Chapter 21: Bonfire

Ella's POV

Panginoon ko. Maraming salamat.

Pagod man ay pinipigilan ko parin ang sarili ko na mawalan ng malay.

Wala akong gaanong makita dahil naging malabo na ang aking paningin dala ng mga luhang umagos.

Ang tanging naririnig ko lamang ay labanan. Hindi kaya natalo na ang taong dumating.

Nag-iisa lang siya. Baka 'di niya kayanin ang dalawang kaaway.

Gusto kong makita ang pagmumukha ng lalake upang makilala ko siya. Sa sobrang pagod ko, 'di ko na makikilala ang taong dumating gamit ang aking pandinig.

Sinubukan kong tumayo gamit ang natitira kong lakas. Ngunit paulit-ulit lang akong nabigo.

Pumikit ako upang makapagconcentrate. Hinugot ko ang lahat ng natitira ko pang lakas para lamang makatayo. Tiniis ko ang hapdi ng mga galos sa aking katawan na nakuha ko.

Pero kahit anong gawin ko, hindi ko magawa ito.

Hindi ko alam na ganito pala kalala ang inabot ko. Ang alam ko, puno ng galos at hapdi ang buo kong katawan.

Maya-maya pa ay 'di ko na kinaya at paunti-unti ng nanlalabo ang aking paningin. At... At...

*BLACK OUT*

Flynn's POV

"Nasa southeast sina sir Loid. Tayo naman ay nasa northeast." saad ni Vanessa habang nagcoconcentrate lang sa g-tech device niya.

Saglit kong tiningnan si Vanessa, at nag focus ulit sa daan.

"Medyo malayo na tayo kina sir Loid. And to state the obvious, malapit nang kumagat ang dilim. Kailangan na nating mahanap si Ella sa lalong madaling panahon. Oh kung gusto niyo, sa lalong madaling oras. Hindi panahon. Oras." napatingin lang kaming dalawa ni Kiara kay Vanessa. At 'di umimik.

"Okay okay! Guess it isn't a time for a joke. Just trying to cheer us all up. That's all." nagkibit balikat nalang si Vanessa dahil tahimik parin kami ni Kiara.

Naiintindihan ko si Vanessa. I know that she's trying to lighten up our moods. Maybe to cheer us up.

Bilib rin ako kay Vanessa. Kanina, siya 'yung unang nag freak out pero nang naka move on na siya. Siya na mismo ang nag rerekindle ng light para sa pag-asa naming lahat na mahanap si Ella.

Si Ella. Ang tipo ng babae na hindi mo maprepredict. She sure is impulsive, unpredictable, pero mahal ng lahat.

I pretended to stay as calm as I could. I haven't spoke words to hide my worries. But my inner voice says it all.

As we wound our way through the forest, with the blades of the tall grass giving us unnoticed wounds, my heart kept on pounding against my chest.

I don't really know why, maybe these are the worries I kept hidden.

Kanina pa ako nangangamba para kay Ella ngunit ayaw ko itong ipakita sa mga kasama ko.

Gumagabi na kaya flashlight nalang ng g-tech device namin ang aming ginagamit.

Tumahimik nalang si Vanessa, at tahimik lang kaming tatlo sa paglalakad. Gabi na at hindi parin namin nahahanap si Ella. Ano na kayang nangyari sa kanya?

Labag man sa aking kalooban ay 'di ko parin maiwasang mapaisip ng mga masasamang bagay na maaaring mangyari o nangyari kay Ella.

"Guys tingnan niyo 'yun!" mahinang sabi ni Kiara sa amin ngunit may kakaibang tono ang pagkakasabi niya. Tono ng natatakot.

Sinundan ko ng tingin ang kung ano man ang tinuturo ni Kiara. Nandilat ang mga mata ni Kiara sa nakita. Maging ako man ay nandilat rin ang mga mata dahil sa gulat at pagtataka.

Sinulyapan ko si Vanessa at gaya ni Kiara ay napatakip lamang siya sa bibig at naistatwa sa kinatatayuan.

Nagsisimula na akong kabahan. Lalake man ay marunong rin akong matakot.

Ngunit 'di ko dapat ipakita sa mga kasama ko ang takot at kaba sa dibdib ko. Dahil sa tingin ko'y ako na lang ang magsisilbing lakas nila.

Dahan-dahan akong lumapit sa dalawang taong nakahandusay sa lupa. Sa ngayon ay 'di ko pa masasabi kung buhay pa ang mga ito.

Alam kong nakasunod lang ang dalawa sa likod ko. Nakikiramdam. Humuhugot kami ng lakas ng loob sa isa't isa.

Hindi ko alam kung bakit parang biglang bumagal ang oras. Bumagal rin ang aming mga galaw. Bilang ko rin ang aking mga hakbang.

Nakakabingi ang tunog ng paligid. Mga mahihinang bulong ng insekto at mga yapak ng aming paa lamang ang aking naririnig.

Sa paglapit namin ay nalaman kong lalake ang dalawang taong nakahandusay sa lupa.

Ngunit lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko nang makita ko ang pagmumukha nito. Nakapagtataka. Dilat ang mga mata nito. Hindi ko mawari kung humihinga pa ba ang dalawang nakahandusay.

Sumulyap ako kay Vanessa, baka sumigaw nalang siya. Alam ko na hanggang ngayo'y 'di parin niya nakakalimutan ang nadatnan niyang patay na babae sa comfort room ng eroplano.

Walang ni isa sa amin ang umimik. Nakikiramdam lang kami sa isa't-isa. 'Di namin alam kung anong unang gagawin.

Tinanguan ko si Vanessa bilang simbolo ng pagpapakalma sa kanya. Alam ko na sa aming tatlo, si Vanessa ang pinakamatatakutin. Dahil na rin sa trauma niya.

Humakbang ako ng konti upang mas mapalapit ako sa katawan ng isang lalake. Itinutok ko ang liwanag ng g-tech device sa mukha ng lalake at tinitigan ito.

Nakapagtataka kung bakit dilat ang mga mata nito. Nakabuka rin ang kanyang bibig. Blood-shot ang kanyang mga mata.

Hindi ko tinanggal ang titig ko sa mukha ng lalake at pinulsuhan ko ito. Ineexpect ko na patay na ito.

I was taken aback when I felt his pulsating pulse. Nangunot rin ang nuo ko sa nalaman.

Sa aking pagkakaluhod, nilingon ko sina Vanessa at Kiara na nagmamasid lang sa aking likod.

"The body's alive. Still having some heartbeats." saad ko sa kanila at tumayo. Lumapit ako sa ikalawang katawan at pinulsuhan din ito.

"He is too." sabi ko sabay tayo. Hindi ko parin tinatanggal ang titig ko sa katawang nakahandusay.

Umubo si Kiara kaya napatingin ako sa kanya. "Kung buhay ang dalawang lalakeng ito bakit dilat ang mga mata nila? Imposible ring nahimatay o nakatulog lang sila." pahiwatig ni Kiara na puno ng pagtataka.

"Oo. And hindi rin magwowork kung gigisingin natin sila dahil dilat ang kanilang mga mata." dagdag pa ni Vanessa. Nagulat ako nang lakas loob siyang lumapit at umupo sa harapan ng katawan.

"May nangyari sa kanila. We don't really know what'd happend. At hindi rin tayo sigurado kung may nakalaban ba sila, may na inom na lason o kung ano man." patuloy ni Vanessa saka tumayo.

Nagkatinginan kami ni Kiara. Saka ako tumango kay Vanessa tanda ng pagsang-ayon ko sa kanya.

Tinitigan ko nalang ulit ang katawan. Ramdam ko rin ang pinaghalong tensyon at kaba sa pagitan naming lahat. Idagdag pa ang madilim, masukal, at tahimik na paligid.

Napatingin ulit ako kay Kiara nang makita ko sa peripheral vision ko na may pinipindot siya sa g-tech device niya. Napansin kong napatingin rin si Vanessa kaya Kiara.

"Anong ginagawa mo Kiara?" biglang tanong ni Vanessa. Nagkatinginan kami ni Vanessa saka ulit tiningnan si Kiara na busy parin sa pagpipindot.

"I'm trying to contact sir Loid." sagot ni Kiara habang inilalapit ang g-tech device sa tenga niya. "We need to inform sir Loid as well as Max and Kezia. I'm sure may alam sila or may magagawa sila tungkol dito."

Tinanguan namin ni Vanessa si Kiara bilang approval.

"Hello sir? Kailangan niyo pong pumunta rito... May nadatnan po kaming dalawang lalake, paralyzed po ang mga 'to... Po?... Dito nalang po namin eh eexplain sa inyo..." seryoso lang kaming napatingin kay Kiara habang nagsasalita ito.

"Opo sige po..." binaba na ni Kiara ang kanyang g-tech device at may kung anong pinindot na naman dito.

"Base on the GPS navigation, they are at a distance of 27 meters from us. So hopefully, mabilis nila tayong matutunton dito." saad ni Kiara habang nakatitig ito sa kanyang device. Sinabi niya ito matter-of-factly.

Tumango ulit kami ni Vanessa bilang sagot. Napapansin kong giniginaw si Vanessa dahil nakayakap ito sa sarili niya. At posibleng marami na ang umaaligid na lamok, idagdag pa na gubat ito.

Nagpalinga linga ako, saka lumakad.

"S'an ka pupunta Flynn?" biglang tanong ni Kiara sa likuran ko.

Nilingon ko siya saka sumagot. "Hanap lang ako ng kahoy na pwedeng gawing bonfire."

Kahit 'di ko man nakita, alam kong tumango si Kiara.

Hindi ako nahirapan sa paghahanap ng mga patay na sanga kaya nakabalik agad ako. Sa pagbalik ko, nakaupo na sa malaking bato sina Kiara at Vanessa.

Nag-uusap sila ngunit 'di ko ito gaanong naririnig dahil mahina. Nagbubulungan nga lang sila.

It's an easy thing for me to make a bonfire without the help of a match because I was once a boy scout.

Ginawa ko ang bonfire sa harap nila Kiara at Vanessa at umupo narin ako malapit sa bonfire. Kaharap ko sina Vanessa at Kiara.

Ganito muna kami sa ngayon. Habang naghihintay.

* * * * *

Maya maya pa ay may narinig kaming mga yapak ng paa kaya napatingin kaming tatlo sa pinanggalingan ng tunog.

Sa 'di kalayuan ay may nakita kaming tatlong tao. Bawat isa sa mga ito ay may dalang ilaw. Might be the g-tech device.

Hindi kami nagkamali sa aming hinala dahil sina sir Loid pala talaga ang paparating.

Tumayo kaming tatlo para salubungin sila.

"Ayos lang kayo?" Tanong ni sir sa amin. Tinanguan lang namin siya kaya dumiretso agad siya sa dalawang katawan.

Tinanguan ako ni Max kaya tumango rin ako sa kanya.

Linapitan nina Max at Kezia ang isa pang katawan at ininspect ito.

"Tama nga ang sinabi ni Kiara. These people are paralyzed. Wide-eyed, still breathing, but paralyzed." saad ni Kezia habang tinititigan ang katawan ng lalake.

Sir Loid nodded and then started talking. "They were attacked. Probably a "Bullshido", "Angampora" or a "Touch of Death" user." sabi ni sir na parang may narerealize.

"Po?" Tanong ni Vanessa. Nagkatinginan kaming tatlo nina Kiara at Vanessa. Pareho kaming tatlo na walang alam sa mga pinagsasabi ni sir Loid.

Ngumiti lang si sir Loid sa amin saka may kung anong ginawa sa katawan ng lalake. Hindi ko alam kung ano talaga ang ginawa niya.

Hindi ko rin masundan ang galaw ng kanyang kamay. Basta, parang pinress niya ang batok ng lalake at mabilis at malakas niyang tinulak ang likod ng lalake gamit ang kanyang palad.

Pagkatapos, nagulat kami sa biglang paggalaw ng katawan ng lalake. Hinawakan nito ang kanyang leeg at mabilis na huminga gamit ang kanyang bibig.

Umubo nang umubo ang lalake at napahawak rin ito sa kanyang tiyan na animoy walang katapusang ubo.

Mabilis rin itong humugot ng malalim na hininga na parang ano mang oras ay mauubusan na siya ng hangin.

Maya maya pa ay mahina na itong humihinga hanggang sa naging normal ang paghinga nito.

"Ano? Ayos kana?" tanong ni sir Loid sa lalake. Tumango lamang ito at napapikit ng marahan.

Nagkatinginan lang kami ni Kiara at Vanessa.

'Di ko maintindihan,

paano ginawa ni sir Loid 'yun?


*****

Thanks for reading :)

Please Vote and comment.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top