsasabi ng totoo. I'm not really sure though, my detective sixth sense says it all. Choss!
Hehe may pa detective-detective pa akong nalalaman. Nahawa na tuloy ako dito sa mga kasama ko. Sobra silang keen observer.
"Baka naman po 'yung asong tinutukoy niyo ay 'yung asong nakita ko kanina." napatingin kaming lahat kay Max dahil sa sinabi niya.
"Nakita mo aso namin? Saan?" tanong agad ni Gray at bigla silang napatayo.
"Doon po sa may bandang sulok. Madilim na rin kaya ako lang nakakita." itinutok ni Max ang ilaw ng g-tech device kaya napatingin kaming lahat sa kung ano man ang tinutukoy niya.
Lumapit sina Gray at Dante sa aso at nagulat ako nang bumalik sila na hila-hila ito. Patay?
"Isang blue pain. Paanong?..." bulong ni sir Loid sa sarili pero naririnig parin namin ito. Binunot niya 'yung parang pin na nakatusok sa leeg ng aso. Pin? Baka 'yan 'yung blue pain na sinasabi niya?
"Po? Ano pong blue pain?" tanong ni Kezia. Nagkatinginan naman kaming lahat. Bakit parang kinakabahan si sir Loid? Nakaluhod siya sa harap ng aso pero alam kong kinakabahan siya sa tono ng boses niya.
"Ano? Patay na ba si sol?" biglang tanong ni Gray.
Napatayo si sir Loid saka humarap kay Gray. "Sa ngayon, buhay pa ang aso niyo. Pero under paralysis ito dahil sa blue pain. Wala na tayong magagawa para sa aso niyo."
"Ano nga po pala 'yung blue pain na sinasabi niyo?" nagkatinginan kami nina Kezia nang ngumiti lang si sir Loid sa tanong ni Kiara. Bakit parang ayaw ni sir sabihin 'yang tungkol sa blue pain?
Bahagyang napatingin si sir sa wrist watch niya. "Lumalalim na ang gabi. Baka nakabalik na si Ella. Kailangan na rin nating bumalik." sabi ni sir.
"Pero si Ella." biglang reklamo ni Flynn.
"Bukas. 5 AM sharp. Kung hindi pa nga talaga nakabalik si Ella, ipagpapatuloy natin ang paghahanap sa kanya." sabi ni sir saka nagpalinga linga sa paligid. Napatingin narin ako sa paligid kahit 'di ko alam kung ano ang minamatyagan ko.
Bakit parang naging suspicious 'yung galaw ni sir?
"Kailangan narin naming umalis. Sige, salamat sa tulong niyo." sabi ni Dante saka sila umalis habang hinahatak ang paralyzed na aso.
"Tara na." mahinang sabi ni sir Loid.
"Sir!?" biglang saad ni Kezia.
Huminto si sir pero 'di lumingon. "Wala munang tanong sa ngayon Kez." bakit parang cold 'yung pagkakasabi ni sir? Anong meron?
Wala na kaming nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Biglang nanindig ang balahibo ko sa braso at nakaramdam ako ng kilabot. Dumikit nalang ako kay Kiara at maingat na naglakad.
* * * * *
Ella's POV
Nagising ako nang makaramdam ako ng patak ng tubig sa pisngi ko. 'Di ko nalang sana pinansin ang mga patak at baka naalimpungatan lang ako nang dumarami na ang mga patak.
Ulan?! Sabi ko sa isip ko.
I woke with a start. Then I stand up groggily. Nakatulog pala ako sa puno.
Nakaramdam ako ng hapdi sa braso't binti ko.
Bigla kong hinawakan ang noo ko dahil mahapdi ito. "Aray ko naman!" sigaw ko sa sarili ko. May konting gasgas pala ako sa noo.
Dahil sa naramdamang hapdi, naalala ko ang nangyari kaninang hapon. Bakit parang sobrang LR ko na?
Gabi na pala, at umuulan pa.
Mabilis akong napayakap sa malaking puno nang marinig ko ang galit na sigaw ng langit.
The gust blow out harsher and the lightning illuminated the surface. The thunder then continued roaring above.
I am shaking strangely, from my knees down to my feet. My teeth started chattering because of the breezy feeling I felt.
Bakit sa lahat ng panahon, ngayon pa umulan ng malakas? Inang kalikasan, pinaparusahan niyo ba ako? Please naman po oh. Sumusunod naman po ako sa proper disposal ng garbage ah. Huhu.
I sob. I then started weeping. Ligtas nga ako sa dalawang manyak kanina, hindi naman ako ligtas sa bagyo. Lalo pa't gubat ito. Baka malunod lang ako sa baha.
May nagligtas nga sa akin kanina, iniwan lang din naman ako dito sa puno habang natutulog.
Wala parin siyang puso, iniligtas niya nga ako, iniwan din naman.
Sinubukan kong umakyat sa puno pero paulit-ulit lang akong nadulas. Magiging ligtas kasi ako sa baha kapag sa puno ako umakyat. Pero 'di naman ako marunong umakyat ng puno. Nadagdagan pa ang mga galos sa kamay at binti ko.
Pero kung makaakyat man ako, mamamatay rin naman ako sa ginaw dahil sa ulan. Ano ng gagawin ko?
"Bahala na..." sabi ko sa sarili saka tumakbo.
With the horrifying lightning, the roaring thunder and the void around me. I run, run as fast as I could. Letting both the darkness and emptiness swallow my wholeness.
* * * * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top