Chapter 21: Splattered Blood

Chapter 21: Splattered Blood

Ella's Point of View


'Kuya Arch!' sigaw ko sa loob ng utak ko at walang alinlangang tumakbo patungo sa kanya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Halong saya at pagtataka ang umiikot sa aking utak.

I squinted as I saw him took a step back, sending me even more bullets of confusions. At ang hindi ko inaasahan ay nangyari.

Marahang umiling si kuya at may sinabing 'no' tsaka siya tumakbo papalayo sa akin.

Kahit naguguluhan man, nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo at hinabol siya.

"Kuya Arch! Please!" I bellowed as I desperately run after him. Hindi ko siya maintindihan, bakit niya ako tatakbuhan? At imposibleng nagkamali lang ako dahil sigurado akong nakita rin siya nina Anna.

"Ella wait! Huwag mo kaming iwan dito!" sigaw ni Cynthia sa likod. Judging from the sound of her voice, halatang malayo na ako sa kanila. Pero hindi ko sila nilingon at nagpatuloy pa rin ako kakahabol sa kuya ko.

Ramdam ko kung paano dumaloy ang malamig na pawis sa katawan ko. At tila tambol na ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Sinisigawan pa rin ako ng tatlong babaeng kasama ko pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo.

Hanggang sa nawala sa paningin ko si kuya...

My pace slowed into a walk until I was in a complete stop. Halos marinig ko na ang pagtibok ng puso ko at kapansin-pansin na rin ang paghingal ko.

"Kuya," bulong ko sa sarili ko sa pagkadismaya.

Nakabukas na ang bibig ko habang humihingal. Napapikit ako at pinakiramdaman ang sarili. Then I intentionally let in the air I needed now.

Narinig ko ang paparating na tunog ng mga kasama ko.

"Ella, a-asan na si King Al-bert? Bat 'di ko na siya nakikita?" tanong ni Cynthia, hinarap ko sila pero hindi ko magawang tumingin sa mga mata nila.

"Hindi ko na siya naabutan," tipid kong sagot. Tumalikod na agad ako sa kanila at dahan-dahang naglakad. Narinig kong sumunod na lang din sila at alam kong alam nila na gusto ko na munang tumahimik. At sa tingin ko, binabasa na nila ang utak ko ngayon.

Isang imposibleng bagay.

Isa pa 'yan. Ang telepathy, imposible naman kasing may taong talagang nakakagawa ng ganyan. Except na lang sa dalawang kasama kong 'to.

Si Annabeth at Cynthia, paano sila nagkaroon ng kakayahang iyan? Nakuha kaya nila 'yon sa chemicals na pinatake sa amin?

Wala rin silang maalala sa nangyari sa kanila bago sila napadpad dito. Kasalungat sa kalagayan ko, tandang-tanda ko pa rin hanggang ngayon ang nangyari sa akin mula noong nagsimula ang stage 1, ang maze ng mga baliw na cranks, at hanggang dito. Bakit naman wala silang maalala?

Ang makulit na batang si Clark, si Vanessa, Kiara at Flynn . . . bakit gusto niyo akong patayin? Wala na bang halaga sa kanila ang salitang kaibigan? Alam kong ilang araw pa kaming naging magkaibigan pero hindi basihan ang kahabaan ng oras para malaman mong tunay kayong magkaibigan. At alam kong mga tunay ko silang kaibigan. Hindi ko man alam ang buong detalye ng buhay nila, pero tinuturing ko na silang pamilya.

Kaya alam kong may dahilan ang lahat ng ito. Unless . . .

At si kuya Arch . . . napangiti ako nang lihim nang maalala ko kung paano nila tinawag na 'King Albert' si kuya. Ibang-iba na talaga ang kuya ko, sana nagkaroon pa kami ng oras para magkasama.

Biglang napawi ang ngiti ko nang maalala ko ang larawang iyon. Larawan ng kuya ko kung paano lumabas ang sariwang dugo mula sa bibig nito.

Lahat ng ito'y imposible. At kung tama ang hinala ko, iyon lang ang paraan para maipasa ko ang challenge na ito.

"Teka, nakikita niyo ba ang nakikita ko?" napalingon ako kay Cynthia na siyang nagtanong at siya ring nasa tabi ko lang.

"Syempre hindi, magkaiba kaya tayo ng mata." Tila hindi nakuha ni Cynthia ang pagbibiro ni Annabeth dahil nanatili parin siyang nakatutok sa kung ano man ang tinitingnan niya. Dahil sa kuryosidad ay tiningnan din namin ni Anna at Faye ang nasa 'di kalayuan.

Nag-iba ang tibok ng puso ko, nagsisimula na naman itong maging abnormal, habang nilalapitan namin ang bagay na iyon.

Unti-unti kaming nagkaroon ng ideya kung ano ang bagay na iyon. At hindi nga tamang tawaging bagay dahil tao ang nakikita namin ngayon. Habang lumalapit kami sa tao ay mas lalo lang lumalala ang kaba ko.

Nakahandusay ang ang katawan ng tao, at alam kong lalaki ito kahit hindi pa kami gaanong nakakalapit.

Nagkatinginan kaming apat, bakas ang kaba sa mga mata nila.

Napasinghap kaming apat nang makilala namin ang lalaki. Kahit mga isang metro ang agwat namin sa kanya, nakilala pa rin namin kung sino siya.

"Oh my G*d!" saad ni Annabeth at napatakip pa sa bibig niya.

Umatras si Faye at iniwas ang tingin sa karumal-dumal na anyo ng lalaki.

Madilim ang paligid, at tanging ang dilaw na ilaw lang ng poste ang nagbibigay ng liwanag para makilala namin ang lalaki.

Huli na nang mapansin kong nanginginig ang aking kamay. I gritted my teeth trying to control the feelings that are swelling inside.

"King Albert . . ."

My tears betrayed me, it started pouring down as if to drain me. And it all seemed like forever.

Karumal-dumal ang anyo ni kuya, naliligo ito sa sariling dugo. Klaro ang mangitim-ngitim na dugo na lumabas pa galing sa bibig nito. Nakabukas pa ang mata nito nang mawalan siya ng buhay.

Sinasabi ng mga mata niya kung paano kahirap ang pagkamatay niya.

The flashback of that scenery came in echoes.

"Hi, a-ako ang k-kuya mo . . . nice meeting you, l-lagi mong tatandaan na mahal na m-mahal ka ni kuya . . ."

"Hindi mo dapat iniiyakan ang mga walang kwentang tao tulad niya Ella. Isa kang mahalagang bahagi sa plano kaya 'huwag mong sayangin ang buhay mo!"

Napaluhod ako at kinuyom ang mga kamao ko. Sinasabayan ng panginginig ko ang pag-iyak ko. Sumisikip na rin ang dibdib ko sa kakaiyak. Halos kainin na ako ng galit. Ano ba ang meron sa akin at ganito ang mga nangyayari sa paligid ko? Nabuhay ako sa mundong puno ng panghuhusga, ng panglalait . . . pamilya ko lang ang pinakamagandang bagay na meron ako. Hindi ko 'to ginusto. Hindi---

"Aaahh!---"

Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang tili na iyon. Mainit pa ang mata ko kakaiyak nang lumingon ako sa likod ko.

At nakita ko sila sa harap ko . . .

"Oh ano darling? Tapos ka na ba sa drama mo?" saad ni Vanessa na nakataas ang kilay at ngumiti ng nakakaloko. "What a drama queen, ikaw na ang queen ng kadramahan with flashing colors!"

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod. Isa-isa ko silang tinignan nang walang ekspresyon. May hawak na baril sa magkabilang kamay si Clark, at ang dalawang baril na ito'y nakatutok sa ulo ni Annabeth at Cynthia. Nakataas ang kamay nilang dalawa.

Si Kiara naman ay may hawak-hawak na baril at nakatutok ito sa sentido ni Faye. Halata kay Faye na nagpipigil ito sa pag-iyak.

Nahuli ng mata ko si Flynn, nakapamulsa ito. Blangko ang ekspresyon niya at ang hirap basahin ang kung ano man ang iniisip niya.

"Ano? Tutunganga ka na lang dyan?" sigaw ni Vanessa na tila nanakot pa. "Lumapit ka dito bitch!"

Tiningnan ko si Anna at si Cynthia sa mata, alam kong nag-aalala sila. Natatakot at kinakabahan.

Nagsimula akong humakbang. Dahan-dahan.

"At siguraduhin mong huwag kumilos ng masama kung ayaw mong tuluyan namin itong mga babaeng ito!"

Tumingin ulit ako kay Flynn, blangko pa rin ang ekspresyon niya. Hindi ko mabasa.

Inilipat ko ang mga mata ko kay Clark, nakangiti ito ng nakakaloko.

Clark . . .

Tsaka ulit ako tumingin kay Anna at Cynthia. Umiling sila na parang sinasabing 'hindi'.

Humakbang ulit ko.

"Bilisan mo!" nanlalaking mata na utos ni Vanessa.

"Ella, huwag! Tumakbo ka na! Iligtas mo ang buhay mo! Alam kong hindi nila kami papatayin! Pero ikaw, ikaw ang pakay nila. Utos iyon sa kanila! Umalis ka na!" rinig kong sigaw ni Anna sa loob ng utak ko.

"Ella, sorry . . . sorry sa lahat, sana patawarin mo kami ni Anna at Faye," ngayon si Cynthia naman ang nagsalita sa loob ng utak ko.

" Anna, Cynthia kung naririnig niyo man ako . . . Hindi ko pa rin lubos na makuha o maintindihan ang sinasabi niyo at ang mga nangyayaring ito. Pero isa lang ang sigurado ako . . ."

"O? Ano pang tinutunganga mo dyan?" sigaw na naman ni Vanessa. Noong nakalapit na ako sa kanya, ngumiti ako. Hindi ngiting pilit, kung 'di ngiting masaya ako.

"Hi Vanessa," halata sa mukha ni Vanessa ang pagkainis kaya hindi ko agad napansin ang mga galaw niya.

Tumama ang kanang kamao niya sa mukha ko, at sunod kong naramdaman ang malakas niyang pagsipa sa sikmura ko. Napaimpit ako dahil sa sakit. Napaatras ako at pabagsak na napaupo sa semento habang yakap ko ang tiyan ko.

Narinig kong napasinghap sina Anna. Kaya pinilit kong tumayo. Hindi pa lang ako nakakatayo ay nakatanggap na agad ako ng sipa sa mukha.

Dahil sa lakas ng sipa ay tumama pa ang ulo ko sa semento. I gritted my teeth because of the pain that's killing me.

"Itigil niyo 'yan! Ano ba!" sigaw ni Anna, basag na ang boses niya.

"Ano ba Ella! Lumaban ka!"

Pinilit kong buksan ang aking mga namamagang mata. Papalapit na si Vanessa sa akin na may ngiting demonyo. Nagsimula na ring mandilim ang aking paningin.

Tiningnan ko si Clark, nakangiti ito at tila nagsasaya sa panunuod. Nagsasayang panoorin na nasasaktan ako.

Sinipa na naman ako ni Vanessa, at napaimpit na naman ako sa sakit. Patuloy pa rin sa pagsigaw si Anna.

Tumingin ako kay Flynn, napasmirk lang siya.

Ibabaon na naman sana ni Vanessa ang hill ng sapatos niya sa tiyan ko, ngunit napatigil siya nang may narinig na nagsalita . . .

"Hey there teka lang . . ." boses lalaki ang nagsalita. At naglalakad siya papalapit sa amin.

"Ikaw?" napaatras si Vanessa, halata sa boses niya ang pagkagulat at . . . takot.

"Ano ba naman kayo, hindi niyo ako tinawagan na may party pala dito. Selfish niyo naman, share naman kayo ng excitement, ng thrill," sabi ng maangas na lalaki na ngayon ay nakatayo na sa tabi ko. Pinatunog niya pa ang kamay at leeg niya na parang naghahanda sa laban.

May maputing buhok ang lalaki. Tumingin siya sa akin na nakahandusay pa rin, at saka siya kumindat. "Ano pang hinihintay niyo? Simulan na natin."

Sumigaw si Vanessa at mabilis na sinugod ang lalaki, ilang minuto lang ay nasa lapag na ang katawan ni Vanessa. Lumapit ang lalaki sa akin at tinulungan akong umupo.

Ngumiti siya ng matamis. "Paano ba 'yan Ella, naligtas na naman kita. Pang ilang ligtas ko na ba 'to sa'yo?" nakangiti niyang tanong. Naguguluhan man, ngumiti ako at tumayo na rin.

"Salamat," sabi ko at tinanguan niya ako.

Ngayon handa na ako. Magkasabay kaming tumakbo at sabay rin na lumaban sa kanila.

Si Flynn at Kiara ay kinalaban ko. Maging si Clark. Wala akong pinili.

Pinuno ng ingay ng labanan ang paligid, duguan ang bawat kamao. Umaalingawngaw ang sigaw, impit at putok ng baril.

.

.

.

.

.

.

At ilang minuto lang, natagpuan ko ang sarili kong nakatayo na mahigpit na nakahawak sa baril. Nanginginig ang aking kamay.

Mag-isa akong nakatayo habang nakatanaw sa mga bangkay, puno ng bala ang bawat katawan nila.

Naramdaman ko pa ang luhang pumatak sa pisngi ko bago nandilim ang paningin ko.

~ ~ ~

"Doc, kamusta na po si Ella?"

"For now, she still needs hours of rest. Masyadong apektado ang utak niya sa nangyari."

"Ganoon po ba, sige po doc salamat."

"Ate, gumising ka na. Miss na miss na kita."

"Huwag ka nang umiyak Clark, malakas si ate Ella mo."

"Ate Vanessa, paano kung hindi na magising si Ate Ella? Narinig ko po nagkamali po sila ng naibigay na test kay ate Ella."

"Ano ka ba, huwag kang magsalita ng ganyan. Matatag ang ate, gigising siya. What we can do for now is to pray."

***

Author's note:

Next chapter will be the explanation of the stage 2 challenge. Pero siguro naman may ideya na talaga kayo kung ano ang challenge. At base sa mga nababasa kong comments, may dalawa, if I'm not mistaken, ang nakahula tungkol sa challenge.

Napasin kong iilan lang ang mga nagcocoment at mas marami talaga ang silent readers. Which makes me sad. Mag-ingay naman kayo! Haha

Musta na kayo? Kausapin niyo ko. And Happy New Year sa lahat! Late Christmas gift ko na rin sa inyo to.

God bless!

Huwag kalimutang mag-iwan ng comment at vote.

kuya_mark

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top