Chapter 20: Sol

Date: April 1, 2016

Happy first month para sa story kong BMH. salamat din sa mga readers :)

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Ella's POV

"Nawawala ako." sabi ko sa sarili ko.

Utak ko nga naman kasi oh. Umaandar na naman ang tanga kong utak.

Ano ba naman kasi ang pumasok sa utak kong maliit at hinabol ko pa ang lalakeng 'yun? Alam ko naman in the first place na hindi ko parin masusundan 'yun.

Kanina pa ako lakad nang lakad pero wala paring nangyayari, mas lalo lang akong naliligaw. Mukhang wala na nga 'to sa baryong Narra eh.

Pauli-ulit lang ang ginawa ko. Lakad, pahinga, lakad, at pahinga. 'Yun lang ang magagawa ko dahil 'yun lang din naman ang meron ako.

Nagugutom na ako. Mabuti nalang at nabigyan pa ako ng kape ni aling Doleng kanina, kung hindi kanina pa ako nahimatay sa gitna ng masukal na gubat na 'to.

Chineck ko ang wrist watch ko at nalaman kong 1:43 PM na.

Ilang oras na pala akong naglalakad. Wala akong breakfast at wala rin akong lunch. Sana makabalik na ako.

Hinahanap kaya nila ako? Sana naman hinahanap na nila ako.

At sa tingin ko hinahanap na nila ako. Kaibigan ko sila at kaibigan nila ako. Kaya siguro naman ay hinahanap na nila ako ngayon.

Sabi ng mama ko noong bata pa ako, pag naligaw daw ako. 'Wag daw akong umalis sa kinatatayuan ko para madali lang akong mahanap.

Naalala ko rin nung bata pa ako. Naligaw ako sa mall kaya ang ginawa ko sinunod ko ang payo ng mama ko. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. May nakita akong stand ng chocolate bars kaya 'dun nalang ako naghintay.

Medyo naglalaway kong tinitigan ang chocolates at nang 'di ko mapigilan ay kumain ako sa ilan sa mga chocolates.

Nahuli ako ng staff ng Mall na kumakain ng chocolates nila kaya dinala niya ako sa opisina nila at pinatawag ang mama ko.

Kaya nahanap ako ng mama ko at nagpasalamat pa siya na nahuli ako. Kung hindi, 'di na daw niya ako mahahanap.

Pero hindi ito Mall. Naliligaw ako sa isang masukal na gubat, hindi sa kung saang Mall. Tiyaka wala rin ang mama ko para hanapin ako.

Mas lumala pa ang aking gutom dahil sa naalala kong chocolates.

At kanina pa nagrereklamo 'tong tiyan ko.

May narinig akong kaluskos sa kung saan kaya napalingon ako.

Nagsisimula na akong kabahan sa mga naririnig kong kaluskos.

Napapalingon ako sa bawat yapak ng paa at kaluskos na aking naririnig.

Hanggang sa huminto ang kaluskos. Umatras ako ng dahan-dahan. Nagmamatyag. Nagmamasid. Pinapakiramdaman ko ang aking paligid.

Napalunok ako ng marahan ng gumalaw ang halamang nasa aking harapan. Tinitigan kong mabuti ang gumalaw na halaman. Tila may hinahanap. Hindi ko rin maintindihan ang lakas ng tibok ng puso ko.

May nasagip ang aking mga mata. Nasagip ko ang dalawang matang nakatitig sa akin. Mga matang galit na galit. Titig na gustong-gusto akong kainin ano mang oras.

Napa atras ako nang bigla itong tumalon sa harapan ko.

Isang napakalaking aso. Naglalaway ito. Nakalabas ang ngipin na animoy sabik na sabik akong kainin.

Lumapit ito ng dahan-dahan sa akin. Sa bawat yapak nito ay siya namang pag-atras ko.

Gusto ko ng maiyak dahil sa takot.

Mas lumala ang nginig at takot sa katawan ko nang tumahol ito sa akin. Isang malaki at nakaktakot na tahol.

Bumilang ako ng tatlo saka tumalikod at mabilis na tumakbo. Ngunit hinabol ako nito.

Hindi palang ako nakakalayo sa aso ay naabutan na ako nito at agad ako nitong dinambahan.

I was trapped between the legs of the dog. Like a rat trapped by a cat with nowhere to run. Imbis na mandiri ako sa tumutulong laway sa dibdib ko ay mas lalong lumakas ang kaba ko.

Di ko na napigilan at umiyak na ako. Pumikit ako nang maramdaman kong aatakihin na ako ng malaking aso.

Naramdaman ko ang bigat ng aso sa katawan ko at narinig ko rin ang pag ungol nito.

Katapusan ko na....

Kiara's POV

Kanina pa namin hinahanap si Ella pero hanggang ngayon ay wala parin kaming progress.

Ginising ako kanina ni Vanessa at binalitang nawawala si Ella. Imbis na simulan ang mission namin ay inuna muna namin ang paghahanap kay Ella.

Sabi ni aling Doleng, iniwan lang niya sandali si Ella sa labas dahil maghahanda lang siya. Nag kuwento pa raw sila ng maliliit na bagay. Ngunit pagbalik niya ay nagtaka siya kung bakit wala si Ella.

Tinanong ni aling Doleng si Clark ngunit 'di rin alam nito kung nasaan si Ella. Akala niya naglalakad lang sa tabi-tabi si Ella kaya pinabayaan niya nalang.

Nangamba raw si aling Doleng nang napagtanto niyang 'di pa bumabalik si Ella kaya ginising na niya si sir Loid.

Halos mag freak out si Vanessa habang ginigising ako. Maging ako man ay puno na ng pangamba.

Naghiwa-hiwalay kami para mas mapabilis daw ang paghahanap namin kay Ella. Kasama ko si Vanessa at si Flynn sa paghahanap. Kumpara kay Vanessa, kalma lang si Flynn ngunit nakikita ko sa mga mata nito ang pangamba.

Ginamit namin ang aming indibidwal na g-tech device para mas madali naming mahanap ang isa't-isa.

Sinubukan pa namin nung una na itrack ang device ni Ella using GPS navigation pero nalaman namin na nasa loob lang ito ng bag niya.

Kung dala-dala sana ni Ella ang device niya mas mapapadali sana ang paghahanap namin sa kanya. Ngunit iniwan niya ito.

Huminto si Flynn sa paglalakad at may pinulot na kung ano.

"OMG! Suklay ni Ella yan." sabi ni Vanessa na nagpabuhay ng pag-asa sa amin.

"Baka rito siya tumakbo." sabi ni Flynn habang tinuturo ang daan.

Tumango lang kami ni Vanessa at nagpatuloy na sa paglalakad.

Ella, sana ligtas ka. Parating na kami.

Ella's POV

Hanggang ngayon ay nakapikit parin ako. Nakapagtataka nga lang kung bakit wala parin akong naramdamang kagat. Kagat ng lamok meron, pero kagat ng aso wala.

Dinilat ko ang isang mata ko at sumalubong sa akin ang nakakatakot na mukha ng aso kaya napapikit agad ako.

Wala paring nangyari.

Dahan-dahan kong minulat ang dalawa kong mata. Nakakatitig ang aso sa mga mata ko.

Hanggang ngayon ay malakas parin ang tibok ng puso ko. Gumalaw ako ng konti.

Nakapagtataka. Bakit hindi ako kinain ng aso? At. At bakit 'di ito gumagalaw?

Maingat kong kinaway kaway ang kanang kamay ko sa harap ng aso. 'Di ito natitinag sa ginagawa ko.

Pasimple ko namang hinawakan ang tagiliran nito. 'Di parin ito natinag, o naistorbo.

Marahan kong tinulak ang aso sa gilid pero dahil sa bigat nito ay kailangan ko pang gamitin ang pangbuong buhay na lakas ko para maalis ko ito sa pagkakadamba sa akin.

Tumayo ako at nagpagpag. Tinanggal ko ang mga duming nakuha ko lalo na ang laway ng asong tumulo sa may dibdib ko.

Lumapit ako sa aso at tinitigan ito. Tila sinusuri.

Nakapagtataka, bakit kaya bigla na lang natulog ang aso? Or namatay ito? Namatay kaya ito sa takot sa akin? Imposible naman ata 'yun.

Sa aking pagsusuri ay may nakita akong isang pin na nakatusok sa leeg ng aso.

Posible nga bang may tumulong, o nagligtas sa'kin?

Lumingon ako sa paligid, nagbabasakaling mahanap ang taong nagligtas sa'kin.

Ngunit wala akong nakita.

"S-salamat at niligtas mo 'ko. Kung hindi dahil sa'yo baka kinain na 'ko ng asong 'to. Pwede ba kitang makita?" lumingon ako dahil may narinig akong ingay. Yapak ng mga paa.

"Ikaw ba 'yan? Magpakita ka naman oh. Gusto sana kitang pasalamatan ng personal."

"Hello?" I said to no one.

Dumaan ang ilang minuto. Nakatayo lang ako. Naghihintay. Ang ingay lang ng malakas na hangin kasabay ng pagsayaw ng mga puno ang naririnig ko. At pati rin ang mumunting kanta ng mga ibon.

Maya maya pa ay may narinig akong mga yapak ng paa. Palapit nang palapit ito sa akin. Siya siguro 'yung nagligtas sa akin. Mabuti naman at naisipan pa niyang lumabas.

Ngiti-ngiti kong sinalubong ang taong paparating. 'Di ko man siya nakikita dahil sa mga halaman at punong nakaharang, alam ko siya 'to.

"Saan na kaya nagsusuot 'yung si Sol? Grabeng asong 'yun."

"Ikaw naman kasi eh, nakatali na nga, pinakawalan mo pa. Puchacks na buhay 'to o, patay tayo kay boss pag nagkataon."

Bigla akong namutla sa nakita at narinig ko. Nanigas rin ako sa aking kinatatayuan.

Akala ko sila 'yung nagligtas sa akin. Hindi pala. Sila pala ang may-ari ng aso. Lagot na.

"O tol! Aso ang hinahanap natin pero pusa ang nagpakita." sabi ng isang panget na lalake saka ito ngumisi.

"Oo. Aba naman. Pag sineswerte ka nga naman. Masarap na ulam ang aso, pero mas masarap ang ulam na nasa harapan natin ngayon pre." sabi ng isang panget na naman na lalake at dinilaan niya ang kanyang labi saka ngumiti ng nakakaloko. Ngiti ng isang manyak. Isang rapist.

Hindi naman ako mahilig manlait pero totoong panget 'yung kaharap ko ngayon.

Hindi sana ako gaanong kinakabahan pero mas kinabahan ako sa mga mukha nila. Mga mukha ng rapist.

"Teka? Pre, si Sol!" tanong ng lalake habang tinuturo ang walang malay na aso.

"Ha? Asan? Pre! Si Sol 'yun! Anong ginawa mo sa aso namin?" lagot na, nalaman pa nila na namatay ang aso nila. Pero 'di naman ako pumatay diba?

"Ah eh. Sige po alis na po ako." sabi ko sabay talikod at mabilis na naglakad palayo. Tatakbo na sana ako ng malakas nang mabilis na hinawakan ng dalawang lalake ang magkabila kong braso.

"Bitawan niyo nga ako! Ano ba!" nagpupumigalas ako sa kanila. Buong lakas kong tinatanggal ang kanilang pagkakahawak sa aking braso ngunit wala itong epekto.

"Anong ginawa mo sa aso namin?!." maangas na tanong ng lalake sa akin.

"Wala akong ginawa sa aso niyo! Ano ba! Bitawan niyo nga ako!" kahit na alam kong walang epekto ang lakas ko, nagpupumiglas parin ako. Ayokong umiyak, walang magagawa ang iyak ko sa sitwasyong ito.

"Tutal, kinatay mo ang aso namin..." mapangahas niyang inamoy ang buhok ko na nakapag tinding ng balahibo ko. "Kakatayin ka na rin namin."

"Ano ba! Tulooooooooooooooong!!! Tulooooooooooong!!!" sigaw ko. Pakiramdam ko halos mabiak na ang aking lalamunan sa lakas ng sigaw ko.

"Walang tutulong sa'yo dito miss. Gubat ito. Wag mo na kaming pahirapan pa. Kung ako sayo, makisama ka nalang. Paliligayahin ka namin." bigla akong nangilabot sa sinabi ng lalake sa akin. Naiiyak na talaga ako.

Pilit nila akong kinakaladkad. Habang ako naman ay ginagawa ang lahat para makatakas.

Dahil sa nagkandahalu halong emosyon, kaba at takot, ay nagawa kong sikuhin sa may rib cage ang isang lalake kaya napabitaw ito sa pagkakahawak sa braso ko.

"Arrrrrrggghhhhh..."

Sinuntok ko naman sa tenga ang isang lalake gamit ang nakawala kong kamay dahilan para mapahawak siya sa tenga niya.

I took my opportunity para makatakbo. Ngunit 'di pa ako nakakalayo ay mabilis na sinabunot ng lalake ang buhok ko. Napapikit ako dahil sa sakit ng pagkakasabunot ng lalake. Umaagos na ang aking mga luha.

"You wanna play with us? Let's play!" pagkatapos bumulong ang lalake ay mapangahas niya akong tinapon sa lupa na puno ng maliit at matalim na bato, dahilan para gumulong ako.

My sight got blurry because of the tears. Ramdam ko sa buo kong katawan ang hapdi, pagod, at pasakit. Sumasakit na rin ang aking dibdib dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

Pinilit kong bumangon ngunit dahil sa mga nakuha kong sugat, nabigo ako. Nanatili akong nakadapa sa lupa. Patuloy parin ang pag-agos ng aking mga luha. Hindi ito humihinto.

Gusto ng pumikit ang mga mata ko. Nais ko nang matigil ito. Pagod na ako. Wala na akong maibubuga pa.

Naramdaman kong nilapitan ako ng isang lalake, 'di ko mapuna kung sino. Sinabunutan na naman niya ang buhok ko at pilit akong pinatayo.

Napasigaw ako sa sakit ng pagkakasabunot niya sa akin. Napahawak rin ako sa kamay ng lalake para maibsan ang sakit. Gusto kong magmakaawa ngunit wala na akong lakas na magsalita.

"You started this, kung sumama ka lang sana sa amin ng maayos... Hindi ka sana hahantong sa ganito." bulong ng lalake.

"Bitiwan mo siya."

"At sino ka naman?! Boyfriend ka ba ng babaeng 'to? " binitawan ako ng lalake at napahandusay ako sa lupa.

Panginoon ko. Maraming salamat. Sabi ko sa sarili at napapikit.

"Hindi. Pero pwede na rin."

* * * * *

Thanks for reading.

Please Vote.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top