Chapter 2: Stupid Game

Charles' POV



Hey there, Charles Ion Stern here. Hindi ko na ipapakilala nang maayos ang sarili ko. 'Yung mga sinabi ni Ella sa inyo ay 'yon na muna sa ngayon. Sobrang gabi na ngayon at isa pa inaantok na ako kaya nakakatamad ng makipagkwento sa inyo.

Naglalakad ako paakyat ng kwarto, bago ako pumasok ay nilingon ko muna ang kwarto ni Ella. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit tinitigan ko ang mukha ng pinto ni Ella.

Sa gitna ng aking pagtitig ay naalala ko ang nangyari kanina.

" Ella, nagtataka ka siguro kung bakit 'di kita hinabol kanina, kung bakit 'di kita hinabol sa kwarto mo para icomfort ka. You must and you need to understand that kahit 'di ko pa sabihin sa iyo. At dahil hindi lang 'yan ang mararanasan mo pagdating ng araw. Lalo pa at nakapagdesisyon na si papa. Kailangan mong masanay at ihanda ang sarili mo, because you don't know yet what really lies ahead." Sabi ko na lang sa sarili ko.

Nakayuko at umiiling akong pumasok sa kwarto ko.

* * * * *

Ella's POV

Pagkagising ko sa umaga ay medyo nahirapan akong buksan ang dalawa kong mata. Naku naman, napuno ng muta ang dalawa kong mata. Grabe pala talaga ang iniyak kagabi.

Dumiretso na ako ng banyo saka nanghilamos at toothbrush. Then the lingering fog of sleep quickly vanished.

Sa gitna ng aking pag-totoothbrush ay pansin ko ang mataba at medyo maitim na eye-bags sa ilalim ng dalawang mata ko.

Grabe. Sobra nga pala talaga ang iyak ko kagabi.

At bigla ko na lang naalala ang pangyayari kagabi. Napangiti nalang ako, weird nga eh, ngumiti ako pero hindi ko alam ang dahilan ng pagngiti ko.

Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Noong akmang bubuksan ko na ang refrigerator namin ay biglang nag-vibrate ang cellphone ko.

Kinapa ko muna ang bulsa ko at agad na kinuha ang cellphone ko para basahin ang text message.

6:00 AM
From: Unknown number

You need to find your way to us... You have two hours. Good luck. :)

Huh? Bakit parang andaming weird ngayon? Nagpapatawa ba siya? Hindi ko nalang pinansin at uminom nalang ako ng tubig.

Nang binalik ko na ang bote ng tubig, doon ko lang napansin ang maliit na note na nakadikit sa pinto ng refrigerator.

P#1:
First, you need to eat Ell. (para sa P#2)

Ahh. Baka nilutuan ako ng pagkain at nag-iwan nalang ng note para sa akin. Sweet naman nila. Pero ano naman yang P#1 P#2 na 'yan? Science? Mathematics?

Kaya ko namang magluto ng pagkain para sa sarili ko at kung tatamarin man ako ay may tatlong katulong naman kami. Dideretso na sana ako sa kwarto nang mapansin ko ang magandang pagkain sa mesa. Opo, maganda siya kasi nakakatakam tignan.

Bago pa maubos ng titig ko ang nakahandang pagkain ay umupo na ako at agad inatake ang pagkain.

6:23 AM na nang matapos akong kumain. Grabe, mahigit 20 minutes akong kumain.

Bumalik agad ako sa kwarto ko para magbihis. Nang matapos na ako ay dumiretso na ako sa ibaba patungo sa front door para lumabas. Gagala muna ako para makapag move-on sa nangyari kagabe.

Ang alam ko kasi nasa trabaho na sina mama at papa ngayon.

Laking gulat ko nalang nang akmang bubuksan ko na ang pinto ay hindi ito mabukas. Naka-lock ata? Ay, ano ba? Syempre naka-lock.

Pero sino naman ang siraulong makapangtrip na ilock ako rito sa loob? Mukhang ako nga lang yata ang nandito ha.

Kahit anong gawin ko ay wala parin. 'Di ko parin siya mabuksan. Sinubukan ko na ring hanapin ang susi, posible kasing nandito lang 'yon sa bahay. Pero wala parin. 'Di ko rin nahanap ang susi. At tiyaka ang laki kaya nitong bahay. Paano ko naman mahahanap iyon?

'Di nagtagal, sa makailang subok ko, sumuko na ako. Wala talaga akong magagawa kung 'di ang makulong. Pwera na lang na ako si Superman o kaya may powers ako. Pero wala, such things don't actually exist.

Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa pagod. Medyo sumakit din 'yung tiyan ko sa sobrang kain ko kanina. Teka, speaking of "kain" ano 'yung?..

Bigla kong naalala ang anonymous text kanina. Kaya agad kong kinuha at binuksan ang cellphone ko para basahin ulit ang mensahe.

6:00 AM
From: Unknown number

You need to find your way to us... You have two hours. Good luck. :)

Ano ba 'yan besh. May pa goodluck-goodluck pa itong nalalaman.

Nauhaw ako kaya bumalik ako sa refrigerator. 'Di ko pa nabubuksan ang pinto nito nang makita ko na naman ang note na nakadikit. Binasa ko ulit ito.

P#1:
First, you need to eat Ell. (para sa P#2)

Ano bang ibig sabihin nito? Oo tapos na akong kumain. 'Di ko  pinansin ito at uminom na ng tubig.

Habang paakyat ako sa kwarto ko ay napaisip ako. Ano naman kaya ang ibig sabihin ng P#1 at P#2 na 'yan? Teka, bigla nalang dumilat ng isang perfect sphere ang mata ko sa naisip.

Kaya naman patakbo akong bumaba ng hagdan patungo sa refrigerator para kunin ang note at binasa ulit ito.

P#1:
First, you need to eat Ell. (para sa P#2)

Kailangan kong kumain para sa P#2? Ano 'yun? Kumain naman ako ah.

Nagtatakang tinatanong ko sa isip-isip ko ang sarili ko patungkol sa ibig sabihin ng P#2 habang lumalapit ako sa mesang kinainan ko kanina.

Kailangan kong kumain para sa P#2? Kumain naman ako kanina ah. Umupo ako at akmang kakain ulit nang may mapansin akong parang papel sa paligid ng prutas. Nakatayo ito kaya madali lang mapansin. Bakit 'di ko kaya napansin ito kanina?

The paper was folded three times. So I then unfolded it to know what's written inside.

Short bond paper ang papel. Kaya medyo mataas ang nakasulat. Kailangan ko pang mag-effort na bumasa. Pero 'di bale na, sanay na akong magbasa nang mahahabang storya at ibang novels. Kumpara dito? Wala sisiw. Kaya naman sinimulan ko na ang pagbabasa.

The moment you read this, I expect you to have eaten well. It is not coincidental but intentional that you only noticed this letter only when you sit at the right chair because we set the exact and perfect calculations for the place of this letter considering the measurements of probabilities your head might turn, the trajectories, and geometrical angles of all mathematical estimations and calculations.............

Huminto ako sa pagbabasa dahil baka 'di na kayanin ng utak ko at baka pati buhok ko malagas na. Dumiretso na ako sa parang importante talaga.

The point being is.....

LET'S PLAY? ELLA? Well, whether you're ready or not you need to play the game to find your way. So, are you in?

If you are then turn the paper at the back and read.

Good Luck.

Kunot-noo ko namang binasa ang likurang parte ng mensahe.


Sobrang nanlaki ang mga mata ko sa oras na binasa ko ang likurang parte ng papel.

    Ella, the name of the game is what we call "The Hide and Seek". Of course one of the possible ways of winning the game is to just go look for that hidden thing but I'm telling you that won't do any good. The best thing you could do is do as what is instructed to you. If you are thinking of backing up then don't. We are pretty serious of locking you up until you die and rot in that house. We also got your family completely immobilized in case you call a help from them. Calling the police or anyone won't do too because we secured and easily entered the foolish system of your house.

ARE WE CLEAR?

    Halos hindi ako makagalaw sa nabasa kong ito. Anong ibig sabihin nilang game? Na kapag 'di ko napanalo ang ay habang buhay akong makukulong sa malaking bahay na 'to?

    Tapos hindi ako makakahingi ng tulong sa sino mang tao kahit sa pamilya ko o sa mga pulis ay hindi pwede.

    Na-hostage din nila ang pamilya ko. Bakit? Ano bang ginawa ko?

   Baka naman biro na naman 'to nila kuya. Pero hindi magandang biro ito ha, hindi na nakakatuwa.

   Bigla ko namang naisip na subukan ang signal ng cellphone ko.

  At nagulat ako nang makumpirma kong wala talagang signal. No service lang ang nakalagay. Agad akong tumakbo patungo sa living room para icheck ang telepono.

   Ano ba 'to? Pati telepono ayaw gumana. Natatatakot na ako ah.
Tinungo ko ang  bawat sulok ng bahay pero wala akong makitang kahit isang tao kaya bumalik na lamang ako sa living room.

    “Okay you win, you all win. Panalo na kayo sige na labas na. Natatakot na ako. Pero gusto ko lang malaman niyo na hindi na nakakatuwa ito,” sigaw ko na may halong tono ng pagkatalo. Pero wala paring sumagot.

    “Kuya Charles, alam kong ikaw ang may pakana ng lahat ng ito kaya itigil mo na 'to. Isipin mo, may utang ka pa sa akin kagabi tapos dadagdagan mo na naman ngayon?!" Sigaw ko nang naiinis na. 'Di parin kasi sila lumalabas.

    “What on earth is the matter with you people?!“ Sigaw ko ulit, at 'di ko na namalayan ang tuluyang pagpatak ng luha ko.

    Napaupo ako sa sofa dahil sa takot at bigat ng nararamdaman ko. Ano ba naman ito. Kagabi lang umiyak ako. Tapos ngayon? (Sorry mga readers ha. Kung medyo iyakin ang lola niyo.Nagiging OA na ako.) Hindi naman ako ganito. Malakas ako. Matibay.

   
    Tama. Biglang tumalas at lumakas ang damdamin ko. Malakas ako. Matibay. Tumayo ako at sinabing, “okay, I'll be playing your stupid game. At ipinapangako ko! I ... I will win this!”

Naku, mukhang nasisiraan na nga talaga ako ng ulo. Pero sige.

    Lumakad na ako at pinulot ang papel na naglalaman ng kung ano man.

   Yes. I'm stupid. But not stupid enough to back up.

* * * * *

LET'S GET STARTED...

This first task is easy. Called "The Associated Words".

volley..........

bearing.........

field...........

Find your answer.

And your answer will lead you to the next test...to bang an explosion.

Natatandaan ko 'to. Noong elementary pa kasi kami nila kuya at Dorothy, mahilig kaming maglaro ng mga english puzzles.

Ang larong "The Associated Words" ay madali at the same time mahirap. Kailangan mo lang kasing mag-isip ng isang word na pwedeng ipares o ikonekta sa isang word para makabuo ng compound word.

And mahirap lang dito ay iisang word lang ang sagot at dapat ang word na iyon ay pwedeng ikonekta sa tatlong words na ibinigay.

Madali lang para sa akin 'to kaya naka-isip agad ako ng sagot. Madali lang naman ang sagot eh. 'Yun ay,

BALL

ball ang sagot dahil pwedeng-pwede siyang ikonekta sa tatlong words na ibinigay.

volley--------------volleyball

bearing------------ballbearing

field--------------ballfield

Nakangiti kong isinulat ang sagot na BALL sa papel.

Ngunit bigla akong natigilan.

Binasa ko kasi ang dalawang huling linya.

Find your answer.

And your answer will lead you to the next test... to bang an explosion.

Nahanap ko na ang sagot. Pero parang wala namang nangyari. Paano ba ako gagabayan ng sagot ko sa susunod na test? How will I proceed to the next test with the use of this answer?

Hindi kaya mali ang sagot ko? Pero hindi maari. Sigurado akong BALL ang sagot.

"It doesn't even make sense," bulong ko sa sarili ko.

Kailangan kong kumalma. Halos tumalon na palabas ang puso ko sa sobrang kaba. Hindi ako maaring magkamali. BALL talaga ang sagot.

Relax lang Ellizabeth. May dahilan kung bakit pinangalanan kang Ellizabeth.

Or else may trick. Tama! Isang trick. Pinahid ko ang mga butil ng pawis ko sa noo gamit ang likurang parte ng kaliwang kamay ko.

Sigurado akong may trick 'to. Binasa ko ulit ang maliit na papel na naglalaman ng first test.

LET'S GET STARTED...

This first task is easy. Called "The Associated Words".

volley..........

bearing.........

field...........

Find your answer.

And your answer will lead you to the next test... to bang an explosion.

May bigla akong 'di maipaliwanag na naramdaman, excitement siguro at dala na rin ng adrenaline rush, nang tinitigan ko nang matagalan ang dalawang pangungusap.

Find your answer.

And your answer will lead you to the next test...to bang an explosion.

Nang mas tinitigan ko ang isang pangungusap ay mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Parang mga kabayong hinahabol ng isang malaking liyon. Pakiramdam ko rin ay umaakyat na ang dugo ko sa katawan.

Find your answer.

Find your answer.

Find your answer.

Find your answer.

Tama!

Agad akong tumakbo at hinanap ang sagot ko. Ang sagot na gagabay sa akin sa next test. "The second test."

Tumakbo ako sa taas at isa-isa kong pinasok ang kwarto ng mga magulang ko at kwarto ng mga kapatid ko. Lahat ng kwarto ay bukas maliban sa isang kwarto. Ang kwarto ni kuya Charles.

Isa-isa kong napasok ang kwarto pero ni isa man ay wala akong bolang nahanap. Baka nagtataka kayo kung bakit ako parang sira na naghahanap ng bola.

Narealize ko kasi habang tinitigan ko ang linyang "Find your answer" na literal pala ang test. Hindi lang basta "find your answer" ay sasagutan lang ang puzzle tapos 'yun na.

Sinabi kasing "Find your answer," kaya literal kong hinahanap ngayon ang bola.

Ang kwarto ni kuya Charles na lang ang hindi ko napasok dahil naka-lock ito.

Napaisip ako na sinadya talagang ilock ang kwartong ito dahil may bolang nakalagay rito. Mahilig kasing maglaro ng basketball si kuya Charles. Kaya lang paano ako makakapasok kung nakalock?

Hindi. Kailangan kong makapasok dito.

Walang alinlangan kong kinuha ang vase sa may gilid ng pintuan at malakas kong pinalo at ipinukpok ito sa pinto. Bahala na. Isa pa, laro nila ito. Hindi ko kasalanang sumabay sa laro.

Makailan kong ipinukpok ang malaking vase sa pintuan dahilan para mabasag ito. Na naging dahilan din ng pagdugo ng dalawang kamay ko dala ng mga hiwang gawa ng basag na vase.

I suffer from a condition called, hemophobia. Oo, takot ako sa dugo. Noong bata ako ay madalas akong mahimatay dahil sa phobia ko.

Ngunit ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi ako natinag. I overcame my phobia. Dahil sa frustrations na nararamdaman ko ay wala sa isip kong sinuntok ng paulit-ulit ang nasirang bahagi ng pinto dahilan para mabutas ito. Kasabay iyon ng pagpatak ng luha ko.

Ang nagawa kong butas ay may sapat ng laki para maipasok ko ang aking kanang kamay.

Nang maipasok ko na ang aking kamay sa nalikha kong butas ay agad kong inabot at hinanap ang door knob. Nang sa wakas ay nahanap ko ito ay agad ko itong binuksan.

Mabilis kong hinanap ang bola at hindi man lang pinansin ang hapdi ng sugat sa dalawa kong dumudugong kamay.

Agad ko namang nahanap ang nag-iisang bola sa kwarto ni kuya. Ngunit nang napasakamay ko na ang bola ay wala akong maisip na gawin.

Alam kong may kailangan akong mahanap o makuha. Isang note o papel man lang kagaya nung unang test.

Bigla akong napaisip at pinulot ang papel na may bahid na nang sarili kong dugo. Tiyaka binasa ang huling dalawang linya ng unang test nang paulit-ulit.

Find your answer.

And your answer will lead you to the next test...to bang an explosion.

Kahit ilang ulit kong basahin ang dalawang linyang ito ay wala ni isang hint o clue ang pumasok sa mahinang utak ko.

Syempre. What would I expect? Sa hina ng utak kong ito, tingin niyo ba kaya kong isolve ang ikalawang test na 'to? Eh, unang test pa nga natagalan na ako. Sinaktan ko pa nang sobra ang sarili ko.

Unti-unti nang nagingibabaw ang pagkabigo sa katauhan ko habang tinititigan ang dalawang linya nang may mapansin akong kakaiba.

Hindi. It's more like nabasa. Literal na naman po kasi siya na kahit sinong BOBO ay makakahalata.

Find your answer.

And your answer will lead you to the next test... to bang an explosion.

...to bang an explosion.

...to bang an explosion.

...to bang an explosion.

Bigla na lang dumilat nang pagkalaki ang mga mata ko na parang isang piso nang marealize ko ang isang literal na clue na naman.

"... to bang an explosion". Tama. 'Yun nga. Mabilis akong tumakbo patungo sa kusina dala-dala ang bola.

Nang makarating ako ay agad kong kinuha ang kutsilyo at sinaksak ang bola. Simple lang naman kasi. Kailangan kong mag-bang ng explosion. Kaya isa sa mga magagawa ko ay ang butasin at paputukin ang bola. Ang hula ko ay nasa loob ng bola ang susunod na test.

Kahit anong paraan ng pagsaksak na ang ginawa ko sa bola ngunit hindi parin ito pumuputok o kahit mabutas man lang. Tumatalon lang pabalik ang kutsilyo sa oras na sinasaksak ko ito sa bola.

Ngayon ko lang napag-alamang ganito pala ka tigas ang bola oh kaya naman ay sadyang, anong ngang tawag doon? Elastic?

Alam kong ang elastic ay isang term na pag-aari ng science. At alam ng lahat na wala akong panlaban sa science na 'yan. I mean ano naman ang alam ko tungkol sa Elastic? Eh wala nga akong alam sa mga Elasticity na 'yan.

Bigla nalang akong natigilan sa isang salitang biglaan na lang lumabas sa utak ko. ELASTICITY. Sigurado akong hindi ako 'yon. Hindi ko alam pero nararamdaman ko. Nararamdaman ko 'yung pakiramdam na alam mong 'di mo inisip pero bigla nalang lumabas sa utak mo.

"ONE OF THE WAYS TO DEFY ELASTICITY IS THE POWER OF STRENGTH WITH SPEED. AND IT IS STATED IN THE LAW OF FORCE THAT THE HIGHER THE ACCELERATION, THE GREATER THE FORCE"- 'yan ang mga salitang dumadaloy sa utak ko. Ewan ko. Hindi ko maipaliwanag. Para itong daloy ng tubig sa isang sapa na 'di mo na mapipigilan pa.

Hindi ko alam pero bigla ko nalang inilagay ang bola sa itaas ng sink ng kusina namin at dahan-dahang lumakad palayo sa bola.

Huminto ako sa paglalakad hawak-hawak ang kutsilyo. At bigla nalang akong umikot. Sabay ng pag-ikot kong iyon ang pagtapon ko ng kutsilyo sa bolang nakatayo sa sink.

Sumunod ang tunog ng isang malakas na pagputok ng bola at tunog ng isang bagay na nabasag.

Hindi lang pala sa bola sumapol ang kutsilyong tinapon ko kung hindi bumaon din pala ito sa mismong tiles ng lababo. 'Yung tipong nag-penetrate ang kutsilyo mula sa bola hanggang sa tiles.

Kahit nagtataka man sa nangyari ay lumapit parin ako sa bola at nagsimula ng hanapin ang note at nahanap ko naman agad ito. Kaya naman walang alinlangan ko itong binasa.

Glad you made it.

Let's get to business then.

* * * * *


Note:

Abangan ang test two.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top